Her Secret Boyfriend

By Jazawesome

88.4K 1.6K 180

Isa lang akong ordinaryong babae pero bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana? hindi ba pwedeng isang... More

Prologue
Ch1: Unang Pagkikita
Ch2: Ang Aking Tagapagligtas
Ch3: Mga Bagong Kaibigan
Ch4: Role Playing
Ch5: Lights. Camera. GORA!
Ch6: Pabor ng Isang Kaibigan
Ch7: Foundation Booth
Ch8: Ang Aking True Love
Ch9: Lie about us
Ch10: Ang Aking Karma
Ch11: Oooopss!
Ch12: Kahit Ngayon Lang
Ch13: Ang Ebidensya
Ch14: Ang Aking Comfort Place
Ch15.1: Ako'y Isang Crying Baby
Ch15.2: Ang Bagong Maddy
Ch16: Mga Totoong Kaibigan
Ch17: Isang Pagkakataon
Ch18: Ang Kanyang Sekreto
Ch19: Ang Aming Bakasyon [part 1]
Ch20: Ang Aming Bakasyon [part 2]
Ch22: Ang Matamlay na Babae
Ch23: The Party [Part 1]
Ch24: The Party [part 2]
Ch25: The Party [Part 3]
Ch26: The party [Last part]
Epilogue

Ch21: Nakakawindang Ang Magimbestiga!!

2K 44 6
By Jazawesome



Patrick’s POV



 

One month na ang nakakalipas pero wala parin, pagtatanungin ko si Maddy kung anong pinagkakaabalahan ng mga magulang niya, ang sinasabi lang niya, nagmamanage ng isang business sa ibang bansa, tapos pag tatanungin ko kung anong position, sinasabi niya lang na ‘ewan’ wala daw kasi siyang alam sa mga ganyan kasi hindi naman daw nagkwekwento yung mga magulang niya

Pero pasalamat nga ako kay Maddy kasi kahit paulit-ulit hindi siya naiinis sakin, tumatawa pa nga eh, medyo weird din tong Maddy ko eh, kapal ko no? kahit hindi pa kami may kasama ng ‘ko’ yung pagtawag ko sakanya, syempre, dahil nga POGI AKO!

Pasensya na ha? Ngayon ko lang nilalabas yung pagkahumble ko, oo humble ako, humble pa ko niyan! Walang kokontra kung hindi pogi pa rin ako, hahahaha! Ok enough of this thing, kailangan kong malaman yung background ni Maddy

Pag-iisipin ko kasi, ayoko naming mapahiya si Maddy sa Christmas ball diba? Hindi ko kakayanin yun, baka pang habang buhay na niya akong isumpa

“Jake! Pssssssssst! JAKE!”

Bwisit tong hayop na to, natutulog habang may teacher sa harap, tsk tsk tsk!



 

“HUUUUY!”

 

“AY PANGET!”

 

“WAHAHAHAHAHA!!”

 

“What did you say Mr. Cunanan?”

Loko kasi, bigla ba namang sumigaw ng panget sabay turo kay sir, sino ba namang hindi matatawa dun?

“BALIW!”

 

“kasalanan mo to, bakit mo ba ko ginising?”

 

“Pwede favor? Pleaseeee?”

 

“Ano ba yun?”

 

“Anong alam mo sa parents ni Maddy?”

 

“Parents? Ang alam ko lang nasa ibang bansa sila, yun lang”

Walang kwenta, yun lang? sila Gabby kaya?

After ng subject namin dumeretso agad ako malapit sa upuan nila Gabby para tanungin siya

“Gab! Anong alam mo sa parents ni Maddy?”

 

“Napapansin ko lagi mo yang tinatanong kay Maddy ah, ano bang meron?”

 

“Wag mong sasabihin kahit kanino ha? Lalo na kay Madz”

 

“Ano ba kasi yun?”

 

“Kasi may deal kami ni mama…”

Kwinento ko kay Gabby lahat ng napag-usapan namin ni mama, medyo nagulat siya pero medyo lang naman

“Eh bakit di mo na lang sabihin kay Maddy?”

 

“Eh kasi syempre ako lalaki, gusto ko ako gumawa ng paraan para pag sa mismong ball na, wala na siyang aalalahanin”

 

“Baliw! 3 weeks nalang christmas ball na”

 

“Yun nga, may alam ka ba?”

 

“hmm….ang pagkakatanda ko, nasa ibang bansa yung parents niya for work”

 

“Tapos? Tapos?”

 

“tapos….yun lang”

MABABALIW NA KO! sabagay, kung yung anak nga mismo walang alam, yung kaibigan pa kaya nung anak?! Kung hindi lang ako sure na gagawin ni mama yung deal hindi na ko mag woworry eh, kaso pag di talaga ako nagtagumpay dito byebye Maddy na T_______T

Hindi na ko nagtanong pa kila Chelsea kasi for sure hindi din nila alam yun. Bahala na.

“Si Maddy!?”

Kanina ko pa hindi nakikita yung puso ko na yun ah, bayaaan, nagiging bading na ba ko? pano na si Maddy? Puro pambading kasi mga nasasabi ko (- - “)

“Kakaisip mo hindi mo na napansin na nagpaalam siya sayo, half day kasi darating daw ata yung parents niya today”

 

“Ok thanks Cherry”

Kung sinuswerte ka nga naman oh, kung yung parents nalang kaya niya yung tanugin ko? THANK YOU LORD! SOLB SOLB NA KO!

Maddy’s POV

Napapansin ko na kanina pa tulala yung loves ko, arte ko no? loves talaga, hahahaa! Pagbigyan na, minsan lang to, shemss! Para na kong baliw, kinakausap ko lagi yung sarili ko, deeym! (- -“)

Nagpaalam na k okay Patrick kasi nagtext si mama na nasa airport na sila pero waley, tumango lang, mamaya na lang ako mageexplain

Nandito na ko kanina pa sa airport, 1 hour earlier excited ako eh, dito kasi sila mag chrichristmas syempre para hindi na ko gumastos papunta sa America tsaka isa pa, miss na daw nila ang pinas

“Maddison?”

“Mama?”

Lumapit ako kay mama at agad siyang niyakap, namiss ko si mama, kahit na lagi ko siyang nakikita sa skype syempre iba pa rin yung nahahawakan mo siya diba?

“Si papa po?”

Napansin ko kasing mag-isa lang siya



 

“Hindi pa siya makakauwi baby, pero susunod siya, may inaayos lang kasi siya about sa office”

Teka Chance ko na to para magtanong



 

“Ah mama, ano po pang trabaho niyo dun?”

“Nagmamange ng business natin, bakit anak?”

“Ano po bang business natin? Kasi ma, pag may nagtatanong wala akong masagot syempre kasi hindi naman ako interesado pero syempre gusto ko rin na may maisagot”

“Haha ikaw talagang bata ka, nagmamanage kami ng papa mo ng isang albergo”

“albergo?”

“Maiintindihan mo din baling araw, halika na?”

 Bago kami umuwi ni mama nag mall muna kami, ang tagal daw kasi naming hindi nakakapag bonding, pero feeling ko nagcuting ako kasi nasa mall ako ng class hours at naka-uniform pa ha? Pero bilib din ako kay mama, parang hindi napapagod, kung ako sakanya mas uunahin ko na yung magpahinga eh

Syempre kumain na rin kami sa labas kaya pagdating namin sa bahay natulog na kami, katabi ko si mama sa kama kasi ganun namin kamiss ang isa’t-isa, wahahaha! Masyado akong proud sa nanay ko! (~.~)v

Pagpasok ko ng school agad kong hinanap si Patrick para sabihin yung nalaman ko para hindi na rin niya ko kulitin about dun, pero absent siya ngayon sabi pa nga nila Chelsea na baka daw next next week na siya makabalik kasi may aasikasuhin daw sila ng family niya

HAAAY! Gusto ko pa naman sanang ipakilala si Patrick sa mama ko, saying naman (T__T)

1 week ang nakalipas ng wala akong gana pumasok mas gusto ko pa sa bahay kasi nandun si mama, eh sa school wala yung muka ni Patrick para ma-inspire ako, ni hindi nga nagtetext eh, kinukutuban tuloy ako na may hindi magandang mangyayari, wag naman sana

 ----------------------------------------------------------------------------------------

[A/N]: ano ang albrego? WAHAHAHAHA!! iresearch niyo :P pero sasabihin ko din siya sa author's note ko sa may ending chappie :))

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
18.5K 602 37
TREVINO SERIES #1 We all deserve to be happy.
2.2K 172 52
Storm Thompson was well-known for his natural charisma, his wit and cool personality. He's nice to everyone. Playboy? Flirt? Loves to play? nah. It w...
20.3K 402 64
Ikakasal na sana si Louisse sa kan'yang soon-to-be husband pero nang dahil sa malagim na trahedya, ang inaasahan niyang masayang kasal ay nauwi sa is...