Just Like Before

By moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. More

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 4: Kuya
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 5: Wo ai ni

3.5K 58 5
By moisel

Chapter 5 (Wo ai ni)

Inayos namin ni lola lahat ng pinamili namin ni Harley bago ako umakyat sa kwarto ko. Tinawag pa ko ni Harley para mag-dinner pero parang ako yata ang nabusog sa ginawa niya kaya hindi na ko nakakain. Halos hindi ako nakatulog dahil sa sinabi ni Harley.

“Sinundan ka nga niya eh.”

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo. Isang oras lang ang naging tulog ko. Masyado akong pinag-iisip ng bata yon. Hawak hawak ko ang sentido ko bago pumasok ng bathroom. Tumingin ako sa salamin, geez. Halatang halatang wala akong tulog dahil sa mata ko. Naghilamos ako at nag-toothbrush.

Bumaba ako para kumain, tinitigan ko ang kapatid ko na kasabay ko rin kumain. Busy-ng busy siya at parang walang pakialam sa paligid niya.

“Stop staring at me, ate.”

Inirapan ko siya bago binalik ang tingin ko sa pagkain ko. Gustung-gusto kong tanungin si Harley sa mga sinabi niya sa’kin kahapon. Pero hindi ko na tinuloy. Tutuksuhin lang ako nito.

“May number ako ni Kuya Royce, gusto mo?” Tumingin siya sa’kin habang sumusubo.  Pakiramdam ko namula ako dahil sa tanong niya.

“A-ano namang gagawin ko sa number niya?”

“Baka susubukang kainin diba?”

Halos ibato ko sa kanya yung hawak hawak kong kutsara. Kung wala lang si lola at lolo sa tabi namin, tusok tusok na ‘tong kapatid ko.

“Royce?” Napatingin ako kay lolo na busy sa pagbabasa ng newspaper habang umiinom ng kape. “Yung binatang naghahatid sa’yo dati?”

“H-ha, lo?” Pinandilatan ko si Harley ng bigla siyang ngumisi. “Uhm, opo.”

“Boyfriend mo ba yon?”

“Hindi po!” Sagot ko agad. Kilala ni lolo at lola si Royce. Palagi niya kong hinahatid sa bahay noong nanliligaw pa siya. Siguro naman napapansin na nila si Royce dati pa pero hindi na sila nagtatanong. Alam naman nilang hindi ako gagawa ng kalokohan.

“Bakit nga ba wala ka pang boyfriend, Skyla?” Napangiwi ako sa tawag ni lolo. Mas sanay kasi ako sa Hailey. “Magna-nineteen ka na next month.”

“Ikaw talaga,” narinig ko si lola na nagsalita. “Hayaan mo na si Hailey sa buhay niya. Matanda na siya. Kaya na niyang magdesisyon para sa sarili niya.”

Napasimangot ako. Kasalanan to ng kapatid ko eh. Lihim ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa, gumanti agad siya. Sinipa ko ulit siya bago nilayo ang paa ko.

“Parang wala kang tulog, Hailey?” Sabi ni lola sa’kin. Dahil don, nakaramdam na naman ako ng antok. Ngumiti lang ako kay lola bago tinapos ang pagkain ko. Tumayo na rin si Harley. Ngayon ko lang napansin na naka-uniform na siya.

Kinuha niya yung bag niya sa kwarto bago nagbless kay na lola. Palabas na siya ng pinto ng bigla ulit siyang humarap sa’kin.

“Ayaw mo talaga?”

Inirapan ko ulit siya. Tumatawa siya nung palabas na. Kainamang bata yon. Grabe kung mapagtripan ako. Pero bakit may number siya ni Royce? Pinilig ko agad ang ulo ko bago tinulungan si lola sa paglilikom ng plato.

Bumalik ako sa kwarto ko para mag-ayos. Quarter to 8 nung umalis ako sa bahay. Dumiretso agad ako sa COM, nakita ko yung mga kaklase ko na nasa hallway malapit sa room namin. Humikab ulit ako. I need to rest.

“Pagod ka, best?”

Hindi ko si sinagot ang tanong ni Dana. Sinandal ko ang ulo ko sa glass wall ng COM at pumikit. Nagpapasalamat na rin ako dahil hindi ako ginugulo ni Nami ngayon. Alam ko kasing madaming tanong na naman yon.

“May sakit ka ba?” Tanong ni Dana. Umiling ako. Hinawakan niya ang leeg ko para makasigurado. “Wala kang tulog? Halata sa mata mo.”

“Hmm…” Nagmulat ako ng mata pero nakasandal pa rin sa glass wall. Nahagip ng tingin ko sina Nami na nagbubulungan sa isang gilid. “Anong meron sa kanila?” Tanong ko sabay nguso sa pwesto nina Nami.

“Wala ka bang nakita kanina pagdaan mo ng hallway?”

“Uhh, wala?”

“Tumingin ka ulit.”

Dahil curious din naman ako, sumilip ako sa hallway. Sumalubong agad sa’kin ang titig niya. Parang kanina niya pa alam na nandon ako. Umatras agad ako at sumandal sa wall. Dahilan para mauntog ako.

“Aww.”

“Skyla Hailey!” Parang nagising yata ang buong diwa ko dahil sa pagkakauntog ko. Napapikit pa ko dahil sa sakit. “Ayos ka lang?”

“Hindi…” mangiyak ngiyak kong sabi. Hinimas ko ang noo ko. “Ang sakit, best.”

“Eh kundangang tanga kasi. Bakit mo inuntog ang sarili mo sa glass?”

“Iuntog kaya kita?” Sumimangot ako sa ngising ngisi kong bestfriend. “Bakit ka nakangiti? Anong ginagawa niyan dito sa COM? Sa COE ang mundo nila diba?”

“Nakikigalaw din naman tayo sa mundo nila diba? ECON yata sila.”

“ECON? Bakit may ECON sila?”

“Bakit sa’kin mo itatanong? Itanong mo kay Royce! Yun oh, nakatingin.”

Hinila ko agad ang kamay niya para maiwasan ang pagturo. Tumawa lang siya sa ginawa ko. ECON? Minor lang yon ah? Wala ba siyang unit non sa dating school niya? Tss.

Tumingin ako sa room namin. May nagkaklase pa rin sa loob kaya naghihintay kami dito sa hallway.

“Huwag mo nalang pansinin. Baka makita ka pa nina Nami.”

“SKYLA HAILEY!” I sighed. Ako pa nga ang nakita. “Good morning!” Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang balikat ko. “May ikukwento ka pa! Bakit naman ganon ka makipag-usap kay Royce?”

“Pa’no ba ko nakipag-usap sa kanya?” Hininaan ko ang boses niya. “Ganun naman talaga ako makipag-usap diba?”

“Hindi eh! Parang may galit ka sa kanya kahapon.”

“Muntik na kong madulas sa bola na nabitiwan niya kahapon. Gusto niya pang ipaabot sa’kin, sinong hindi magagalit? At bakit ang kalma mo ngayon?” Iba kasi ang reaksyon niya kapag nakikita niya si Royce. Akala mo may bulate mula ulo hanggang paa.

“Syempre,” Nalaglag ang panga ko nung inayos niya ang buhok niya sa harap ko na parang ang hinhin hinhin. “Ganda points din kapag mahinhin. Baka ma-turn off si papa Royce.”

Pinigilan kong umirap. Nayayamot ako. Hindi ko alam kung bakit.

“Bakit ba nandito sila?”

“ECON daw. Naiwan niyang subject. Hindi pa yata siya graduating eh. Kasama niya yung iba niyang friends. Ang gwapo niya talaga!” Sumulyap siya kay Royce. “Oh my gosh! Baka napapansin na niya ko. Kanina pa siya tumitingin dito!”

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Last Tuesday, dito rin ang room namin pero hindi ko siya nakita. Oh, dear.

“Teka.” Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya. “Mukhang wala kang tulog ah?”

“Wala akong tulog. Kasalanan yon ng kapatid ko.”

“Nag-away na naman kayo?” Alam na nila yon dahil minsan na silang nakapunta sa bahay nung naggawa kami ng requirements. “Pero kahit nag-aaway kayo, gwapo rin ang kapatid mo ah?”

Napabuga ako ng hangin at tumalikod sa kanya para sana pumunta sa kabilang side ng hallway ng bigla akong mapaatras ng dalawang beses at napasandal sa glass wall. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Tumingin ako sa gilid para maiwasan ang tingin niya. Naamoy ko agad ang pabango niya. Hindi pa rin siya nagpapalit ng pabango. Dammit.

Sa dami rami ng pwedeng daanan bakit sa harap ko pa? Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Nami sa kamay ko. Kinikilig na naman to pero pinipigilan lang dahil bawas ganda points. Tss.

Mukhang sa tabing room pa namin ang room nila. Peste! Pwede namang sa third floor diba? Bakit sa second floor pa?

“Mukhang pinagtatagpo talaga kayo ng tadhana.” Bulong ni Dana sa tenga ko. Kinilabutan agad ako sa sinabi niya. Anong tadhana? Nakakain ba yon?

“Tigilan mo ko, Dana. Kapag ako naasar, iuuntog talaga kita dito.”

Ngumisi siya at dumiretso sa pinto ng room. Lumalabas na yung ibang estudyante galing don. Buti nalang at makakapasok na agad. Ayoko nang magtagal dito sa hallway. Pumasok ako sa loob ng room na hindi na ulit tumingin sa kanya.

Halos nagtagal din kami dahil sa Capital Market, nagbigay ng syllabus si Ma’am at nag-orient na rin, in-explain ang house rule at grading system. Dahil nasa likod ako nakapwesto, pumikit ako. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Royce. Napamulat ako kahit antok na antok ako. Gusto kong magpapadyak dahil sa sobrang asar ko. Inaantok ako at naaasar. Dapat talaga umiiwas ako kay Royce. Yun nga ang dapat kong gawin. Hindi ko sigurado ang magiging lagay ng puso ko kapag pinayagan ko siyang makalapit sa’kin. Ayoko na. Takot na kong masaktan.

“Hailey, tara na.” Tinapik ni Dana ang pisngi ko na siyang nagpagising sa’kin. Nakaidlip pala ako sa room. “Si Ma’am?”

“Nakaalis na kanina. Ngayon lang kita ginising dahil hanggang 10 naman tayo sa room na’to. Eh may susunod na class pa dito kaya kelangan na nating umalis. Sa lib mo nalang kaya ituloy yan? Wala daw tayong Entep.”

“Sige.”

Inayos ko ang gamit ko at tumayo. Naabutan ko sina Nami na nasa labas na ng room, mukhang may hinihintay.

“Bakit andyan kayo?” Tanong ni Dana sa kanila. “Akala ko aalis na kayo?”

“Eh nandito pa si papa Royce.”

Napatingin agad ako sa katabing room. Nandon siya at nakasandal sa wall habang nakapamulsa. Parang may hinihintay. Seryoso ang mukha niya kahit nagtatawanan ang mga kasama niya. Napansin niya yatang may nakatitig sa kanya kaya napatingin siya sa pwesto namin. Sinalubong niya ang tingin ko. Umayos siya ng tayo. Umiwas agad ako ng tingin dahil don.

“Guys, sa lib lang ako. Kelangan kong matulog.” Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Naglakad na agad ako papunta sa hagdan. Binilisan ko ang lakad ko para makarating agad.

Iwasan ang mga taong kelangang iwasan, Skyla Hailey.

Nakarating naman agad ako sa library. Kinuha ko agad ang headset, wallet at cellphone ko bago pinaiwan ko ang bag ko sa library counter.

Pumunta agad ako sa corner. Dalawang library table ang magkatabi. Ito ang madalas naming pwesto ni Dana kapag magkasama kami sa library. Hindi kasi masyadong pansin. Walang makakakita kung matutulog ako pero dapat handa pa rin. Inabot ko ang isang book at nilagay sa harap ko tapos um-ub-ob. Nakaramdam na naman agad ako ng antok.

Nagising ako at ang libro sa harap ko agad ang nakita ko. Tumingin ako sa relo ko, 11:30 na. Kahit bitin, atleast nakatulog ako. Nag-inat ako ng konti at napatingin sa right side ko. Dun ko napansin na may katabi pala ako. Bahagyang nanlaki ang mata ko. Tinanggal ko agad ang headset ko. Tumingin siya sa’kin pabalik tapos sa libro namang hawak niya.

“Nakatulog ka ba ng maayos?” Tanong na nagpakabog ng todo sa puso ko. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa paligid. Kaunti lang ang tao dito sa third floor ng library.

“A-anong ginagawa mo dito?” Bahagya niyang tinaas ang libro na hawak niya. “B-bakit nag-aaral ka ng hangul?”

“Oh? Hangul ba to?” Tinignan niya yung cover page. “Wala lang. Bored.” Binaba niya ang libro at tumitig ng mabuti sa’kin. “Hi, Hailey.”

“A-aalis na’ko.” Hinawakan ko yung libro na ginawa kong props. Pero pinigilan yon ng kamay niya.

“Not so fast, babe.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Who the hell is babe?

“Pwede ba lumayo ka? Mag-aral ka nalang dyan kung gusto mo. Wag mo kong guluhin.”

“Hmm…” Tinanggal niya yung buhok na nasa mukha ko, nilagay niya to sa likod ng tenga ko. Umatras ako ng bahagya. Mukhang nagitla rin siya sa ginawa niya. “It’s good to know that you still recognize me.”

“Of course, the one and only Royce Blaiden dela Cruz.”

Ngumisi siya at pinagpatuloy ang pagtitig sa’kin. Bahagya niyang kinagat ang labi niya. Napatitig din ako ng matagal sa kanya. Inaamin ko, namiss ko siya. Pero hanggang don lang yon.

“Pagod ka?” Tanong niya. Sumandal ako sa upuan ko. Binuksan ko yung libro na kinuha ko.

“Paki mo?”

“Sungit.” Napatingin ako sa kanya. Napangisi ulit siya. Inirapan ko siya. Nagkunwari akong nagbabasa ng librong hawak ko. Ano ba itong kinuha kong libro? Wala akong maintindihan kahit isa.

“You like Chinese?”

“What?” Dun ko lang napansin na Chinese language pala ang nakasulat dito. Pakshet. “Y-yes. I love Chinese.”

Ni wala nga akong maalalang Chinese word. Damn. Dun ko lang napansin na parang normal lang kaming mag-usap. Nagflashback agad sa’kin lahat ng nangyari dati. Nakagat labi ako. He moved on.

“I’m Chinese.”

“What?” Nalugaw yata ako sa sinabi niya. Minsan hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga lalaki.

Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya habang binabalik ang tingin sa librong hawak niya.

“May alam ka bang Korean word?” Tanong niya sa’kin.

Tumango ako dahan dahan. Napansin niya siguro yon kahit nakatingin siya sa libro.

“Ano?”

“Pabo.”

“And what is that?”

“Gwapo.”

“You mean… gwapo ako?”

This time, ako naman ang napangisi. “Hmm. Pabo yah.”

“Niloloko mo lang ako eh.”

“Of course not.” Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagtawa.

“Hmm…” Alam kong hindi siya naniniwala sa’kin pero hindi na niya ko pinilit. “What about Chinese? May alam akong Chinese word pero hindi ko alam ang meaning. Since you love Chinese, baka alam mo?”

“What is that?”

“Wo ai ni.” Seryoso niyang sabi.

Dun ako napabalik sa sarili ko. Alam na alam ko ang ibig sabihin non. At hindi ako magpapauto sa kanya na hindi niya alam kung anong ibig sabihin non. This guy hurt you, Skyla Hailey. You should stay away from him.

Kinuha ko agad ang book at binalik sa kinuhanan ko. Tumayo ako at naglakad paalis nang walang sinasabing kahit ano.

***

"Pabo" - idiot/stupid

"Wo ai ni" - I love you.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5M 535K 62
A good girl who will break all her rules for the bad boy who will break all his rules for her, too. Teen Fiction ❤️
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...