Lost Academy

By Blabbersalert

13.2M 377K 60.8K

Exle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studyi... More

The Lost Academy
Lost Academy 2: A Mistake
Lost Academy 3: Kuya!
Lost Academy 4: I Want Out
Lost Academy 5: The Chess System
Lost Academy 6: Forbidden Zone
Lost Academy 7: Bedridden
Lost Academy 8: Transferee
Lost Academy 9: Soul Link
Lost Academy 10: Pseudo-Contract
Lost Academy 11: Taming Game
Lost Academy 12: Bad Blood
Lost Academy 13: Contract Sealed
Lost Academy 14: A Dangerous Thought
FIRST AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #15
Lost Academy #16
Lost Academy #17
Lost Academy #18
Lost Academy #19
Lost Academy #20
Lost Academy #21
Lost Academy #22
SECOND AUTHOR'S NOTE
Lost Academy #23
Lost Academy #24
Lost Academy #25
Lost Academy #26
L.A. Added infos
Lost Academy #27
Lost Academy #28
Lost Academy #29
Lost Academy #30
Lost Academy #31
Sabotage Part 2
Intel House
New to Me
SPECIAL CHAPTER
The Other One
THIRD AUTHOR's NOTE
You'll be safe here
Ibang Katauhan
Repeated Scene
Ako, Si Vlad at Sya
Euria
Wala nang bawian
White Piece
Binabalik ko lang
Muling Pagkikita
Muling Pagkikita 2
Suspicions
Lexa Who?
What if's
Fourth Author's Note
Azure's Explanation
Their Guardians' Type
My Protector
Transfer
Card Master
Ako Dapat
Great Wall of Rave
Assessment 1
Assessment 2
Council Meeting
The Conversation
Start
Headmaster's Move
In the Forest with Rave
Girlfriend Thingy
Ella Knows
The Demon
Telling Her
FIFTH Author's Note
Cat's Name and the Memory
Until My Last Breath
Unlikely Alliance
Vlad Part 1
Vlad Part 2
You're Making Me Fall
Building Trust Part 1
Filler 1
Building Trust 2
Filler 2
The Plan
Flashbacks 1
Flashbacks 2
L.A. Characters
Warned
This Time
No Name Part 1
Lost Academy #82
Lost Academy #83
Lost Academy #83.1
Lost Academy #84
Lost Academy #85
Lost Academy #86
Lost Academy #86.1
Lost Academy #87
Lost Academy #88
Lost Academy #90
Lost Academy #91.1
Lost Academy #91.2
Lost Academy #91.3
Lost Academy #91.4
Lost Academy #92
Lost Academy #93
Lost Academy #94
Lost Academy #95
Lost Academy #96
From me to you
UPCOMING STORIES
To a Happier Future
FAQ
Lost Academy Vr. 2.0
Please Read

Lost Academy #89

31.8K 1.2K 299
By Blabbersalert

Lost Academy #89 Show off Part 1

"Eto na talaga." sabi ni Ashley kay Asper habang naglalakad sila papunta sa hall na pagdadausan ng show off. Sa katunayan ay kumakabog na ang dibdib nila sa kaba. Hindi naman alam ni Asper kung papano itatawid ang show off, sa loob loob niya ay gusto na niyang umalis at magtago sa isang sulok. Wala na nga ba talagang atrasan?
"Kinakabahan ako Ashley." sabi ni Asper.
"Ako rin." sabat ni Nikki na ngayong sumabay na kanila sa paglalakad.

"Tingin ko hindi tayo ganon ka handa para dito." sabi ni Asper.

"Ano ka ba andito na tayo. Wala ng atrasan 'to!" pilit na ngiti na sabi ni Ashley. Halatang kinakabahan din ito sa magaganap mamaya. "Teka, asan na ba si Kayle? Ang agang bumangon ng isang yon."
"Baka nagpraktis pa. Alam mo na, baka kinabahan din tulad mo." sabi ni Nikki.
"Oy hindi ah! Sinong kinakabahan? Baka ikaw." depensa ni Ashley. Natawa naman sila Asper sa kanya. "Hoy, wag niyo kong pagtawanan. Batukan ko kayo dyan." banta ni Ashley pero wala itong naging epekto kila Asper dahil mas lalo lang silang natawa. Sa loob loob ni Asper ay nagpapasalamat siya na andyan si Ashley para pagaanin ang sitwasyon nila.

Saktong pababa na sila sa dorm nila ng makita nilang naglalakad din si Holey habang humihikab pa. "Holey, sumabay ka na sa amin." sabi ni Asper. Tumango naman si Holey na parang tinatamad pa.

"Teka, sasabay din ako sa inyo." sabi ng isang boses sa likuran nila. Agad naman napalingon ang apat at bumungad si Ella sa kanya. "Tara." sabi nito at nagmamadaling umuna.

"Tingnan mo yun, akala ko ba sasabay siya." mahinang bulong ni Ashley. Napansin naman ni Asper na parang wala sa sarili ngayon si Ella.

"Teka, sandali Ella." sabi ni Nikki at sumabay kay Ella. Ipinagsawalang bahala nalang iyon ni Asper at sumunod nalang sa mga kasamahan niya.

Medyo maaga pa ng marating nila ang hall kaya nagdesisyon silang tumambay muna sa locker room nito. Hinihintay din kasi nila ang iba pa nilang kasamahan.

"Ang tagal naman ata nila ni Krema." reklamo ni Nikki. "Wag mong sabihing nabahag na ang buntot non at aatras yon!"

"Ang sabihin mo namimiss mo na yung biskwit mo." pang aasar ni Ashley.
"Kinikilabutan ako sayo Ashley." inis na sabi ni Nikki.
"Ah-uhm. Aalis muna ako saglit babalik lang din ako." Paalam ni Ell na agad namang lumabas sa locker room ng hall.

"Anong nangyari don?" takang tanong ni Ashley.

"Baka may problema yun, teka sandali, pupuntahan ko na." paalam naman ni Asper at sumunod kay Ella. Nagsitanguan naman sila Holey at naging abala na sa pag aayos sa kanya kanyang sarili.

***
Samantala...

"Shaun, please nakikiusap ako. Tulungan mo ko kay Keisler. Isang malaking pagkakamali yung nagawa ko." pakiusap ni Kayle kay Shaun na ngayo'y umiiling iling sa kanya.

"Hindi ako nakikialam sa mga affairs ng Council." sabi ni Shaun.

"Please Shaun." muling pakiusap ni Kayle.

"Ayokong makisali sa kanila Kayle." natahimik naman saglit si Kayle sa sinabing iyon ni Shaun. "Alam mo kung gaano kahirap makipag-usap kay Mr. Xion let alone na makipagdeal. It's useless."

"Right." malungkot na sabi ni Kayle. "Pasensya na at nadamay pa kita." saka siya tumalikod sa kausap. Tinitigan naman ni Shaun ang naglalakad papalayo na si Kayle. Napabuntong hininga nalamang siya.

* * *

Bagamat sinundan man ni Asper si Ella ay hindi na niya ito nakita sa halip ay nakasalubong niya ang wala sa sarili na si Kayle. Mukha itong natalo sa sugal sa isip ni Asper.

"Oy Kayle." tawag pansin niya dito. Nagulat naman ito at agad napatingin kay Asper. "Para yatang ang laki ng problema mo ah." mapagbirong sabi ni Asper sinakyan naman ito ni Kayle at ngumiti nalang.

"Wala. Nag-aalala lang ako mamaya." makahulugang sabi ni Kayle.

"Sus. Yun lang pala eh. Wag kang mag-alala marami naman tayong kasama, tsaka hindi naman gagawin tong event na'to ng eskwelahan kung ipapahamak lang din tayo. Mananalo tayo." sabi ni Asper. "Tara na pumasok na tayo." napaisip naman si Kayle sa sinabi ni Asper.

"Teka-"

"Asper!" malakas na tawag ng isang boses na nagpaputol sa sasabihin sana ni Kayle. Agad namang nakita ni Asper ang bulto ng lalaking kumakaway kaway sa kanila.

"Kuya Arzen!" tawag ni Asper. Agad namang nalukot ang mukha ni Arzen sa tawag sa kanya ni Asper.

"Ganon na ba talaga katanda ang tingin niya sa akin?" pabulong na sabi ni Arzen kay Azure. Natawa namang bahagya si Azure dahil don.

"Goodluck nga pala mamaya." sabi ni Azure ng makalapit na si Asper sa kanila.

"Thank you po."

"Dito lang kami, manunuod sa inyo." sabi Arzen.

"Pinapakaba niyo naman ako lalo." sabi naman ni Asper.

"Basta Asper. Wag mong kakalimutan. Yung sinabi namin sa'yo." nag-aalalang tugon ni Azure. "Mag-ingat ka." tumango nalamang dito si Asper. Magsasalita pa sana si Arzen ng biglang umingay ang loob ng hall. Rinig nila iyon mula sa labas.

"Tara na pasok na tayo." doon niya lang napansin na wala na si Kayle at naisip nalang niya na baka umuna na ito sa kanya. Agad namang napatitig sila Azure sa stage kung saan nakatayo ang emcee.

"Sige. Uuna muna ako sa inyo, kailangan pa kasi ako sa backstage. May pwesto na kayo sa may gawing kanan." sabi ni Asper at tumango lang sila sa sinabi nito. Aalis na sana si Asper ng may maalala ito kaya muli siyang humarap sa dalawa. "Nakita niyo ba si Rave-I mean Ley?" tanong nito.

"Hindi eh. Hindi mo ba nakasama?" sabi ni Azure.

"Hindi rin. Kahapon ko pa siya hindi nakikita." sabi nito.

"Baka nandyan lang yun. Bakit di mo tawagin?" tanong ni Arzen.

"Wag na. Ayoko namang pilitin siya kung ayaw niyang manood."

"Don't worry. Hindi yun papayag na hindi ka niya makita." nakangiting sabi ni Arzen sabay taas baba ng kilay nito. Nakatanggap naman siya ng siko mula kay Azure.

"Wag ka ng mag-alala Asper. Hahanapin ni Arzen si Ley. Diba?" sabi ni Azure sa kanya.

"Oo nga naman hahanapin ko-Teka! Ba't ako?" palag ni Arzen. "Nandyan nga lang yun tao. Dadating din yun maya-maya."

"Hahanapin mo nga eh." madiin na sabi ni Azure.

"Tsk. Oo na nga lang. Pambihira." sabi ni Arzen. Natawa naman si Asper sa kanilang dalawa.

"Okay lang yun, baka may pinuntahan lang si Ley." sabi ni Asper.
"Mas mapapalagay ako kung makikita ko siya. Kakausapin ko pa kasi siya. Kaya Zen, lumayas ka na. Hanapin mo si Ley, kung makita mo na rin si Zap, sabihin mo na rin ang pwesto natin okay?" utos nito kay Arzen.

"Ayun. May ibang pakay pala. Inutusan pa ako." sabi ni Arzen na nakatanggap naman ng matalim na tingin mula kay Azure kaya agad nalang siyang umalis.
"Sige na. Pumunta ka na don Asper. Kami na bahala kay Ley. Sisiguraduhin naming nandito siya." pagsisigurado ni Azure kay Asper.

"Salamat po." nakangiting sabi ni Asper at tuluyan ng umalis. Kasabay naman no'n ay lumabas ang emcee.

"Ladies and Gentlemen, I now welcome you to the most awaited event in the academy's history! But first I would like to commend the student council and our beloved board members." nagtayuan naman sila Mr. Xion at nakangiting kumaway sa mga nagpapalakpakang estudyante. "for making this event possible." sabi ng host. "And of course, Our board director Mr. Randolf White who supported this whole event." at lalong lumakas ang palakpakan ng mga estudyante. "And although he's not around, Let's all give the Headmaster a round of applause please for approving this event." nagsunuran naman lahat ng naroon sa sinabi ng emcee.

"I know you are all excited as I am too! And so, to officially start this event, may I call on our board director. Mr. Randolf White for the opening remarks!" Napuno ng palakpakan ang buong hall ng pumanhik paitaas ng stage ang nakangiting si Mr. White. Ibinigay sa kanya ng emcee ang mic at sinenyas na tumahimik muna ang buong hall na agad naman nahulog sa mahabang katahimikan.

"Students." panimula ni Mr. White. "For the past years since the Academy was established I can now see the fruit of our hard work. Seeing you all here, with these so many students, I am proud and glad that I have been part of the foundation of this school. My heart is overwhelmed with so much happiness whenever I see my students, now all professionals, taking the steps I have been through. I know, that all of us here has been through a lot, knowing that we are part of a different version of a human. We all have that capacity to surpass those who were ahead us. I hope that you, young generation, would someday take on our role to protect our kind. To protect what's left of us because you know full well what it is to be pushed around and experimented upon for being different and so unique. I, as your board director, will stand to protect everyone of us and will not hesitate to fight the odds that exposes us to the dangers of the world. Students, I will just say it once so please pay attention. We are not certain of our future, we may be lead to the best or to the worst but what we have now is the present. The present to make our lives worthwhile. You are young, you have a long way to go so while you are chasing your dreams might as well enjoy the ride. And to start that fun ride from here on, I am officially opening this event. I wish you all well and safe. That's all." At muli napuno nanaman ng palakpakan at sigawan ang buong hall.

"Wow! I feel so inspired. Thank you for that wonderful speech, Mr. White. And now, with no further Adieu, let us all welcome the participants for this year's show off's!"Lahat ng mga kalahok ay nagsilabasan mula sa backstage. Ang iba ay kumakaway kaway pa na tila nagugustuhan ang atensyon na nakukuha at ang iba naman ay pawang mga seryosong mukha ang pinapakita. Balot naman ng nerbyos ang grupong kinabibilangan nila Asper.

Matapos ang ilang sandali ay pinabalik na sila sa likuran ng stage at tinawag na ang mga unang kalahok. Nakahinga naman ng maluwag si Asper ng sa wakas ay wala na sila sa harap ng maraming tao.

"Hihintayin nalang natin na tawagin tayo." sabi ni Nikki na ganon na rin ang kabang nababakas sa mukha. Sa buong buhay niya ngayon niya lang gagawin ang kabaliwang ito. Ni hindi niya nga naisip na masasali pala siya sa ganitong uri ng paligsahan. Napalingon naman siya sa kanyang kanan kung saan nakaupo si Estrella na nakatitig lang sa kawalan. Seryoso ang mukha nito na parang marami siyang iniisip. Nagtaka naman si Nikki sa inaasal ni Krema dahil hindi ito ganon nung nakaraan. Mukha itong may malaking problema na hindi masabi kaya ang ginawa ni Nikki ay tinabihan niya ito. Hindi siya umimik at naghintay lang na mapansin siya ni Krema.

"Anong kailangan mo?" tanong ni Presto ng sa wakas ay napansin na niya si Nikki.

"uhmm. Ano.. kasi-" nauutal na sabi ni Nikki. "Aish. May problema ka ba biskwit? Kanina pa kita napapansin na parang wala sa sarili ah?" Bahagya naman nagulat si Presto sa tinanong ni Nikki pero agad niya namang nabawi iyon at napabuntong hininga nalang.

"Magpapahangin muna ako." Sabi ni Presto at naglakad na paalis. Nagtaka naman si Nikki at sinundan si Presto.

"Teka, lalabas muna ako. Susundan ko lang si Biswit baka kung anong gawin non. Babalik din kami agad." Paalam niya kila Asper na agad namang tumango sa kanya.

Nang makita niya si Krema na nakatukod sa railings sa labas ng hall at malayong nakatingin sa patag na field ng academy ay agad niya itong nilapitan.

"Huuy. May problema ka no?" panimula niya dito.

"Pwede ba Niks!"medyo naiiritang sabi ni Presto. Nagulat naman si Nikki sa tono ng pananalita ni Krema. Ngayon niya lang ito narinig na magalit. Napakaseryosong bagay nga siguro talaga ang pinproblema ni Estrella. "Sorry." bawi ni Estrella.

"Pasensya na Presto. Gusto ko lang naman talaga makatulong. Kung hindi mo pa nararamdaman lahat kami, nag aalala na sayo. Kanina ka pa walang imik. Baka kung ano na ang nangyayari sayo, magulat nalang kami baka isang araw di ka namin makita. Mas lalong ayaw namin non. Presto, nag-aalala ako- k-kami sayo. Wag ka namang ganyan oh-" Naputol sa pagsasalita si Nikki ng bigla nalang siyang yakapin ni Estrella ng mahigpit. Nagulat siya pero nakabawi naman siya agad at niyakap nalang din niya ito.

"Okay ka lang ba?" bulong niya dito. Alam niyang 'hindi' ang sagot para doon pero gusto niya lang marinig mula kay Presto ang sagot ngunit hindi nagsalita si Presto sa halip ay umiling-iling ito. Hinaplos nalang ni Nikki ang likod nito para kahit papaano ay malaman ni Krema na may karamay siya.

"Pano kung malaman mong, lahat ng pinaniniwalaan mo ay di pala totoo?" Mahinang tanong ni Krema. "Pano kung wala na palang bukas ang naghihintay sayo?" dagdag niya pa. "Pano kung ito na ang huling pagkakataong-"saka siya bumuntong hininga. "Pano kung nagsisinungaling lang pala ako sa inyo?" Tanong nito. Napahinto naman si Nikki sa paghaplos sa likod niya at hindi nakaimik.

"Nikki. Pakiramdam ko wala na sa ayos ang lahat ng nasa buhay ko. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan pa pero sana kung dumating man yung kinakatakutan kong mangyari, nandito ka pa rin. Nandito pa rin ako at nandito pa rin silang lahat." Makahulugang sabi nito at kumalas sa pagkakayakap nito kay Nikki. Hindi naman malaman ni Nikki kung ano ba ang sasabihin niya kay Presto dahil maging siya ay naguguluhan sa mga pinagsasabi nito. "Mag-ingat kayo Niks." sabi bigla ni Krema na biglang nagpakaba kay Nikki.

Napansin naman iyon ni Krema kaya agad siyang humugot naman ng isang malalim na hininga si Krema sabay buga nito. "hoh! Wag na nga nating pa usapan yon. Nababaliw na ata ako." sabay na tawa ni Krema. Alam ni Nikki peke ang tawang iyon pero nung lumingon sa kanya si Krema at ngumiti ito ay agad siyang natigilan. Hindi niya pa nakitang ganon ngumiti si Krema sa kanya. Wala iyong halong pang-aasar o kung ano mang binabalak. It was a gentle smile. "Wag kang mag-alala, ako yung magiging knight in shining armor mo. Ah-ahem. Ako ang magiging knight in shining armor niyang lahat." sabay turo nito sa sarili, na parang paniwalang-paniwala talaga siya na isa siyang Knight in shining armor. Lahat ng kabang naramdaman niya kanina ay biglang nawala. Napalitan din ito ng isang ngiti mula sa kanya. Nagkatitigan sila saglit ngunit si Nikki na ang unang umiwas.

"Wag ka ngang tumitira ng drugs Krema." nasabi nalang ni Nikki sabay tawa at nagsimulang lumakad papasok sa loob ng hall. "Sumunod ka na. Baka tayo na ang susunod na tatawagin. Patunayan mo yang pagiging knight in shining armor mo mamaya."

Sa kabilang banda naman ay unti unti ng namulat ang mga mata ni Rave. Para siyang nakainom ng maraming alak dahil hilong-hilo siya ng bumangon kasabay pa nito ang iniinda niyang sakit sa ulo.

"Shit." nasabi na lang niya habang hawak hawak niya ang ulo niya. Napahinto nalang siya ng may mapansin siyang batang nakasilip sa kanya mula sa paanan ng hinigaan niyang kama. Bilugan ang mga mata nito na nakatitig sa kanya ngunit agad din itong nagtago sa paanan ng kama at muli ay dahan dahan nanaman siyang sumilip para titigan si Rave.

"Ano?!" singhal niya sa bata na agad din namang nagtago uli. Napabuntong hininga nalang siya dahil doon at dahan dahang nilapit ang mukha sa may paanan ng kama para gulatin ito kung sisilip man itong muli. Hindi nga siya nagkamali dahil muling lumitaw ang ulo nito at nakipagtitigan siya dito ng malapitan. Agad namang napaatras ang bata at lalong nanlaki ang bilugang mata nito sa gulat. Ngunit dahil sa pag-atras nito, pabagsak itong napaupo dahilan para mapadaing ito sa sakit.

"Araaay ko po." daing nito. Napatitig nalang si Rave sa bata sa kadahilanang may kung anong pamilyar sa kanya.

"Sino ka ba?" tanong ni Rave at doon lang nagbalik ang lahat ng nangyari sa kanya. Pinukpok siya. Pinatulog siya. Vladimir. Seb. "Fuck." si Asper! Show off na!

Kahit na masakit pa rin ang ulo niya, ay nagawa niya pa ring tumayo at nagtungo sa pinto. Pero bago pa man niya mahawakan ang doorknob ay agad na humarang yung bata sa kanya.

"Teka lang po!" sabi nito na agad naman niyang ikinahinto.

"Wala akong panahon sa'yong bata ka. Umalis ka na kung ayaw mong matamaan ng pinto." banta niya rito.

"Please po. Makinig po kayo sa'kin." sabi ng bata. Maliit ang boses nito kagaya ng katawan din nito.
"Ano? Kailangan ko ng umalis." naiiritang sabi ni Rave.

"Kashi po. Aaaaaaah- sabi ni daddy at lolo, di raw kayo pwede lumabas." sabi nito.

"Wala akong pakealam. Alis na bubwit." madiin na sabi ni Rave.
"Di nga po pwede. Narinig ko sila na baka raw ho pag lumabas ka, di mo na po aabutin ang bukas kapag lumabas ka po. Eh matagal pa naman yung bukas po, bakit hindi mo maabot? Malaki ka naman na ah. Kaya di ka po pwede lumabas hanggat hindi mo maabot yung bukas. Teka, nalilito na ako." naguguluhang sabi ng bata. "Kaya anooo, siguro bukas ka pa pwede po lumabas. Ako muna magbabantay sayo hanggang bukas." sabi nito. May kung ano namang naramdaman si Rave sa bata na hindi niya maintindihan, napakainosente nito at para bang hindi niya kayang magalit ng tuluyan dito. Nakita na niya ito.

"Anong pangalan mo?" tanong niya lang dito. Napatitig sa kanya ang bata. "Ano?" inis niyang ulit. Natakot naman bahagya ang bata sa kanya kaya napabuntong hininga nalang siya at kinarga ang bata patungo sa kama para iupo ng maayos.

"Ano bang pangalan mo?" tanong niya muli dito habang bahagyang nakaluhod sa harap nito para pumantay sila sa isa't isa.

"Exle po." mahinang sabi ng bata.

"Nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ni Rave rito.

"Kahapon po." sagot naman ng bata na ikinakunot ng noo lalo ni Rave.

"Kailan pa ako nakatulog?" tanong muli nito.

"Kahapon din po." sagot muli ng bata.

"Bakit ka nandito?" muling tanong ni Rave ngunit sa pagkakataong ito, nangunot na ang noo ng bata.

"Bakit ang dami niyo hong tanong?" reklamo nito. Bahagya namang napahinto si Rave sa turan ng bata.

"Aalis na ako." sabi nalang ni Rave..

"Hindi nga po pwede." sabi ng bata. Napaismid siya dito at agad na nagtungo sa pinto saka niya ito binuksan. Lalabas na sana siya ng bigla siyang mabangga sa hindi niya makitang pader. Paulit ulit niya itong tinulak at kinalampag pero ang tigas talaga.

"Bakit?! Bakit di ako makalabas?!" galit na sabi nito.

"Sinabi ko na. Hindi ka po pwede umalis." sabi ng bata at tuluyan ng lumabas. Para lang itong tumagos habang siya ay pinupukpok lang ang di niya makitang pader sa pintuan. Papaano nangyaring nakalabas ang bata at hindi siya?

Matalim niya lang itong tinitigan. "Paalisin mo na ako dito." Umiling-iling lang ang bata.

"Hindi ko po magagawa iyon." sabi ng bata at muli ay pumasok siya sa loob ng kwarto.

"Hindi ka ba natatakot sa pwede kong gawin sa'yo?" tanong ni Rave. Nagtataka namang tumingin sa kanya ang bata.

"Hindi naman siya natatakot lumapit sa'yo ah." sabi ng bata sa kanya.

"Siya?" tanong ni Rave. Nagtaka nalang siyang ng biglang iniabot ng bata ang dalawang kamay nito sa kanya.

"Baba ka po." sabi nito na agad namang nakuha ni Rave kaya siya lumuhod ng bahagya sa harap nito para pumantay sa kanya. Hindi niya alam kung bakit sinusunod niya ang gusto ng bata ngunit parang merong kung anong pwersa ang nagsasabing makinig siya dito.

Hindi na siya nakapalag pa ng nilapat ng bata ang kamay nito sa magkabilang bahagi ng pisngi ni Rave. May kung anong kaba siyang naramdaman at kakaibang init na nagmumula sa palad nito. Doon niya lang napansin na nagbago na ang kulay ng mga mata ng bata, naging kulay ginto ito saka rin mas lalong lumiwanag ang malabuwan nitong buhok. Kakaiba. Ngayon niya lang nasaksihan ang ganitong pangyayari sa buhay niya. Sino nga ba ang batang ito?

