Chapter 63

15.1K 191 14
                                    

Chapter 63

Luna

“Bakit ba basta ka nalang pumayag na umalis, sis, ha?” tanong agad ni Steff pagkalabas namin.

     Nakita ko ‘yung pagkairita niya. “Gustong makasama ni Rio si Sarah. Let’s give them time alone,” si Justin ‘yung sumagot para sa akin.

     “Baka kung ano ‘yung gawin noong bruhilda na ‘yon kay Rio!” sagot naman ni Steff.

     “I doubt that,” sabi ni Jessie.

     Napatingin ako sa kanya. Nakaramdam ako ng inis kasi parang ipinagtatanggol pa niya si Sarah. Gayunpaman, sang-ayon ako sa sinabi niya.

     “Jessie’s right. Palagay ko hindi naman siya makagagawa ng ganoong bagay,” salo naman ni Kat.

     “And how do you know? Gano ka na ba katagal dito, ha? Hindi mo pa kilala ‘yung ugali noong bruha na ‘yon!” sabi ni Steff.

     “Babe, tama na! Hayaan nalang natin sila,” sabi naman ni Kevin.

     Hinawakan ko sa braso si Steff. Napabuntung-hininga nalang siya. Sumakay na kami sa sasakyan pero tahimik pa din kaming lahat. Hanggang sa pagdating sa bahay nina Kevin ay namamayani pa din ‘yung katahimikan.

     Kumibo lang si Kevin noong tinanong niya kung matutulog na daw ba kami. “Oo, tara na. Inaantok na ko,” sabi ni Steff. Feel ko na parang inis pa rin siya sa nangyari. Pero I can’t blame her kasi hindi naman talaga madaling pagkatiwalaan si Sarah. Lalo na’t alam naming lahat kung gaano kasama ‘yung mga bagay na ginawa niya sa akin.

     Dapat doon kami matutulog sa guest room ulit, kaso tatlo na kaming babae kaya hindi kami kasya sa kama. “Hala, e paano ‘yan?” sabi ni Kevin.

     “Doon nalang ako sa sala,” sabi ko.

     Napatingin si Steff sakin. “No! Hindi ka doon sa sala. Kailangang dito ka sa kwarto.”

     “Sis naman!” bulong ko sa kanya kasi alam ko na pinapatamaan niya si Kat.

     “Okay, ganito nalang.” Ngumiti si Kevin. “Since couples naman tayong lahat, bakit hindi nalang magtabi-tabi ‘yung magkakapartner, ‘di ba? E ‘di pare-pareho tayong ayos niyan!”

     Binatukan ni Steff si Kevin. “BALIW! Anong tabi-tabi ka dyan? Baka rape-in mo pa ko sa kalagitnaan ng tulog ko!”

     Kinamot ni Kevin ‘yung ulo niya. “Aray! Babe naman kung makabatok?! May plano ka ba kasi?”

     Tumingin si Steff sa akin at ngumiti. Bigla akong kinabahan kasi ayan na naman ‘yung ngiti nya na yan. Feeling ko may iniisip na namang kababalaghan itong babaeng ‘to.

     “Here’s the arrangement,” simula niya. “Ako at si Kat ang magtatabi dito sa kama.”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon