MY 2: The Vow (EDITING)

By pinkyjhewelii

19.8M 263K 47.5K

│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014 More

MARRY YOU 2: The Vow
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 ∞ Bastard
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 ∞ Simbahan
Chapter 19 ∞ Moment
Chapter 20 ∞ Lucky
Chapter 21 ∞ Cookies
Chapter 22 ∞ Red Bottle
Chapter 23 ∞ Appreciated
Chapter 24 ∞ Baby Doll
Chapter 25 ∞ Get Out
Chapter 26 ∞ Not destined
Chapter 27 ∞ Let Go
Chapter 28 ∞ What?
Chapter 29 ∞ Time And Space
Chapter 30 ∞ Bakit..
Chapter 31 ∞ Speechless
Chapter 32 ∞ Leave
Chapter 33 ∞ Lesson learned
Chapter 34 ∞ Result
Chapter 35 ∞ One Minute
Chapter 36 ∞ Pervert
Chapter 37 ∞ Diamond ring
Chapter 38 ∞ Piece Of Sh*t
Chapter 39 ∞ Confidential
Chapter 40 ∞ Get Lost
Chapter 41 ∞ Fault
Chapter 42 ∞ Pain
Chapter 44 ∞ Beg And Let Go
Chapter 45 ∞ Over
END
MUST READ

Chapter 43 ∞ Begging

302K 5.2K 1.1K
By pinkyjhewelii

Yumiko POV

Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit sa dibdib ko. Ikaw ba naman ang mawalan ng anak dahil sa kapabayaan ko na rin.

Alam kong pareho kaming may kasalanan. Hindi lang si Lance. Pati ako. Alam kong buntis ako pero inuna ko ang pag-e-emote. Kung sana naging manhid nalang ako para di ako nakaramdam ng labis na sakit kay Lance, edi sana hindi ako na-depress, sana hindi nalaglag ang baby ko.

</3

Hindi ko na kayang patawarin si Lance. Masyado ng masakit ang manatili pa sa tabi niya. Ang hirap niyang ipaglaban. Ang hirap nyang mahalin. Ang hirap niyang intindihin.

Ilang araw ang lumipas bago ako nakalabas ng hospital. Si Lance, araw-araw nya akong pinupuntahan nun sa ospital pero tinataboy ko lang sya. Hindi ko siya kinakausap at higit sa lahat, hindi ako nag-aksaya ng ni segundo para tingnan sya. Ayoko syang nakikita dahil sa halip na gumaling ang puso kong nasugatan, lalo lang sumasakit to the point na nagkaka-infection na. Wala ng natitirang chance sa puso ko para sa kanya. I give up. Tapos na ang lahat samin.

Yumiko Hayashi. Nagbabalik na sa dati. Ibabaon ko na sa limot lahat ng alaala namin ni Lance.

Nag-stay ako sa condo na bagong bili ko lang. Kahit pinilit ako ni Lance na sa mansyon pa rin nila tumira, hindi ako nagpapilit. Bukod sa ayoko na syang nakikita, wala ng namamagitan pa sa aming dalawa. Hindi nakarating kay Papa ang nangyari sakin. Wala akong balak na ipaalam pa yun sa kanila. Magpapagaling lang ako then babalik na din ako sa Japan and stay there for good. Dahil bago ako lumipad pa-balik sa Japan, sasabihin ko sa lahat lalo na kina Papa at Mr. Abellano na uurong na'ko sa kasal namin ni Lance.

At pag nasa Japan nako, kung sinuman ang maging bago kong fiance, tatanggapin ko na at magpapakasal ako ng walang pag-a-alinlangan. Ayoko ng magmahal pa. Mas mabuti ng business nalang ang namamagitan sa lahat. Para hindi ko na ulit maramdaman pa ang ganitong klaseng sakit.

Bzzzzttt..

Huh? May bisita ako. Kung hindi yan si James o si Janna, tigers yan. Lagi nila akong kinukumusta. Si Lance hindi niya alam saan 'tong condo ko. Mahigpit kong pinagbawal sa lahat na wag sasabihin kay Lance dahil alam kong kukulitin at guguluhin nya lang ako tulad ng ginawa niya sa ospital.

Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan ang nag-buzzer.

"YUMIKO!"

O_O

Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Trigger. Bakit sya narito? At paano nya nalaman ang condo ko? "Why are you here? H-How?"

"Tch. Kung alam ko lang ang gagawing kagaguhan ni Lance, hindi ko dapat hinayaang balikan mo sya. Gago talaga yun. Mapapatay ko yun eh. Nag-hire ako ng private investigator para hanapin ka. Inalam ko din lahat ng nangyari sayo. Mula kasi nung nagkabalikan kayo ni Lance, nag-bakasyon muna ako sa London para mag unwind. Pero di ko inaasahan ang malalaman ko nang makauwi ako dito sa Pinas. Damn that asshole!" Galit na sabi ni Trigger saka diretsong pumasok sa loob ng unit ko.

Hinayaan ko nalang sya at sinaraduhan na ang pinto. Nagtungo kami sa salas. "Okay na naman ako." Sabi ko.

"You're not okay. Alam ko ang nangyari. Tch! Sabi ko naman sayo, nandito lang ako para sayo. Hindi pa naman kita gini-give-up. Nag-give-way lang ako." Sabi nya saka naupo sa sofa.

I sighed. "Ayoko na sanang pag-usapan yan. I'm moving on. Gusto ko ng kalimutan ang lahat ng nangyari."

"I know, I know. I'm sorry. Badtrip lang talaga ako sa gagong Abellano na yun."

"Ayoko na syang pag-usapan. I'm tired. Nanghihina pa ako."

"Sorry. Anong balak mo ngayon?" Tanong nya.

"Balak? Madami. I'm planning to go back to Japan pag nakausap ko na ang both side ng parents namin ni Lance. Uurong na'ko sa kasal."

"That good to hear. You know Yumi, I can be your fiance. I'm willing to marry you. You know that."

Hay. Ideal groom na din siguro si Trigger pero ewan ko ba. Wala syang amor sakin. "I have to rest. Kung gusto mo ring magpahinga, bahala ka na dyan. Aakyat nako sa taas." Paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nya.

May tiwala naman ako sa kanya kaya hayaan ko lang sya dito sa unit ko. Nang maka-akyat ako dito sa kwarto, ni-locked ko yung pinto saka pabagsak na nahiga sa kama.

Another day has passed. As always, nagpapahinga lang ako at kulong lang ako dito sa unit ko. Umiiwas nalang talaga ako sa lahat ng bagay at tao na maaaring makasakit sakin.


--


Lance POV

Araw araw na'kong nag-iinom. Fvck this life. I want Yumiko back. Sh*t. Kahit alam ko kung saang condo sya nakatira, hindi ko sya pinupuntahan. I'm giving her space dahil alam kong malaki pa ang galit nya sa'kin. Paano ko nalaman ang condo nya? Anong silbi ng private investigators? Tch.

Makakapatay na talaga ako. Naalala ko kanina. Pinuntahan ako ni Trigger. Tang*na nagbalik pa yung gago na yun. Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi nya kanina.

*flashback*

Ikinagulat ko ng makita ko si Trigger na nag-aabang sa labas ng mansyon.

"Tang*na mo Abellano!" Sinugod nya ako saka sinuntok.

Wala akong lakas na umilag at lumaban kaya napuruhan nya ako. Ilang pasa lang naman at sugat sa labi ang nakuha ko. I deserved that dahil alam kong ginawa nya yun para kay Yumiko.

"Tang*na! Nag-give-way ako dahil ikaw ang mahal ni Yumiko! Akala ko tuluyan ng sasaya si Yumi. Kaya nga umalis ako ng bansa. Tapos malalaman ko na mas malala pa ang ginawa mong gago ka! You don't deserved her love! You asshole! Mapapatay kita Abellano! Kung dati nagpaubaya ako? Asahan mo ngayon, once na makuha ko na si Yumi, hinding-hindi mo na sya makukuha pa. Tandaan mo yan. Wala ng sayo Abellano. Akin na si Yumiko. Wag na wag ka ng lalapit pa sa kanya. Damn you!"

*end of flashback*

Pagkatapos nun, umalis na sya. Doon ko na-realize na may mahigpit akong karibal kay Yumiko. Fvck. Hinding-hindi ako papayag na makuha nya si Yumiko. Gagawin ko lahat. Magbabago na'ko permanent. Gagawin ko yun para sa asawa ko. Para kay Yumiko. Fvck. Diko kayang mawala sya. Ikakasal pa rin kami. Kami pa rin sa huli. Kami lang.

"Bro iinom ka na lang ba palagi?" Tanong ni James na mukhang kararating lang dito sa mansyon. Dito ako umiinom ng alak sa bar counter sa may entertainment room.

"Ano pa bang maaasahan ko sa ngayon? Alak lang." Mahinahon na sabi ko. I'm trying to be calm. Nagbabago nako. Gusto kong ipakita hindi lang kay Yumiko ang pagbabago ko kundi sa lahat.

"Tch. Bro walang magagawa ang alak sa problema mo. Tanggapin mo nalang na.." He paused for a second. "Na inayawan ka na ni Yumi."

"Inayawan nya ako sa ngayon. Gagawa ako ng paraan para maibalik ang lahat sa dati. Mahal na mahal ko si Yumiko. Wala akong ibang hinahangad kundi siya lang."

"Tch. Kasalanan mo din kasi bro. Nung nasayo na kasi, hindi mo iningatan. Ngayong wala na sayo saka ka magkakaganyan. Nasa huli talaga ang pagsisisi." Umiiling na sabi ni James.

I know my fault. Tch. At tinanggap ko lahat ng pagkakamali ko. This time, talagang nagsisisi nako.

"Tch. Gagawin ko ang lahat, bumalik lang siya sa'kin."

"Goodluck sayo bro. Wag kang masyadong umasa. Basta gumawa ka nalang ng paraan Lance. Tandaan, wag puro pride at init ng ulo ang pagaganahin. Baka mamaya makita mo lang may kasabay na lalaki si Yumiko, mag-ala-HULK ka na naman dyan. Tch."

"Nagbabago nako. Alam mo yan."

"Oo alam ko bro. Pero minsa kasi puro ka satsat. Kaya ayos na rin yung sigurado."

Yeah he's right pero magbabago na talaga ko. I'm starting to control my emotions. At ginagawa ko ito para kay Yumiko.


--


Yumiko POV

Maaga akong nagising dahil sa tawag na natanggap ko mula kay Trigger. Niyayaya niya akong mag-lunch sa mall.

Yung kahapon na nagpahinga ako dito sa kwarto ko, ngayon lang ako nagising. Sumasama-sama pa kase pakiramdam ko.

Si Trigger akala ko nag-stay dito sa unit ko. Hindi pala. Umuwi din daw siya kahapon nung umakyat nako sa kwarto ko. Wala namang masama kung tinanggap ko yung invitation nya for lunch. Single naman ako at walang pwedeng magdesisyon para sa sarili ko kundi ako lang.

Mabuti pa maligo na ako para makapag-ayos na rin. Sa mall na kase kami magkikita ni Trigger.

Hello world! I'm free!


--


Nandito na ako sa mall. I'm waiting for Trigger. Inagahan ko talaga dahil wala naman akong magawa sa unit ko.

Nagsend na ako ng message sa kanya na nandito na ako sa mall.

Naupo ako sa isa sa mesa dito sa restaurant sa mall kung saan yung usapan namin ni Trigger.

Then wala pang one minute, may biglang umupo sa harap ko. Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Paano nya nalamang narito ako? Paano nya ako nasundan? Paano niya nalaman na pupunta ako dito?

"Babe."

I rolled my eyes and stared at him. "Do you need anything?" Mataray na tanong ko.

"You. My wife. I need you." He said sincerely.

Mahal na mahal kita Lance pero tapos na ang pagka-martir ko sayo. "You're wife's not here. Sorry mister pero naliligaw ka yata." Pagtataray ko pa rin.

"My wife's name is Yumiko Hayashi Abellano and I know that's you. Hindi pa'ko bulag para di makilala ang babaeng laman ng puso't isipan ko."

Nakikipagtagisan sya ng tingin sakin pero malambot ang ekspresiyon ng mukha nya.

I sighed. "Get out."

"As far as I know, you're not the owner of this restaurant so you don't have the right to get me out."

"You're disturbing me. So please? Get out or find another table." Sabi ko. Malapit nako mainis talaga.

"I want this table. I want to be with my wife." Matigas nyang sabi.

Argh! He's getting into my nerve. "Don't try me." Kayang-kaya ko na syang balewalain ngayon kaya wag nya akong susubukan. Di ako natutuwa sa kanya.

Hindi siya nagpatinag. He's still looking at me. Kitang-kita ko yung kalungkutan sa mga mata niya pero wala nakong pakialam pa.

"I love you babe. Mahal na mahal kita. Magbabago nako. Basta wag mo nako iiwan.."

I hate this kind of conversation. Tumayo nako. Pero bago ako tumalikod. Kinuha ko ang isang basong tubig na dinala ng waiter kanina at ibinuhos sa ulo ni Lance.

Narinig ko ang pag-singhap at bulungan ng mga taong nandito sa restaurant. Tumalikod na ako pero napatigil ako nang bigla siyang magsalita.

"Kahit pa ilang beses mo akong ipagtabuyan, kahit ilang beses mo pang ipamukha sa'kin na hindi mo na ako kailangan, hindi ako titigil. Hindi ako titigil dahil kailangan kita, mahal kita at diko na kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Gagawin ko lahat para bumalik ang dating Yumiko. Yung Yumiko na mahal na mahal ako.."

Sh*t. Nanggigilid ang luha ko. Kaya ayoko siyang nakikita eh. Sumasakit ang puso ko.

"Hindi na babalik ang dating Yumiko kaya wag ka ng umasa pa. Forget about me." Sabi ko habang nakatalikod.

"May tiwala ako sayo. May tiwala ako sa pagmamahal mo sa'kin. May tiwala ako s-sa.."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang marinig ko yung pag-garalgal ng boses nya. He's crying? I don't care. Lalakad na sana ulit ako nang dumating si Trigger.

"Yumi." He said bago ako nilampasan.

"Why are you here Abellano?" Narinig kong tanong ni Trigger kay Lance na nasa likod ko. Di pa din ako lumilingon.

"Pinupuntahan ko ang asawa ko." Sagot ni Lance.

Tumawa si Trigger. "Baliw ka na Abellano. Itatak mo sa isip mo na wala na si Yumiko sa'yo. She's mine. Okay?"

Hinayaan ko lang si Trigger pero wala na'kong narinig na sagot ni Lance. "T-Trigger let's go." Sabi ko.

"Okay Yumi. Let's go somewhere na walang mang-iistorbo sa'tin." Sabi ni Trigger saka ako inakbayan. Hinayaan ko lang sya.

Lalakad na sana ako ulit nang may humawak sa braso ko. Napalingon ako. Nakatayo na si Lance. He's crying. Sh*t.

"B-Babe. Wag kang sumama sa kanya please.."

Hinila ko ang kamay ko. "Wala kang karapatang utusan ako." Still, I can manage na mag-maldita kahit nanggigilid ang luha ko.

"Hindi kita inuutusan. I'm begging you. Babe okay lang na hindi mo ako pansinin, hindi mo ako kausapin pero nagmamakaawa ako, wag kang sumama sa ibang lalaki. Please babe.."

Lumuhod siya sa harapan ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.

Napakagat ako sa labi ko dahil pinipigilan kong umiyak.

"Yumi let's go." Sabi ni Trigger sa tabi ko.

Rinig na rinig na rin ang bulungan ng mga taong narito.

"B-Babe nagseselos ako. Babe mababaliw ako kakaisip kapag sumama ka sa lalaking yan. Babe akin kalang please. Akin ka nalang ulit. Please.." Luhaang sabi ni Lance habang nakaluhod pa din.

"T-Tumayo ka na dyan." Nauutal na sabi ko.

"Tatayo lang ako dito kung hindi ka sasama sa kanya." Sabi nya. Hindi niya man lang pinunasan yung basang ulo niya dahil sa binuhos kong tubig kanina.

"Damn you Abellano! Wag ka ng gumawa ng palabas! Wala ng sayo! Tanggapin mo na yun. Hinding-hindi na babalik sa'yo si Yumi." Sabi ni Trigger saka hinawakan ang kamay ko. "Tara na."

Napalunok ako. Seeing him like this, my heart is breaking into pieces. Pero mas masakit pa din yung ginawa niya kaya pipilitin ko ang sarili kong kalimutan at hayaan na siya.

Tumango ako saka tumalikod na.

"Babe! Please.." Bigla akong niyakap ni Lance mula sa likod.

"Abellano!" Sigaw ni Trigger pero hindi bumitaw si Lance sakin.

"B-Babe please..babe.."

T_T

Wala na. Diko na napigilang tumulo ang luha ko. "B-Bitawan moko.."

"No. No babe please.."

Sh*t naman. Bakit ganito si Lance? Wala sa nature niya ang pagiging ganito. He looks martyr. Hindi siya ganito! Dati pag nag-aaway kami, iniiwan niya ako at sinasabing bahala na ako sa buhay ko. Hindi siya mahilig manuyo. Hindi siya mahilig magmaka-awa pero bakit ngayon? "Bitawan mo nako!" Sigaw ko habang tumutulo ang luha ko.

"I'm begging you. Yumiko, babe, my wife please.."

Nanginginig na ang labi ko sa pag-iyak. Hindi ko ine-expect na kikilos ng ganito si Lance. Kadalasang mainit ang ulo niya at naghahanap lagi ng away. Pero ngayon hindi niya pinapatulan si Trigger. "Lance let me go."

"No.." He said habang nakayakap pa din sakin.

*boogsh*

"Ang tigas din ng bungo mo Abellano! Pag sinabi niyang bitawan mo siya, bitaw!" Sigaw ni trigger. Sinuntok niya si Lance. He's on the floor. Naiiyak akong makita syang ganito pero tinatatagan ko ang sarili ko.

Pinahid ni Lance yung dugo sa labi niya. Hindi siya gumanti kay Trigger? What's happening on him? Ibang-iba na siya.

"Tara na." Sabi ni Trigger saka ako hinila palabas ng restaurant.

"FVCK BABE!"

Yun ang huling narinig ko na sigaw ni Lance.

"Stop crying Yumi. He doesn't deserve you anymore. Wala ng kayo. Wag kang masaktan at wag kang maawa sa kanya." Sabi ni Trigger habang palabas kami ng mall.

Hindi na'ko nagsalita. Hindi ko kase maiwasang isipin kung ano ng nangyari dun kay Lance.

I'm begging you..

It was the first time na marinig kong magmaka-awa ng ganon si Lance. It was the first time na makita siyang ganon ka-miserable. At first time kong makitang magpaka-martir sakin si Lance.


Naaawa ako sa kanya dahil mahal ko siya. Pero mas naaawa pa rin ako sa sarili ko dahil sa ginawa niya. Hindi biro ang pagkawala ng anak ko. Hindi ko pa siya kayang tanggapin ulit. Hinding-hindi.


*

A/N: Masakit sa puso kong saktan si Lance but he deserve it. Hashtag #MY2Begging

Continue Reading

You'll Also Like

Marry You By Pinky

Teen Fiction

21M 304K 47
│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano
395K 6.7K 11
Popular Girls : Freida
453K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
21.6M 702K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...