Million Miles Away

2.2K 19 9
                                    

Christine "Tin" Patrimonio:  - A "newbie" intern in the News Department of A huge television network, the ST channel. Her dream is to become a sportscaster since she is also an athlete.  She also has a long time crush on Slater Young  who is an actor in the same station. 

Slater Young- A big time actor in the same network. He is a part of a loveteam with a huge fan base

*First day ng Internship ni Tin

Na-late magising si tin kaya nagmamadali siyang naligo at nagbihis. Niyaya siya ng mama niya na mag-breakfast mun pero tumanggi ito at nagmamadaling tumakbo papunta sa kotse niya. Nag-drive na to papunta sa network. Pagka-park niya ng kotse niya ay tumakbo na ito papunta sa loob. Ang hindi niya naanticipate ay ang grupo ng fans na naka-harang sa may entrance at nagkakagulo.

"Excuse po, Excuse po"  naiirita na si tin pero marespeto parin naman niyang hinahawi ang mga tao sa daan. Masama ang tingin ng iba sa kanya pero wala na siyang pakialam dahil nga late na siya. Naisiksik niya ang sarili niya sa mga nakaharang na tao hanggang sa makarating siya sa may dulo at tumama sa lalaking pinapalibutan ng mga ito. Natulala si Tin nang nakita niya na ang super crush niyang artista na si Slater pala ang pinagkakaguluhan ng mga tao. 

"Hi! Magpapa-autograph ka din ba?" bati ni Slater ky Tin. 

"Umm..umm..." Natulala si tin at nataranta. Gustong gusto niya magpa-picture o kaya ay autograph manlang pero alam niyang late na late na siya. "Hindi..next time na lang! sige bye!" at tumakbo na ito paloob pinakita sa guard ang ID at umakyat sa news department.

Natigilan si Slater sa ginawa ni tin. "Wow, ngayon pa lang may tumanggi sa autograph ko ah" naisip niya. Nilingon niya si Tin pero nakalayo na ito kaya bumalik na lang siya sa pakikipag-papicture with his fans.

Meanwhile si TIn naman ay dumating na sa floor nila at dumeretso sa office ni  Alex Romero, ang big time na newscaster na kung san siya inassign. 

"Ma'am Alex, Good Morning po ako po si Christine Patrimonio,sorry po if nalate ako. May commotion po kasi sa may entrance ng building" nakatungong nagsosorry si Tin at takot na takot tumingin ky Alex.

"You have to expect that Young Lady. Madaming Sikat na artista ang network na to kaya malamang pagkakaguluhan sila. I'll accept your apology this time pero wag na wag na mauulit. Do you understand?" Mataray na sabi ni Alex

"Yes Ma'am. Sorry po talaga" nakatungo pa din ito

"One more thing, when you talk to people. Look them in the eye, to show that you're sincere. Okay? You will be representing me so I expect a good representation of my name and our network as well" Mataray pa rin na sabi ni Alex

"Yes Ma'am Romero" Tinignan na ito ni tin sa mata

Nakita na ni alex ang mukha ni tin nang buo at nagulat ito. "Tignan mo. Ang ganda ganda mo pala iha. Bakit hindi ka nalang kaya mag-artista?" Business Unit Head naman ang Tita mo dito diba, Kaya ka nga nakapasok for OJT?  Mas marahan na magsalita ito at di na masyado nagtataray

"Hindi ko po kasi pangarap yun. Gusto ko po talagang maging reporter or sportscaster" paliwanag naman ni Tin sa kanya

"Ah, pero sayang.. magkamuka pa naman tayo"  ani alex

"Oo nga po eh" magalang na sagot ni tin

Tinitigan ni alex si tin at nang hindi na nito makayang pigilan ay tumawa ito ng tumawa

"Bakit po?" nagtatakang tanong ni tin

"Wala. Alam mo gusto kita. Magkakasundo tayo" sagot naman ni alex sa kanya 

                                ------------------------------------------------------------------------

Nagdaan ang oras at pauwi narin si tin sumakay siya sa isa sa mga elevator. Tumgil ito sa 5th floor at may sumakay na tatlong babae. Namukaan naman niya ang isa dito. Ang isa ay ang kaloveteam ni Slater na si Fritzie Martinez.. Hindi napansin ni Tin na nakakatitig pala siya dito nang lumingon ang kasama nito at kausapin siya.

"Hi, I'm rea.. handler  ni Fritz. Ikaw may manager ka na ba?" tanong ng babaeng nagngangalang Rea.

"I'm Tin po,  hindi po ako  mag-aartisa. Aspiring reporter po ako" malumanay naman na sagot ni Tin

"Ganun? Sayang naman ang beauty mo pwedeng pwede ka ipartner sa mga hunks dito. If ever magbago ang isip mo. Give me a call okay?" Nakangiti nitong inabot ang calling card niya ky Tin at dahil ayaw naman ni Tin na mapahiya ito ay kinuha na rin niya ang card.

Nang makarating na sa Ground Floor ay bumukas na ang pinto ng elevator.

"Rea, Eri, let's go!!" Mataray na sabi ni Fritzie sa kanila

"Ang taray naman nun!!" naisip na lang ni Tin at sumunod na siyang lumabas at dumeretso sa kotse niya.

                                                 -----------------------------------------------------

*Sa Bahay nila Tin

"Kamusta naman ang First Day mo?" tanong ng Mommy ni Tin

"Okay naman mama, magkasundo na kami ni Ms. Alex." Inaantok na sagot ni Tin

"Madami ka nakitang artista?" 

"Ay oo nga pala mama..nakalimutan kong ikwento! Nakita ko si Slater Young mama!!" 

"O tapos?"

"Tinanong niya ko kung gusto ko ng autograph kaso lang nagmamadali na ko kaya tumanggi ako"

"Naku anak,, sayang naman.. matagal mo na kinukulit ang tita mo na ipakilala yun satin diba? di bale makikita mo ulti yun"

"Hay...sana nga mama.. Sige matutulog na ko ah. Maaga pa ko bukas eh, bawal na daw malate"

"Sige anak.. goodnight"

Umakyat na si Tin sa kwarto niya at humiga pero di niya maalis sa isip niya na ang pag-face to face nila ni Slater Young Kanina kinuha niya ang scrap book niya na puno ng pictures at articles tungkol dito. Past 12 na nang makatulog siya.

Million Miles AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon