SLY {Fall for a Detective} [...

By throbbingheart

91K 2.4K 665

I'm an actress who have everything a normal person could wish for. The dresses, jewelries, shoes, all those m... More

SLY {Fall for a Detective} Prologue
Case 1.1 - The Detective Wanna Be
Case 1.2 - The Detective Wanna Be
Case 2 - Angel's Tear
Case 3 - Locked Room Murder
Case 4 - Endured Temptations
Case 5 - Regret and Fear
Case 6 - Shivers
Case 7 - Wedding Ring
Case 8 - Magical
Case 9.1 - Sacrifice
Case 9.2 - Sacrifice
Case 10 - Prince and Knight
Case 11 - That Star
Case 12 - The Leaving Part
Case 13 - To Smile
Case 14 - Inside Someones' Arms
Case 15.1 - Too Late
Case 15.2 - Too Late
Case 16 - Stare
Case 17 - Unheard Feelings
Case 18 - The Rise of the DEATH
*Spare Case* - SLY Guide
Case 19 - The Kidnap
Case 20.1 - Dating the Detective
Case 20.2 - Dating the Detective
Case 21 - Trustful Girl
Case 22 - Coldness
Case 23.1 - He's Finally Here
Case 24 - Secret Lust
Case 25 - Nostalgic Rain
Case 26 - Entwined Fingers
Case 27 - Broken Line
Case 28 - Severe Fall
Case 29.1 - Glittery Goodbye
Case 29.2 - Glittery Goodbye
Case 29.3 - Glittery Goodbye
Case 30 - The Proposal
Case 31 - Unusual Tears
Case 32 - His Pledge
Case 33 - Hide and Seek
Case 34- Secret Relationship
Case 35 - His One Dream
Case 36 - Last Kiss
Case 37 - Her Real Side
Special Case 1 - Knight's Tale
Case 38 - Detective's Confession
Case 39 - Infinity, Eternity and Forever
Case 40 - The Unnoticed
Case 41 - Holding On
Case 42 - Right Person
Case 43 - The Quitter
Case 44 - Under the Rain
Case 45 - The Serenade
Case 46 - Unexpected Visitor
Case 47 - Destiny Came
Special Case 2 - The Light's Tale
Case 48 - Withering Friendship
Case 49 - Forgotten Memory
Case 50 - Different Light
Case 51 - The Chess Player
Case 52 - Reckless Pretend
Case 53 - Deep Fall
Case 54 - Never Leave
Special Case 3 - The Princess Tale
Case 55 - Beautiful
Case 56 - Goodbye

Case 23.2 - He's Finally Here

1.3K 31 5
By throbbingheart

SLY {Fall for a Detective}

 

 

Copyright © 2013 throbbingheart

 

 

Case 23.1

He's Finally Here


throbbingheart says: Dedicated to Sammy's friend for giving my story a support due to Sammy's pursuance. *bows head* Thank you. <3

Dinelle's POV

"Tapos ka na ba?"

(O_O) Ang boses na iyon.

Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita ko si Wanna Be na umuupo sa tabi ko.

 "Pwede bang ako naman?" seryosong tanong niya at walang anu-anong hinawakan ang kamay kong nasa ere pa.

Kinuha niya ang batong hawak ko at ibinato niya iyon sa tubig.

~plok. "Masungit."

( o.o) Ako ba iyon?

~plok. "Maarte."

(>s< )

 

~plok. "Wala ring taste."

(OoO)

~plok. "Makasarili."

(=.=)

~plok. "Ipis."

(-m-) HINDI NA TAMA ITO!!

~plok. "Ma--"

"OH SHUT UP!!!" sigaw ko.

Ngumiti siya habang nakatingin sa lake.

"Bakit ka nandito?"

"Tinawag mo ako. Tinawag mo ako para laitin habang binabato ang lake."

"Hindi kita tinawag!"

Matagal bago may nagsalita uli.

"Bakit, Suralvo?"

"H-Ha?"

"Bakit kailangang iyakan mo pa ang taong parte na ng nakaraan mo?"

Nilingon niya rin ako, sandaling nagsalubong ang paningin namin.

Kumunot ang kilay ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

"Your director." dagdag niya pa.

Awtomatikong umiwas ako agad para tingnan ang tubig.

"Parte na siya ng nakaraan pero hindi ko siya iniyakan."

"Nakita ko."

"Ano?" nilingon ko siya pero diretso na lang uli ang tingin niya sa tubig. "Nandoon ka? So you're my stalker all this time?! Kaya ba hindi ka pumapasok sa klase? Kasi sinusundan mo ako?" sunud-sunod na tanong ko.

Sumiwang na naman ang ngiti sa labi niya.

Kailangan ko nang sagot!!

"Ipis ka! Wala ka talagang utak! Baliw! Sira-ulo! Hindi ka nag-iisip! Don't even think of following me again, or else you'll die!!" mabilis na tumayo ako dahil wala na ring kapupuntahan ang usap na ito.

Oras na ng dramatic turn away.

Lalakad na sana ako palayo nang kumapit siya sa kaliwang kamay ko.

"Sorry.." tumayo rin siya at binitawan ako.

"Sorry?" I smirked. Ito din ang sinabi niya pagkatapos niya akong halikan. "Sorry kasi ano? Kasi nawala ka sa normal mong pag-iisip para sundan-sundan ako? Gusto mo bang masira na ang buhay mo? Wag mong unti-untiin, kung kaya mong minsanin! Kaya kitang patayin at lunurin dito. Hindi lang masisira ang buhay mo! Mawawala pa!"

Tinapunan niya ako ng tingin at may luhang tumakas sa kanang mata ko.

"Pinatutunayan mo lang na nagkamali akong pagkatiwalaan ka! Paano mo ako nagagawang bantayan kung sarili mo hindi mo kayang asikasuhin?! You know what? You should stop being my bubble." I harshly wiped my tear and turn my back.

Napahinto ako nang maramdaman kong yakap niya ako mula sa likod.

"Sorry but I can't. Hindi ito kasing-babaw ng iniisip mo. Imposible nang bumalik sa normal ang buhay ko, pero magiging mas magaan para sa akin kung patuloy mo akong pagkakatiwalaan."

Kumalas ako sa yakap niya saka siya hinarap. "Tiwala? Magtitiwala ako sa isang bagay na hindi ko alam? I'm not a fool!!"

"Malalaman mo rin."

"Ang alin? Malalaman? Kailan pa?"

Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ko, at tiningnan ako ng diretso.

"Merong mga taong gustong manakit sa iyo. At hindi sila pangkaraniwang tao lang."

I weirdly feel shivers all over, like many eyes are staring at us right now.

Umiling ako. "H-Hindi."

"Marami silang kayang gawin. Hindi ko pa sigurado kung ano ang kailangan nila sa iyo. Pero anuman ang bagay na iyon, hayaan mo lang ako sa tabi mo."

"Kung totoo man ang mga sinabi mo, bakit? Bakit mo gagawin ito?"

"Dahil.. ako ang dahilan ng lahat. That's why I'm sorry."

Hindi ko nagustuhan ang narinig ko dahil higit pang sagot doon ang inaasahan kong dahilan ng pagprotekta niya sa akin.

"Have you heard about our cruise?"

I rolled my eyes. "With Bee? Yeah."

"I'm going with them." binitawan niya ang mga balikat ko.

My eyes widened. Iiwan niya na naman ako para kay Beatriz ipis niya?! "E akala ko ba nasa panganib ang buhay ko? Bakit mo ako iiwan?"

Kanina lang, ayokong maging stalker siya kung pababayaan niya ang pag-aaral niya pero bakit parang ngayon ayoko nang iwan niya ako?

Narinig ko ang mahihinang tawa niya.

"Bakit?!" inis na tanong ko. "Trip na naman ba ito? Imbento lang lahat ng sinabi mo kanina?!"

Bahagyang umiling siya.

Totoo ngang may gustong manakit sa akin?

Pero imbes na matakot, gusto kong magpasalamat sa mga taong iyon dahil magkakaroon na ako ng ibang dahilan para makasama siya.

"I have plenty of ways to protect you from afar, don't worry. Natutuwa lang akong malamang ayaw mo nang iwan kita, Suralvo." at lumakas pa ang tawa niya.

(.///. ) Nag-init ang mga pisngi ko. "I-It's not what you think it is!!" dinuro ko siya.

"Then what?" he stopped laughing. "Mind telling me?" inilapit niya ang mukha sa mukha ko, gaya ng dati niyang ginagawa.

Naibaba ko ang kamay ko at napalunok ako. Kagaya rin ng dati kong ikinikilos, umiwas ako ng tingin.

Bukod tanging siya lang talaga ang taong hindi ko kayang pakiharapan ng normal, at napipikon na ako sa sarili ko!

I felt his hands tapping my head. "The play was about to start, you must go."

Tiningnan ko siya. "Hanggang kanina, sinusundan mo ako?!" di makapaniwalang tanong ko.

Ngumiti lang siya at nagkibit-balikat.

"Anong klaseng tao ka!!"

Hanggang sa pag-uusap namin ni Phia nandoon siya? Sobra naman na yata ito.

I crossed my arms. "Akala ko si Reyjan na ang pinaka-malalang taong nakilala ko, nalimutan kong kilala na rin pala kita." ibinaba ko ang kamay ko at naglakad na palayo.

"Suralvo!" huminto ako pero hindi na ako tumingin.

"By any chance, will you choose knight over prince?"

I only blink several times.

"Will you leave that throne beside him and ride on my horse?"

Napayuko ako. Pilit na iniisip kung anong isasagot ko.

"Will you turn your back on your prince and face your knight?"

Kusang kumilos ang paa ko para harapin siya. Malayo man ang distansya sa pagitan namin, malinaw sa mga mata ko ang unti-unting pag-ngiti niya.

I gestured number three using my middle, ring and smallest finger. While my thumb and index finger was forming a circle.

"Psh. Ano?! Ito ba ikaliligaya mo?" tanong ko.

He gestured a thumbs up.

Napangiti na rin ako, pero noong mag-sink in sa isip ko ang pinaggagagawa ko, sumimangot ako at ikinuyom agad ang kamay ko.

Mabilis rin akong tumalikod at nagtatakbo palayo.

May nalalaman pa kasi siyang 'facing my knight,' ako namang isa't kalahating psychopatic, finace siya!

Aaaargh! This was totally insane!!

ö~ö~ö~ö

Crishae's POV

"NAKIKINIG KA BA DINDIN?!" mapuputol na ang vocal chords ko, pero para akong kumausap ng pader.

"Hmm? Ano ba iyon?"

Hinawi ko ang imaginary rebonded long hair ko at padabog na naupo sa kama niya. "Ang sabi ko, may Cruise si Director Lim bukas, at next week pa raw ang taping!"

"Oh, nice."

Kamuntik na akong mahulog sa kama sa reaksyon niya. The best! Ka-award-award! It was worth a million claps!!

"DINDIN!! HINDI MO BA ALAM ANG CONSEQUENCES NITOOO?"

"Meron ba?"

Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Kinurot-kurot ang pisngi ko at umaktong naiiyak noong sabunutan ko ang imaginary hair ko.

Kanina pa parang hangin ang kagandahan ko dito!! Kanina pa niya pinapagana ang walang kamatayang ignorance niya!! Kanina pa siya nagdo-drawing sa study table niya!!

"Haaano na bang gagawin ko sa'yo?!" inuntog ko ang ulo ko sa head rest ng kama niya.

"Done!!" pinaikot niya ang swivel chair at sa wakas ay hinarap ako, habang may tig-isang papel sa magkabilang kamay.

Natigil ako sa ginagawa ko. Nakaka-paralyzed na nakangiti ngayon si Dindin. Nagbago ba ng floorwax ang tagapaglinis niya at nasinghot niya?

Tumayo ako para tingnan sa malapitan ang kanina pa e pinagpapalit niya sa mga mahahalagang sinasabi ko.

"Kamukha noong kinababaliwan ni Shel. Buti pa iyong kamay mo, magaling.. di katulad ng ugali mo." kinuha ko ang dalawang papel at tinitigan pa.

Binatukan ako ni Dindin at kulang na lang madilaan ko ang hawak kong mga papel. "HAAAARAAAY!!"

Namana ni Dindin sa Papa niya ang talent niyang ito. "Pero infairness ha? Maganda talaga." napapatangong komento ko.

Ang isang papel ay drawing ng lalaking nakaupo sa trono. Naka-cape at naka-crown.

Ang isa naman ay lalaking naka-armor at may malaking espada, nasa likod nito ang isang kabayo.

"Chibi.."

"Ano? Bibe? AKINA NGA IYAN! Sago talaga mata mong bakla ka! Kaya mo ba iyan?! Makalait ka!! Hoy!!" tumayo siya at halos masira na ang suot kong loungerey.

"Chibi, sabi ko!"

"Ano iyon?! Ha? Salitang bakla?" nang-aambang tanong niya pa.

"Iyong pinaliit at pina-cute na anime! Iyong kasinlaki lang ng mukha ang katawan! Chibi!"

"Wag mo nga akong lokohin!" inagaw niya ang dalawang papel na hawak ko.

"Sinabi talaga iyon ni Shel. Bruha nito, napaka-saldita, sinisira ang loungerey ko. Ang harsh ha?!"

Tinapunan niya ako ng matalim na tingin, sabay sipa. "Anong loungerey e T-shirt yan?! Bakla na nga, tanga pa!"

(>~~~<) Abuso!!

( ~o~) Mapagsamantala!

(=,= ) Saldita!

Malaking kasalanan na bang magfeeling naka-loungerey ako?

Hinaplos ko ang sarili ko, awang-awa lang ako sa sexy kong figure na sinisipa-sipa lang.

"AHA!!" dinuro niya ako. "Sabi na nga ba!! Gusto mo na din si Shel no? Kaya natatandaan mo ang mga tungkol sa anime. Magsabi ka nga ng totoo. Ano? Lalaki ka na ba?"

"HWAAAAT!??" tanong at reklamo ko sa napakatinis na boses na halos ikasira na rin ng eardrums ko. "Nakikita mo ito, Dindin?" itinaas ko ang kanang kamay ko at pumilantik iyon. "Hangga't pumipilantik pa ang mala-Diyosa kong kamay, sa saliw ng Sirena ni Gloc Nine, bading at bakla pa rin ako."

Naupo na uli siya sa swivel chair.

Pinunasan ko naman ang butil-butil kong pawis, dala ng alanganing tanong niya.

"Then what if you're a princess, who among this two will you choose?" itinaas niya ang dalawang drawing.

Dahil napaupo ako sa lapag nang sipain niya ako, gumapang ako palapit. "Odi ito!" tinuro ko ang gwapong prince charming na naka-cape at may malaking crown. "Prinsesa ako. Prinsipe siya. Happily ever after ito. Yeee! Nakakakilig lang!!!"

"CHE!! Walang utak! Mas bagay kayo nitong kabila kaya!"

"Ayy? Grabe lang? Hiningan ako ng opinyon para sabihang walang utak?? Nahiya ako bigla! Sobra."

"Bakla ka talaga! Hindi ka pwedeng maging prinsesa, pero bagay kayo ng kabayong dinrowing ko."

Luka-lukang gaga, kasama pala sa pagpipilian ang kabayo?

ö~ö~ö~ö

Dinelle's POV

"Crisostomo! Bumangon ka na nga!" winisik-wisik ko sa baklang mukha niya ang tubig sa pitsel na nasa side table ng guest room.

