Chapter 7

725 10 5
                                    

Kinabukasan ay masayang pumunta si Slater sa shoot. Inspired na Inspired ang lolo niyo. Kahit na anong pose ang ipagawa agad niyang nakukuha kaya't di napigilan magkomento ng photographer.

"Slater ah.. inlove ka yata eh.. blooming ka ngayon" 

"Huh? Hehe" tumawa na lang si slater sa narinig

Pagkatapos niya sa shoot ay umuwi muna ito sa condo niya saka nagtext kay tin habang kumakain ng banana split. 

"Tin..." ang tinype ni slater sa phone niya saka sinend sa dalaga.

Limang minuto na ay hindi pa rin sumasagot si tin. Nakaka-sampung check na si slater sa phone niya  kung nagreply na si tin pero wala pa din. Nagpasya siya na maligo na muna pero hindi pa siya tapos maligo nang marinig ang cellphone na tumunog. Agad na nagtapis ng twalya si slater at tumakbo sa may kama para tignan ang cellphone niya.

"Yes?" ang matipid na sagot sa text ni tin sa kanya pero ganun pa man ay natuwa si slater na sumagot sa text niya si tin.

Agad agad na nagreply si slater "Mamaya ha? :)" at tumungo na ulit ito sa banyo para ituloy ang pagliligo niya

                                                           --------------------------------------------------------

"Mamaya ha? :)" ang natanggap ni tin na kasunod na text galing kay slater

Napailing siya sa tuwa. "Grabe slater ikaw na! Papatayin mo ko sa kilig! Kainis!" sabi niya sa sarili niya

                                                           --------------------------------------------------------

Pagdating ng 7 PM ay tumawag na si slater para sabihin na dadaanan siya nito sa may parking lot nang station. nagpaalam na si Tin kay Ms.Alex na kailangan na niyang umalis.

"Give me a good reason first" pormal na sabi ni Ms. Alex

"Ms. A..kasi po..."

"May date ka...at ang date mo eh si slater young?" nakataas ang kilay nito

"Pano niyo po nalaman?" nahihiyang tanong tin dahil nabuko ang sikreto niya

"Kay marjie.. walang balita sa department na to ang nakakalagpas sakin tin, kaya nga magaling akong reporter eh" 

"Ms. A friendly date lang po yun"

"A date is still a date. Sige go..but be early tomorrow okay?"

"Yes Ms.A... thank you!" agad na bumaba si tin ng building at nang nasa may parking lot na siya ay nilabas niya ang make-up kit niya para mag-ayos sana pero pumarada ang isang itim na kotse sa harap niya.

Lumabas si Slater galing sa driver's seat saka pinagbuksan siya ng pinto sa front seat. "Sakay na tintin" nakangiti naman itopero di makita ang mata dahil sa shades na suot nito

Nnag nakasakay na sila at nagddrive na si slater ay nagtanong si tin "Wala kang driver?"

"Meron,, pero ako na muna magdrive ngayon" tinanggal na ni slater ang shades niya at pinatong sa dashboard

"Okay..pero sana nagdala na lang ako ng kotse ko para di mo na ko kelangan ihatid mamaya" komento ni tin

"Hay nako tin, okay lang.. ako ang nagyaya so okay lang na ihatid kita"

Pagdating nila sa isang resto sa loob ng Loyola Heights na may zen theme ay nagulat si tin nang isuot muli ni slater ang shades niya. 

"Slater gabi na bat naka-shades ka pa wala nang araw"

Million Miles AwayWhere stories live. Discover now