IA: LoM (TROAG) 22: Mortal World
Cassia Jade Alvarez PoV~
Ngayon ang alis namin papunta sa mortal world. *sigh* Gusto kung makita sila Mom at Dad pero paano? Hindi ko alam kung nasaan sila. Sana na sa Pilipinas sila ngayon, para makita ko sila. Nami-miss ko na sila, sobra
"Ok ka lang ba Cassia baby?" Tanong ni Asha sa akin
Tumango lang ako habang nakangiti sa kanya
"Tara na. Naghihintay na ang mga yon sa office ni Hendrix" Pangyaya ni Sienna
Nauna na kasi sila Grey, Hamish at Vaughn. In short iniwan nila kami *pout*
Kaya umalis na kami sa dorm at naglakad na kami papunta sa office ni Head Master. Ng makarating ay kumatok na ako. Then pumasok na kami. Pagpasok namin ay nandoon na sila Grey, Hamish, Vaughn, Caleb, Cedric, Thalia, Hailey at Troy. So kami na lang pala ang hinihintay? Hehehehe nagpa-VIP ata kami. Nakakahiya naman. Ang tagal kasi mag-ayos nina Sienna at Asha
"Dahil kompleto na kayo, bubuksan ko na ang portal papunta sa mortal world. Good Luck again sa inyo" Sabi ni Head Master sa amin
"Salamat Head Master" Nakangiti kung pasasalamat sa kanya
"Huhuhuhu mabuti ka pa Cassia tinatawag mo kung Head Master. Hindi katulad ng iba diyan, walang galang sa akin. Dahil diyan---------- ito" Sabi ni Head Master sabay bigay sa akin ng isang box na hindi gaano kalaki
"Para saan po to Head Master?" Tanong ko sa kanya
"Para hindi ka magutom, hehehe alam ko kasi na matakaw ka. Yang box na yan ay unlimited foods. Isipin mo kung anong gusto mong kainin at tadah~" Sagot ni Head Master
😍😍 Yan naman ang reaction ko
"Bakit wala kami?" Pagmamaktol nila Caleb at Cedric
"Wala kayong galang sa akin, kaya si Cassia na lang" Nakangiting sagot ni Head Master
"Tsss... Aalis na kami" Bulas na lang ni Thalia
Gumawa na ng portal si Head Master, kaya isa-isa na kaming pumasok sa portal. Napapikit naman ako dahil sa liwanag na nagmula sa portal at nakakahilo din siya tignan
"Hey" Napadilat naman ako
Nasaan na kami? Tinignan ko naman ang paligid. 😱 Shortcut to papunta sa dati kung Academy ha~
"Alam mo ba ang lugar na ito Cassia?" Tanong sa akin ni Hailey
"Oo, shortcut ito papunta sa dati kung Academy. Kaya malapit na tayo sa bahay namin. Tara na" Sagot at sabi ko sa kanya
Tumango lang sila. Kaya naglakad na kami palabas ng eskinitang ito. Katabi ko naman sa paglalakad si Troy then na sa likod ko sina Grey at Hamish, then sina Vaughn at Caleb, then sina Sienna at Asha, then sina Hailey at Thalia and lastly ay si Cedric
Ng makalabas na kami sa eskinitang yon ay bumungad sa amin ang mausok at maingay na sasakyan. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa village na pagmamay-ari namin. Ang ALVAREZ VILLAGE. Walang ibang bahay kundi ang bahay lang namin ang nakatayo sa village na ito
Nakita naman ako ng security guard
"Ikaw ba yan hija?" Tanong ni manong Berto
Matagal na siyang security guard ng village namin
"Opo manong Berto" Nakangiti kung sagot sa kanya
"Naku! Kaytagal na kita hindi nakikita. Saan ka ba galing hija?" Sabi at tanong ni manong Berto
"Long story po manong Berto. Nga pala manong, nandiyan po ba sila Mommy at Daddy?" Sabi at tanong ko nito
"Isang buwan na silang na sa ibang bansa hija" Sagot ni manong
Napayuko na lang ako. Pero inangat ko naman agad ito at ngumiti kay manong
"Nga pala manong dito muna kami pansamantala" Nakangiti kung sabi sa kanya
Pilit lang akong ngumingiti. Kasi naman nalulungkot ako, na wala sina Mommy at Daddy dito ngayon
"Sige hija. Tatawagan ko muna si paring Pedro para maisundo kayo dito" Sabi ni manong
Tumango na lang ako. Pumasok naman si manong sa quarter niya para tawagan si manong Pedro. Ang personal driver namin
Hinarap ko naman ang mga kasama ko
"Maghintay muna tayo dito, parating na si manong Pedro" Sabi ko sa kanila
Tumango lang sila. Maya-maya ay dumating na si manong Pedro. Ang ginamit niyang sasakyan ay limousine. Sinabi ata ni manong Berto si manong Pedro na madami kami
"Buti nandito ka hija. Alam mo ba ang lungkot na ng mansion dahil wala na ang makulit na bata" Natatawang sabi sa akin ni manong Pedro
Nga pala, close ko ang lahat ng mga maid, pati na rin ang mga bodyguard sa bahay
"Pero manong hindi po ako magtatagal dito" Sabi ko sa kanya
Hailey Salvador PoV~
Nakasakay na kami ngayon sa limousine. Habang na sa byahe kami ay may napapansin ako sa labas
"Nga pala bunso" Napatingin naman sa akin si bunso
"Ano yon ate Hailey?" Tanong ni bunso
"Bakit walang mga bahay? Diba village to" Taka kung tanong sa kanya
"Private village to ate Hailey. Ang bahay lang namin ang nakatayo dito. Pero na sa dulo nga lang" Sagot ni bunso
Napatango na lang ako. Sobrang yaman pala ni bunso
Huminto naman yung limousine kaya napatingin kami sa labas
"Woah~!!" Bulas namin except nila Grey at Hamish na walang reaction
Bumukas naman ang sobrang laking gate na kulay ginto. At umandar na ang limousine papasok nito. Napatingin lang kami sa labas
Grabe ang ganda dito. Parang nasa Land of Magic lang. Ang gaganda ng mga bulaklak. Maya-maya ay natanaw namin ang isang--------------------
MANSION!!!
Ito ba ang tinutukoy ni bunso na bahay? Eh mansion nga to eh. Huminto naman ang limousine sa harap ng mansion
A/N: Alvarez Mansion on multimedia📷
Hindi ba kami magkandaligaw-ligaw dito?
"Tara pasok na tayo" Nakangiting pangyaya sa amin ni bunso
Naglakad naman kami papasok ng mansion. Ng na sa harapan na kami ng double door ay pinagbuksan kami ng dalawang bodyguard. Sosyal naman dito
Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang naka-hilerang maids at bodyguards. Then yumuko agad sila
"Welcome Princess, Young Masters and Young Ladies" They said in unison
"Waahhh!!! Namiss ko kayong lahat!" Sigaw ni bunso
Napailing na lang kami. Ang hyper talaga niya. Ngumiti naman silang lahat
"*clap.clap* Maghanda na kayo sa paboritong pagkain ni Princess para makakain na siya pati ang mga bisita. Yung iba linisin niyo ang magiging kwarto ng mga bisita. At ayusin niyo rin ang kwarto ni Princess" Sabi nung Head Maid, malalaman mo talaga na siya ang Head dahil sa damit pa lang
Nagsikilos naman silang lahat
"Kayo naman. Siguraduhin niyo na secured ang buong lugar habang nandito pa si Princess" Sabi nung Head Maid sa mga bodyguard
Tumango lang ang mga ito and with that ay umalis na sila
"Hanggang ngayon istrikto pa rin kayo nanay" Natatawang sabi ni bunso
Napansin ko na naging maaliwalas ang paligid ng dumating na kami? At halata sa kanila na masaya sila dahil sa aura nila
"Matagal kang wala dito hija. Alam mo ba na sobrang lungkot dito na wala ka. Ang nag-iisang tao na nagbibigay saya sa amin. Ng maihatid ka ng magulang mo sa bago mong school ay umalis rin sila papunta sa ibang bansa. Hindi namin alam kung saang bansa dahil wala itong sinabi sa amin. Nakita ko pa nga na iyak ng iyak ang Mommy mo bago sila umalis" Pagku-kwento nitong Head Maid
Well, naka-upo na kami dito sa sala. Habang nagsasalita kasi yung Head Maid ay naglalakad kami papunta sa couch para maupo
"*sob* Namiss ko na sila Mommy at Daddy *sob.huk* nay. Tuwing gabi iniisip ko sila kung, ok lang ba sila? Kumakain ba sila sa tamang oras? Hindi ba sila nagpupuyat? *sob* *sob*" Naaawa naman ako kay bunso
Kaya hinug agad namin siya. Except sa mga lalaking yan
Caleb Monteverde PoV~
Kawawa naman ang bunso namin *sigh*
Napatingin naman ako sa tatlo (Grey, Hamish at Vaughn) na ngayon ay nakatitig lang kay bunso
"Hush na bunso, nandito naman kami. Your 2nd family, kaya wag ka ng malungkot diyan. Bibisitahin ka rin nila" Sabi ni Thalia kay bunso
Yan na ang tawag namin sa kanya simula ngayon, bunso. Siya kasi ang pinakabata sa grupo namin. Kaming siyam ay 21 years old na, except kay Asha na 20 pa lang. Magto-22 na kami next month, at 21 naman si Asha. Magkapareha kaming siyam ng month pero iba kami ng date. Gets niyo? Kung hindi? Kayo na ang umitindi hahahaha 😂😂
"Salamat kahit papaano nandiyan kayo para sa akin" Nakangiting sabi ni bunso
Kahit na malungkot siya ginagawa pa rin niya na ang ngumiti. I envy her
"Dahil nag-iisa ka lang na bunso sa amin" Nakangiting sabi ni Cedric
"Hinding-hindi ka namin pababayaan bunso" Nakangiti kung sabi sa kanya
"Ang daming nagmamahal sayo Cassia" Sabi naman ni Vaughn habang nakangiti
"Hindi ka nag-iisa Cassia, nandito kami para sayo" Nakangiting sabi ni Troy
"Tsss/Psh/Hssh" Sabay na bulas ng tatlo (Grey, Vaughn & Hamish)
"Salamat naman na nandiyan kayo para sa alaga ko" Nakangiti ring sabi sa amin nung Head Maid
Panay ngiti namin ngayon noh~? Paano ba naman kasi nakakahawa ang ngiti ni bunso parang virus lang
💬
Pabitin muna ako guys
Ang drama nila hahahaha
Sana magustuhan niyo ang UD ko
Please vote, comment and follow me guys. Thank you so much