My Miracle

By blueballoon19

137K 3.1K 753

They say everyone gets a miracle but I got Clyde. My Miracle. More

My Miracle
Chapter 1: Messing with Clyde Aiden Montero
Chapter 2: Stage 1
Chapter 3: Xerox
Chapter 4: Thank You
Chapter 5: Mulan
Chapter 6: Laws of Motion
Chapter 7: Riot
Chapter 8: Rescue
Chapter 9: Mark
Chapter 10: Asset
Chapter 11: His way of saying sorry
Chapter 12: Let me
Chapter 13: Be my date
Chapter 14: Set-up
Chapter 15 Unexpected Help
Chapter 16: True Intention
Chapter 17: Effort
Chapter 18: Jolt of Electricity
Chapter 19: About Sage
Chapter 20: Friends?
Chapter 21: Our First
Chapter 22: We're fine
Chapter 23: What are you doing to me?
Chapter 24: 30 Minutes
Chapter 25: Lie
Chapter 26: Saving myself
Chapter 27: Desperate Move
Chapter 29: Proving his point
Chapter 30: Offer
Chapter 31: Everybody's Pain
Chapter 32: Cure
Chapter 33: All of me
Chapter 34: Us
Chapter 35: A little of his own
Chapter 36: Secret
Chapter 37: First Turning Point
Chapter 38: Brothers
Chapter 39: Soft spot
Chapter 40: I will
Chapter 41: Jethro
Chapter 42: What should I believe in?
Chapter 43: Wrong method
Chapter 44: Be there for me, Hannah
Chapter 45: The Prize
Chapter 46: He might not come back
Chapter 47: Losing his confidence
Chapter 48: MVP
Chapter 49: Change of Heart
Chapter 50: What I have become?
Chapter 51: By that time
Chapter 52: Cheating
Chapter 53: Clyde's Piece
Chapter 54: Should all be well?
Chapter 55: Water Lanterns
Chapter 56: Rebirth
Chapter 57: Going back to you
Chapter 58: The cost of loving him
Chapter 59: Absinthe
Chapter 60: The One who holds the stars
Chapter 61: I was made for loving you
Chapter 62: You Need Me
Chapter 63: Helping hand
Chapter 64: Good night
Chapter 65: Maybe this time
Chapter 66: Safe place
Chapter 67: Winning her

Chapter 28: First One

2.5K 52 5
By blueballoon19

Nakatunganga ako bago magempake ng mga gamit ko. Nawala sa isip ko kung paano ako napapayag sa gusto ni Clyde sa pagpunta sa country club sa lugar namin ng tatlong araw para tulungan siya magaral.

Kung paano kami napayagan ng school board, eh hindi ko na alam kung paano niya ginawa. Next week na ang exam eh nagawa niya pa ang ganitong kalaking move. Kahit kelan talaga hindi na ako magdududa sa kapangyarihan niya.

May malakas na katok akong narinig mula sa pinto ko.

Mukhang andito na siya.

Binuksan ko ang pinto at di na ako nagtaka sa bumungad sa akin. Nakasandal ang siko ni Clyde sa may tabi ng pinto habang inaayos yung cap niya. Naka red at black tshirt siya at black pedal shorts. May suot suot din siyang silver na kwintas na may malaking manibela na gamit ng mga barko.

"Ano na? Alis na tayo"

Hindi ko siya pinansin at bumalik ako sa lugar kung saan ako nageempake. Pinagpatuloy ko yun kahit na alam kong nakapasok na si Clyde sa kwarto ko. Simula nung araw na nagkasagutan kami sa Mirror House ay hindi pa kami nakakapagusap ng maayos. Sumasagot lang ako sa kanya pag may kinalaman ang itatanong niya sa pagaaralan namin. Legal na kasi ang pagtuturo ko kay Clyde. Dahil dun sa student assistance program eh sa kanya ang oras ko simula uwian hanggang 8 pm araw araw. Binili niya nga ang oras ko ng ganun kadali. Walang hirap niyang nagawa yun. Naiinis ako sa ginawa niya pero at the same time nagtataka ako kung bakit ganito ang attensyon na binibigay niya sa akin. Hindi kasi ako sanay at lalong hindi nararapat to sa akin.

"Kung di ka pa matatapos within 5 minutes lahat ng nakalimutan mo bibilhin na lang natin dun"

Umalis si Clyde sa kwarto ko. Ayoko ng ganito kami. Para kaming mga sira na nagaasal bata. Wala naman akong gustong dalhin eh. Ayoko ngang sumama sa kanya pero wala na akong magagwa kasi siya ang nagpapasweldo sa akin.

Inayos ko yung mga dadalhin ko at sinarado ang bag ko. Kung magaaral kami wala na akong masyadong dapat dalhin.

