Messing With Miss Ordinary

Por margarinepuppy

1.8K 455 556

Gabriela Magsaysay, 21, half Filipino half German, napadpad sa Maynila para hanapin ang amang minsang nang iw... Más

Author's Note
CAST
MWMO Ranking
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22

Kabanata 4

92 28 33
Por margarinepuppy

Andreas' POV:

Nagdaan ang mga araw na hindi maalis sa isip ko si Gabriella. May nakikita akong iba sa kanya na 'di ko mawari kong ano. Nasa isip ko parin ang tanong kung bakit kailangan niyang magsinungaling tungkol sa pangalan niya.

Nahihibang na yata ako sa lagay na 'to. Wala naman siyang ibang ipinakita sa akin kung 'di 'yong kasungitan niya at yong ugali na alam kong hindi ko gusto. Hindi ko siya kayang kontrolin, that I know for sure by the way she answered me last time.

"What do you think Andrie?"

"Andrie? Are you with us?" narinig kong tanong ni Amara. Nasa kalagitnaan ako nang meeting with Phoenix but my mind's wandering somewhere or should I say wandering to someone.

"Oh I'm sorry. What is it again?" tanong ko sabay paghingi nang paumanhin.

Bahagyang ngumiti si Amara. "Am I sensing something right? Someone's bothering your mind dear Andrie. Babae right?"diretsahang tanong ni Amara sa akin na ikinangiti din ni Riza.

Pangalawang meeting na namin ito mula noong mafinal ni Amara ang plano para sa Phoenix project but I can't focus my mind on this thing right now.

Let's say I'm bothered coz she interests me so much that I crave to know more about her. I must admit this is the first time I have so much interest for a girl because she seems to be different from those I've dated before. Mailap siya para sa isang ordinaryong babae.

I've spent time watching over her discreetly and I've seen how she spend her whole days in the past week. Bahay at trabaho lang pinupuntahan niya. Antisocial ba siya at 'di ko man lang nakitang umalis para mag mall or magdisco?

Mas na challenge akong malaman 'yong lahat lahat tungkol sa kanya.

"So it's a she. Who's this girl this time?" tanong naman ni Riza na may pilyang ngiti sa labi.

"Tigilan 'nyo akong dalawa. Back to the topic. What is it again Amara?" pag-iba ko ng topic coz I know hindi nila ako titigilan kapag nalaman nilang tama 'yong iniisip nilang dalawa.

"As I've said we have to finalize the budget this week to start the project and that means the ball is in your hand Riza." wika ni Amara.

"Then finalize it this week Riza. I want the report on my table by Friday. You have three days to do that."pagsang-ayon ko sa sinabi ni Amara.

"Okay! Friday it is. So any other concern about the project that we need to discuss?" tanong ni Riza na tumingin sa akin.

"I guess that's all unless Amara has something to discuss pa? Amara?"

"That would be all for now. I'll email small details for your perusal." sagot ni Amara na halatang nakafocus na talaga sa project na hahawakan niya.

After that conversation we had, mas nakita ko ang pagpupursigi niya sa trabaho. I guess she's back to her senses again and she's serious with her promise that she won't fail me this time.

"Then meeting adjourned. Thank you ladies for your time." pagwawakas ko sa meeting naming tatlo at nagsitayuan na sina Amara at Riza saka magkasunod na lumabas ng board room.

"Sir, your next meeting will be at 10am with the foreign investors." paalala ni Cleo sa akin nang maiwan making dalawa.

"Thank you Cleo. By the way, email me the minutes and call Alester, tell him I want to talk to him within the day." utos ko kay Cleo na sinagot niya nang isang tango saka lumabas nang board room.

Nag ring ang cellphone ko aktong palabas na ako nang board room. Si Claudette ang nakarehistro na tumatawag. Ano na naman kaya ang pakay niya't ang aga-aga pa.

"Hello?"

"Hi Andrie! Are you busy?" bungad na tanong niya sa akin.

"I have a meeting in 10 minutes." pagsisinungaling ko sa kanya. I can't deny the fact na hinahangaan ko ang pisikal na anyo ni Claudette but I don't see anything special with her. She's not even the girlfriend material.

"Can we go out tonight Andrie?" diretsong tanong ni Claudette sa akin. Aside from being shopaholic, mahilig siya sa night out especially disco. Palibhasa nag-iisang anak kaya sunod ang luho.

"I'm sorry Claudette but I can't. I have more important things to do. Maybe some other time." tanggi ko sa paanyaya niya. Ayoko siyang bigyan nang impresyon na may gusto ako sa kanya dahil wala kahit kaunti man lang.

"Please Andrie. I need company tonight." dugtong niya nang marinig niya ang pagtanggi ko.

"I really can't Claudette. I'm so sorry. I have to go now. Bye." sabay putol nang tawag niya.

Hindi si Claudette ang tipo kong babae. Pinakaayaw ko ang pagiging spoiled niya at maarte. Mabuti nalang at hindi spoiled si Amara tulad ni Claudette dahil kung nagkataon, ako ang puputol nang sungay niya.

Naging smooth-sailing naman ang sumunod kong meeting. The investors were happy with the figures shown on the reports. Their investment was worth every time and effort I spent to make the company grow.

Lunch time na kami natapos at nakaset na ang pagkikita namin ni Alester over lunch. Bihirang-bihira ko na siyang makausap dahil sa pagiging busy niya sa napiling propesyon.

Sa Cafe Alvino niya gusto makipagkita, kung bakit, iyan ang hindi ko alam. Lagi nalang namin nagiging meeting place ang Cafe Alvino dito sa Arcadia sa Makati.

Medyo marami ang tao ngayon sa Cafe na mostly ay mga estudyante. May mag-isa lang kumain pero yong iba grupo-grupo na habang may binibutingting sa mga laptop at iPad nila.

Cozy ang lugar at student friendly.

Pinili ko ang upuan sa tabi nang bintana para may tanawin habang hibihintay ko si Alester na dumating. Ilang minuto ang lumipas ay dumating si Alester na namataan agad ako sa tabi nang bintana.

"Bro! Kumusta?" bati niya sabay tapik sa balikat ko at umupo sa katapat ma upuan.

"Okay lang. Ikaw kumusta?" balik kong tanong sa kanya. Parang hiyang siya sa napili niyang trabaho ngayon. Noon hindi siya ganito ka well-built but now, I think he did well in the gym.

"So what can I do for Mr. Andreas Montiero?"

"Let's order first. My treat." wika ko sa kanya. Mas kabisado niya ang mga tao dito sa Cafe kaysa sa akin.

Tinawag niya ang isang staff na agad namang lumapit sa table namin.

"Please tell Sam, we will have lunch." wika niya sa staff na agad namang tumango at tinungo ang maliit na room sa gilid nang counter. Maya-maya at may lumabas na magandang babae na kinayawan ni Alester. Sinuklian siya nang isang napakatamis na ngiti saka ito bumalik sa loob.

"Sino 'yon?" tanong ko sa kanya habang di parin napupunit ang mga ngiti niya para doon sa babae kanina.

"She's Samantha. Anak nang may-ari nang Cafe na 'to." sagot niya.

"Girlfriend mo na ba?"

"Magiging girlfriend pa lang."

"That's your ego talking, Bro. Well, maganda siya and mukhang sweet." komento ko sa nakita ko kay Sam.

"I know that already. Now, enough talking about me. What can I do for you?" tanong niya ulit sa akin habang naghihintay kami na iserve ang lunch na inorder niya.

"I want to ask your help to check on someone."

"A girl?" tanong niya na pinipigil ang ngiting sumilay sa mga labi niya.

"Unfortunately, Yes. I want to know all about her." sagot ko sa kanya sabay abot nang asul na folder na naglalaman nang mga inisyal na impormasyon na kailangan niya para makapagsimula sa pinapagawa ko.