Dito na naman kasi siya natulog sa condo ko.

"CRISOSTOMO!! Hindi pa nakahanda ang dadalhin ko para sa taping!"

Bumalikwas siya ng bangon at hindi makadilat dahil nahihilam ng tubig. "WAAAA!! I'M BLIND!! I CAN'T SEE!!"

Ibinaba ko ang pitsel na hawak ko at nagpunas ako ng basang kamay sa T-shirt niya.

"Tanggap ko nang T-shirt 'to Dindin! Nag-sink in na sa utak kong T-shirt 'to, kaya wag mong gawing basahan!!"

Tumayo na ako at hindi na pinansin ang kalandian niya. "Tumayo ka na dyan, ihanda mo na ang dadalhin ko. Baka magalit na naman ang paniking manager ni Shane kapag na-late ako."

Habang nagtatagal kasi lumalabas ang pagka-perfectionist ni Director Lim, hindi ko alam kung paano nakakatagal ang isang tulad ni Shane sa kanya.

"Dindin! Wala ka ngang taping ng one week! Dahil ngayon ang Cruise ni Director Lim."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" galit na tanong ko. Pinilit ko pa man din ang sarili kong bumangon ng napakaaga. Wala talaga siyang pakinabang!!

"Haruu maryosep! Hoy ineng!! Kagabi ko pa pinupush ang kwentong Cruise ni Director Lim. Masyado ka kasing busy sa pagiging otaku."

Ota--? What did he say? Ohtakuu? Jejemong bakla talaga ito. Nakakabadtrip!

"Umagang-umaga pinapayamot mo ako sa mga gay lingo mo, di'ba sinabihan na kitang okay lang na bakla ka, wag lang ang salita mo?! Malay ko ba kung minumura mo na ako."

Naihilamos niya ang palad sa mukha. "Otaku.. parang si Shel, obsessed sa anime, hin--"

"Tama nang palusot! Tawagan mo si Director Lim ngayon na! Itatanong ko lang sa kanya kung gaano siya kaimportante para hindi mag-taping ng isang buong linggo, gayong may co-director naman at writer. Dali!"

"Dindin, kilala mo naman si Direk di'ba? Mitikulosang paniki iyon, ayaw niyang may nakikialam. Siya lang ang magaling."

"Kung valid naman ang reason niya, ayos lang. E bakit naman magpapakasaya siya sa Cruise nang may current drama pa? Kung hindi ba naman siya abnormal!"

Bumaba na si Crisostomo sa kama at tumayo sa harap ko. "Hindi nga iyon basta Cruise lang, dahil iyon ang Cruise na dadaluhan ng mga kilalang businessman, kagaya ni Ronelle.. ang Papa mo."

"S-Si Papa?" awtomatikong naging blanko ang utak ko.

Ang Papa ko.

Sinabi na rin ba niya ito kagabi?

"Ang consequence noon ay magkakasabay ang make-up tapings nyo ng Transparent Dream next week sa upcoming projects mo, mawawalan ka na ng one-day-a-week rest."

"Si Papa." humawak ako sa braso ni Crisostomo. "Gusto kong makita si Papa."

"Kailangan ko siyang makita." nagtatakbo na ako palabas ng guest room bago pa niya ako mapigilan.

ö~ö~ö~ö

"Sorry Maam pero hindi ka namin pwedeng papasukin."

"Hindi mo ba ako nakikilala?!"

I'm wearing my very nice shades that compliments my dark pink lipstick. Kasalukuyan kong pinanonood ang eksena ng bestfriend ni Beatriz ipis sa isang babaeng flight attendant.

"I am Talline Niche Villacortez! Member of the Harmony Academy's Cheer Group!" mapapansin ang pigil na sigaw sa boses niya.

"Sorry Maam, bukod po kasi sa wala kayong passport o valid I.D., may attendance na rin ang sinasabi mong pangalan."

