My Jeje Princess

By KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... More

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 30

2.8K 32 0
By KlydeJay06

Bakit ba lagi nalang nasisira ang mga magagandang nangyayare sa buhay ko dahil sa isang tao?!

Bakit nagawa ni Jarren ang mga bagay-bagay na ganun? Yung totoo? Every christmas prom ba nanghahalik siya ng tao? Nakaka-bwisit! Kung kailan naman magsesembreak na,naging usap-usapan pa ko sa school...

"Ayan ba yung anak ni Mr. Bautista? Grabe nangyare sa kanya noh?"

"Ang taray nga eh,nagpastraight ng hair."

"Sabi nila naging boyfriend niya rin yung isa pang crush ng campus na si David eh."

"Naku tapos susunod si Jarren ang aahasin niya?! No way!!"

"Sige go girl! Kahit Queen yan ng Prom tatalunin natin yan!

Ayan ang mga naririnig ko habang naglalakad ako sa hallway ng school. Pati ba naman buhok ko naging usap-usapan na din? Tinignan ko nalang sila ng masama at hindi rin naman sila nakatingin sakin ng deretso kaya dumeretso na ko sa classroom.

Pagkapasok ko sa school,nakikita ko na naman na naghaharutan ang klase at si Magde naman saway ng saway eh wala namang nakikinig sa kanya.

"Hi Madge.." sinabi ko ng matamlay at umupo ako.

"Hayy naku pagpasensyahan mo na si Jarren ah,nagkaroon siya ng 5 day suspension,or sabihin na nating 1 week."

Kahit papaano ay nagulat ako sa sinabi ni Madge na na-suspend daw si Jarren

"Ha?! Sana kahit 3 days lang kasi hindi naman niya sinasadya! Wala na ngang natutunan sa klase tapos hindi pa papasok?" sinabi ko. Teka bakit ba concern ako? =______=

"Kasi naman bawal maglasing ang mga estudyante dito kapag may events or program. At tsaka HELLOW?! Dalawang beses na niya ginawa eh.. At tsaka ikaw na nga nagsabi,walang ng natututunan pero bakit papasok pa? Duhh." Maarteng sagot ni Madge habang naglilista ng kung anu-ano..

Kung sa bagay may point siya,pero bakit ba ko nakakaramdam ng awa sa kanya kahit 35% lang. Ano ba yan! Kagabi pa kong ganito,iniisip ang mangyayare kay Jarren..

Recess na at hindi na muna ako sumabay kala Madge dahil lagi nalang ako pinaguusapan at iniinterview ng mga ibang section.

Naglibot libot muna ako sa school,kay tatay naman ito kaya pwede kong libutin.

Tinignan ko ang iba't ibang rooms ng elementary at ang gaganda.. Nang mabored na ko,umakyat nalang ako sa rooftop ng school namin at nakikita ang buong grounds at yung arena. Nagstay nalang muna ako dito at hihintayin ko mag 10:30 AM. Yun kasi yung time namin eh.

Kinuha ko sa bag ko ang libro ko at nagbasa. Naghanap naman ako ng pwesto kaya tumingin ako sa paligid ng rooftop at nakita ko si JARREN!

Teka?! Bakit nandito si Jareen? At bakit suot-suot pa niya yung damit na sinuot niya kagabi?! Baka naman dito siya nagstay kagabi?! HALA!

Pinili ko nalang manahimik at magbasa. Pero hindi ko magawang magconcentrate sa binabasa ko dahil sa itsura ni Jarren! Nakahiga kasi siya tapos naka bukas yung suit and tie niya.. Oohh ang.. Hot. ISH!

Tinakpan ko nalang yung view niya o kaya tumalikod nalang ako para di siya makita. Tinitignan ko rin ang relo ko pero ang tagal pa mag 10:30!

Nagulat ako ng gumalaw siya at umunat at biglang sumigaw!

"WAAAHHH!"

"AY!!" ako rin ay napatili sa sigaw niya.

Mukhang kagigising palang ng mukha niya at magulo ang buhok! Di ko ba alam kung bakit kahit ganito na yung itsura niya,ang pogi niya parin!

"Uhm.. ano ginagawa mo dito ha?" Tanong niya ng bigla siyang tumayo at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

Tinignan niya yung polo niya at biglang tumingin sakin...

"Ni rape mo ko noh?" Tapos bigla siyang ngumiti. ARGH?! BAKIT BA SIYA NAGIISIP NG GANUN! NAPAKA-MANYAK!!

"H-hoy! Kahit kailan hindi ko gagawin yun!" sigaw ko sa kanya. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Anong oras na oh? Baka ma-late pa ko! >___<" sinabi ko ito ng pagalit pero hindi parin niya binibitawan ang kamay ko at ngumiti pa siya.

"Oras na para mahalin mo ko.." aba narinig ko na toh ah? I mean nabasa ko na itong banat na toh! KADIRI! BAKIT NIYA BA KONG SINASABIHAN NG GANITO

"Leche! Nanggaya ka pa ng lines sa Diary Ng Panget bwisit ka! Bitawan mo na nga ako!!!!" pero hindi parin niya ko binibitawan at ngumingiti lang siya.

Habang inaayos niya ang suot niya,bigla na kong pumiglas sa kamay niya at tumakbo pero ang bilis ni Jarren kaya hinila niya ang kamay ko pabalik at bigla akong napadapa kay Jarren. WAAHH ang awkward ng posisyon namin!

"Sabi ko na nga ba rarape-in mo ko eh" ha? Anong sinasabi neto?! Bwisit!!

"Bakit ba ganyan ka? Ano ba nakain mo?!" biglang nawala ang hawak niya sa kamay ko at nawala ang ngiti sa kanyang mga mukha.

"Ish! Kasi.." magsasalita na sana si Jarren pero pinatayo niya muna ako at pati siya tumayo na rin..

"Kasi ano?" tanong ko sa kanya. Nalilito na kasi ako kung bakit naging ganyan si Jarren sakin.

Argh Suzzane wag kang mag-isip ng ganito,wala siyang nararamdaman sakin.. Wala wala wala!

Gustung-gusto kong sumigaw dahil lumapit na si Jarren sakin at yumuko. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Kasi.. mahal.." nagring bigla ang bell at ngumiti lang ako ng matamlay. Kasi hindi ko manlang nalaman ang rason..

"Ay. sige aalis na ko. Bell na eh. Sige ingat ka diyan." sinabi ko nalang iyun dahil hindi siya pwedeng pumasok sa classroom or umattend ng klase dahil suspended nga siya diba?

Hmm ano kaya ang mahal? Baka naman yung bigas nila mahal kaya nagiging mabait na siya ngayon? Eh! Ang corny ko naman mag-isip. Pagkababa ko ng rooftop nakikita ko na naman na meron paring mga estudyante na pinaguusapan ako. Ano ba naman yan!

Wag ko nalang pansinin,maglalakad nalang ako ng straight body,chin-up and smiles on.

"Ano ba yan parang tanga yung girl.."

"Ayan ba talaga yung Queen nung prom?"

"Eww ang panget ang sagwa niya talaga."

Ayan lang naman ang sinabi nila sakin at pagpasok ko sa clasroom dun ako tumawa ng tumawa dahil ayaw na nga nila sakin... ginagawa ko pang ayawan talaga nila ko. BWAHAHAHA ang sarap talaga pagtrip-an ang mga haters.

"Oh bakit ka naman tumatawa diyan?" tanong ni Madge at nandun naman si Ralph sa upuan ko.

"Dun ka muna." sabay turo sa tabi ni Jarren.

"Kung sapakin kaya kita ng malakas para mapunta ka dun sa sarili mong upuan?" sabi ko. At tumawa lang si Madge at nagkamot naman ng ulo tong si Ralph at bumalik.

"Balik ulit sa tanong ko...Bakit ka tumatawa? May sapi ka ba?" tanong niya at natawa na naman ako dahil sa lakad ko kanina sa hallway at ang mga sinasabi nung ibang estudyante.

"Hahahahaha w-wala hahahaha. ehem... Wala." bigla kong tinanggal ang tawa ko ng naalala ko si Jarren na nasa rooftop.

"Huy! May nakita nga pala ako sa rooftop!" sabi ko kay Madge at nakinig naman siya.

"S-si Jarren.." biglang lumaki ang mata ni Madge..

"HA?! Si Jarren?!" bigla ko siyang natapik at nag "Shh" sign.

"Wag ka ngang maingay! Nakita ko siya,suot suot niya pa rin yung suot niya kagabi sa prom pero kakagising palang niya. Dun ata siya nakatulog! Tapos gulo gulo yung buhok yung damit niya. T-tapos..." sasabihin ko sana sa kay Madge yung mga banat ni Jarren kanina sakin na parang may gusto siya sakin pero... hindi ko na sinabi dahil baka sabihin niya masyado naman akong assuming.

"Tapos?" sabi ni Madge.

"wala wala. Basta nakita ko siya sa rooftop."

"Eh.. Suzzane ano naman ginagawa mo sa rooftop at bakit ka nandun?" tanong niya.

"Eh kasi naman nakakaboring naman sa canteen no? Lagi nalang akong pinaguusapan ng mga estudyante." pagpapaliwanag ko.

"Edi wag mong pansinin."

Nanahimik nalang ako at nakinig sa mga lessons....

Yung ibang kaklase ko naman na babae na galit na galit sakin dati biglang lapit sakin tapos kinakaibigan pa ko. Alam ko naman na pinplastik lang nila ko,that's Highschool... At wala na kong pakialam kung hindi maging real sa mga plastik kong kaibigan para maging real din naman sila sakin.

At ngayon din,ang daming nagbigay sakin ng bouquet of flowers kaninang lunch,hindi na ko pumuntang rooftop ng malaman kong nandun si Jarren kakakbwisit naman :3 Tiniis ko nalang yung mga sinasabi ng ibang estudyante.

Nang dumating na ang adviser namin para pauwiin kami. Aalis na sana kaming lahat pero may tinawag si Mam..

"Ms. Bautista,pwede bang maiwan kayo ni Madge para maglinis ng room? Magsesembreak na kasi at kailangan malinis itong kwarto natin." then pumayag naman kami ni Madge.

Nagwalis ako at si Madge naman ay inayos ang upuan at naglinis ng bintana. Ang sunod ko namang ginawa ay naglinis ng whiteboard oh diba? Feeling janitor lang oh? XD

Then yung locker naman yung nilinis ko. At pansin ko may locket na nakabukas at ang gulo kaya inayos ko. Pagka-ayos ko biglang nalaglag yung isang notebook or journal? Or diary? I don't know..

At ng makita ko ito kay Jarren eto,eto yung nakita ko last time nung nagkulong ako dito saroom,ang araw kung kailan nakipaghiwalay sakin si David.

"Huy Suzzane!" bigla akong tinapik ni Madge sa ulo dahil kanina pa ala ako nakatitig sa diary na ito. Naalala ko na may nabasa pala ako dito na hindi ko natapos? Basahin ko kaya? O hindi na? Basa o hindi?

"Huy ano ba yan! Tara na!" nagulat din ako ng pinatay na ni Madge yung ilaw ng classroom at nandun na siya sa pinto. Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nilapag ko nalang yung diary ni Jarren,hindi ko narin inayos ang locker at ang mga gamit niya kaya nagmadali na kong umalis.

At sa katangahan ko dahil madilim nga yung classroom nadapa pa ko at naglalagan ang mga notebook na dala-dala ko.

"Oh anong nangyare sayo Suzzane?"

pinagkukuha ko agad yung 3 notebook ko at tumakbo na papalabas.

"Nadapa lang ako." sinabi ko at nilagay ko na yung mga notebook ko na nalaglag sa bag ko.

Pumunta naman agad si Madge sa Students Council dahil may biglaang meeting daw sila at hindi na niya ko pinasabay sa kanya dahil daw baka hanapin na ko.

Pagkababa ko sa ramp nakita ko si Felicia na parang may hinihintay sa bench. Nilapitan ko muna siya.

"Felicia!" Tumingin siya sakin pero yung tingin niya sakin ay hindi masaya at hindi rin malungkot.

Lumapit ako sa kanya pero tumayo lang siya at kinuha ang bag niya. Syempre makulit ako kaya hinabol ko...

"Felicia sandali!" Pero mas lalo pa niyang binilisan ang lakad niya kaya ako naman,binilisan ko rin at hinarangan ko siya sa harap ko.

"Felicia sandali lang. Bakit ka ba lumalayo?" Tanong ko pero ngumiti lang siya ng matamlay

"Uuwi na ko." Pero hinarangan ko pa rin siya.

"Alam kong hindi yan ang dahilan Felicia,ano bang nangyare?"

"Basta." Umalis na siya at binangga pa ko. Ouch ah. Ano bang problema? O.o hmm! Uuwi na nga lang ako.

*************

(Author's Note: Mas maganda kung ngayon niyo pinlay ang media or video para mas fit sa moment XD)

Pagkarating ko sa bahay,kinuha ko na yung 3 notebook ko at nilagay sa cabinet.

"Science,AP, and...TEKA NASAN YUNG MATH KO?!" pagtatanong ko sa sarili ko dahil hindi Math ang nakuha ko... YUNG JOURNAL OR YUNG DIARY NI JARREN! 0___________0

"BAKIT ITO YUNG NAKUHA KO?! WAAAHHHH!"

Ang tanga-tanga ko talaga! Bakit kasi hindi ko pinabukas kay Madge yung ilaw nung nalaglag yung mga notebooks ko! Argh! kakabwisit naman oh! Binato ko yung diary ni Jarren sa kwarto ko at napansin ko na ang daming nalaglag na papel at pictures. Bwisit wala akong pakialam diyan! Kalalaking tao kasi nagdidiary. Kung sa bagay pwede naman :/

Napakamot nalang ako sa buhok at sa bangs ko kahit straight na ito ginugulo ko parin. Pagkatapos kong ayusin yung notebooks ko at mga gamit ko, di ko na napigilan na kunin at ayusin yung diary ni Jarren. Pinagpupulot ko yung papel at yung 2 pictures...

"Huh? Bakit nandito yung pictures ko?" sinabi ko sa sarili ko.

Paano naman kasi,nakita ko yung 2 kong pictures. Yung isa nung birthday ko,yung isa naman yung Christmas Prom. Teka hindi ko naman siya nakikitang nagpipicture sakin ah. Ang weird..

Tinignan ko ang likod ng picture at may note na nakasulat..

Grabe ngayon ko lang siya nakitang naka-makeup at nakagown. Hindi ko mapigilan ang sarili ko,kailangan ko siyang picturan. Pinipilit ko siyang picturan pero hindi siya tumitingin dito. Sayang naman,kaya eto lang ang picture na the best ang kuha ko. -Jarren

Hindi ko siya maintindihan. Bakit ba ganito siya? Ano bang nakain niya talaga? Binalik ko itong picture na ito sa page niya. May nakalagay kasi sa picture kung saang page naka-attach. At nakita ko na may note ulit dun sa page na nakata-attach yung picture. Syempre hinawakan ko muna yung picture at binasa ko.

Nung una ayokong basahin talaga. Pero nung nakita ko lang itong picture at yung note na ito. Parang ang daming tanong na gustong lumabas sa bibig ko kapag nakita ko na si Jarren.Hindi ko talaga siya maintindihan.

Ang saya ng araw na ito dahil unang-una napakaganda niya talaga kapag inayusan. Pero syempre kahit walang make-up maganda parin siya. Hindi ko lang talaga masabi sa kanya ang mga gusto kong sabihin dahil natotorpe ako. Kaya ginawa ko nalang na maging cold sa kanya,para di niya mahalata. Pero mas the best pa ay naging kapartner ko siya sa sayaw sakasongalang hindi ko siya nakasayaw dahil hinahanap niya yang bwisit na David na yan. Kabadtrip. Ako pa pinagbuhat niya kay David sa hospital. -Jarren

Aba nagrereklamo pa siya?! Bakit ba ganito siya? Shizz.. Tinignan ko naman ang isang picture na rumampa ako sa King And Queen's Prom sa arena pero walang note sa likod, page lang kung saan ito naka-attach. Hinanap ko naman ang page na yun at binasa ko na naman pero pansin ko ang gulo ng sulat niya dito..

Grabe ang ganda talaga,nagpastraight pa ng buhok. Nabwibwisit ako kay David dahil nakakuha na naman siya ng halik sa mahal ko. Mamaya babawi ako kapag inannounce na ang King And Queen,alam ko naman na si Suzzane ang mananalo eh. Dito lang muna ako sa bench nagsusulat at naglalasing bwahahahaha. -Jarren

Sino ba humalik kay David dun sa Truth Or Dare? Diba ako? Ibig sabihin ako ang tinutukoy niya na mahal niya? Yun ba ang dahilan kung bakit nagwalk-out siya nung hinalikan ko si David? Kaya ba niya binangga noon ng malakas si David nung naging kami dahil nagseselos siya?

Hindi ko napigilan na mapanganga at mabitawan ang journal ni Jarren sa mga nabasa ko. Hindi pwede,hindi pwedeng ako yung mahal niya. NAKAKAINIS SIYA!

Mas lalo akong nainis dahil may note pa kong nabasa sa diary/journal niya na natulog daw ako sa kanila! >______________< At dapat daw yayakapin niya ko dahil katabi niya kong matulog NAKAKAINIS KA JARREN COLLINS! MAMATAY KA NA GAGO KA!

Nakita ko pa ang last page na nakalagay ay...

Mahal na mahal ko si Suzzane Bautista pero di ko kayang sabihin sa kanya!>_< -Jarren

OH MY GOSH

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
629K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
101K 6.7K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...