Pinasadahan niya nang basa ang laman nang folder. Tahimik lang akong nagmasid sa kung ano mang reaksiyon niya.

"So, everything about her? Care to tell me who is she?" sabi ko na nga ba't magtatanong. Bakit ba nagkakainteres sila kapag nagkainteres ako sa isang babae?

"Someone that interests me I guess. Well, we just met once. A not so good encounter but she left a really remarkable impression." sagot ko sa kanya na tuluyang nagpangiti sa kanya.

"But first impression lasts Andrie."

"I know but I want to know more about her."

Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Sa lahat nang tao, si Alester ang naging ka close ko sa mga anak ni Papa kay Amalia.

Hindi man naging madali ang pagkakilala namin lalo na ang pagtanggap sa isa't-isa pero siguro "blood is thicker than water" talaga kaya nang lumaon ay naging maayos din ang lahat.

Dumating 'yong inorder namin na si Sam mismo ang nagserve. Pormal niya akong pinakilala kay Sam na ikinagalak naman ng huli dahil marami na daw naikuwento si Alester sa kanya tungkol sa akin at sa iba naming kapatid pero wala pa siyang nakikilala ng personal.

Nararandaman ko ang pagkagiliw ni Alester kay Sam and I know he really felt something special for her. Nakikita ko rin ang nararamdaman ni Sam para sa half-brother ko by the way she looks at him.

Mag-aalas dos na kami naghiwalay ni Alester. Masyado kaming nawili sa kumustahan at ibang bagay na napag-usapan. Nagpaiwan siya sa Cafe kaya nauna na akong umalis. Marami pa akong dapat asikasuhin sa opisina at may meeting ako mamayang alas kwatro.

Papunta na sana ako nang parking area ng Arcadia nang mahagip nang tingin ko ang isang babaeng nasa loob nang isang bookstore. Naka jeans na black, white shirt na may printang mickey mouse sa harap at same na Chuck Taylor na white. Nakasukbit ang jansport na backpack sa kanang balikat niya.

Pinagmasdan ko siyang mabuti habang wiling-wili siya sa pagpili ng mga libro - pocketbooks to be exact.

Hindi ako pwedeng magkamali. Kahit anong titig ang gawin ko sa kanya siya yan.

💕💕💕💕💕💕💕💕💕💕

Gabby's POV:

Umatake na ang epekto ng kape na ininum ko kaninang alas tres nang umaga bago matapos ang shift ko sa resto.

Pagkauwi ko ng bahay ay minabuti kong maglaba nalang nang marurumi kong damit kaysa pilitin kong ipikit ang mga mata ko kahit di ako makatulog.

Naalala ko ang mga naging usapan namin ni Claire nung araw na may nagpabigay ng pagkain sa pamamagitan in Aling Maring. Parehong araw na nakaharap ko ang aroganteng si Andreas Montiero.

Besh hindi ka naghapunan kagabi?" salubong na tanong ni Claire sa akin pagdating niya galing trabaho nang mamataan ang supot nang pagkain sa side table ko.

Kasalukuyan pa akong naglalaba noon sa banyo namin nang dumating siya ng umagang 'yon.

"Ikaw ba nagpabigay niyan sa akin besh?" balik kong tanong sa kaniya na bahagya siyang nilingon.

"Hindi. Bakit? Bigay ba yan? Kanino galing?" sunod-sunod na tanong niya habang pumwesto nang upo sa kama niya.

"Hindi ko alam eh. Inabot lang ni Aling Maring kagabi, may nagpabigay daw. Lalaki."

"Baka naman si Ryan or si Kuya Max? Alam mo naman 'yong dalawang 'yon."

"Kung sila ang nagbigay alam mo namang magtatanong 'yong mga 'yon kung natanggap ko ba or natin. Tsaka ngayon lang daw 'yon nakita ni Aling Maring." sabi ko habang nagbabanlaw ng mga nilabhan kong damit.

"Huwag mo nang guluhin ang isip mo. Tara kain tayo sa baba. Umuusok na 'yong kaldero ni Aling Maring." yaya niya sa akin.

"Sandali nalang 'to, bihis kana muna." utos ko sa kaniya.

Dumaan ang ilang araw na may nangyayari pang pagpapadala nang pagkain sa akin pero 'di ko parin alam kung kanino galing. Tinanong ko na si Max at Ryan nang minsang makapag-usap kami sa restobar pero tumanggi ang dalawa na walang ni isa sa kanila ang nagpadala.

Sabi ni Claire hayaan ko nalang daw dahil masama ang tumanggi sa grasya. Kung sinuman yong taong 'yon siguro sawa na siya sa pera niya kaya binibili nalang nang pagkain para ipamigay.

Iwinaksi ko nalang sa isip ko kung sinong nagpadala nang pagkaing 'yon.

Naligo ako ilang minuto matapos maglaba saka umalis nang boarding house para magpunta nang bookstore pagkatapos kong mananghalian

Napagpasyahan kong sa National Book Store sa Arcadia magpunta para kung mawili man ako sa paghahanap nang libro at pwede along dumiretso sa trabaho.

Hindi masyadong marami ang tao sa NBS ngayon kaya dumiretso ako sa estante ng mga pocketbooks. Maraming bagong stocks na nakadisplay ngayon. Iniisip kong subukan 'yong mga gawa ni AkoSiIbarra para maiba naman. Masyado na akong babad sa mga storya ni jonaxx.

Nagsimula na akong mahilo sa kakapili kung anong bibilhin kasi ang daming magagandang istorya na bago. Pero stick to Ibarra ako ngayon since last copy nalang nang Project Loki 'yong natira. Saktong dadamputin ko na 'yong libro ni Ibarra pero dinampot ito ng iba.

"Ang dami pala naming gustong makabasa nang gawa niya." sa loob-loob ko sabay lingon sa kung sinumang dumampot ng libro.

"Ikaw?" sambit ko dahil sa gulat ko nang makita ang taong nasa bandang likuran ko.

"Oh I'm sorry! Ito din gusto mo?" tanong niya sa akin nang nakangiti. Si Andreas Montiero ang kaharap ko.

Bakit ba sa lahat ng tao siya pa ang nakasabay ko dito at pareho pa kami nang libro na gusto. Mahilig din pala 'to sa pocketbook? Buong akala ko ang mga mayayaman ay mamahaling libro ang hilig. Iba din 'tong isang 'to.

"Hindi! Sayo nalang. Ikaw 'yong naunang dumampot." sagot ko sa tanong niya sabay dampot nang tatlong libro ni jonaxx saka tinungo ang cashier para magbayad.

"Wait! Sayo nalang 'to. I can buy a copy online." dinig kong sabi niya na nagpatigil sa akin. Ang yabang naman. Puno yata ng hangin ang baga nito.

Seryoso ba siya? Bakit pupunta pa siya nang NBS kong pwede din namang bumili online nang ganoon kadali.

"Hindi na! Okay na ako dito. Enjoy mo nalang 'yan." tanggi ko sabay talikod sa kanya.

"Sige ikaw din, baka magsisi ka kapag di mo nabasa 'to." pangungulit pa rin niya mula sa likuran ko habang nakapila sa cashier para magbayad.

Hindi ko siya pinansin at wala akong planong kausapin pa siya.

Pagkatapos kong magbayad para sa binili kong libro ay lumabas na ako nang NBS at binaybay ang daan palabas ng Arcadia papuntang highway.

Busina ng sasakyan ang gumulat sa akin at isang nakangising lalaki sa driver seat nang isang kotseng itim ang nalingunan ko. Si Andreas Montiero - na naman.

"I can give you a ride Miss. Mukhang we're on the same way naman." alok niya habang binagalan ang usad nang kotse niya para makasabay sa paglalakad ko.

"Salamat nalang po. Malapit lang naman pupuntahan ko." tanggi ko sa alok niya na mas binilisan nang kaunti ang lakad ko.

"Ganoon na ba ako katanda para i-po mo?" tanong niya na hindi ko sinagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad dahil malapit na ako sa highway.

Bigla niyang pinatakbo nang mabilis ang kotse niya at iniharang sa exit way nang Arcadia dahilan upang huminto ang tatlong sasakyan na nakasunod sa kanya.

Bumaba siya nang sasakyan at kalmadong sumandal sa kotse niya habang hinihintay akong makarating sa kinaroroonan niya.

Ngayon ko lang uli siya napagmasdan nang mabuti. Matangkad, maganda ang tindig na mas pinatingkad pa nang suot niyang damit pang opisina na nakita ko na noong unang pagkikita namin - sa ladies room.

Ang ipinagkaiba lang ay kitang-kita ko ang buong imahe niya ngayon. Perpektong hugis ng mukha na parang inukit nang isang iskultor. Mapupungay na pares ng mga mata na halos tagos kung makatitig, perpektong hugis ng ilong na nakakagigil pisilin at manipis at mapupulang labi na siguro at kaysarap halikan.

Isang ngiti niya ang pumukaw sa akin kasabay nang pagbusina ng sasakyan.

"Hindi kaya baliw 'tong isang 'to?" sa isip-isip ko dahil panay busina na 'yong tatlong sasakyan pero parang wala siyang naririnig.

"Anong ginagawa mo? Nakakaistorbo ka sa ibang gustong dumaan." saway ko sa kanya nang makarating ilang hakbang malapit sa kinaroroonan niya.

"Isn't it obvious na hinihintay kita dito? Ang bagal mo naman kasi maglakad." sagot niya na ikinaarko nang dalawang kilay ko.

Aba! Siya pang may ganang magreklamo eh sinabi ko bang sabayan niya 'ko?

"Hoy! Nakakaharang ka sa daan." sigaw nang isa sa driver ng mga sasakyang nahinto dahil sa ginawa niya na halatang nagmamadali.

"Sandali lang po Sir. Pasensiya na medyo may inaayos lang na problema. Sandali lang po 'to." sagot ni Andreas doon sa medyo naiinis nang driver.

"Pakibilisan naman 'yan. Miss sumakay ka na sa kotse para matapos na 'yan." narinig kong sabi nang babaeng nasa pangatlong kotse.

"Naku! Hindi ko po siya kasama. Hindi ko nga po siya kilala. Baka nagkamali lang po." sagot ko sa babae saka binalingan si Andreas. "Alisin mo na 'yang kotse mo diyan at nakakahiya sa mga tao." utos ko sa kanya sabay dilat ng mga mata na ikinangiti niya.

May mangilan-ngilang tao na tumigil para makiusyoso sa kung anong nangyayari. May iba na nagbubulungan na.

"Pumayag kana kasing ihatid kita para makaalis na sila. Sabi mo nga diba, nakakaabala na tayo dito." wika niya na hindi maalis ang ngiti sa labi.

Talagang ginagalit ako ng lalaking 'to. Feeling niya siguro close kami? Hindi pa ako nakakalimot sa ginawa niya nung unang beses kaming nagkita.

"Ikaw lang ang nakakaabala dahil kotse mo 'yan. Huwag mo ako idamay d'yan." inis kong sabi sa kanya.

"Tingnan mo sila, naghihintay na sila na alisin ko 'yong kotse ko dito. Halika ka na sumakay ka na para makaalis na tayo at makaalis na sila."

"Miss, sumakay ka na at sa ibang lugar n'yo na tapusin 'yang LQ niyo. May hinahabol akong meeting." narinig ko na namang sabi nang isang may-ari nang nkasunod na kotse.

"Oo nga, Miss. Para makaalis na tayo lahat dito." saad nang isang babae.

Nilapitan na si Andreas nang naka duty na guard ng Arcadia at kinausap siya nito. Isang tapik sa balikat ng guard ang ginawa ni Andreas saka ito umalis.

Inabot na ako nang hiya sa nangyayari dahil nagbubulungan na 'yong mga tao sa paligid.

"Miss, sige na please sumama ka na sa boyfriend mo para makaalis na kami."

"Maawa ka na sa kanila, halika na at ihahatid na kita." wika ni Andreas sabay lahad ng kamay niya.

Isang matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya para ipaabot na hindi ako masaya sa ginagawa niya.

"Hindi mo na ako kailangang alalayan pa. Hindi ako disabled." sabi ko sa kanya sabay ikot ko sa kotse niya papuntang passenger side.

Sumakay ako at 'di na hinintay'ng maabutan niya ako para pagbuksan at alalayan sa pagsakay. Alam niyang hindi ako nasisiyahan dahil tahimik siyang sumakay sa kotse matapos makahingi nang pasensya sa mga taong naabala dahil sa ginawa niyang eksena.

Hindi ako nagsalita habang binabaybay namin ang kahabaan ng highway.

"Ihinto mo na dito. Bababa na ako." utos ko sa kanya.

"No! Ihahatid kita sa pupuntahan mo." sagot niya na nakafocus ang tingin sa daan.

"Ihinto mo na sabi! Bababa na ako." may diing sabi ko.

"Ang sabi ko ihahatid kita kung saan ka pupunta. Now, tell me kung saan."

"Fine! Sa resto ni Mr. Chen ako pupunta." paasik kong sagot sa kanya.

"Galit ka ba?"

At may gana pa siyang magtanong kung galit ako? Sino bang matutuwa sa pinaggagagagawa niya?

"Ano sa tingin mo? Akala mo magtatatalon ako sa tuwa dahil sa ginawa mong eksena doon? Akala ko ba ayaw mo ng issue?" nilabas ko na ang tinitimpi kong galit sa kanya.

Wala akong pakialam kong magalit man siya sa mga sinabi ko. Nagpapakatotoo lang ako sa nararamdaman ko sa mga oras na 'to.

"Hindi na bago sa akin ang ma-issue sa dyaryo. I don't mind being on the paper as long as totoo ang nakasulat. What I hate are manipulated issues." tugon niya sa mga tanong ko.

Hindi ako nakapagsalita sa mga sinabi niya. Tama siya, sino ba namang tao ang gugustohing madawit sa issues na gawa-gawa lang. Kaya ba galit siya noong mapaskil sa newspaper yong larawan namin dahil gawa-gawa lang 'yong inilagay sa balita at inisip niyang ako ang may pakana?

"Andito na tayo. Pwede ka nang bumaba." narinig kong sabi niya. Nasa tapat na kami ng resto. Bumaba na ako pagkatapos kong magpasalamat sa sapilitang paghatid niya sa'kin na sinagot lang niya nang isang tango saka pinatakbo ang kotse paalis.

"Galit ba siya sa mga sinabi ko? Kanina lang ang kulit niya tapos bigla nalang sumeryoso pagkatapos nang mga sinabi ko." sabi ko sa sarili ko na naguluhan sa pinakita ni Andreas.

Bakit ko ba siya poproblemahin? Siya 'yong gumawa nang eksena at hindi ako.

Papasok na sana ako nang resto nang makarinig ako nang busina nang sasakyan. Paglingon ko isang gray na Land Cruiser ang nakaparada sa tabi nang kalsada.

"Sino naman 'to? Huwag naman sana si Andreas, Lord." mahina kong usal sa sarili ko.

Isang nakangiting lalaki ang kumaway sa akin pagkababa ng salamin sa bintana ng sasakyan.

Kita ko ang kanyang medyo may kahabaan nang kulot na buhok na lumaylay sa noo niya, mapupungay na mga mata na titig na titig sa gawi ko, matangos na ilong na pinaresan nang mapula at manipis na labi. Mukha pa lang ulam na.

"Gab!" Tawag niya sa akin na pumukaw sa aking pagpapantasya.

"Alie!" Tugon ko habang unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi ko.

Seguir leyendo

También te gustarán

314K 9.7K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
29.3M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
Obey Him Por Jamille Fumah

Ficción General

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...