"Heyyy!! Kanina ko pa sinabi di'ba? Nanakawan ako. May kumuha ng passport at I.D. ko."

Napatingin ako sa kaliwang kamay kong hawak ang passport ng taong nagngangalang Talline Niche Villacortez.

I didn't stole it. I just borrowed it without her permission, those two are waaaay different from each other.

"Nanakawan nga ako! Nakikinig ka ba?! I'm part of this Cruise!"

"Sorry Maam, nakakaabala na po kasi kayo, marami pa pong nakapila sa likod nyo."

Oh well..

Poor Talline. But on the brighter side, she must be very proud that I chose her passport and I.D. to take. Ang hirap kayang magpapangit para lang makumbinsi ang flight attendants na ako si Talline.

Lumakad na ako papasok para masimulan ko nang hanapin ang Papa ko, nang makauwi na ako bago pa umandar ang pesteng ship na ito.

ö~ö~ö~ö

"Papa.." mahinang nasabi ko, pagkakita sa taong maraming taon na akong hindi binalikan.

Marami siyang kausap na sa suot pa lang ay masasabi mo nang kagalang-galang na mga tao.

Alam kong maraming oras ang nawala sa amin ni Papa, pero sigurado akong ako at ako lang ang prinsesa niya.

Tinanggal ko ang shades ko, nagpalinga-linga ako para humanap ng pwestong hindi gaanong malapit at hindi gaanong malayo. Basta makikita at makikilala ako ni Papa.

Humakbang ako, at parang batang pinapakiramdaman kung saan ilalagay ang sarili para mapansin ng tatay niya.

Alam kong hindi siya lulubayan ng mga taong kumakausap sa kanya, at alam ko ring magkakaroon ngmalaking issue kapag nahagip ako ng camera, dahil hindi dapat ako nandito. Kaya ito lang ang magagawa ko, ang maghintay na si Papa na mismo ang kusang lumapit sa akin.

Papa, tumingin ka dito. Tingnan mo ako. Ako 'to, ang prinsesa mo. Kamusta ka na ba Papa? Matagal na panahon na rin.

I scratched the skin under my eye. Marami akong gustong sabihin, marami akong gustong ikwento sa kanya. Iyong mga bagay na itinago ko ng matagal na panahon.

Pinisil ko ang laylayan ng suot kong summer dress.

Alam mo Papa, madami na akong kaibigan. Hindi na ako natatakot pumasok ng school. At Papa.. I'm the most popular now. Ito ang gusto mo di'ba?

I blink plenty of times then tears started falling.

Are you proud of me now? Please tell me you are. I think I deserve an appreciation from you after all. Please tell me that your princess did a great job of making you happy.

Napatakip ako sa bibig ko dahil ayokong marinig ng iba ang pag-iyak ko.

Naramdaman ko na lang na may cap na isinuot sa ulo ko at ibinaba hanggang sa mata ko. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinila ako palayo.

"This will create a big issue, Suralvo."

Suralvo? So it's him.

 

-will be continued

throbbingheart says: Thank you for reading :) Look at their picture on the left -->

What's your favorite part of the Case? Ano ang ineexpect nyong mangyayari sa next case natin?

Imagine, Dinelle and Justin on one room for five days! (>//<) YEEEE! The thought is making me grin XD

Continue Reading

You'll Also Like

MATCHA HOLMES By Lunatella

Mystery / Thriller

2.9K 132 42
When the adoptive grandfather of Matcha Holmes died. She thought that she'll be all alone again. But when their neighborhood lawyer came to visit and...
17.8M 319K 59
WELCOME TO HELL. --- Date started: January 29, 2012 Date finished: November 21, 2012 (PUBLISHED UNDER VIVA • AVAILABLE NATIONWIDE)
29.7M 988K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
139K 8.1K 26
DESPEDIDA GONE WRONG. What's supposed to be a memorable send-off party ends up in tragedy as the celebrant drops dead after making a toast. Of all th...