Chapter 18

19.1K 264 7
                                    

Chapter 18

Luna

Mag-aapoy ang pwet niya doon kakahintay!

     Akala niya ha. Nakaganti na rin ako sa kanya. Biglang nag-beep ‘yung cellphone ko. Kinuha ko ‘yon at binasa ‘yung text message.

From: Kapre

Hoy, nasaan ka na? Natae ka na yata Diyan.

     Ha! Bahala ka dyan. Tinext ko si Justin.

To: Justin

Saan ka na?

From: Justin

Music Central.

To: Justin

Sige. I’ll be there. Nakasakay na ko.

     Sumakay ako ng bus papunta sa SM kung saan kami magkikita ni Justin. Habang nakasakay ay binuksan ko ‘yung case ng cellphone ko at saka tinanggal ‘yung battery. Mamaga ang kamay niya kakatawag sakin.

     Pagdating ko sa mall ay agad akong pumunta doon sa Music Central.Nakita ko ang isang lalaking tumitingin sa mga gitarang nakasabit sa itaas. Nakasuot siya ng red shirt at black pants. “Justin!” tawag ko sa kanya.

     Lumingon siya sa direksyon ko at ngumiti. “Uy.”

     Nakangiti ako habang lumalapit sa kanya. “Marunong ka palang mag-gitara?”

     “Um, medyo. Mas magaling pa rin si Kevin. Saludo ako dun e. Akalain mong ang isang lokong tao ay pwedeng maging guitar master?”

     Nagkibit-balikat nalang ako at saka bumulong. “Oo nga e. Akalain mo rin bang may sira-ulong nagda-drums?”

     “Ha? Ano ‘yon?” tanong ni Justin.

      Umiling ako at saka tumawa. “Ah, wala! Wala! Tara kain na tayo. Nagugutom na rin kasi ako e.”

     “Sige. Saan mo ba gusto?”

     “Um, okay lang ba kung sa McDo nalang tayo? Feel kong mag-McFlurry e. Hehe.”

     Nagulat ako ng bigla akong akbayan ni Justin. Ngumiti siya. “One McFlurry, coming up!”

     Umorder ako ng dalawang burger, isang McFlurry at isang sundae. Kumain kami doon ni Justin at nag-usap ng kung anu-ano.

     Pagkatapos naming kumain ay nag-aya siya sa Tom’s World. “Wait,” sabi niya. “Bibili lang ako ng tokens.”

     Tumango nalang ako at tiningnan siya habang bumibili ng tokens. Napansin ko ‘yung mga babae sa likuran niya habang nakapila sila. Mga kinikilig! Grabe. Patago pa nilang pinag-uusapan si Justin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon