Chapter 72

15.8K 195 4
                                    

Chapter 72

Luna

 

Kinuha ko ‘yung cellphone ko at tiningnan ‘yung oras. 2:32 AM.

    Bumigat bigla ‘yung loob ko. Napatingin ako kay Jessie. Napaka-peaceful ng pagkakatulog niya doon. Wala man lang siyang kamalay-malay na aalis na ako maya-maya lang. I felt so guilty. Ayokong iwanan siya. Ayokong umalis sa tabi niya. Gusto ko dito lang ako.

     Umupo ulit ako at gumapang papunta sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi, then ‘yung tip ng ilong niya hanggang sa ilapat ko ang mga labi ko sa mga labi niya.

     I would miss him so bad.

     Inabot ko ‘yung papel at ballpen na nakapatong doon sa bag niya. For a minute, hindi ako makasulat. Ano ba’ng sasabihin ko sa kanya? Ano na namang kasinungalingan ang ipapasok ko sa isip niya? Baka lalo lang siyang masaktan. Pero sa tingin ko tama lang itong gagawin ko. Alam kong hahabulin niya ko oras na malaman niya ‘yung totoo.

     So I must delay him.

     Nagsimula akong magsulat. Medyo nanginginig pa nga ako at naramdaman kong bumalot ‘yung luha sa mga mata ko.

     I woke up early honey ko. Ma’am Terrano asked me to buy something. ‘Wag mo na kong susundan ah! I can take care of myself. :)

     I LOVE YOU, HONEY KO. I MISS YOU SO MUCH.

     Biglang tumulo ‘yung luha ko. Pumatak iyon sa papel at nabasa ‘yung ink. Medyo kumalat tuloy iyon. Shucks. Paano kapag nahalata niya na umiyak ako?

     Gayunpaman, inilapag ko nalang ‘yung papel doon sa tabi niya. I stared at him for a minute, memorizing his figures. I kissed him one last time then finally went out of the tent. Walang tao sa paligid. Lahat sila ay mahimbing na natutulog.

     Naglakad ako papunta sa girls’ quarter. Pumasok ako sa loob ng tent ko at kinuha ‘yung mga gamit ko. Noong makalabas na ko, tumingin ako sa tent ni Steff. Natutulog pa siya. Ni hindi man lang ako makakapagpaalam sa kanya.

     Hindi ko alam kung nakalimutan niya na ngayong madaling-araw ‘yung alis ko. Pero kahit papaano’y natutuwa ako kasi hindi ko na kailangang makita pa ‘yung pag-iyak niya. Tatawagan ko nalang siya kapag nasa airport na kami.

     Napakabigat ng paa ko habang papalabas ako ng Teacher’s Camp. Parang pilit akong hinila pabalik sa loob. Naghintay ako doon sa labas kasi alam kong anumang oras mula ngayon, darating na din ‘yung nirentahan na van ni Mama.

     Mga past three na noong pumarada ‘yung van doon sa harap ng Teacher’s Camp. Bumukas ‘yung pinto at lumabas si Casey. Ngumiti siya sa akin at pinilit ko ring ngumiti sa kanya.

     “Nakapagpaalam ka na ba sa friends mo?” tanong niya sakin.

     “Yes,” pagsisinungaling ko.

     “Are you doubting?”

My Drummer Boy [AVAILABLE IN ALL BOOKSTORES NATIONWIDE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon