My Drummer Boy [AVAILABLE IN...

By Nikkidoo

1.5M 21.5K 1.2K

Revised Edition © 2014. [Filipino/Tagalog] Si Luna Reyes ang presidente ng pinakamataas na organisasyon sa pa... More

FOREWORD
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Sneak Peek #1
Sneak Peek #2
My Drummer Boy book is out!

Chapter 55

15.1K 200 10
By Nikkidoo

Chapter 55

Luna

“Hello?” sagot ko sa tawag.

     “Baby Lulu? Nasaan ka na ba? Nandito na ko sa labas ng school niyo.”

“Ay sige wait lang ah. Andyan na ko..” Binaba ko ‘yung linya. Kinuha ko agad ‘yung bag ko at lumabas ng SC room. Tumakbo ko pababa ng hagdan at tinungo agad ‘yung gate. Napahinto ako noong makita ko si Casey.

     Nakasuot siya ng red and black striped polo shirt at pants. Tapos naka-gel pa ‘yung buhok niya at black glasses. Nagtitinginan nga sa kanya ‘yung mga babae habang palabas ng gate e. Paano ba naman kasi? Parang artista ‘yung nakikita mo sa harap mo ngayon.

     Ibinaling niya ‘yung ulo niya sa direksyon ko. Ngumiti siya noong makita niya ko. “Baby Lulu!” Inalis niya ‘yung salamin niya at saka lumapit sakin. Tsk, ang kulit talaga niya. Sabi nang huwag akong tawagin ng ‘Baby Lulu’ sa public e. Iyon kasi ‘yung tawag niya sa akin noong nasa America kami kasi mukha daw akong baby. Tapos iyakin pa daw.

     Nakasukbit ‘yung case ng gitara niya sa likod niya. “Ayos porma natin ah?” biro ko sa kanya.

     “Naman! Kailan ba ko nalaos? Haha. Nasaan nga pala si Steff?” tanong niya.

     “Ayun, kasama ‘yung boyfriend niya.”

      “Talaga? Wow. I wanna meet him..”

     “Naku,‘wag na! Nasa music room kasi siya ngayon. Baka magulo ‘yung session ng banda.” Hinawakan ko ‘yung braso niya para hilahin paalis.

      “‘Yun ba ‘yung sinasabi mo saking baduy na banda sa chat?”

     Tumawa ako. “Oo,‘yun nga.”

     Ngumiti siya. “I want to see them. And you also promised me na ituturo mo sa akin ‘yung buwisit na lalaking nakilala mo, right?”

     Nawala ‘yung ngiti ko. “You already met him, Casey.”

      “Talaga?” nagtatakang tanong niya. “When? Where?

     Kinamot ko ‘yung ulo ko at huminga ng malalim. “The night when I fainted..”

     Nanlaki ‘yung mga mata ni Casey. Napanganga siya ng kaunti. “That guy? He’s the one you’re talking about? Grabe, freak nga talaga siya.”

     Parang medyo nakaramdam ako ng inis noong sinabi niyang freak si Jessie. Nakakaasar naman. Hanggang ngayon ipinagtatanggol ko pa din si Jessie.

      “Yes, he’s that freak,” sumang-ayon nalang ako.

     Umiling siya. “Akala ko talaga kung ano na ‘yung ginawa sayo noon e. Well, anyway, let me see the school band, okay?”

     “Pero..”

     “Sige na! Itour mo muna ako,” nakangiti niyang sabi sa akin.

     Napakamot nalang ako sa ulo. Lalakad na sana ako noong bigla kong naramdaman ‘yung pag-akbay ng braso niya sa akin. “Casey!” angal ko sa kanya.

      “Bakit?” natatawa niyang sabi. “Wala namang masama,‘di ba?”

    “Baka akalain noong iba na may relasyon tayo,” bulong ko.

     “E di hayaan mo sila! Alam naman nating dalawa na akbay-kaibigan lang naman ‘to e,” nakangiti niyang saad.

     Nakaakbay sa akin si Casey habang papunta kami doon sa music room. Nakayuko na nga lang ako at medyo tinatago pa ‘yung mukha ko. Nakakahiya naman kasi. Ang daming tumitingin kay Casey kaya nadadamay pa tuloy ako.Siguradong may mga iniisip na ‘yungibang estudyante tungkol sa amin.

     Inalis na niya ‘yung pagkakaakbay niya noong nandoon na kami sa labas ng music room. Mula dito ay dinig ang bawat taginting ng gitara at palo ng drums.

     Drums.

     Ibig sabihin... N-Nandito din si Jessie ngayon?

     Bigla tuloy bumilis ‘yung tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na hindi ko malaman. Ewan ko ba. Nakakainis lang.

     Binuksan ko ‘yung pinto. Napatingin sila sa amin ni Casey. Biglang huminto ‘yung pagtugtog nila noong makita nila si Casey. Ramdam ko din ‘yung bigat ng tingin sa amin ni Jessie pero hindi ko nalang iyon pinansin.

     “Lollipop!” Tumayo si Steff mula sa pagkakaupo at lumapit sa amin. “Buti’t nandito ka!”

     “Sabi ko kasi kay Luna na gusto kong makita ‘yung school band,” nakangiting salita ni Casey.

     Kumindat si Steff. “Naku! Ehuwag mo namang iko-compare sa band mo sa States ah? Mga pipitsugi lang ‘yung mga uhugin na ‘to e.”

      “Hoy! Narinig ko ‘yun, Babe, ah?!” Nag-react naman agad si Kevin.

     “Tse! Tumahimik ka nga! Wala ka naman talagang binatbat kay Casey ah? Laos na ‘yang paggigitara mo!”

     “Ang syado mo, Babe! Kung alam ko lang ay kaya ka na-inlove sakin kasi tinitingala mo ko!” pagyayabang ni Kevin.

     “Sus! Asa!” Dinilaan ni Steff si Kevin.

     “Haha. Siya ba boyfriend mo, Piglet?” tanong ni Casey kay Steff.

      “Piglet? Anak ng teteng, Babe! BABOY KA PALA!” At pagkatapos ay tumawa ng malakas si Kevin.

      “Lagot ka sakin mamaya!” sigaw ni Steff kay Casey at pagkatapos ay tumalikod at tiningnan ng masama si Kevin. Lumapit siya doon at saka binatukan. “Tawa-tawa ka diyan?!”

     Nakahawak sa ulo si Kebs. “ARAY! Ano na naman ba’ng ginawa ko?”

     “Nakakainis ‘yung tawa mo! Shattap!”

     Tumawa kaming dalawa ni Casey. Maya-maya, lumapit sa amin si Justin. Iniabot niya ‘yung kamay niya kay Casey. “Hi. My name’s Justin.”

     Kinamayan ni Casey si Justin at ngumiti. “Casey.”

     “Kaibigan ka ni Luna?” tanong ni Justin.

     “Yup. Nakaistorbo ba ko? Pansensya na.”

     “Naku, hindi, hehe. Kung gusto mo dito ka muna,” alok ni Justin. “Nabanggit ni Steff na kasama ka raw sa isang band sa States?”

     Tumango si Casey. “Yes. Ako ‘yung guitarist doon.”

     “Wow. Ang cool.” Ngumiti si Justin. Si Rio at Kevin naman ‘yung sumunod na lumapit at nagpakilala kay Casey. Tinitingnan ko si Jessie sa gilid ng mata ko para hindi niya mahalata.

     Nakaupo siya doon sa may sofa, nagbabasa ng magazine. Tumingin si Casey sa kanya. Mukhang namukhaan niya si Jessie kasi lumapit siya dito. Iniabot niya ‘yung kamay niya kay Jessie. “Hi. I don’t think we are properly introduced. I’m Casey. You are?”

     Napahinto sa pagbabasa si Jessie. Tiningnan lang niya ‘yung kamay ni Casey at pagkatapos ay bumalik na ulit sa pagbabasa. Binaba na ni Casey ‘yung kamay niya. Nainis ako sa inasal ni Jessie. Kung wala lang si Casey ay baka kanina ko pa siya nasigawan.

     Lumapit ako kay Casey at hinawakan siya sa braso. “His name is Jessie,” matabang kong sabi. Napatingin sa akin si Jessie. “Halika na, Casey. Doon nalang tayo.”

      “Okay.” Hinila ko si Casey pabalik kina Justin. Hindi pa kami nakalalayo ay biglang may tumunog na cellphone.

      “Sayo ba ‘yun?” tanong ni Casey.

     “Hindi e.” Noong lumingon ako sa likod, nakita kong may kausap na sa cellphone si Jessie. Mukhang sikreto pa ‘yung pinag-uusapan nila kasi tinatakpan pa ni Jessie ‘yung bibig niya.

     “ANO?!”

     Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Jessie. “Pare, ano ba ‘yun? Bakit–” Hindi na natapos pa ni Kevin ‘yung sasabihin niya kasi bigla nalang tumakbo palabas si Jessie. Naiwanan kaming nakatinging lahat doon sa pintuan.

     “Mukhang importante yun ah,” sabi ni Justin.

     “Hayaan na nga lang natin ‘yun,” asar na sabi ni Steff. Nag-usap-usap na ulit sila pero nanatili pa ding nakititig ‘yung mga mata ko doon sa pintuan. Ano kaya ‘yun? Bakit napasigaw pa siya kanina? Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung anu-ano.

     Ang weird nga rin niya ngayon this past few days e. Lagi nalang siyang maagang umuuwi tuwing walang practice ‘yung banda. Dati kasi kung saan-saan muna siya tumatambay. Tapos ngayon naman ay lagi niyang hawak ‘yung cellphone niya na para bang laging may hinihintay na text.

      “Luna?”

      “H-Ha?” Napatingin ako kay Justin.

     “May problema ba?”

     “Ah, w-wala. Magsi-CR lang muna ko.” Tumayo ako at lumabas ng music room. Parang may something sa loob ko na pumipilit sa akin na sundan si Jessie. May feeling ako na may nangyayaring hindi maganda.

     Nagdadalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba. Ako lang naman ‘tong parang tanga na nagpupumilit na i-involve ‘yung sarili sa buhay niya e. Sinabi ko na dati na hindi na ulit ako magiging concern pa sa kanya pero ‘yung sarili ko mismo‘yung pilit na bumabali sa pangakong iyon.

     Papaliko na ako sa corridor nang may marinig akong nag-uusap. Nagtago ako sa pader at dahan-dahang tumingin sa pinanggalingan ng mga boses na iyon. Nakita ko si Jessie na may kausap na babae. Hindi ko kilala kung sino siya pero parang nakaramdam ako ng selos.

     Bigla akong nainis. Hindi ko din kasi maintindihang mabuti ‘yung sinasabi nila. Ang narinig ko lang ay nag-sorry ‘yung babae at pagkatapos ayyumakap kay Jessie. Huminga ng malalim si Jessie at niyakap din ‘yung babae.

     Iniwas ko na ‘yung tingin ko at sumandal sa pader. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Pinunasan ko na agad ‘yung mga mata ko bago pa may tumulong luha mula doon. Dati si Sarah, tapos ako, and now, sino naman ba ‘yung babae na ‘yon?!

     Ayoko mang maniwala pero parang unti-unti nang nabubuo ‘yung ideya sa utak ko.

     Naging parang basura na din ako. Napakatanga ko. Dapat hindi ko hinayaang mahulog ‘yung sarili ko sa kanya e. Dapat pinigilan ko. Dapat hindi ko hinayaan ‘yung sarili kong mahalin ‘yung bawat bagay na maganda sa kanya. Dapat hindi ko nalang din hinayang mas mahalin ko ‘yung imperfections niya. Kung alam ko lang sana… Kung alam ko lang sana na ganito pala kasakit magmahal, hindi na sana ako nagtangka pang pumasok sa ganitong kagulong mundo.

     I once said that he is my light. My tomorrow. Pero mukhang unti-unti nang naglalaho iyon. Para nalang isang masayang panaginip na sandali ko lang naranasan. Paano pa ko aasa kung may iba na siyang pinag-aalayan ng liwanag at bukas niya?Paano kung hindi nga talaga kami ang para sa isa’t isa?

     Hindi ko na napigilang pumatak ‘yungmga luha ko. Hindi ko na yata kaya ‘yung sakit. Napapagod na kong umasa. Hirap na hirap na ko. Alam ng Diyos kung gaano ko minahal si Jessie. Kahit na siya ang mali ay pinipilit ko siyang intindihin. Nagpapakatanga ako para sa kanya. Nagbibingi-bingihan kasi mahal ko siya.

     Kaso sobrang sakit na e. Parang hindi na kaya ng puso kong tumanggap pa ng panibagong sakit. Kung pwede nga lang na turuan ‘yung puso kung sino ‘yungdapat mahalin ay matagal ko nang ginawa. Kaso, naiinis ako sa puso ko. Kasi hinayaan na nga niyang mahulog ‘yung sarili niya sa maling tao, siya pa ‘yung hindi mapigilan ang sarili na masaktan.

      “Luna?”

     Tumingin ako sa tabi ko. Nakakunot ‘yung noo ni Jessie sa akin at hindi niya rin kasama ‘yung babae kanina. “B-Bakit umiiyak ka?”

     Humikbi ako. Ayokong makita ako ni Jessie na umiiyak. Para kasing sinabi ko na rin na nagtagumpay siyang durugin ‘yung puso ko. Na nagtagumpay siyang paglaruan ‘yung damdamin ko.

Gusto ko siyang sapakin ngayon. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang gantihan. Pero hindi ko magawa. Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, handa akong tiisin ‘yung sakit na nararamdaman ko.

     “S-Sige, mauna na ko.” Lalong sumikip ‘yung dibdib ko sa sinabi niya. Dati, sasabihin niya sa akin na huwag na kong umiyak kasi pati siya ay nasasaktan. Siya mismo ‘yung nagpapahid ng luha mula sa mga mata ko. Hahalikan niya ako sa noo at sasabihing ngumiti na ako. Isang sabi niya lang sa akin dati na tumahan na ko, kakalma na agad ‘yung tibok ng puso ko.

     Mistulang naglahong parang bula ‘yung lahat ng iyon. Wala nang ngiting papawi sa lungkot na nararamdaman ko. Hindi ko na rin mararamdaman ‘yung yakap na laging pumoprotekta sa akin at wala nang mga labing kakalinga sakin.

     Niyakap ko si Jessie mula sa likod. Natigilan siya noong maramdaman niya ‘yung higpit ng yakap ng mga braso ko sa kanya. “L-Luna?”

     “Let me hug you. Please. For the last time.” Mas lalong tumulo ‘yung luha ko. Hinigpitan ko pa ‘yung yakap ko sa kanya kasi baka hindi na din maulit pa ito. Baka wala nang susunod na pagkakataon pa. Kaya ibubuhos ko na ‘yung lahat ng nararamdaman ko para sa kanya sa pamamagitan ng yakap na ito.

     “Luna,” mahina niyang sambit sa pangalan ko.

     “P-Please. Let me hug you. And I promise,” humikbi ako,“lalayo na ako sa’yo.” Naramdaman kong nagkaroon ng tensyon sa katawan ni Jessie. Pero hindi ko nalang pinansin pa iyon. Nag-uumapaw na ‘yung damdamin ko noong mga oras na ‘yon.

     Hinawakan niya ‘yung kamay ko. Pero inalis ko na ‘yung pagkakayakap ko sa kanya. Parang unti-unti ring nakakalas ‘yung pagkatao ko habang bumibitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Alam ko kasing maaaring iyon na ang panghuling pagkakataon.

     I also didn’t want to feel the pressure of his hand. Mas lalo lang akong mahihirapang lumayo.Mas lalo lang akong mangungulila sa kanya.

     Pinahiran ko ‘yung mga luha ko at pinilit na ngumiti. “S-Sige. Uuwi na ko.”

      “Luna, wait.” Hinawakan niya ‘yung kamay ko. Naramdaman ko ‘yung bigat sa dibdib ko. Kinagat ko nalang ‘yungibabang labi ko para pigilin ‘yung sarili ko na bumalik. Ayoko nang pahirapan pa ‘yung sarili ko kaya lumalayo na ko. Kung saan siya masaya, hahayaan ko nalang siya. At kung ang makapagbibigay sa kanya ng kasiyahan ay hindi sa piling ko, then I’ll let him go.

     Mahal na mahal ko siya and I want him to be happy. Even if I’m not there beside him and the one who’s giving him happiness.

     Humigpit ‘yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Kahit na dinudurog ang puso ko ay nagawa ko pa ring sabihing, “I’m sorry.” Inalis ko ‘yung kamay ko mula sa pagkakahawak niya at saka nagsimulang lumakad palayo sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

44.3M 887K 63
Completed [REVISING 4/55] READ AT YOUR OWN RISK || The new transferee, Adrienne Xyra Saavedra, never wanted to have a complicated life. She just want...
6.4K 205 98
Lavisha Magno have a peaceful life, pero ang tahimik niyang buhay ay nabulabog nang sa hindi inaasaang pangyari ay aksidente niyang natapakan ang cel...
7.3M 198K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
39.3K 1.7K 51
Garnett Sardoncillo is known as one of the smartest in the school of Alvarez University. She is also known as Top students off all times. Apart from...