Just Like Before

Bởi moisel

185K 2.9K 668

Everyone deserves second chance. Xem Thêm

Just Like Before
Chapter 1: Number 7
Chapter 2: Dela Cruz
Chapter 3: Gym
Chapter 5: Wo ai ni
Chapter 6: Suitor
Chapter 7: Turn back time
Chapter 8: Number
Chapter 9: Damn love
Chapter 10: Closure
Chapter 11: Not enough
Chapter 12: Start Again
Chapter 13: Cafeteria
Chapter 14: Your voice
Chapter 15: Time
Chapter 16: A sign
Chapter 17: Broken
Chapter 18: My Hailey
Chapter 19: Your touch
Chapter 20: Upset
Chapter 21: Sweet
Chapter 22: My way.
Chapter 23: Chances
Chapter 24: Dead
Chapter 25: Parents
Chapter 26: Uneasy
Chapter 27: After lunch.
Chapter 28: Accident
Chapter 29: Selfish.
Chapter 30: First.
Chapter 31: Calm.
Chapter 32: Bestfriend
Chapter 33: I love you, Royce.
Chapter 34: Give me time.
Chapter 35: Distracted.
Chapter 36: Why, Dana?
Chapter 37: Everything.
Chapter 38: Yes.
Chapter 39: Territorial
Chapter 40: Plan
Chapter 41: You're mine.
Chapter 42: My girl.
Chapter 43: Bye. I love you.
Chapter 44: My son's girlfriend
Chapter 45: Always hers
Chapter 46: Date my son
Chapter 47: Back.
Chapter 48: My fault.
Chapter 49: Babe.
Chapter 50: Why?
Chapter 51: Contact
Chapter 52: Letter
Chapter 53: Now.
Chapter 54: Nami and Levi
Chapter 55: My Royce.
Chapter 56: Who's this?
Chapter 57: Distraction.
Chapter 58: Sorry, girlfriend.
Chapter 59: Scared.
Chapter 60: Caller
Chapter 61: Saturday.
Chapter 62: My message.
Chapter 63: Just say yes.
Chapter 64: Missing.
Chapter 65.1: Royce's Point of View
Chapter 65.2: Royce's Point of View
Epilogue.
JLB: JTHY
JLB: JFY

Chapter 4: Kuya

3.6K 54 3
Bởi moisel

Chapter 4 (Kuya)

Bigla akong nanghina. Pinaupo agad ako ni Dana sa tabi niya. Parang walang nakapansin kung anong tingin ang binigay sa’kin ni Royce. They’re all busy spazzing over him.

“I-I need to go now, Dana.”

“Baka makahalata sila kapag umalis ka. Tinitigan ka niya kanina.” Sinabi niya malapit sa tenga ko. Huminga ako ng lalim at lihim na tumingin ulit kay Royce. Nakikita kong nagnanakaw siya ng tingin sa pwesto namin kapag nagkakaroon siya ng pagkakataon. “Ang gwapo niya, Hailey.” Parang wala sa sariling sabi ni Dana. Nanlaki ang mata ko.

“Dana Antonia!”

“Sinasabi ko lang. Talaga naman, hindi ba?”

Inirapan ko siya. Sa iba ko nalang binaling ang pansin ko. Inaamin ko, gwapo nga talaga si Royce. High school palang kami, naaagaw na niya ang atensyon ng mga babae sa school. Kaya nagitla nalang ako isang araw, lumapit siya sa’kin at sinabing liligawan ako. Kahit na focus ako sa pag-aaral non, sinagot ko siya. Masaya naman kami, nung una.

“I really need to go now. Kung hindi mo ko masasamahan, ako nalang mag-isa. Manood ka na lang.”

“Manood ka na kahit first quarter lang!”

“Dana naman! Pinahihirapan mo ba ako?”

“No.” Ngumiti siya sa’kin. “Akala ko ba wala ka nang gusto sa kanya. Eh bakit parang naaapektuhan ka pa rin?”

“I am not affected. Alright, manonood ako para lang matahimik ka.” Sumulyap ulit ako kay Royce at nakita kong diretso siyang nakatingin sa’kin. May hawak hawak siyang bola at bahagyang dinidribble.

“Fcking shit, Andrea! Nagdidribble palang yan ng bola, ang hot na! Oh my gosh. Ang sarap maging bola!” Rinig kong sabi ni Nami sabay tili. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita. Baka kung ano lang ang masabi ko. I’m not comfortable with it. “Ang tagal naman magsimula!” Reklamo niya pati.

Napatingin ako sa relo ko. 4:30 na at hindi pa rin nag-uumpisa. Gustung gusto ko na umalis. Hindi ko na kayang makita pa siya! Please, Lord.

Laking pasasalamat ko ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nagtext si Harley.

From: Harley

Grocery daw tayo nina lola mamaya. Hanggang anong oras klase mo?

Halos tumili ako sa sobrang tuwa. For the first time in your existence, dear Thunder Harley, magpapasalamat ako sa’yo! Mahahalikan talaga kita!

“Maggo-grocery daw kami, Dana. Alis na ko.” Tumayo ako. Napatingin tuloy sa’kin ang iba kong kaklaseng manonood din ng practice game.

“Anong grocery? Dahilan mo lang yan yata.”

“Of course not!” Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko.

“Mamaya pa daw oh. Umupo ka nga!” Hinila niya ko paupo uli. Halos masabunutan ko siya.

“Aalis ka na ba, Hailey?” Tanong ni Gina na nasa likod ko nakaupo. Humarap ako sa kanya para sumagot pero inagawan ako ng eksena ng magaling kong bestfriend.

“Hindi pa. Nagugutom lang kaya hindi mapakali. Bili ka muna pagkain, Hailey?” Inagaw niya sa’kin ang bag ko tapos nilagay sa side niya. Pinandilatan niya ko. Pinandilatan ko rin siya. Palakihan ba ng mata, ha, Dana Antonia? “Babalik ka ha?”

Mas mabuti rin sigurong nasa labas ako kesa mapanood ko siyang naglalaro. Mas makakahinga ako ng maluwag. Parang kanina lang sinabi niyang tutulungan niya ko para makaiwas sa panonood pero ngayon siya na ang nagtutulak sa’kin. Barilin ko kaya itong isang to?

“Bibili lang ako.” Tumayo ako at sinipa ng palihim si Dana. Tinawanan niya lang ako. Dahil wala pa naman sila sa gitna ng court, free pa ko na dumaan. Naglakad ako habang mahigpit na hawak ang cellphone ko. Bakit parang ang layo ng exit?

Binilisan ko pa ang lakad ko pero napatigil ako nung muntik ko nang maapakan ang bolang gumulong sa harap ko. Napatigil ako sa paglalakad. Kumunot ang noo ko bago humarap sa may kasalanan. Of course, kilala ko kung sino. Siya lang naman ang naglalaro ng bola kanina. Tumahimik na naman sa buong gym. Bakit ba kapag may gumugulong na bola eh tumatahimik?

Diretso siyang nakatingin sa’kin. Parang walang ginawang kung ano sa paraan ng pagkakatingin niya.

“Sorry, the ball slipped.” Halos magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. What’s with the voice? Boses pa lang apektado ka na, Hailey! “Pwede bang paabot?”

Matagal ko siyang tinignan. Dahil tumatagos sa buto’t balat ko ang titig niya, nag-iwas na ko. Binaling ko nalang sa bola na nasa tapat ko na. Inapakan ko ito bago sipain. Palayo sa kanya. I saw him smirked. Dumoble ang tibok ng puso ko. I should visit a cardiologist. Baka hindi na normal ito.

“It slipped. Sorry.” Tinitigan niya ko na parang interesadong interesado siya sa ginawa ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Sorry.” Ulit ko pero walang taong maniniwalang sincere yon.

And with that, I walked out. Dumiretso ako sa University mall. Tumambay lang ako don habang kinakagat ang straw ng bubble tea ko. Kinuha ko nalang ulit ang cellphone ko at nagreply kay Harley.

To: Harley

Tapos na klase ko. Pauwi na rin ako. Sasama ako ha? Wag niyo kong iiwan.

Nakatulala lang ako nung biglang may humampas sa balikat ko. It was Dana. Thank, goodness! Dala niya rin ang bag ko.

“Anong ginawa mo don?” Tanong niya agad sa’kin. Inabot niya rin sa’kin yung bag ko. Buti wala siyang kasamang iba. Mukhang busy pa sa panonood. “Ang sungit mo daw sabi ni Nami. Kaya daw hindi ka nagkakaboyfriend.”

“Anong bago? Yan din naman ang sinabi mo sa’kin, diba?” Inirapan ko siya. Humagalpak siya ng tawa. “Bakit kelangang utusan pa’ko? Pwede namang siya na yung kumuha diba? In the first place, siya yung may kasalanan kung bakit gumulong yung bola.”

“Malay mo pinagulong niya talaga yung bola papunta sa’yo.” Bumilis ang tibok ng puso ko. Umupo siya sa upuan sa tabi ko.

“Baliw pala siya eh. May galit ba siya sa’kin? Pa’no kung naaksidente ako dahil don? Hay!” Tumayo ako at sinabit na ang bag ko sa balikat ko. “Uuwi na talaga ako. Sabihin mo nalang kay na Gina na may gagawin pako.”

“Okay po.” Ngumisi siya. Sinimangutan ko siya. Wala namang nakakatuwa eh.

“Di ka pa uuwi?”

“Hihintayin ko pa si Kuya. Nagpapalit lang siya ng uniform.”

Tumango ako bago nagpaalam sa kanya. Nilakad ko lang mag-isa hanggang makarating ako sa shed. Sumakay ako sa jeep hanggang makarating sa bahay namin. Naabutan ko na naman na naglalaro ng PS3 si Harley.

“Hey, boy.” Napatingin siya sakin sandali bago binalik ang tingin sa nilalaro. “Na’san si lola?”

“Nasa garden. Tayo nalang daw dalawa mag-grocery.”

“Okay.”

Pumunta agad ako sa garden para magbless kay lola. Naabutan ko siyang nags-spray sa mga orchids na alaga niya.

“Lola, kami nalang maggo-grocery ni Harley?”

“Oo, ija. Para maabutan naman ng lolo mo na may tao dito sa bahay.” Malakas pa sina lolo kaya kayang kaya pa nilang magtrabaho.

“Sige po. Bihis muna po ako lola.”

“Sige, mag-iingat kayo ng kapatid mo.”

“Opo!”

Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Mukhang nakapagbihis na rin naman si Harley. Dumiretso ako sa kusina pagkatapos at kinuha ang note na nakapost sa refrigerator. Nakalagay lahat don ang mga kailangan naming bilhin. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang wallet ko.

Pagbaba ko, busy pa rin ang kapatid ko. Binatukan ko siya paglapit ko.

“Aray naman, Skyla Hailey! Bakit ka ba namamatok?”

“Aalis na tayo, haller?! Gagabihin po tayo.”

“Ikaw na lang kaya ang maggrocery? Itext mo nalang ako kapag tapos ka na. Susunduin kita.” Binatukan ko ulit siya. “Nakakadalawa ka na, ate ha.”

“Gusto mong gawin kong tatlo? Tumayo ka na dyan! Sisirain ko yan!”

“Babayaran mo to.” Inirapan ko siya bago bumalik sa kusina para uminom ng tubig. Nasstress ako sa kapatid ko. Tsk.

6 pm na nung makaalis kami ng bahay ni Harley. Sobrang madugong barahan pa ang nangyari. Si lola at lolo lang kasi ang pinakikinggan ng mokong na yon eh.

“Kung binibili mo ko ng kotse edi sana hindi tayo magbabyahe.” Sabi niya nung naghihintay kami ng jeep.

