My Jeje Princess

By KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... More

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 28

3K 30 0
By KlydeJay06

Jarren's P.O.V. 

Nakakabwisit naman! Meron na namang Christmas Prom! Last year kasi ang lalandi ng mga kapartner ko kaya umuwi agad ako. Tapos last year din nakipag-break yung ex ko sakin kaya naglasing ako nung gabing yun sa school! Hayy tapos kapag hindi pa umattend ibabagsak yung grades. Hayy ang landi rin netong School Director na si Mr. Bautista eh,daming arte. 

Nandito ako ngayon sa gate ng school namin at hinihintay ko si Jejemon na si Suzzane,ako naman ngayon ang maaga dahil nakaka-awa naman baka umiyak sa sobrang tagal kong pumasok palagi. Maaga rin naman siya pumasok kaya hindi na ko naghintay ng sobrang tagal. 

Magkatalikod naman kaming dalawa ngayon pagpasok dahil ang awkward kasi at pinagtitinginan kami lagi ng estudyante. Aish nakakadiri naman kasi parang kaming maghahalikan sa sobrang dikit namin kapag papasok,dapat kasi may 2 in 1 tong I.D. scan na ito eh. 

Pagkatapos naming pumasok ay tumakbo agad ako at hinanap sila Tom at Gerald. Masyado na kasing busy si Ralph sa pagsama kay Madge,Suzzane at yung ex ni Jejegirl na si David. Ewan ko ba kung bakit may pumatol dun sa jejemon na yun. :3 Panget panget eh. 

Pagkatapos namin hintayin nila Gerald at Tom ang bell na magring ay umakyat na kami sa room at sinabi na ng teacher namin na i-announce na daw ni Madge yung mga in-assign niya para sa mga gawain sa Christmas Prom. 

"Okay! Class wag kayong magrereklamo kung ano at sino ang kapartner niyo okay? At kung ano yung tungkulin niyo." sabi ito ni Madge. Ish di ko ba alam kung bakit parang nae-excite ako kung sino ang kapartner ko? Parang ngayon kasi.. Parang mag iiba yung simoy ng hangin eh. Sana naman matino at magugustuhan ko na yung ka-partner ko. 

Inannounce na ni Madge ang 10 magdedesign sa Arena (at kasama pa ko =_=) at pagkatapos nun yung mga magkakapartner na sa Prom. 

"Okay Ralph and...." hindi natuloy ni Madge ang pagsasalita dahil biglang nag-aiieee lahat ng mga kaklase ko. 

"And... ako." then nagsigawan ang mga kaklase ko. Hayy ang lalandi. Pati teacher ko tumatawa rin. 

"So eto na ang last na magkapartner." sabi ni Madge at pansin ko ako nalang ang lalaking hindi nababanggit at.... Sino pa ba yung babaeng hindi nababanggit. 

"Jarren and...." Biglang nanlaki ang mga mata ko dahil naisip ko na kung sino yung babaeng hindi pa nababanggit. 

"Suzzane!" Shit. 

Yung iba nagsigawan at kinilig,yung iba nagdabog. Yung iba wala lang. Tumayo ako para magreklamo. 

"Eh! Ayoko!" sabay pa kaming nagreklamo ni Suzzane. Bwisit bakit siya pa?! Worst prom! Kakainis. 

"Suzzane and Jarren! Sit down!" sigaw ng teacher namin na tumatawa parin. Kakabwisit. Di ko na napigilan na magroll eyes. Bwisit. 

Madge's P.O.V. 

Pagkababa ko para pumunta sa Arena buong klase ay sumugod sakin at nagrereklamo. At ako naman hindi ko sila pinapansin kahit na si Suzzane pa yung nagrereklamo kung bakit daw si Jarren ang kapartner niya. 

Nakangiti lang akong naglalakad na papunta sa Arena. Pagkarating ko sa tapat ng Arena bigla akong huminto at nagsalita sa mga nagrereklamo. 

"Ah hindi kayo titigil? Okay lahat kayo magdedesign ng arena!" pagkasabi ko nito ay biglang nag-takbuhan ang mga kaklase kong hindi naman dapat magdedesign ng arena. 9 nalang ang natira ditong kaklase ko at ako yung isa kaya 10 kaming lahat. Isa sa mga magdedesign ay sila Ralph,Suzzane,Tom,Gerald,Jarren at yung 4 ko pang kaklase. Haha nakakatawa yung mga itsura nila dahil ang hassle nila. Ayaw na nga nila yung mga partners nila sa prom,sila pa yung magdedesign. Bwahahaha. 

"Okay bago tayo pumasok sa arena.... Gusto ko lahat magdedesign. Ayoko ng harutan,4th year na tayo at alam kong matured na tayo okay?" tumango lang silang lahat at nakakatawa talaga ang mga itsura nila. Kawawa naman. 

Pumasok na kami sa Arena ng school at nakita namin na may mga nagdedesign na. May naglalagay na ng snow sa iba't ibang pwesto ng arena. At nakita ko rin na tinatayo na ang skating rink sa gilid ng arena para dun sa mgaestudyanteng mahilig mag-ice skating. Shaks! Ang ganda! 

Nilapag muna namin ang mga bag namin sa arena at lumabas ng school para bumili ng mga materials. Uwian na naman kasi talaga ngayon,eh sakasongalang kailangan namin magdesign so baka mamaya pa kami makauwi. 

Ang plano kasi naming idesign ay mga trees na white na may glitters na silver at lalagyan namin ng christmas balls na silver na may glitters din. Baka 6 na malalaking puno ang gagawin namin para dito kaya bumili kami ng mga gamit. Parang mga karpintero ang mga boys sa mga pinaggagawa nila sa mga puno. Kami kasi yung maglalagay ng mga glitters sa puno. Actually cardboards lang naman gawa yung puno kaya nahirapan ang mga boys sa pagugupit dahil gagawin nga nilang puno diba? 

Nakita ko si Suzzane na tinitignan si David na maglagay ng snows sa iba't ibang parte ng arena. Lumapit naman ako agad kay Suzzane at tinapik siya. Wala pa naman kaming ginagawa kasi hinihintay namin matapos ang mga boys sa pagugupit. 

"Oh Suzzane! Tulala ka diyan?" sabi ko at nagulat naman siya. 

"Ah wala wala." sabi niya. Sus palusot pa. 

"Sus! Nakita kita! Kanina ka pa nakatingin kay David!" sabi ko sa kanya with matching hampas pa. 

"Aray ko naman! Dun nga tayo!" umakyat kami at umupo sa Upper Box ng Arena ng school. 

Nandun lang kami ni Suzzane at bigla naman siyang nagsalita agad. 

"Madge,babalikan ko pa ba siya?" tanong niya. Tinignan ko lang siya ng awkward.

"Tanga ka ba?! Sinaktan ka na babalikan mo pa?! Naku kung may sweldo lang ang pagpapaka-tanga,siguro mayaman ka na" sabi ko. Hindi naman nila naririnig ang mga pinagsasabi ko sa baba dahil ang dami ng taong nagdedesign at nandito kami ni Suzzane sa Upper box eh. 

"Grabe naman. Oo tanga na pero di naman kasi niya sinasadya na saktan ako eh. At nakita ko naman na nagiimprove na siya." sabi niya. Ha?! Ano ba Suzzane =_______= 

"Eh ikaw na nga nagsabi sakin na madali siyang naniniwala sa iba at baka maulit pa. Diba sinabi mo sakin yun nung matapos kayong magbreak? Suzzane naman. Naku! Wag mo ng balikan yan!" 

"Ah.. eh.." 

"Ih Oh Uh? Alam mo Suzzane wag ka ng magpakatanga sa kanya. Oo mahal mo siya pero hindi naman palagi puso ang sinusunod! Sundin mo naman yung bituka,atay,intestines at yung brain mo!" sabi ko at bumaba na ko dahil nakita ko na naglalagay na yung ibang babae ng glitters sa puno na nagawa nung mga boys. 

Hayy ano ba itong si Suzzane! Nagpapaka-tanga! Ayoko ng ganito! Ang dami kong nababasang ganito sa Wattpad! Ang tatanga nung mga babae! Bwisit na bwibwisit ako kay Suzzane dahil hanggang ngayon tumitingin parin siya kay David kahit nagdedesign na siya ng puno. 

Suzzane's P.O.V. 

Shucks! Nalilito na ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko! May point si Madge sa sinabi niya. Nagpapakatanga naman kasi talaga ako! Bwisit ka David! Ang lakas ng gayuma mo! 

Sa wakas ay last na puno na ang dedesign-an namin,bukas daw  ay lalagyan na namin ito ng christmas balls. Nagplano rin si Madge na lalagyan namin ng blue carpet ang hagdan paakyat sa Arena. Dahil snow nga daw ang theme ngayon. Last year daw kasi "Christmas Gifts" ang theme at red,green and white daw ang kulay ng mga props. May malaki daw santa sa gitna ng arena. Siguro mas maganda nga talaga ngayon. Dahil blue,white,silver ang colors ang ginagamit para sa props. 

Hindi nagtagal ay natapos na namin ang puno at uuwi na kami yehey! Nagtreat pa si Ralph sa fast food. Ang saya! Ang dami namin! Kasama ko kasi sila Madge,David,Jarren,Tom,Gerald at Ralph so kami lang 2 ang babae. Si David naman umuwi agad kasi alam niya sigurong maOOP lang siya samin. 

Pagkatapos namin kumain ay umuwi na ko. Naghiwa-hiwalay na kami at lahat sila ay nakauwi na. Ako naman nandito parin sa labas ng mall,tinatawagan si Manong Driver para sunduin ako. Habang naghihintay ako nakita ko si David na nakaupo sa sulok at naninigarilyo. Grabe?! Tama ba nakikita ko?! Si David naninigarilyo? Ngayon ko lang siyang nakitang ganito! Nilapitan ko siya agad at kinuha ang sigarilyo at tinapon ko. 

"Ano ba?!" sabi niya. 

"Ano ba din?! Grabe. Naninigarilyo ka?!" tanong ko. 

"Hindi... Joke lang yun." pati ba naman eto? Juma-Jarren din? =_______= 

"Hoy! Wag ka ngang ganyan! di bagay sayo! Bakit ba ginagawa mo to ah!?" tanong ko. 

"Dahil sayo." 

"Ang drama mo! Nakakainis ka kasi! Kaya yan! Yan ang epekto! Ilang days na lumipas di ka pa rin maka-move on. Naku maka-alis na nga." aalis na sana ako ng bigla niya kong hinawakan sa kamay at bigla ako hinila sabay halik sa lips. 

Ginawa ko ang lahat,kinuha ko ang tsinelas ko at pinalo ko ang ulo niya.

"Bwisit! Kadiri ka!" sabi ko at buti nalang nakita ko agad ang kotse na papalapit na dito. Pumasok agad ako at pina-andar ko na kay Manong yung sasakyan! 

Aish! Hindi ko  ba alam kung maaawa ako sa pinagagawa niya sa sarili niya o maiinis ako eh. Bwisit,masyadong pa-awa! Hindi niya kina-gwapo yun. 

Pagdating ko sa bahay nakatunganga lang ako habang nililinis si Chacha sa banyo. Nakakainis naman kasi si David eh! Masyado talagang paepal sa buhay ang love.. Nakaka-irita palang lumandi. Hayyy.. 

****************

"Ayan na guys last na ito! Ang ganda na ng arena!" sigaw ni Madge at lahat naman kaming mga tumulong ay nagpalakpakan. Lalo ngang lumamig sa arena dahil sa skating rink at sa lakas ng aircon. Grabe! Ang ganda talaga,punong-puno na ng props at snow dito. 

Meron ding bumabagsak na snow sa taas at meron din malaking crystal light na naka-kabit sa bubong. Shocks! Hindi na ko makapaghintay dahil 4 na araw nalang ay Christmas Prom na! Nakikita namin sa baba na nagpapractice na ang mga 3rd year at 4th year highschool para sa sayaw. 

Kami palang at ang mga tumulong sa props ang nakakita sa itsura ng arena. Bawal kasing pumasok ang mga estudyanteng hindi naman tumulong sa props,pinagpaalam narin kasi kami ni tatay at ng principal sa guard ng arena na pwede kaming papasukin. 

Ang ganda talaga dito sa arena at may mga photo booths pa na gawa ng ibang section,the best talaga yung snow sila ang pinakamahalaga. Kami nila Madge,puno lang at christmas balls lang. Pero okay lang,mas nakikita naman ito ng mga tao eh. 

"Grabe Madge ang ganda!" inaalog ko si Madge habang sinasabi ko ito. 

"Kaya nga eh! Ano ayos ng buhok mo sa Christmas Prom?" tanong niya. 

"Ewan ko eh." hmm ano nga ba ayos ng buhok ko. Biglang may parang umilaw na light bulb sa utak ko at nagkaroon ako ng idea na gagawin ko sa buhok ko. 

"Alam ko na!!" sigaw ko. 

"Oh ano isusuot mo?!?!" tanong ni Madge. 

"Secret! Basta simple lang." 

Dapat kasi maganda ang isusuot ko dahil kasama ako sa King and Queen achuchu sa Christmas Prom,at parang magfafashion show dito at kasama ako. Kung sino ang pinakamaganda at pinakagusto ng mga tao,yun ang tatanghalin na maging Queen and King. Grabe diba? Last year daw si Felicia daw ang nanalo. Sakasongalang wala na siya sa school,sayang naman. 

"Oh basta dapat maganda ka ah?"

"Oo na." sabi ko at umalis na ko. 

Grabe naeexcite na rin ako XD. Sinabi kasi ng teachers namin na magkakaroon daw ng isa pang kasali sa King and Queen ng Christmas Prom. Grabe sino kaya siya? Kakaexcite naman! Gumawa narin kasi ng ramp or yung pagrarampahan naming mga kasali sa arena at ang ganda ng ramp! The best na itong school na toh! Grabe talaga si tatay! 

*************************

~CHRISTMAS PROM~ 

Nandito parin ako sa bahay at inaayusan pa ako. So hindi ko pa pala nasasabi sa inyo na ang susuotin ko ay dress na may diamonds or something na kumikintab at... PINA STRAIGHT KO ANG BUHOK KO AT NILAGYAN KO NG BANGS! Grabe,kinakabahan ako sa magiging reaction ng mga kaklase sa bago kong buhok. Hindi ko nga alam kung magagandahan ba sila o hindi eh. 

Kinakabahan talaga ako! Si tatay naman ay nakasuit and tie. Sabay na daw kaming pumunta dun at may blue carpet pa daw kasi kung saan pipicturan kami. 

Hindi nagtagal,natapos na rin yung pagmamake-up sakin at bumaba na ko. Muntik na nga akong matapilok dahil nakahigh-heels na naman ako. :3 

"Oh careful." nakangiting sabi ni tatay at inabot niya ang kamay niya. 

Sumakay na kami agad sa kotse. 6:00 PM kasi ang Christmas Prom at 6:30 kami umalis. Ang saya diba? Ang dami ng nagGGM na mga kaklase ko kesyo excited daw sila kesyo kinakabahan daw sila kesyo ang panget daw ng suot nila. Shizz. 

Nasira ang kasiyahan ko ng naalala ko na si Jarren pala ang kapartner ko. Nakakainis naman oh! Dapat pala di ko nalang inalala. Pero may kalahati ng pag-iisip ko ay nagtatanong kung ano ang itsura niya... Hindi lang naman si Jarren ang inaalala ko,sila Madge din at yung iba ko pang mga kaibigan. 

Hindi nagtagal ay nandito na rin kami sa school. Kitang-kita na ang daming mga tao at ang daming mga nakablue,white at silver. Dahil nga snow ang theme diba? Nakikita ko rin na ang dami narin nagpipicturan. Kaya pinili nalang namin ni tatay na hindi na pumasok sa blue carpet. Nang huminto ang kotse biglang nagring ang phone ko. 

"Oh Madge?" si Madge pala ang tumatawag. 

"Shit! Suzzane nasan ka na? Kanina ka pa namin hinahanap nila Ralph,David,Gerald at Tom!" sigaw niya. Pansin ko ang ingay dun sa kabilang line. 

"Basta! Kasama ko na si tatay at nandito na ko sa school. Wag niyo muna kong puntahan. Gusto ko magulat kayo sa hair ko hahaha! Ang ingay naman diyan! Nasan ka na ba?" tanong ko . 

"Nandito kami sa arena! Nakaupo na kami sa lowerbox. Nagreserve na rin kami ng upuan para sayo dito sa tabi ko okay? Goodluck sayo mamaya sa pagrampa." ng sinabi ito ni Madge. Lalo akong kinabahan. Dahil hindi naman ako mahilig sa mga model model na yan. Pero buti nalang tinuruan ako ni Ate Linda kagabi. 

Dali dali akong hinatid ni tatay sa likod ng stage at nakita ko ang mga kasali sa King And Queen ng Christmas Prom at ang mga suot nila ay nakagown sila. Ako lang ata hindi. Grabe. Okay lang toh,iisipin ko nalang na dapat kahit simple okay lang. 

Lahat ng mga babae ay nakatingin sakin at nagroroll ng eyes. Yung iba namang lalaki tinitignan ako simula ulo hanggang paa. Oo nga pala,kasama si Jarren at David. Si Jarren ay nandun lang,nakapila. At syempre ako nakapila nadin. Katabi ko pa si David bwisit naman oh. 

"Hi! Ganda mo ngayon ah!" sigaw ni David. 

"Shh! Wag ka ngang maingay!" 

Nakita ko na inaayusan parin yung ibang babae. Pinapaypayan,pinapabanguhan,inaayos yung gown at yung buhok. Ako wala lang. Nandito lang nakatayo. 

Maya-maya nagsalita na ang MC ng arena. 

"Are you ready Juniors and Seniors?!?!?!?!?" sigaw ng MC at nagsigawan ang mga tao sa loob. Grabe ang ingay. Mas maingay pa ata sa concert. 

"So sisimulan natin sa mga kasali sa King And Queen of this Year's Christmas Prom!" then nagsigawan ulit ang mga tao. Nagsimula ng maglakad yung unang girl sa ramp at narinig ko na marami din naman nagsisigawan at nagpapalakpakan. 

Then maya-maya ako na. Shaks! Pagbalik nung guy dito sa backstage ako na ang lalabas. Gosh kinakabahan na ko. Nakatingin na sakin ang stage producer at nag thumbsign siya na ibigsabihin daw ay pwede na kong lumabas. Pagkalabas ko naglakad na ko at narinig ko ang napakalakas na sigawan. Nagulat din ako sa mga sigawan nila,gusto kong tumawa or ngumiti pero di ko magawa,dapat iba ang emosyon ko. Grabe,nakikita ko rin ang mga audience sa baba na nagsitayuan at nagpalakpakan. 

Nakuha ko ang atensyon nila Madge na tumatalon na sa mga upuan nila at may poster pa sila! Shaks nakakahiya. Hindi parin tumitigil yung sigawan nila. Huminto ako dun sa dulo ng ramp para magpose at dun lalo nagsigawan ang mga tao. 

Habang bumabalik ako,hindi parin talaga tumitigil ang sigawan ng mga tao. Grabe talaga,pagpasok ko na ulit sa backstage nakita kong may nagsigawan ulit pero hindi masyadong malakas. Tinignan ko kung sino yun.. At nagulat ako sa nakita ko... Si Felicia.. Bumalik na siya dito?

Hinintay ko muna si Felicia na makabalik dito sa backstage. Grabe ang ganda niya. Pero kung ikukumpara kami? Mas maganda pa ata ako eh? XD Bumalik na siya sa backstage at tinawag ko siya.. 

"Felicia!" tinawag ko siya pero nagrolleyes lang siya at pumunta na sa dressing room. Hmm bakit naman? Pinatawad ko na naman siya ah?

**************************

Author's Note: Hello! Maganda na ba si Suzzane? XD Hehe. By the way,si Suzzane din po yung nasa picture at yan na po yung itsura niya,yan din ang itsura niya sa King And Queen Fashion Walk sa Christmas Prom nila. 

Ang youtube link din na pinost ko ay ang performance ni Taylor Swift sa Victoria's Secret kung saan ko kinuha yung photo. I hope panoorin niyo and maenjoy niyo :) 

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 22.9K 33
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
44.2K 2.1K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...