Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"

2.2K 101 7
By chasterrassel


Imbis na kakain na sana ko, tumayo tuloy ako para alamin kung ano bang nangyayari sa labas.

Naabutan ko na pasakay si Mayor sa van, at pinipigilan pala siya ni kumag na umalis. Nilapitan ko na sila agad.

"Mayor, ano 'to? Anong bang nangyayari dito?"usisa ko.

Hindi nagsalita si Mayor, tumingin lang siya sa akin.

"Gusto niyang magpunta sa city hall,"at si kumag iyong sumagot, tapos tumingin din siya sa akin.

"City Hall? Mayor, don't tell me na balak niyong sugurin si de Quatro? Nahihibang na ba kayo, di ba't kayo 'tong nagsabi sa akin kagabi na kailangan nating magdoble ingat?"

"At sino bang may sabi na magpapakita ako sa hukluban na iyon? Ang balak ko lang ay ang maniktik."

"Hmph, delikado pa rin iyan. Iyong mga ganyang bagay Mayor, hindi iyan iyong tipo na ginagawa nang mag-isa, kailangan mapagplanuhan muna natin 'to."

"Eh isa ka rin naman pala eh, so kinukunsidera mo iyong idea ni Mayor?"si kumag.

"Paano natin macoconfirm iyong mga hinala natin, kung di natin aalamin iyong mga kilos nung tao? Kaya reasonable pa rin iyong gusto niya. Pero gaya ng sinabi ko, di natin 'to pwedeng gawin nang basta lang; kakailanganin natin ng tulong ng mas nakakaalam sa lugar na 'to."

At napapayag ko rin si Mayor na huwag na munang umalis; instead, pag-uusapan muna namin ito.

                                                                           #

Bumalik na kami sa loob ng bahay. Tinapos ko muna iyong pagkain ko, habang sila naghintay na lang sa sala.

Tapos na kong kumain, at patayo na ko mula sa table; nang dumating si kumag.

"Ang tagal mo raw sabi ni Mayor, kaya pinapuntahan ka na niya sa akin."

"Tapos na ko, patayo na nga ko eh."

At tuluyan na nga kong tumayo, tapos lumakad na ko.

"Ahmmm, p-pwede ba tayong mag-usap muna sandali? Iyong tayo lang."

Narinig ko na lang na sinabi niya iyon, paglampas ko sa kanya; kaya napahinto ako. Hmph, sa tono pa lang nung tanong niya, I think alam ko na rin kung tungkol saan iyong magiging topic namin.

"Kung ang gusto mo lang pag-usapan ay iyong kagabi, hindi na kailangan,"sagot ko, tapos nilingon ko na siya.

Halata sa mukha niya na nabigla siya sa naging sagot ko, at hindi rin siya nakaimik dito.

"Look, I'm not stupid. Alam ko kung ano talaga iyong trinatry mong sabihin sa akin, nung inaakay mo ko sa tunnel. Didiretsuhin na kita; huwag ka nang umasa, at huwag mo na ring subukang ibalik ang isang bagay na hindi na pwepwede pa. Please lang, para na rin sa ikatatahimik nating dalawa."

Pagkatapos kong sabihin iyon, napansin ko na lang na mamasa-masa na iyong mga mata niya. Hindi naman sa nagiging hard ako; pero mas lalo lang kasing lalala iyong mga problema namin, kung hahayaan ko lang siya na gawin iyong mga gusto niya.

Tumalikod na ko sa kanya, at saktong dumating naman si Luis.

"Sandro, sabi ni ate Nancy gusto niyo raw akong makausap?"

"Ah oo, dun tayo kay Mayor, sa sala,"napapangiti kong sagot.

Paglakad ko, bigla na lang nalambot iyong pakiradam ko! Feeling ko parang kong matutumba na hihimatayin, tapos nanlabo na naman ulit iyong paningin ko! Natanaw ko na lalapit sana si kumag, pero nauna na si Luis sa pagsalo sa akin.

"Oh, anong nangyari sa iyo? Okay ka lang?"

"Nahilo lang ako bigla, pre. S-Salamat."

"Ha? K-Kailan ka pa nakakaramdam nang ganyan?"

Iyong itsura ni Luis, para siyang takang-taka.

"Kahapon lang, sa kakahuyan; bakit?"

"Ahh..."

Marahan siyang napatango-tango, tapos bigla naman siyang ngumisi.

"Hmph, oy wilab, huwag mo sabihing naglilihi ka?"bigla niyang hirit.

Langya, ang serious kanina, tapos ngayon nang-aasar na. At kung kanina rin nakahawak lang siya sa akin, ngayon naman nakaakbay na.

"Kung sabihin ko sa iyong oo, pananagutan mo ba ko?"sagot ko naman na ngingisi-ngisi rin.

Hindi nakaimik si loko, at napakamot na lang ng ulo. Pagkatapos nun, natawa na lang kaming pareho. Paglingon ko, nakatingin pala si kumag sa amin. Pero hindi naman na siya kumibo; instead, nauna na siya sa amin.

                                                                         #

Nakaupo na kami sa sala. Si Mayor lang iyong nahiwalay ng upuan sa amin; kaming tatlo, magkakasama. Pero di kami nagtabi ni kumag, pumagitna kasi sa amin si Luis.

Sinabi na namin sa kanya iyong balak namin na pagpunta sa city hall.

"Sandro pasensya na, pero di ako sang-ayon diyan sa balak niyo ni Mayor."

At iyon ang naging reaksyon niya.

"Hmph, hindi namin hinihingi ang opinyon mo, at wala akong pake kung sang-ayon ka man o hindi; ang kailangan namin eh iyong impormasyon tungkol sa mga pasikot-sikot dun sa munisipyo niyo!"sagot naman ni Mayor.

Natahimik na lang siya; pero di nagtagal, sinabi rin naman niya iyong mga dapat naming malaman.

"K-Kung si de Quatro iyong habol niyo, hindi siya actually gaano naglalalagi sa munisipyo; madalas siyang wala, dahil sa ibang lugar siya nag-oopisina."

"So, saaan iyong opisina niya?"usisa ko.

"W-Walang sino man ang nakakalam dito kung saan iyon, maliban sa dalawang bodyguard niya. Wirdo di ba? Mayor siya, pero tinatago niya sa mga tao iyong tanggapan niya."

"Pero syempre, wala namang aangal dun; dahil kontrolado na niya ang mga tao dito, hindi ba?"si Mayor.

Tumango naman si Luis sa kanya. Pero parang ang oa na ata nito, bakit kailangang isecret pa pati iyong opisina niya?

"If that's the case Mayor, ano pang silbi na magpunta tayo dun?"reaksyon ko na lang, sabay tingin kay Mayor.

Hindi umimik si Mayor; napacross arms lang siya, at parang napapaisip na rin.

"Tama ka Sandro; wala tayong mahihita dun, kung wala si de Quatro. Pero ibang istorya na, kung matiyempuhan natin dun iyong dalawang bantay niya."

Napansin ko na bigla na lang napangisi 'tong si Luis, tapos tumingin siya sa wall clock na katabi nung bungo na nakaframe.

"Pwede, pwede iyong sinabi ni Mayor,"sambit niya, sabay tingin na ulit sa amin nang nakangisi pa rin.

"Anong ibig mong sabihin?"si kumag.

Heto na naman 'tong isang 'to. Given na, against siya dito; pero iyong way at tono ng pagtatanong niya kay Luis, iba eh, para siyang naghahamon ng away! Ano ba talaga iyong issue niya sa kanya?

At natigilan na lang ako bigla, kasi nagets ko na! Hmph, ba't ba hindi ko 'to narealize agad nung start pa lang? Pero come on! Sino ba siya sa tingin niya, para makaramdam pa ng ganun? Ni wala na siya sa position para dun!

"Ganito kasi—"

"Hey! Mukhang nagiging mainit-init na iyang conversations niyo. At bago pa iyan lalong magspark, tikman niyo na muna 'to!"

Hindi natuloy ni Luis iyong sasabihin niya, dahil sa pagdating ni ate Nancy. May bitbit siyang tray na may dalawang tasa. Nilapag niya 'to sa table; kulay bright green iyong laman nito.

"Ate, iyan na po ba iyong sinasabi niyo kanina na tsaa?"

"Yes! Itong-ito na siya, it is none other than this."

"Para saan iyan?"si kumag.

Lumingon ako sa kanya.

"Wala naman, para lang naman mapabagal iyong pagkalat ng lason nung pills sa katawan."

Nakaslouch siya sa sofa, pero pagkasabi ko nun bigla siyang napabangon.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi sa akin!"

Inabot at dinampot niya iyong isang tasa; ganun din iyong ginawa ko. Nang pabalik na kami sa pagkakaupo, bigla naman tumayo 'tong si Luis.

"Ah Sandro—"

At nasagi niya kaming pareho; nabitiwan tuloy namin iyong mga hawak naming tasa! Nabasag ang ma 'to, at tumapon iyong tsaa na iinumin na namin sana.

"Omg Luis! Ano ba iyang pinagagagawa mo!"

Unexpected iyong kilos na iyon ni Luis, kaya medyo nabigla ko actually sa mga nangyari. Pero mas nakakabigla iyong pagsigaw ni ate Nancy! As in! Parang galit na galit siya, at dahil lang dito?

"S-Sorry ate Nancy."

Pero I think hindi naman sinasadiya ni Luis 'to; kahit kasi siya, mukhang nabigla rin.

"S-Sorry,"at nagsorry din siya sa amin.

"Sorry sorry ka diyan, nakita ko iyong ginawa mo! Sinadiya mo 'to!"reaksyon naman ni kumag.

Okay, ito expected ko na. Syempre, mainit ang dugo niya sa tao; kaya gagawin niya talaga 'tong big deal!

"Oy, pwede ba huwag mo ngang pag-initan si Luis; nakita ko rin iyong nangyari, at hindi niya sinasadiya na masagi tayo,"sagot naman sa kanya.

Napailing-iling na lang siya, tapos napaupo na ulit sa sofa. Tumingin naman ako kay ate Nancy.

"Ate, okay lang po iyan, huwag niyo na sanang pagalitan si Luis; pwede naman po kayong gumawa ulit di ba?"

Hindi naimik si ate, at napansin ko na nakatitig pa siya nang masama kay Luis; pero di nagtagal, nautahan na rin siya.

"Ah, o-of course! Igagawa ko na lang kayo ulit."

Ngayon, parang biglang nag-iba iyong ihip ng hangin; bumalik na siya dun sa usual niyang way ng pagsasalita, with matching ngiti pa. Tapos nagpaalam na muna siya, para kumuha ng walis at pamunas.

"Luis, ano na nga ulit iyong sinasabi mo kanina?"usisa ko.

Tumingin-tingin siya dun sa pinto ng kusina, as if gusto niyang makasure na wala na si ate Nancy. Hinawakan niya ko sa braso, at hinila para maupo na ulit kami sa sofa.

"Tuwing lunch time kasi, pumupunta si Rolly dun sa munisipyo; merong siyang kinukuha na daily progress report ata iyon, tapos dinideliver niya kay de Quatro. Kung aalis na kayo ngayon din, maabutan niyo pa siya dun,"pabulong niyang sagot.

Hindi raw kami mahihirapan na makita iyong si Rolly, abangan lang raw namin sa parking lot; hindi pala kasi iyon bumababa ng kotse, at may nag-aabot lang sa kanya nung report dun. Sinabi rin niya sa amin, kung anong kotse iyong laging ginagamit nito. How convenient!

"Hmph, ang weird naman ata, na alam mo iyong mga ganitong bagay tungkol sa kanila; parang nakapagtataka,"usisa ni kumag.

Napatingin sa kanya si Luis.

"Walang nakapagtataka dun, dahil minsan rin akong nagtrabaho sa munispiyo; pero nung di ko na masikmura iyong kilos ng mga tao dun, umalis ako."

"Oh,iyon naman pala, sana kasi hindi agad nag-iisip nang masama di ba,"hirit ko.

Pero since pagtataka na rin iyong topic, meron din ako actually ipinagtataka.

"Luis pre, bakit parang bumubulong ka ata?"usisa ko.

Bigla siyang napalingon ulit sa akin.

"W-wala, nadala lang ako; katakot kasi iyong sigaw ni ate Nancy kanina."

"Hmph, oh siya! Ano pang hinihintay natin? Tena na at umalis na tayo,"si Mayor.

"Mag-iingat kayo, lalo ka na Sandro...Dahil kung talaga ngang si de Quatro iyong nasa likod nung nangyari sa inyo kahapon, sigurado na di siya magdadalawang isip na tuluyan ka; kapag may nakakita na buhay ka."

Matapos iyon, nagmadali na nga kaming umalis; kaya hindi na rin namin muna nagawang inumin iyong tsaa.

                                                                         #

Nasa likuran pala nung building iyong parking lot(open parking), at nakita namin na merong pang security guard. So nagdecide kami na sa isang kalapit na eskinita na lang ng city hall, ipark iyong van; dahil kung hindi, papasok pa lang kami sure ball nang mayayari na agad kami!

"Oh Mayor, ano nang plano natin ngayon?"usisa ko.

"Gaya nang napag-usapan kanina, aabangan natin iyong Rolly na iyon. At pag-alis niya, susundan natin siya; nang sa ganun, malaman natin kung saan ang lungga ng hukluban."

"Okay, tara,"sagot ko.

Nakahawak na ko sa pinto, at bubuksan ko na sana 'to; nang bigla kong nilingon at pinandilatan ni Mayor(sa likod kasi ko umupo, para hindi kami magkatabi ni kumag sa passenger seat).

"Maiiwan ka dito."

"Ha? Mayor naman, kaya nga ko sumama dito sa inyo eh; dahil ayaw ko na mag-isa kayong kumilos, tapos hindi niyo ko pabababain?"
"Potaenang iyan Sandro! Alam ko na tinuruan kita na maging matapang, at na huwag tumakbo mula sa mga kalaban; pero kahit kailan, hindi kita tinuruan na tumakbo papunta sa kamatayan!"

Saglit akong natigilan sa mga sinabi niya, tapos medyo napangiti na lang ako.

"Mayor, I know kung gaano kayo nag-aalala at nagmamalasakit para sa akin; kahit na di niyo man iyon pinahahalata. At ipinagpapasalamat ko iyon. Pero di ba, tinuruan niyo rin ako na huwag maging selfish? Iyon iyong gusto kong gawin ngayon, ang kumilos para sa kaligtasan ng mas nakakararami; kesa sa magtago para sa sarili kong kaligtasan."

Sa mga paliwanag na iyon, hindi na umangal si Mayor. Napabuntong-hininga na lang siya.

"Kung ganun, kayong dalawa na lang ni Baste ang bumaba."

Okay, medyo nag-aalangan ako sa idea ni Mayor! Baka mamaya kasi, kung anong kalokohan na naman ang gawin nitong kumag na Ex-Men. At sumumpong pa iyong epekto ng pills, lalo na't hindi namin nainom iyong tsaa ni ate Nancy kanina.

"K-Kaming dalawa? Mayor, sure kayo diyan? Gusto niyong pumunta kami dun nang kami lang?"

"Kailangan may maiwan dito na driver; para mabilis tayong makaalis, kapag nakita na si Rolly."

So kaya rin pala niya ko pinapaiwan kanina, may isa pa pala siyang reason.

"Ayaw mong papigil na bumaba, at hindi naman marunong magmaneho ng manual ang isang 'to..."

Sumulyap siya kay kumag, tapos tingin din ulit agad sa akin.

"Kaya wala kang pagpipilian."

Hmph, talagang no choice! Nagkatinginan na lang kaming dalawa. At ang kumag, napapangisi!

                                                                           #

Bago bumaba, nagsuot kaming dalawa ng cap; para naman hindi expose na expose iyong mga mukha namin.

Humanap kami ng tiyempo; hinintay namin na may pumasok na kotse at malingap iyong guard, tapos tsaka kami pumuslit papasok. Pero, hindi naman namin nakita iyong sinabi ni Luis na kotse ni Rolly.

"Mukhang tayo ata iyong nauna dito,"sambit ko.

"Pero possible rin na nahuli tayo, na nakaalis na pala iyong tao."

Napatitig na lang ako sa kanya nang nakabusangot.

"Hindi ka rin pessimistic, noh?"

"Sabagay, maghintay na lang muna tayo."

Tumingin-tingin na lang muna ko sa paligid.

"At least, masolo man lang kita ulit kahit saglit."

At bubulong-bulong pa ang kumag, as if hindi ko maririnig iyong hirit niya. Hmph, heto na nga ba iyong sinasabi ko; nagsisimula na po ang Ex-Men. Napatingin na lang ulit ako sa kanya.

"Sige, bulong pa more,"iritable kong sambit.

Hindi siya nakakibo; pero napansin ko na napalunok siya, tapos siya na iyong umiwas ng tingin sa akin.

Sa paglalakad-lakad namin, may nakita kaming plastic na bench; tanaw sa pwesto nito iyong mga kotse na maglalabas-masok. Nice!

Niyaya ko siya na maupo na lang kami dito. Mas okay 'to, hindi kami mukhang nagbabantay; mukha lang kaming ordinaryong tambay. I think, hindi rin kami basta mapapansin dito.

Ilang minuto ang lumipas, wala pa rin iyong hinihintay namin. Habang nakaupo kami, wala naman kaming kibuan ngayon; ni hindi kami nagtitinginan. Kung nasa pelikula kami, sound effects lang siguro ng kulilig ang maririnig, lol; sobrang tahimik kasi talaga.

"Ano ba iyan, sobrang tahimik naman; wala ka man lang bang sasabihin sa akin?"

Ayun, siya na iyong bumasag sa katahimikan; pero parang may ibang laman ata iyong sinabi niya, at hindi ko gusto iyon!

"Nasabi ko na kanina iyong mga dapat mong marinig mula sa akin, kaya wala na kong kailangan sabihin pa. Isa pa, wala ko sa mood para sumuka; so please, shut up na lang,"sagot ko naman, nang hindi tumitingin sa kanya.

May natanaw akong kotse na bagong dating; parehong-pareho iyong itsura nito sa description ni Luis!

"Mukhang siya na ata iyon,"sambit ko.

"Wala kong pake."

Nabigla ko sa sagot niyang iyon, kaya napatigin na ko sa kanya; pero bago pa man ako makahirit, nauna na siyang magsalita ulit.

"Wala kong pake, kung hindi na pwede para sa iyo; dahil hindi ganun para sa akin. Remember, hindi basta sumusuko sa laban ang mga karateka."

"Pwede ba, huwag ngayon at huwag dito, lumugar ka naman!"

Tumingin na ko ulit dun sa kotse. Sakto, nakita ko na may isang lalake na palapit. Pero, bukod sa isang folder(iyon ata iyong report), may bitbit din siyang backpack.

Paglapit niya bumukas iyong bintana nung kotse, si Rolly nga iyong driver nito! Hindi pa inabot sa kanya nung lalake iyong mga bibit nito, parang may pinag-uusapan pa kasi sila. Syempre nasa malayo kami, kaya di namin mariring kung ano iyon.

Okay, confirm nang nandito siya, I think kailangan na naming bumalik kay Mayor; para maabangan namin iyong paglabas niya, at masundan na siya.

"Alam ko naka-uke(block) na ko diyan sa puso mo; pero, sa uke waza(blocking techniques) nga ko expert di ba? Kaya gagawa ako ng paraan, para makalusot diyan."

Ay ampucha! Nakuha pa talaga niyang humugot in karate version ngayon! So napatingin na naman tuloy ulit ako sa kanya.

"Ano ba! May balak ka ba na ipahamak tayong pareho?"

"Minsan na kong nakapasok diyan, so I don't mind na gawin ulit iyon,"at imbis na huminto, humirit pa siya ulit.

With matching pagtayo pa iyon, tapos sinubukan niyang makipag eye contact sa akin; pero umiwas ako sa kanya, at tumingin na ulit dun kina Rolly.

Inaabot na nung lalake kay Rolly iyong backpack, at isinunod iyong folder. Nang bigla kong makarinig ng malakas na kalabog, at the same time naramdaman ko rin na parang may bumagsak sa tabi ko! Muntik ko pang maibulalas iyong pangalan ni kumag dahil dun; baka mamaya niyan kasi mabulabog iyong dalawa sa pinaggagawa niya, at mapansin kami!

Pero pagtingin ko, natigilan ako sa nakita ko. Bumagsak pala siya sa tuhod niya, at nakadantay siya sa bench. Napatayo na lang ako.

"Oy, a-anong nangyari sa iyo?"

"B-Bigla na lang nanlambot iyong katawan ko...Akala ko..."

"Akala mo hihimatayin ka?"

Tumingin at tumango siya sa akin. Pareho 'to nung nangyari sa akin kanina!

Inis ako sa kanya; pero hindi naman tama na pabayaan ko na lang siya, di ba? So ako naman ngayon iyong tumulong sa kanya; itinayo ko siya.

"S-Salamat. Sabi ko na nga ba, hindi mo rin ako matitiis,"napapangisi niyang hirit.

"Hmph, huwang kang feeling diyan, binawi ko lang iyong ginawa mo para sa akin kagabi. Ano? Kaya mo bang lumakad mag-isa? Kailangan na nating bumalik kay Mayor, bago pa nila tayo mapansin."

Buti naman at hindi nag-inarte ang kumag; mag-isa na siyang naglakad sa pagbalik namin sa van.

Mga 1-2 minutes lang, nakita na namin na lumabas iyong kotse ni Rolly; gaya ng plano, sinundan namin 'to.

                                                                       #

Magaling rin talagang dumiskarte 'tong si Mayor, dahil nasure niya na hindi kami mahahalata sa pagsunod namin.

Huminto si Rolly sa tapat ng isang magarbong bahay. Mula sa bintana, tanaw na may mga guard sa gate nito; tatlo sila, at may bitbit pang mahahabang baril!

Pinatuloy na siya ng mga 'to.

"Paano na iyan Mayor? Gwardiyado rin iyang bahay; kung di tayo makakapasok, di natin malalaman kung sinong nandiyan,"si kumag.

"Ano naman ang problema diyan? Hmph! Tatlo sila, tatlo rin tayo. At mga karateka tayo; kayang-kaya natin silang patulugin pansamantala, kung gugustuhin natin!"paangas na sagot ni Mayor.

"Mayor, nakalimutan niyo ata na may sugat pa po ko. Tsaka paano naman natin sila mauupukan nang ganyan? Baka ratratin nila tayo, bago pa man natin sila malapitan."

Kung pistol lang sana ang mga hawak nila, madali lang sila disarmahan; kaso, hindi.

"Pwede, kung sa likod natin sila susunggaban; kailangan lang malansi sila,"sagot ni kumag.

"Ipaubaya niyo na po sa akin iyong paglansi, Master."

Nagulat at napalingon na lang ako, sa narinig kong nagsalita sa likuran ko; pati sina Mayor at kumag, napalingon din. Si Anton!

"Anak ng! Anong ginagawa mo dito!"bulalas ni Mayor.

"Hindi pa bo pa obvious, Mayor? Pumuslit ako, sumakay po kanina dito, bago pa kayo makasakay lahat."

"Anton, hindi tama ang ginawa mo; isa pa, delikado 'to,"sambit ko.

"Sorry na po Master, nacurious lang naman po kasi ko. Randam ko kasi, may hindi po kayo sinasabi sa amin nung ibang mga classmate ko. At ramdam ko rin po na may alam dito sina Jomar at Marco..."

Hmph, may pagkadetective rin ang peg ng bagets na 'to, lahat napupuna! At tama nga iyong pagkabasa ko sa kanya kanina, pero di ko naman ineexpect na may gagawin pala siyang ganito. Napabuntong-hininga na lang tuloy ako.

"Pero at least, may maitutulong po ngayon sa inyo iyong pagpuslit ko, di ba po Mayor?"pagpapatuloy niya, na ngingisi-ngisi pa.

"Hmph! Nangatuwiran ka pa, humanda ka sa akin mamaya damuho ka!"bwiset na sagot ni Mayor.

At syempre, kumunot na naman ang noo ng bakulaw.

"Well, wala na tayong magagawa, nandito na siya. And I think, pinakabest na plan na iyong siya ang maglansi sa kanila,"si kumag.

Napatingin na lang ulit ako kay Anton. Hmmm, napakarisky ng plano na 'to; pero knowing na siya iyong nangunguna sa klase nila, naniniwala ako na kahit paano kaya na niya ang sarili niya.

                                                                       #

Bumaba na kami ng Van. Heto na, kumilos na si Anton; habang kami, nagtago muna at pinanood iyong gagawin niya.

Naglakad siya at huminto sa tapat nung mga guard. Lumingon-lingon siya; iyong arte niya, para siyang naliligaw. Hanggang sa nilapitan na siya ng isa sa mga 'to.

"Bata, anong ginagawa mo dito? Alam mo ba na ipinagbabawal sa mga tao sa lugar na 'to, na lumabas basta-basta nang walang permiso ni Mayor?"

"Ah Manong, pasensya na po. Hindi po kasi ko tagarito, n-naliligaw nga po ko eh. Saan po iyong daan papunta sa liwasan?"

"Hmph, malayo dito iyon."

Halos nakatapat ngayon sa pagmumukha ni Anton iyong baril nung guard; mas matangkad kasi 'to kesa sa kanya.

"Manong, bagito lang po 'tong kaharap niyo; baka naman gusto niyong ibaba muna iyang baril niyo?"

Nauto naman niya iyong guard, dahan-dahan ngang ibinaba nito iyong baril niya; pero bago niya 'to maibaba nang tuluyan, may ginawa si Anton na unexpected!

Hinawi at dinakot niyang iyong kamay nung guard! So nabitiwan nito iyong baril. Iyong ginawa niyang pagdakot, hindi actually ordinary; isa iyong uke waza. Tsukami uke(grasping block), iyon iyong tawag dun. At di pa siya dun natapos, with matching hiza geri pa sa sikmura!

Ang angas sana eh, pero ampucha! Ang usapan lalansihin lang niya, wala kaming sinabi na babanatan niya! Habang namimilipit at namamaluktot iyong guard, kumilos na rin tuloy palapit sa kanya iyong dalawa pa.

Kaya sumugod na kami. Sina Mayor at kumag na iyong bumanat mula sa likuran nung dalawa; ako naman iyong lumapit kay Anton. Bago pa makakilos ulit iyong guard na binatan niya, inuhan ko na 'to. Pero dahil nga di ko kayang sumipa nang maayos, kamao iyong ginamit ko.

Binatan ko siya ng age tsuki(upper cut) sa ulo; napabitiw siya sa sikmura niya, ngayon open na iyong katawan niya. Kaya mabilis kong sinundan 'to ng gyaku tsuki(reverse punch) sa bandang sikmura ulit niya! Pero tinarget ko iyong solar plexus niya; depende sa tindi, ito iyong mga nerves na kapag pinatamaan, mawawalan ng malay iyong tao.

At iyong nga ang nangyari, nawalan na ng malay ang mokong. Iyong dalawa pa, napatulog na rin nila.

                                                                   #

Kinaladkad, at itinali namin iyong tatlo sa guardhouse nila; inilayo at itinago rin namin iyong mga baril. Panghuli, kinuha namin iyong mga radyo nila; para sure na hindi sila basta makakahingi ng tulong, in case na magising sila.

"Iyan, makakatuloy na kayo sa loob. Ayos po ba iyong diskarte ko, Mayor?"si Anton, na nakangisi pa.

Pinandilatan naman siya ni Mayor.

"Anong ayos? Sinabi ba namin sa iyo na upukan mo sila? Ha!"

"Mayor, hinaan niyo boses niyo, baka may makarinig sa inyo,"bulong ko.

"Mayor naman, di ba po dapat natutuwa pa kayo? Dahil pinakita ko, na may natutunan po ko sa inyo."

Hindi na nagsalita si Mayor, pero nakakunot iyong noo niya; obvious na pinigilan na lang niya iyong bwiset niya.

"Oh siya! Bumalik ka na sa van, at dun mo na lang kami hintayin,"iyon na lang iyong sinabi niya.

Pero instead na umalis, ang ginawa naman nitong si Anton ay nag-indian sit with matching cross arms, sa ibabaw ng isang table na katapat lang nung tatlong mokong na nakatali.

"Dito na lang po muna ko."

At mas lalong kumunot iyong noo ni Mayor sa ginawa niya.

"Oh kalma Mayor. Di naman po sa pilit ko kayong sinusuway, pero mas okay kung may bantay dito; para may magsasabi po sa inyo, kung sakaling magising sila."

Hmph, oo nga naman noh? Ano ba 'to, para atang mas mabilis pang mag-isip ang isang bagets, kesa sa amin.

                                                                     #

Lumakad na kami. Pero bago kami tumuloy, meron akong napansin; isang bagay na kung di ko napuna agad, tiyak goodbye na sa plano namin.

"Teka..."bulong ko.

Kaya pinahinto ko muna silang dalawa.

"May mga cctv camera."

Lumingon-lingon sila para sipatin ang mga 'to.

"Kung ganun, kailangan pala nating magninja moves,"si kumag.

Kumilos na kami ulit; pero ngayon, hindi na lang mga tao ang kailangan naming iwasan, kung di pati nga iyong range nung mga camera.

Nakarating kami nang safe sa may malapit na sa main front door ng bahay. May mga bantay ding tao dito, iyong isa si Jomie na nagkakape. Hind namin sila pwedeng sugurin, dahil sure ball na makikita kami sa cctv; in short, hindi kami makakalusot.

So, humanap kami ng ibang way. Umikot kami sa may gilid; dito walang tao, at wala ring cctv. Mayamaya, nakarinig ako ng pamilyar na boses; nanggagaling 'to sa bintana na halos kalapit na namin.

Dahan-dahan kaming nagcrouch papunta sa tapat nun. Ako lang muna iyong sumilip. Si De Quatro! Jackpot! Base sa itsura nung kwarto, mukhang ito na ata iyong opisina niya; may office table kasi, mga upuan, at iba pang usual na furniture na nakikita sa isang opisina.

Nandun siya sa table, at binabasa iyong folder na inabot nung lalake kay Rolly kanina.

"Good, this is good,"sambit niya.

Sunod, inabot naman ni Rolly iyong backpack sa kanya. Binuksan niya 'to, ang laman nung bag? Ano pa, syempre pamatay pera.

"Nabilang mo na ba 'to?"

"Yes, ma'am. Kumpleto po iyang ibinayad."

Mayamaya pa, napansin ko na lang na nakasilip na rin sa tabi ko si kumag.

Tumayo si de Quatro, pumunta siya sa tapat ng isang ottoman na nakapwesto sa opposite nung office table. Sa unang tingin, mukha lang 'tong ordinary na upuan; pero nabubuksan pala iyong ibabaw. Pag-angat niya nito, tumambad iyong laman.

Nahahati 'to sa dalawang compartment. Sa right side, puro pera ang laman; nilagay niya dun iyong pera galing sa backpack. At sa left side, may mga bote na kilalang-kilala ko iyong itsura!

Napaalis kaming pareho ni kumag sa pagkakasilip, at napacrouch ulit.

"D-Di ba mga bote iyon ng Shut Up pills?"bulong ni kumag.

"Oo, pero bakit meron siya nun?"sagot ko.

Nagdecide kami na hindi na muna sumilip ulit, masyado kasing risky. Pinakinggan na lang namin iyong mga mapag-uusapan pa nila.

"Ah, ma'am...M-Meron ho pa lang inireport sa akin iyong tao niyo sa munisipyo kanina, bad news ma'am."

"What happened?"

"Buhay ho si Alessandro Monteballe at iyong mga kasama niya."

At natigilan na lang kaming tatlo, sa mga narinig naming iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

263K 2K 7
[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa a...
307K 7.2K 59
Masakit isipin na nabubuhay ka sa isang kasinungalingan. Masakit dahil kung sino pa ang mga taong malapit sa iyo, sila pa ang nagiging hadlang upang...
9.9K 699 33
[BoyXBoy|Yaoi] Panget Ko! Ang relasyon ay pinaghalohalong emosyon, kumbaga sa isang halu-halo, mas sumasarap mas madami ang sangkap na nakasahog dito...