Exle.

Isang parang bulong ng hangin ang dumaan sa kanyang tenga at sa bulong na iyon ay sinasabi ang pangalan ng bata. Napapikit si Rave na parang natural lamang na iyon ang kanyang gawin sa mga oras na iyon at sa muling pagdilat ng kanyang mata, parang lumulutang siya sa napakalalim na bahagi ng tubig ngunit hindi niya maramdaman na nalulunod siya sa halip para siyang lumulutang sa kawalan at ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar na iyon ay ang ilaw na nasa itaas na bahagi ng hindi niya maabot. Doon niya lang napansin ang isang pigura ng babaeng nakalutang sa itaas niya, na nakahawak na ngayon kanyang mga pisngi. Nakatingala siya sa pigurang iyon ngunit hindi maaninag ang mukha dahil natatabunan nito ang ilaw.

Ngunit sa haplos na iyon, nakaramdam siya ng pagkapamilyar. Kasabay ng malakas na pagtibok ng puso niya ay ang unti-unting pag-angat ng kamay niya upang hawakan ang kamay ng taong tinitingala niya. Doon lang unti-unting lumiwanag ang mukha ng babaeng nakahawak sa kanya. Nang mahawakan niya na ang kamay nito, doon lang nabigyan ng linaw ang lahat.

Si Asper ang babaeng nakahawak ngayon sa kanyang mga pisngi. Si Asper ang dahilan kung bakit siya nagkakaganon. At si Asper ang batang iyon. Iyon ang gustong ipaunawa ng bata.

Marami pang pangyayari ang nakikita at pumapasok sa utak niya, na halos hindi na kaya tanggapin ng sarili niya ang lahat ng iyon. Kahit anong pilit niyang sabihin na hindi totoo lahat ng nakikita niya, hindi na niya mababago ang katotohanan na unti-unti nitong hinahati sa dalawa ang puso niya. Si Asper ang batang iyon- o mas tamang sabihin na si Exle ay si Asper.

Hindi niya namalayan na napatulo na pala ang luha niya sa pagkakataong iyon. Sa buong buhay niya ngayon lang muli siya nakaramdam ng panghihina na parang sa isang iglap lang, ninakaw lahat ng lakas na meron siya. Masakit nga pala talaga malaman ang katotohanan. Kung kailangan nagkaroon na siya ng rason para muling magtiwala, doon pa na parang isang magnanakaw kukunin lahat sa kanya.

Mahal na niya yung tao. Kaya niya ng isakripisyo ang buong buhay niya para sa babaeng iyon. Kaya na niyang ibigay lahat pero bakit? Bakit kailangan maging malupit ang tadhanang ginagalawan nila? Bakit siya pa? Wala na ba talaga siyang karapatan na mapasakanya ang tanging bagay na ginusto niya sa buong buhay niya? Marami siyang gustong sabihin, marami siyang gustong itanong ngunit walang boses ang lumalabas sa kanya.

Bakit kailangang maging ilusyon lang ang lahat?

Sa isang iglap lang ay bumalik na silang dalawa sa loob ng kwarto. Bumalik na ulit sa normal ang itsura ng bata habang siya ay tulala pa rin sa nangyari at hindi pa rin makapaniwala. Nabalik lang siya sa katotohanan ng biglang bumagsak ang bata sa harap niya, na maagap naman niya nasalo. Ngunit kasabay naman no'n ang pagturok ng kung anong bagay sa likuran ng leeg niya na bigla niyang ikinahilo. Ang huli niya nalang nakita ay ang pagkuha ng isang tao sa bata mula sa kanyang bisig at ang pag-alalay sa kanya upang hindi siya tuluyang bumagsak

"Eide. Ikaw na bahala kay Uncle at Seb, Ingatan mong hindi magising si Sambre." yun na lang ang huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay.   

Bakit hindi nalang siya naging totoo?

Continue Reading

You'll Also Like

20.9M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
96.8K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...
9.1K 887 21
WARNING: INSPIRED BY THE RIDDLE. Read the disclaimer. Dorothea met this strange guy at her own mother's funeral. She thought that this stranger is a...
749K 64.9K 68
To discover the secrets of her silver lifestone and fight against demons, Eris Gromov, a demigod, must do everything to save her newfound family--eve...