Fall For You

By JFstories

15M 482K 90K

He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden... More

SIMULA
KADEN
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
KabanataXXXVIII
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Epilogo
VOX
FALL FOR YOU
BOOK

Kabanata XXXIX

259K 8.3K 1.3K
By JFstories

"GOOD MORNING," nakangiting bati ni Perisha kay Kaden.


Alas nueve na ng umaga. Nauna siyang magising dito. Ininom niya ang aspirin na nasa tray at binalingan ang katabi na nahihimbing pa sa tulog.


Parang baby si Kaden habang nakadapa ito sa kama. Hinalikan niya ang mapula nitong mga labi sanhi para magising ito.


"Goodmorning," paos ang boses na sagot nito. Ngumiti rin sa kanya.


Hindi alam ni Perisha kung ano ang nangyari at nauwi sila sa ganito, pero isa lang ang sure niya... naramdaman niya ulit ang pagmamahal nito. Bumalik si Kaden, bumalik iyong Kaden na kilala niya. Siguro ang babaw niya para mag-isip na may kahihinatnan ang nangyari kagabi, pero mas pinili niya na lang na maging okay. Pero hindi siya papayag na hindi sila mag-usap. Maraming dapat sabihin si Kaden sa kanya.


"Magluluto ako ng almusal natin."


Pinigilan siya sa bewang ni Kaden. "Dito ka lang." 


Nahubad sa katawan niya ang kumot at lumitaw ang namumula niyang dibdib na hindi pinagsawaan ni Kaden sa buong magdamag.


Napangisi ito at sinapo ang isa niyang dibdib, ang isa naman ay isinubo nito ang dulo. Impit siyang napaungol at napasabunot sa buhok ng binata. "Ahmm..."


Pinaglaro nito ang basang dila sa tuktok ng kanyang nipple, habang ang isang dibdib niya ay nakakulong sa mainit nitong palad. Dumilat siya at pinagmasdan ang guwapo nitong mukha.


"Kaden, gutom na talaga ako..." nangingiti niya itong itinulak. "Remember, nakailan po tayo kagabi. Gutom much na ako."


"Okay." Nakalabing sagot nito saka tinantanan ang nipple niya.


Pinisil niya ang matangos nitong ilong. "Mahaba pa ang araw. Marami tayong pag-uusapan."


"Order na lang tayo," sumiksik ito sa leeg niya. "Kung pagod ako, mas pagod ka."


Hinaplos nito ang braso niya na may bakas ng pangingitim. Hindi lang iyon ang bahagi ng katawan niya na may pasa, sigurado siya. Hindi nagpigil si Kaden kagabi. Isa pa iyon sa dahilan kaya umaasa na naman siya. Ramdam na ramdam niya kasi na na-miss siya ng binata. Kung gaano niya ito na-miss at doble ang nararamdaman nito.


Hindi tulad ng dati na nagpipigil ito. Na marahan ang pag-angkin sa kanya. Na may halong pag-iingat. Hindi ganon ang nangyari kanina. Parang hirap na hirap itong pigilan ang sarili.


Halos hindi siya nito tantanan kanina. Nangalay na siya at lahat pero hindi pa rin ito tumitigil. Walang bahagi ng katawan niya ang hindi nito pinagpala. Ultimo talampakan niya ay hinalikan ni Kaden. Kung di pa nito naalala na tao siya ay baka wala pa itong balak na huminto sa pag angkin sa kanya.


"I'm sorry." Hinaplos nito ang pasa niya.


"Puro ka na lang sorry." Matunog niyang hinalikan ang labi nito.


"I love you."


Napatitig siya sa mga mata nito. "Kaden..."


"I'm sorry."


"Ano ba talaga?" Natawa siya.


Tumayo ito at inabot ang hinubad na pantalon. May kinuha ito sa bulsa at inabot sa kanya. Isang kahon na kulay itim.


"Ano ito?"


"Open it."


Binuksan ni Perisha ang maliit na kahon. Namilog ang mga mata niya. Singsing ang laman niyon. Isang gintong singsing na may malaking pulang bato sa gitna. Kumikinang ang bato, tiyak niyang ruby. Classy, antigo, halatang hindi biro ang presyo. "Para sa akin ito?" Tanong niya kay Kaden.


"Yes." Kinuha nito ang singsing at isinuot sa daliri niya. "Matagal ko ng gustong ibigay ito sa'yo."


Nangilid ang mga luha niya. "K-Kaden..."


"Pagkatapos nating kumain, uuwi tayo sa villa." Nginitian siya nito. "Papakasalan na kita."


Hindi na siya nakapagsalita sa sobrang saya na nararamdaman niya. Nayakap na lamang niya si Kaden. Agad naman nitong ginantihan ang yakap niya.


Itinaas nito ang baba niya at tiningnan siya sa mga mata. "Sabihin mo kay Judas, maghanap na lang siya ng iba. Dahil akin ka. Akin ka." Seryoso nitong sabi.


Lumuluha siyang tumango. "Sa'yo lang. Sa'yong-sa'yo lang."


...


"DAMN IT." Kaden grunted. Nakauwi na sila kaninang hapon.


Iniwan niya ang dalaga sa veranda ng mansion. Ayaw niyang makita ni Perisha ang pagiging balisa niya.


He shuddered and shook his head. Nakaramdam siya ng di maipaliwanag na pagkauhaw pagkakita niya sa buwan.


Huminto siya sa tapat ng ref. Marahas niya iyong binuksan. Sa loob ay sumalubong sa kanya ang maraming bote ng wine na hindi naka-sealed. Mga bote na nabuksan na ang napalitan na ang laman. Napalitan na ng dugo ng tao mula sa private hospital na pag-aari ng Vox.


"What the hell is happening to me?" Kinagat niya ang takip ng bote ng wine. Hindi na siya kumuha ng wineglass, basta na lang iyong tinungga ni Kaden hanggang sa mangalahati ang laman.


"Thirsty, huh?" Mula sa dilim ay lumabas si Helios. Namumula ang mga mata nito.


"Hindi pa dumarating ang kabilugan ng buwan." Nagtagis ang mga ngipin niya. "Why is that? Nagkakaroon ng pagbabago pati sa libido ko. Para akong mababaliw." Feeling niya kapag dumating na ang kabilugan ng buwan ay dodoble ang pagiging hayok niya, at posibleng makapatay siya kung makakatakas siya sa basement.


Ngumisi ang ama na kung titingnan ay halos kaedad lang niya. "Para ka lang babaeng delay ang regla."


Sinimangutan niya ito. "This isn't funny."


Nang mawala na si Helios sa paningin niya ay kumuha ulit siya ng dalawang bote. Kakaiba na parang walang pakialam ang ama niya sa pinagdadaanan niya. Hindi man lang nito naisip na bihira ang ganitong pagkakataon?


Kakaiba ang taon na ito, masyadong matagal ang pangalawang pagbilog ng buwan. Parang may hindi magandang mangyayari.


...


MAY ngiti sa mga labi ni Perisha habang nakatunghay siya sa kalangitan. Maraming stars, napakaganda ng kalahating buwan, at malamig ang hangin.


Kapag ganitong pagkakataon ay masarap may kayakap habang nakatingin sa langit. Masarap mangarap para sa future, masarap makipag-harutan. Napangisi siya.


Parang nong nakaraan lang ay duguan ang puso niya, pero ngayon ay ito at ang liga-ligaya niya. Okay na sila ni Kaden. Wala silang malinaw na usapan pero okay na sila, at iyon ang mahalaga. At sana magtagal, sana panghabang-buhay na.


"Hi."


"Lucia!" Napapiksi siya ng makitang katabi niya na ang babae. "Ginulat mo naman ako!" Basta na lang kasi ito sumulpot. Which is normal lang nitong gawin, pero nakakagulat pa rin.


"You're back. Okay na kayo?"


Nakangiti siyang tumango sa babae.


"Mukha nga, ang saya mo, e." Umusod pa lalo ito sa tabi niya hanggang sa magdikit na ang mga balikat nila. "Pasensiya ka na kay Kaden, ganon lang talaga iyon. Masyado kasing maraming isinasa-alang-alang."


"Isinasaalang-alang?" Na-curious siya.


"Oo. Ikaw."


"Ako?"


"Oo. Ikaw ang pinaka-iniisip niya. Palagi. Ang kinabukasan mo. Ang kaligayahan mo et cetera."


Lalo siyang naguluhan.


"Di mo pa rin gets?"


Umiling si Perisha.


"Bampira siya. Imortal."


Alam naman na niya iyon. "Tanggap ko siya."


"Tanggap mo?" Tumawa si Lucia. "So tanggap mo rin ang fact na hindi kayo pwedeng magkaanak?"


"Ha?" Lalong natawa si Lucia sa reaksyon niya.


"Hindi pumasok sa isip mo iyon?"


Napatanga siya. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon?


"P-posible bang iyon ang dahilan kaya..." napailing siya kasabay ng panginginig ng kanyang labi. "Kaya gustong makipaghiwalay ni Kaden dahil alam niyang hindi niya ako mabibigyan ng..."


"Shh!" Nakabungisngis na pigil sa kanya ni Lucia. "Baka may makarinig sa'yo."


"Lucia..." Napahawak siya sa pasimano ng veranda dahil para siyang biglang nawalan ng lakas.


Ang tanga niya. Ang tanga-tanga niya. Bakit hindi niya naisip na baka iyon ang dahilan kaya iniwasan siya nito? Kanda-hiling pa siya, paplano-plano pa siya sa harapan ng binata tungkol sa mga magiging anak at pamilya nila. Na-pressure niya si Kaden dahil hindi niya alam na wala itong kakayahang magka-anak dahil sa pagiging imortal nito.


"Ganoon ka kahalaga kay Kaden, hindi niya kayang agawin sa'yo ang pagkakataon na magkaroon ka ng anak at pamilya. Lumaki kang nag-iisa, at nangangarap ka ng mga anak at buong pamilya na malaki at masaya, di ba? Hindi niya iyon kayang ibigay sa'yo. Hindi niya kaya dahil hindi siya normal. Hindi siya tao."


"Okay lang sa akin kahit hindi kami magkaanak..." tigmak na ng luha ang mga mata niya ng tingnan niya si Lucia. "Basta kasama ko siya..." totoo iyon, kakayanin niya basta kasama niya si Kaden.


"Nasasabi mo lang iyan ngayon." Umirap ito. "Pero may alam akong solusyon sa problema."


"A-ano?" Nabuhayan siya ng pag-asa. Napakapit pa siya sa braso ni Lucia.


Tumingala sa langit si Lucia. "Sa kabilugan ng buwan..."


"Kabilugan ng buwan?"


"Yup. Ngayong pangalawang kabilugan na darating..." Umusod ito at inilapit ang mukha sa kanya. "Mawawala si kaden."


"Ha?" Mawawala?


"Alam mo ba iyong basement sa ibaba?"


Tumango siya. Isa pa iyon sa mga gusto niya sanang itinanong niya noon kay Kaden na hindi naman nito sinagot. Bakit ayaw ng mga Vox na papuntahin siya ron? Bakit inililihim ng mga ito ang tungkol sa basement ng mansiyon?


Ngumisi si Lucia. "Sa ikalawang kabilugan ng buwan, pumunta ka roon." 


Kinutuban siya nang masama, pero nanaig ang curiousity ni Perisha. Nanaig din ang pag-aasam na malutas ang problema nila. Kung magkakaanak sila ni Kaden ay hindi na nito iisipin na hindi ito nararapat sa kanya.


"Sasabihin ko sa'yo, Perisha, kung paano. Pero tandaan mo, hindi ito pwedeng malaman ng kahit sino. Wag mo itong sasabihin kahit kanino kung gusto mong ma-solve ang problema mo."


"Anong gagawin ko sa basement? At bakit doon pupunta si Kaden sa second full moon?"


"Hindi siya pwedeng makita ng iba kapag full moon." Tiningnan siya nang matiim ni Lucia. "Pero tuwing second full moon of the year, malaki ang posibilidad na makabuntis siya."


Napaawang ang mga labi niya.


"Tandaan mo, second full moon of the year, sa basement... iyon ang katapusan ng problema mo."


Sunod-sunod siyang tumango.


"Perisha, ilang araw na lang..." tiningala ulit nito ang langit. "Matatapos na ang problema niyo."


"Salamat..."


Isang matamis na ngiti ang isinukli ni Lucia sa kanya.


Second full moon, hindi na siya makapaghintay. 


JF

Continue Reading

You'll Also Like

179K 7.3K 7
He can't and he will never accept that it's the end of their story. *** Lucia despised her stepfather, him, and his entire clan-a clan of bloodsuckin...
306K 14.4K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
11.4M 570K 53
Kallaine Seraphina Verlas is a vampire with a white curse-a curse that every creature feared the most. She already accepted her existence alone, trap...
10.1M 132K 52
“You chose the hard life, I chose to love you.”  Ara Loraine “Rayne” Yen-Sia has everything. Luke JoPierre Zamora Cariño has her heart. And he c...