“Kung may kotse ka na edi hindi ka na umuwi ng bahay! Puro gala ka nalang. At tumigil tigil ka dyan, Thunder Harley Bautista. 13 years old ka palang!”

“Tss. Mas mukhang 13 years old kesa sa’kin. Ang liit mo kasi.” Babatukan ko sana siya pero napigilan niya ang kamay ko sabay akbay sa’kin. Tumatawa pa siya habang ginagawa yon. “Ate, ang sungit sungit mo kaya hindi ka nagkaka-boyfriend ulit eh.”

Humagalpak siya ng tawa bago humiwalay sa’kin para makasakay sa jeep na tumigil sa tapat namin. Ngising ngisi pa rin siya nung makitang nakasimangot ako pasakay. Tumabi ako sa kanya. Ilang beses ko ng naririnig ang line na yan. Kainaman!

Badtrip na badtrip pa rin ako hanggang makarating kami sa supermarket. Iba pa rin ang ngisi ng kapatid ko habang kumukuha ng cart. Nauna na kong maghanap ng mga kailangan naming bilhin. Nakasunod lang siya sa’kin. Halos pasukan ko ng sabon ang bibig niya dahil sa puro reklamo ang natatanggap ko sa mga brand na pinipili ko.

“Kung ayaw mo nito, humanap ka ng sa’yo!” Nilagay ko yung napili kong sabon sa cart.

“Okay.” Umalis nga siya at iniwan sa’kin yung cart. Alam kong sa pagkain na naman ang diretso ng magaling kong kapatid. Ano pa bang bago? Pangsampung tao ang bituka non eh.

Naglakad ako papunta sa mga tissue. Tumingala ako para mahanap ang gusto kong brand. Maarte talaga ako pagdating sa ganito. Mabilis kasing ma-irritate ang balat ko. Tumingin ako sa kaliwa’t kanan ko bago binalik ang tingin ko sa tissue. Bakit ba kung kelan kelangan ko ng kapatid ko, tsaka nawala yon? Nagtiptoe ako para maabot pero hindi ko pa rin makaya. Walang staff na pwedeng mag-assist sa’kin. Humawak ako para makakuha ng support pero hindi ko pa rin maabot.

Hanggang sa may nakita akong kumuha non galing sa likod ko. Oh, thank God. May nakapansin din na nahihirapan ako.

“Thanks.” Sabi ko ng inabot niya sa’kin yon. Kinuha ko naman ng hindi siya tinitignan. Ang hirap kasing maging maliit eh. Nilagay ko sa cart yung tissue bago humarap sa kumuha para magthank you ulit sana pero natigilan ako.

Nakatingin siya sa’kin habang nakapamulsa. Nakasabit sa balikat niya ang gym bag niya. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa’ko matulala sa kanya. Dammeeeeet. Tinulak ko ang cart.

“Welcome.” Narinig kong sabi niya pero hindi na ko humarap. Napapikit nalang ako at napailing. Bakit kasi ang liit ko?!

Tapos na yung practice? Ano bang ginagawa niya dito? Aish! Obvious ba, Skyla Hailey?! Edi may bibilhin yon! Napasimangot na naman ako. Dumiretso ako sa meat section. Siguro naman hindi yon pupunta dito? Hindi naman siguro siya bibili ng meat? Aish!

Luminga linga pa ko para hanapin ang kapatid ko pero hindi ko siya makita. Nagpi-free taste na naman yon! Kinuha ko agad ang cellphone ko para tawagan ang magaling kong kapatid habang inaasikaso na yung pinili kong bilhin.

To: Harley

NA’SAN KA NA?

Pero hindi siya nagreply. Halos mapuno ko na yung cart tapos wala man lang reply niya. Lintek na bata yon! Kinuha ko ulit ang cellphone ko, this time tatawagan ko na talaga siya.

Naka-3 rings bago niya sagutin. Naririnig ko pang ngumunguya siya. Free taste na naman ang kainaman!

“Thunder Harley, usong magreply diba?! Nasan ka na ba?!”

“T-teka…” Hindi siya nagsalita sandali. “Uhh, sarap nito. Ate bili ka nito!”

“Nasan ka ba kasi?”

Tumingin ako sa paligid, nakita ko na kung na’san ang kapatid ko. Busy-ng busy sa pagkain. Hindi na nahiya!

“Wag mo nang sabihin! Nakita na kita!”

Lumapit ako sa kanya. Binatukan ko siya. Halos mabulunan naman ang mokong.

“Hindi ka na nahiya! Ginawa mo ng dinner yan.” Ngumiti ako ng pilit sa babaeng naga-assist. Kinurot ko sa tagiliran si Harley. Napaiwas siya habang natatawa pa rin. Namumula na yung pisngi niya.

“Sarap eh.” Umamba siyang susubuan ako pero kinurot ko ulit siya. Tumawa ulit siya kahit nasaktan tapos siya na rin ang nagsubo ng pagkain. “Bilhan mo ko nito.”

“Oo na! Inubos mo na yan oh! Nakakahiya kapag hindi pa ko bumili. Tss.”

Wala na kong nagawa kundi bumili na rin ng kung anumang nagustuhan ng kapatid ko. Buti hindi ganong kadaming tao sa supermarket. Konti lang ang nakakita sa ginawa ng kapatid ko. Kahit sabihin free taste, inubos niya pa rin! Dito na nagdinner sa loob ng supermarket.

“Dun ka na sa labas maghintay. Lumayo ka sa street foods, baka hindi ka na makapagdinner!”

“Oo na, oo na.” Hinimas niya pa yung tyan niya. “Busog na ko.”

“Anong busog? Kelan pa nauso sa’yo yon?”

“Sungit.” Dumila siya sa’kin. “Hintayin kita sa labas. Bilisan mo ha?”

Naglakad na siya palabas. Nakahinga ako ng maluwag. Atleast hindi niya makikita si Royce. Naging close pa man din ang dalawang yon. Pumila na agad ako para magbayad. Hindi naman ganon kahabaan ang pila. Natapos din agad ako, tumayo lang ako sa gilid para tawagan ang kapatid ko na tulungan ako sa pinamili ko.

Pumasok ulit siya sa loob ng supermarket. Nakita niya agad ako. Binuhat niya yung dalawang eco-bag. Paperbag naman yung bitbit ko.

“Magta-taxi na tayo, ate?”

“Oo. Marami rin to.”

Tumango lang siya. Naghintay lang kami ng taxi sa tapat ng supermarket at umalis na rin. Buti hindi na ulit kami nagkita ni Royce. Ayoko na.

Nilantakan agad ng kapatid ko yung nagustuhan niyang pagkain. Napailing nalang ako. Hanggang dito ba naman?

“Nakita ko si kuya.” Narinig kong sabi niya.

“Sinong kuya?”

“Si Kuya Royce.”

“What?!” Napansin kong napatingin din sa’min yung driver pero hindi ko na pinansin. Nagulat lang ako sa sinabi ng kapatid ko. “I mean, naaalala mo pa siya?”

“Of course, ate. Ano bang akala mo sa’kin?”

“B-baka may binili lang…”

“Baka pero wala naman siyang dala. Nangamusta lang siya. Nagkita ba kayo sa loob?”

“N-no…”

“Ows?”

Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pagsasalita. Baka kung ano pang masabi ko sa kapatid ko. Wala siyang alam sa nangyari. Wala na rin akong balak na ipaalam sa’yo.

“Hindi talaga?” Tanong niya. Umiling ako. “Oh, baka siya lang ang nakakita sa’yo.”

Hindi ko na siya pinansin. Tumingin ako sa labas ng bintana.

“Busy kasi ako sa pagkain kanina.” Diretso pa rin siyang kumakain. “Sinundan ka nga niya eh.”

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1M 81.6K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
94K 1.5K 15
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...
1.5M 47.1K 72
"Yasmine Zehra Marquez" She's lovely and sweet She's intelligent and very passionate She's beyond beautiful She's rich and elegant She's my neighbo...