Papalabas na ako ng kwarto nung tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi nakaregister yung number. Napaisip ako kung sino yun pero sinagot ko pa din siya.

"Hello?"

(Mulan) mahinahon na sagot ng lalaking kilala ko na kung sino.

"Sage"

Naramdaman ko na napangiti siya sa sinabi ko.

(Saan kayo pupunta ni Clyde? Anong plano niyo?)

Natigilan ako sa sinabi ni Sage. Alam kong confidential ang pagiging student assistant ko sa school. Kahit na yung pagtuturo ko kay Clyde eh hindi pwedeng malaman ninoman.

"Pano mo nalaman? Wala dapat makaalam nun"

(Edi magkasama nga kayo bukas?)

Napahinga ako ng malalim. "Oo pero Sage hindi pwedeng malaman ng iba"

(Hindi ko din alam. Hinuli lang kita. Sinabi sa akin ni Anton na wala daw si Clyde ng tatlong araw. That is very unusual for him to skip practices then you popped into my mind. Alam kong its either Jas or you will be the reason behind it. Hindi ko akalain na ikaw)

Naoverwelhm ako sa sinabi ni Sage. Bago pa ako nakasagot eh pumasok si Clyde sa kwarto ko.

"Hannah ano ba?"

Napatigil siya nung nakita niya ako na may kausap sa phone.

"Sino yan? Bakit namumutla ka?"

"Wala.. Kaklase natin"

Nagtaka si Clyde sa sinabi ko. "Sinong kaklase, Hannah?"

Bago pa ako makasagot eh kinuha ni Clyde yung phone ko at sinagot yun.

"Sino to?" Nung wala atang sumagot ay tinignan niya yung phone ko. "May kausap ka ba talaga o gumagawa ka lang ng paraan para matagalan tayo?"

Inabot niya sa akin yung phone ko. Natunugan ata ni Sage na si Clyde yung mayari nung boses na kausap ko.

Nung kinuha ko yung phone ko eh binuhat agad ni Clyde yung bag ko. Pati yung backpack na dapat bubuhatin ko na at nauna na lumabas ng bahay.

Ganitong mga bagay ang nagpapahina sa akin. Yung nakikita ko na may kabaitan na ginagawa si Clyde kahit na madami siyang maling ginagawa.

Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ako natutuwa sa mga munti niyang ginagawa para sa akin.

Sumunod ako sa kotse ni Clyde. Nakaupo na siya at nakikinig ng music gamit ang player niya. Hindi siya tumingin nung pumasok ako siguro kasi hindi niya yun narinig dahil sa gamit niyang beats headphone.

Matutulog na lang ako. Wala naman kasi akong magagawa kundi tumabi sa kanya at sumama dun sa country club nila. Late na din ako nakatulog kagabi dahil inayos ko yung notes ni Clyde para makahabol siya sa mga namiss niya na class.

Sinandal ko yung ulo na nakatapat sa bintana. Ayoko sumandal na nakaharap kay Clyde kaya titiisin ko na lang yung nakakasilaw na sinag ng araw. Sinusubukan kong wag maapektuhan at pinipikit ko ng mabuti ang mata ko kaso maiinit talaga. Kinagat ko ang labi ko. Ayokong umusog kasi malalapit ako kay Clyde.

Nagulat ako nung biglang may nagtakip sa mga mata ko at linapit ako sa gitna ng sasakyan. Nung minulat ko yung mga mata ko ay nakasandal na ako sa balikat ni Clyde.

Hindi nakatingin sa akin si Clyde. Patuloy siyang nakikinig sa pinapatugtog ng player niya. Sinubukan kong lumayo sa kanya pero pinigilan ako ni Clyde nung hinawakan niya ang noo ko at sinandal ako ulit sa balikat niya.

"I order you to sleep" utos niya sa akin.

Ganito na naman siya kadominante, gusto ko umapila kaso meron sa puso ko na nagsasabi na ito ang gusto ko. Gusto ko na kasama siya. Gusto ko na katabi siya.

Natatakot ako na ganito na lang lumalakas ang nararamdaman ko sa kanya.

Nagising ako nung malapit na kami sa lugar. Nakatulog din si Clyde kaya nakalayo ako sa kanya. Sinandal ko siya sa upuan. Ayokong magising siya na magkatabi kami. Natatakot din ako na makumpirma niya na gusto ko na talaga siya.

Nagising si Clyde nung nakahinto na kami. Nung naramdaman ko na imumulat na niya ang mata niya ay bumaba na ako ng kotse at tinulungan si manong na kunin yung mga gamit namin.

Hindi ko tinignan si Clyde nung bumaba siya  ng kotse.

"Hindi mo na kailangan gawin yan. Kaya na ni Manong Mario yan"

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy lang sa pagbababa nung mga bag nung kinuha ni Clyde yung bag na hawak ko at pabagsak na binaba yun sa kalsada.

"Gusto mo makipagtigasan sa akin? Sige. Tignan natin kung hanggang kelan ka tatagal."

Hinila ako ni Clyde papasok sa villa. Binati kami nung mga empleyado dun pero hindi sila pinansin ni Clyde. Nung nakarating na kami sa may clerk ay huminto si Clyde pero hindi pa din siya bumibitaw sa akin.

"VIP" matigas niyang sabi.

Mabilis na nilapag nung clerk yung susi sa harap ni Clyde at agad niya namang kinuha yun. Dumeretso kami sa kwarto namin. Dun lang binitawan ni Clyde yung kamay ko.

"Dapat hinayaan mo na lang ako na tulungan si Manong"

"Bakit? Inutos ko ba na gawin mo yun? Trabaho ni Manong Mario yun kaya wag mong gawin. Mawawalan ng dahilan kung bakit siya pinapasweldo"

Nayabangan ako sa sinabi niya. Pumasok sa utak ko ang rason kung bakit ako nandito. Katulad ni Manong Mario umaasa lang ako sa pera niya.

"Pasensya ka na po SIR ha? Dapat di ako nangingialam sa trabaho ng iba dahil mawawalan ng dahilan ang school sa pagpapasweldo sa akin"

Kumunot ang noo ni Clyde. "Lagi mong pinapasakit ang ulo ko. Bakit ang hirap mong pakisamahan Hannah?"

"Kasi hindi mo dapat ako pakisamahan."

"You know what I hate most about you? You build these walls to stop me from being near you."

"Bakit hindi? Hindi mo ba nakikita? Hindi ko gusto na sumama dito pero wala akong magawa dahil kailangan ko ng pera para matulungan ang pamilya ko"

"Oo nga naman. You are the responsible daughter pero alam ko deep down inside your heart. Gusto mo na makasama ako dito kasi gusto mo ako"

"Yan ba ang issue mo kaya ginawa mo tong trip na to?"

"Oo kaya itigil mo na ang paglagay sa akin sa pedestal dahil bababa at bababa ako para puntahan ka. Wala akong pakialam sa antas ng buhay natin. Pera lang yun."

"Sinasabi mo yan kasi hindi mo naranasan mabaon sa utang"

Lumapit si Clyde sa akin at hinawakan ang balikat ko.

"Hindi mo ba alam na mas maraming bagay ang mas malala pa kesa sa mawalan ng pera?"

Tinignan ako ni Clyde at hinawakan niya ang kanan kong pisngi.

"What I feel about you is not a choice I made. I just felt that I want you to be with me. Yun lang. Ganun kasimple. Alam ko na may gusto ka sa akin at ayaw mo lang aminin yun. Kung sa tingin mo magaaral tayo dito mali ka, papatunayan ko sayo na gusto mo ako kahit sa anong paraan na kaya kong gawin" sabay alis ni Clyde sa harap ko.

Nanghina ako sa sinabi ni Clyde. Bakit hindi pumasok sa utak ko na gusto lang ni Clyde na ipagsigawan ko sa kanya na gusto ko siya? Kailangan pa ba nun? Alam na niya diba? Tama siya gusto ko siya pero hindi ko kayang sabihin sa kanya yun dahil hindi ko gusto na lumala pa ang gulo na nagawa namin.

Buong maghapon na hindi bumalik si Clyde sa kwarto namin. Kesa naman isipin ang problema eh nagaral na lang ako kahit na mahirap sa akin na isantabi ang mga sinabi ni Clyde.

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto at nakita ko ang pagpasok ni Clyde. Naka shirt siya na itim na may nakasulat na "Swim with me, Love". Nakared and black siya na board shorts. Siguro nagswimming siya kasi basa yung buhok niya.

"Magbihis ka na. May fire dance sa Coco club mamaya at pupunta tayo"

"Kung gusto mo pumunta ikaw na lang. Magaaral ako para sa exam. Kung gusto mo na magaral bumalik ka na lang dito"

"I expected you to say that kaya dinala ko to"

May kinuha si Clyde sa may kanan niyang bulsa.

"I got your evaluation form para sa program na ito. Kung ayaw mong ibagsak kita sasama ka sa akin"

"Ganyan ka na ba talaga kadesperado?" pangaasar ko sa kanya.

"Halata ba. You have been annoyingly disturbing my mind. Kelan mo ako nagustuhan? Ano ang nagustuhan mo sa akin? Gaano mo ko kagusto? Lahat yan tinatanong ko sa sarili ko ng dahil sayo. This is the first time I got interested on someone liking me. You are the first one Hannah"

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...