My Jeje Princess

By KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... More

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 29

2.6K 30 0
By KlydeJay06

Madge's P.O.V.

Shaks! Si Suzzane ba talaga yun? Hanggang ngayon ay hindi kami makapaniwala nila Ralph na si Suzzane yun. Sila Gerald at Tom todo makasigaw palibhasa may crush kasi kay Suzzane ang mga iyan.

Pagkatapos ng fashion walk ay inayos na namin ang mga props at madaming nagpicturan at napuno agad ang skating rink sa gilid ng arena. Pumunta na ko sa kapartner ko na si Ralph,eh aaminin ko.... ANG POGI NIYA NGAYON! Oo gusto ko na siya! Parang ngang gusto ko na siyang sagutin eh! Shit talaga!

Bumaba na kami sa grounds at ang mga guest naman ang nagsiupuan sa taas. Grabe eto na si Ralph may dala pang roses.

"Ano ba! Nag-abala ka pa,pano tayo sasayaw niyan kung may hawak akong roses?!" at tumawa lang yung gago. Eh! Nararamdaman ko na umiinit yung mukha ko.

"Oh bakit ka namumula?" tanong ni Ralph. Shet! Nahalata niya! Anong gagawin ko?!

"Eh kasi naiinis ako sayo! Tara na dun na tayo!" hinablot ko ang kamay niya at pumunta sa pwesto namin.

Habang nag-uusap kami ni Ralph napatigil kami ng may nakita kaming babae na nakagown at silver na white siya. Grabe ang lakas maka-Cinderella ng ayos niya. Nagulat ako ng pumunta yung babaeng yun sa tapat ni Jarren kaya nagkatinginan kami ni Ralph at lumaki ang mga mata namin.

"SI SUZZANE!!" sigaw namin at lahat ng mga estudyante na sasayaw ay nakatingin samin at tumingin din kay Suzzane. Napalingon tuloy si Suzzane at ngumiti samin.

Narinig kong nagbulungan din yung ibang mga 4th year. Mga masyadong insecure porket lang kapartner si Jarren! Psh! Maya-maya ay nagsimula na ang kanta.

Yung iba nagsigawan na,yung iba nagpicturan na,yung iba pumalapak at yung mga sasayaw ay humawak na sa balikat ng lalaki at sa baywang ng mga babae. Syempre ginawa naman namin ni Ralph yun at nakita rin namin sila Suzzane na naghawakan na rin!! AIIEEE KINIKILIG AKO SA KANILA!

Suzzane's P.O.V.

Pagkatapos ng fashion walk ay bigla nalang pumasok si Ms Alison,ang gown designer na nagdesign ng gown ng mama ko at ng gown ko nung birthday ko!

"Oh bakit po nandito kayo?" Pagtatanong ko.

"Eto ang gown mo na susuotin! Buti nalang handa ako palagi. Magbihis ka na dali!" Dumeretso agad ako sa pinakamalapit na CR at nagbihis. Tinignan ko ang gown at mas maganda siya sa sinuot ko nung birthday ko! Grabe ang ganda!

Pagkasuot ko ng gown ay inayos agad ang buhok ko. Nae-enjoy ko rin naman ang straight kong buhok. Ang dami ko na ngang text na natatanggap na ang ganda ko daw at straight na daw yung buhok ko... Lumabas na ko sa backstage at hinanap si Jarren.

Naglakad-lakad na ko para hanapin siya at pansin ko rin na ang daming nakatingin sakin. Ano ba yan! Nakakahiya kasi dahil nakatingin silang lahat sakin mula ulo hanggang paa,yung totoo?! Ano ginawa ko sa inyo? XD

Nakita ko rin naman agad si Jarren at pansin ko lang... Ayaw niya ng mga ganitong event pero nagpapapogi siya kagaya nung sa birthday ko! Oo mas pogi siya ngayon,siya na! Bwisit siya!

Narinig ko rin na sumigaw si Ralph at Madge at lumingon ako sa kanila at nginitian. Nang tumunog ang kantang sasayawin namin,nagsalita si Jarren.

"Oh ayan na." Sabi niya ng mahina at nakatingin sakin. Aaminin ko rin na ang bango niya grabe!

"Anong ayan na?" Tanong ko.

Bigla siyang nag 'Tsk' at hinila ang kamay ko at nilagay sa balikat niya at natawa naman ako sa reaksyon niya dahil parang galit siya.

"Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nagsimula na ang sayaw at nakalagay naman yung mga kamay niya sa baywang ko..

"Wala natatawa lang ako sayo."

"Tsss ikaw nga dapat pagtawanan diyan sa mukha mo eh. Salot ka pa rin kahit magpastraight ka ng buhok mo! Pangit salot!" Aba ang sama talaga ng ugali netong lalaking toh ah!

Dahil nakalagay ang kamay ko sa balikat niya,kinurot ko yung likod niya.

"A-aray!" Sigaw niya

"Panget mo huy!" sigaw ko dahil ang panget naman talaga niya. Yung ibang sumasayaw ay nakatingin na samin.

Nagpalakpakan naman ang iba ng sumayaw si tatay at ang principal.

"Landi ng tatay mo ah" sabi ni Jarren at napangiti ako..

"He! Tumahimik ka!" at tumawa din siya.

Teka bakit parang kinikilig ako? Oh tukso layuan mo ako! Wag si Jarren please! Ewww.

Nang matapos ang sayaw,binitawan ko agad si Jarren at pumunta kay Madge para makipagpictur-an at mag-usap. Sasabihin ko rin kay Madge ang roll eyes thingy sakin ni Felicia sa backstage..

Jarren's P.O.V.

"Mom please just help me!"

"No son,kailangan mo ng buhayin ang sarili mo! Kailangan mo ng matutunan yun! You're not a kid anymore!"

Nandito ako ngayon sa labas ng arena at nakaupo sa bench. Kinakausap ko ang mama ko dahil nahihirapan na ko sa pamumuhay ko dito sa Pilipinas,wala na kong pambaon,pambayad ng kuryente sa bahay,pang-sweldo sa mga katulong,pangkain at kung anu-ano pang bayarin sa bahay!

"Mom please! Alam kong naging spoiled ako but please. Kailangan niyo po akong tulungan.."

"I'm sorry son,binubuhay lang rin namin ang sarili namin dito at ang tuition mo. Maghanap ka nalang ng part time job. I'm so sorry anak. Patawarin mo sana kami ng dad mo. I love you son bye. Tawagan mo nalang ulit ako next time.."

Hindi ko mapigilan na sumuntok sa dingding at mainis. Ano bang kinahihirap nila at bigla silang nagkaganyan? May nangyare bang hindi maganda? Kailangan ko itong malaman dahil ako lang ang nag-iisa nilang anak at ako nalang ang aalalay sa kanila! Nakaka-bwisit naman!

Pagkatapos kong magmukmok sa labas ng arena,pumasok na rin naman ako agad.at nakasalubong ko si Madge na parang hinahanap ako.

"Huy Jarren! Umakyat ka na dun kakain na! Baka iannounce na yung King And Queen at baka ikaw na naman yun King ah." at tinapik niya ko ng mahina at biglang hinila yung kamay ko.

"Bago ka umakyat samahan mo muna kong bumili ng softdrinks. Nakakaboring kasi yung inumin dun." pumayag naman ako at pumunta kami sa 7/11 malapit sa school namin. Bumili lang naman siya ng coke in can at nilibre pa niya ko. Bumalik rin naman kami sa school. Habang iniinom namin yung coke at naglalakad papuntang school ay nagtanong si Madge...

"Sa tingin mo,maganda ba si Suzzane?" nasamid naman ako bigla sa tanong ni Madge.

"Suzzane? Maganda? Eww." sabay inom ulit nung coke.

"Sama mo talaga. Yung seryoso." teka bakit ba tinatanong toh ni Madge?

"Sige ka kapag di mo sinagot yung tanong ko ililista kita sa report book!"

"OO NA! Oo na! She's gorgeous.." sinabi ko nalang yun para di ako malista.

"Talaga?" tinignan ko nalang siya ng parang may sinasabing Ah-Hindi-Ka-Naniniwala..

"Oh sabi ko nga eh." sinabi nalang ito ni Madge at pumasok na kami sa arena.

Nakita namin na sila Tom,Ralph,Gerald,David at Suzzane ay nandun parin sa table at nagkwekwentuhan..

"Oh guys! Mamaya pa naman ata iaannounce yung King and Queen,mag spin the bottle muna tayo!" aya ni Madge at pinalinis niya sa waiter yung table nila at humingi ng empty bottle.

"Oh ayan na." Lahat naman kami pumayag kaya pumwesto na kami at umayos na para dito sa Spin The Bottle.

Si Ralph muna ang nagpaikot ng bote at tumapat ito kay Gerald...

Ralph's P.O.V.

"Oh Gerald ikaw!" biglang napakamot ng ulo si Gerald at sinabing...

"False." pag False kasi,uutusan. Pag True sasaktan yung kamay para mapaamin sa isang tanong. Psh daming arte.

"Oh ako maguutos!" sigaw naman ni Tom.

"Pumasok ka sa CR ng babae!" inutos ko ito dahil chickboy kasi itong si Gerald eh.

"Okay..." bigla siyang tumakbo papunta sa CR ng babae at hinintay namin kung anong nangyare.

Nagulat nalang kami bigla ng may tumili dun sa CR at lumabas si Gerald na gulo-gulo yung damit.

"Oh anong nangyare sayo?" tanong ni Suzzane..

"Grabe,pinagtulungan ako!" tumawa nalang kami at si Madge naman ang nagspin ng bottle at tumapat ito sakin. Bwisit naman oh. Tumawa lang siya ng mahina,narinig ko naman dahil katabi ko siya.

"Ako maguutos!" sigaw ni Suzzane

"Teka wala pa nga akong sinasabing True or False eh bwawahahaha!" pinagtawanan namin si Suzzane at nagpout naman siya.

"True" sinabi ko at inabot ko ang kamay ko kay Suzzane at pinisil niya ito..

"Mahal mo si Madge hindi?" tanong niya at ang sakit na ng kamay ko grabe!

"OO!" sigaw ko. Walang pagaalinalangan,mahal ko talaga si Madge. Nakikita ko rin si Madge na nakatingin sakin at nakangiti at biglang nagsalita.

"Weh?" tanong niya at sumagot ako ng maayos.

"Oo,sobra." tinanggal na ni Suzzane yung pagkakapisil nung kamay niya sa mga daliri ko at yung ibang section ay tumitingin samin dahil medyo maingay kami.

"AIIIEEE!" sigaw nila maliban lang sila Jarren at David.

"Huy si David naman paikotin niyo ng bote!" sigaw ni Tom at binigay naman ni Madge ang bote kay David.

Inikot na ni David ang bote at tumapat ito kay Suzzane.

"WAAAHH! KARMA!" sigaw ko.

"He! Basta ako False Bleeehhh!" sabay dila sakin.

"Ako ang maguutos." sabi ni Madge at binulong ko kay Madge ang iuutos niya at umagree naman siya.

"Kiss mo si David." nag "aiiee" naman kami maliban lang kay Jarren. Hmmm napansin ko na parang naging iba aura ni Jarren nung narinig niya yung utos ni Madge kay Suzzane? Ano bang problem niya? Inggit siya kasi walang lovelife BWAHAHAHA.

"Ano ba guys! Wala naman tong malisya eh. Diba David?" tinignan namin si David at parang nauutal pa siya.

"W-wala wala." at bigla ng lumapit si Suzzane at kiniss si David sa cheeks at nginitian namin sila at nagulat kami ng biglang tumayo si Jarren at umalis. Bigla rin umagaw ng isang bote ng alak si Jarren at bumaba ng arena.

"Anong nangyare dun?" tanong ni Madge.

"Naku pabayaan mo na yun. Kakabwisit talaga yun kahit kailan." sabi ni Suzzane at biglang pumatay na ang mga ilaw sa Arena at nagsigawan na ang mga tao sa loob ng arena dahil iaannounce na yung King And Queen. Shizz baka manalo na naman si pareng Jarren niyan.

Pero kung mananalo na naman siya,dapat papasukin ko na siya ulit sa arena. Tumakbo ako agad agad ng walang paalam kala Madge at hinabol ko si Jarren. Nakita ko na nakaupo si Jarren sa bench at umiinom.

"Wuy pare! Iaannounce na ang King And Queen ng prom! Tara na!" hinila ko ang kamay niya pero ayaw niya.

"Ano ba! Wala akong pakialam sa King and Queen na yan!" sigaw niya at umupo nalang din ako sa bench.

"Teka bakit ka ba umalis? Mukhang badtrip ka kanina ah." tanong ko.

"Oo Ralph,badtrip na badtrip ako sa kanilang dalawa! Hindi ko na mapigilan ang selos ko! Ilang beses na ko nagpipigil ng selos ko at ng nararamdaman ko sa kanya pero di ko magawa dahil mahal pa rin nila ata ang isa't isa!" bigla siyang yumuko at nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko sa kanya.

"Nung naging sila hindi ko na alam ang gagawin ko! Parang gusto ko ng magpakamatay dahil sa selos. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ko yung babaeng yun eh hindi naman siya ang mga tipo ko. Pero nagustuhan ko parin siya kasi ang sarap niyang kausap,pagtripan at kasama.Lalo na ngayon gumanda pa siya lalo pero... Bwisit!" uminom ulit ng alak si Jarren at nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko.

"T-teka sino yung tinutukoy mo?" tumingin sakin si Jarren sa mata at sinabi ang pangalang...

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!" sigaw ng mga tao sa loob ng arena at siguro sinabi na ang King And Queen. Kailangan ko ng umakyat pero di ko man lang narinig kung sino yung gusto ni Jarren..

"Ano?!" tanong ko ng malakas dahil hindi ko narinig pero namisunderstood siya sa pagkasabi ko ng "Ano?!" sumigaw kasi ako kasi yung mga fireworks sa loob ng arena ay tumunog na rin.

"Oh diba? Hindi ka naman maniniwala eh." biglang tumakbo papalayo si Jarren.

Ha? Ako hindi maniniwala? Eh hindi ko nga narinig eh. Ayy naku na misunderstood.

Suzzane's P.O.V.

"The Queen of this prom is.... Suzzane Bautista!" nagsigawan ang mga tao sa loob at nagcheer sakin. Sinindihan din nila ang fireworks na hindi naman matataas at hindi naman delikado sa arena.

Pumunta na ko dun sa stage at lahat ng mga nadadaanan ko ay ngumingiti sakin at pinapalakpakan ako,meron din naman na mga babaeng nakataray sakin at nagbubulungan. Hindi ko nalang sila pinapansin. At umakyat na ko sa stage at binigay sakin ang crown at lahat sila ay nagpalakpakan.

Umupo na ko dun sa upuan sa stage at ... Hmm sino kaya ang magiging King?

"Okay King naman!" sigaw nung MC at pansin ko mas lalong lumakas ang sigawan lalo na mga babae...

"Still! Jarren Collins" at lalong nagsigawan ang mga babae at. Wow. Congrats sa kanya. Sakasongalang kapartner ko siya? Ano bayan! Lagi naman.

"Oh nasan na ang ating King?" napatahimik ang lahat dahil hinahanap din ng lahat si Jarren at nagulat ako ng biglang sumigaw si Jarren na galing sa backstage at nagsigawan na naman ang mga bababe.

"Nandito ako!" teka pansin ko lasing siya. Pagewang gewang ang lakad niya at magulo ang damit niya at bigla niyang inagaw ang korona na dapat ilalagay sa ulo niya at bigla niya kong tinignan.

"Hey my queen." sabi niya at ako naman ay parang naka-awkward na tingin.

"What's the matter? Bakit ayaw mong sumagot?" tanong niya. Amoy palang niya ay halata na lasing siya.

"Ano ba bakit ka ba lasing? Tumagil ka nga"tinutulak ko si Jarren pero ngumingiti lang siya. Nagulat ako sa ginawa niya dahil bigla nalang niya ko itinayo at hinalikan. Pumiglas naman ako agad sa kanya at sinampal siya.

Lahat ng tao ay nagpapanic. Lahat ng tao ay pinincturan kami. Lahat ng tao nakita.... nakita na hinalikan ako ni Jarren...

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
4.9K 453 27
In which Sonnet likes Margot who is Paige who likes Misty who is also Sonnet that doesn't like Paige who is also Margot that doesn't like Sonnet. The...
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...