Chapter 35

18.7K 297 15
                                    

Chapter 35

Luna

Sabay kaming kumain ni Justin kasi iniwanan ako ni Steff.

     Pero Sigurado naman akong hindi niya kasama si Kevin kasi umuwi na agad si Kevin. Saan kaya nagpunta ‘yun at iniwanan akong mag-isa dito kay Justin?

      “Tubig?” Binigay ni Justin ‘yung mineral niyang hindi pa nabubuksan.

     Umiling ako. “Hindi, okay lang. Mas kailangan mo yan e. Pagod ‘yung boses mo.”

     “Okay lang.” Inalis niya ‘yung seal at inilagay sa kamay ko ‘yung bottled water. Nakaupo kami sa may bench kasi sabi ko ay napapagod ako. Ewan ko ba. Ang bilis kong mapagod ngayong mga nakaraang araw. Dahil siguro ay kaunti lang ‘yung kinakain ko tapos minsan nalilipasan pa ko ng gutom.

      “Saan mo gustong pumunta?” tanong ni Justin.

     “Kahit saan.”

     “Doon tayo? Okay lang?” Itinuro niya ‘yung isang booth doon sa kanan. Iyon‘yung may dart tapos kailangang tamaan ‘yung lobo na nakadikit sa pader para manalo ng premyo.

     “Sige.”

     Tumayo na kami at pumunta doon sa booth. May mga babaeng naglalaro doon pero noong makita nila si Justin ay ngumiti sila at tumabi.Nag-‘thank you’ naman si Justin at nagbayad ng twenty pesos bilang fee para makakuha ng tatlong darts. Nasa tabi niya ako, nanonood.

     “Kaya mo ba ‘yan?” asar ko sa kanya.

     “Aba, oo naman,” pagyayabang niya. “Madali lang kaya ‘to.”

     “Baka sa tagabantay mo itama ‘yan ah?”

     Tumawa siya. “Tingnan nalang natin.”

      “Pwede pa ba isang player dito?”

     May tumabi sa akin. Matangkad. Napatingin kami ni Justin sa kanya. “O-Of course,” sabi noong tagabantay at hindi magkanda-ugaga sa pagkuha ng darts.

     “Jessie.” Iyon lang ang bukod tanging nasabi ko.

      “Oh, Jess,” sabi ni Justin.

     Nagulat ako noong biglang may humila sa akin paatras. Napatingin kami ni Justin doon sa babaeng may hawak sa braso ko ngayon.“Let them play na silang dalawa lang,” sabi ni Sarah at binitawan na ko.

     Kumunot ‘yung noo ko at hindi nalang nagsalita. Baka kung ano pa ‘yung masabi ko sa babae na ‘to at ako na naman ‘yung lumabas ng masama. “Ano ba ‘yung gusto mo sa prizes, Luna?” tanong sa akin ni Justin.

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon