My Jeje Princess

Galing kay KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... Higit pa

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 27

2.7K 27 0
Galing kay KlydeJay06

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at nag-unat. Hayy ang sarap naman matulog sa kwarto ng mama ni Jarren. Iniba ko ang posing ng pagkahiga ko at humarap ako sa kanan,nagulat ako ng may taong naka-higa rin sa kama at nakatalikod,nakahubad pa siya at naka boxer. 

Tinulak ko agad ng nalaman kong si Jarren ang katabi ko sa kama at nalaglag pa siya ng tinulak ko siya. 

"AHHH!" sigaw ko at siya ay biglang tumayo at wow abs.. Ehh! EWWW! 

"Bakit ka nandito?! Bakit ka nasa tabi ko at... at... MAGBIHIS KA NGA!" sigaw ko sa kanya at kinuha niya ang kumot at tsaka niya tinakpan ang boxer niya dahil bakat! EWWW! 

"Umalis ka dito!" sigaw ko at lumingon siya. 

"Wow! Sayo ba itong bahay na toh?" tanong niya sakin.

"Bakit sayo ba tong kwartong toh?" tanong ko naman sa kanya. 

"Eh bakit ka natutulog dito? Sayo din bang kwarto toh?" tanong niya sakin. Ish ano sasabihin ko?! Dapat ako ang manalo sa sagutan... i mean sa tanungan na ito. 

"Eh malamang pinatulog mo ko dito! Diba?" tanong niya. Sasagot na sana ko ng nagsalita siya ulit

"Sige isa pang sagot mo may gagawin ako." He! wala akong paki alam kung anong gagawin niya! 

"Wala akong paki-alam!" sigaw ko at binitawan niya ang kumot at humarap siya sakin. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. 

"Ehh! Ano ba ! Magshort ka na nga at magbihis ka kadiri ka!" sigaw ko at kumapa ako ng malaking unan at binato ito sa kanya. At tsaka na siya umalis. 

"Bwisit! Nasira ang tulog ko sa kanya!" sigaw ko. 

Inayos ko na ang pinagtulugan ko at kinatok ang kwarto niya. Nagbihis na rin siya ng pambahay sa wakas. 

"Uuwi na ko." sabi ko. 

"Umuwi ka." sabi niya. 

"Fine.. Bye." 

Bumaba na ko at binukas ko na yung gate. Buti nalang at nandun yung guard at yaya nila sa bahay para bantayan yung gate at yung house nila Jarren,syempre concern din naman ako kasi baka manakawan pa sila. 

Sumakay na ko sa jeep at naalala ko na naman yung paghihiwalay namin ni David. Nakakainis siya! Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero basta naiinis ako sa kanilang dalawa ni Felicia! Pagdating ko sa bahay,umakyat agad ako sa kwarto at alam na rin naman ni tatay ang mga nangyare at hindi na niya ko nacheer-up dahil sa dami ng ginagawa niya. 

Nakinig lang naman ako ng musics sa kwarto ko at naka move on na naman ako. Madali akong nakamove on dahil unang una ayaw na ko ng magulang ni David at may iba na siya. Magsama silang mga bwisit sa buhay ko. Gusto kong makita ni David na hindi ako naapektuhan sa mga ginawa niya. Gusto kong magbago. Gusto ko lalong magbago. 

Habang nagFFB ako,nakikita ko ang mga parinig ni Felicia sakin na kulang nalang ay ilagay na niya ang pangalan ko sa mga parinig niya,at eto namang si David kung makapag comment ng "Oo nga" kala mo naman alam ang totoo. Bwisit! 

Waahh! Nakakainis! Bakit ako umiiyak?! Hindi dapat ako umiiyak! Gusto kong magbago! Gusto kong maging matapang! Waaahhhh! 

Nagulat ako dahil biglang may kumatok sa kwarto ko at binukas ko naman agad ito. Pero syempre pinunasan ko muna ang mga luha kong tumulo ng nakita ko ang mga parinig ni Felicia. 

"Oh ate Linda,bakit po?" tanong ko sa kanya. 

"Ah. May bisita ka,lalaki eh. Hindi naman siya yung ex mo." sabi ni ate linda. Oo alam na rin niya na hiwalay na kami ni David. 

"Ah sino po siya?" biglang nagpakita si Gerald. Ang kaibigan ni Jarren na may crush "daw" sakin. 

"Oh napatuloy ka? Bakit?" sabi ko. Pinapasok ko na siya sa kwarto ko at pinaupo sa kama. 

"Ahh,may sasabihin ako sayo." sabi niya . Kinuha niya agad ang cellphone niya at ipinakita ang 3 litrato na si Felicia na nagsasaya sa club na may suot na black dress. 

"T-teka .. Kailan yan?" tanong ko kay Gerald. 

"The night before the party. Hindi ko naman kasi alam ang itsura nung dress na tinutukoy ni David pero sabi mo ay black dress,so dahil naka-black dress si Felicia... Pinicturan ko." sabi niya na parang tuwang-tuwa pa. 

"Wala ng saysay yan.." sabi ko at pumunta sa kama. 

"Bakit naman?" tanong niya . 

"Ako kaya ang pinagbibintangan na bumugbog kay David! Kaka bwisit diba?" tumayo ako at kinuha ang black dress na suot suot ko nung party ni David. 

"Sh*t Suzzane! Medyo magkapareho pa!" sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at hinihila pa. 

"Tara na! Kailangan sabihin natin sa daddy mo,sa family ni David,kay David!" sabi niya pero bumitaw lang ako sa kamay niya. 

"Psh. Wala ng saysay." sabi ko . 

"Ano ba? Ang nega mo kasi eh." sabi niya sakin. Huh?! Ako ?! Negra?! 

"Anong negra?! Ang puti puti ng kutis at buhok ko NEGRA?!" sigaw ko . 

"Gaga! Nega sabi ko!" sabi niya. 

"Anong nega?!" 

"Negative!" 

Napa-Tsss nalang ako,humiga ulit sa kama at nag-facebook. 

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papakita ko ba ito sa family niya. Pakita ko nalang kaya?! OO ! 

"Sige ipapakita natin." sinabi ko at ngumiti naman si Gerald. Syempre ako naman ay nagbihis na ulit at tinanong kay tatay kung may number siya nung bwisit na nanay ni David. 

Buti nalang at meron si tatay ng number,tinawagan ko agad ang nanay ni David at sumagot naman ito kaagad. 

"Hello po,pwede po ba tayong magkita?" tanong ko.

"Saan naman at bakit? Baka naman ipabugbog mo rin ako?" tanong niya ng pataray. 

"Hindi po. Pero kung patuloy po kayong magtataray diyan,baka napabugbog ko na nga po kayo." sinabi ko ito ng deretsahan. Ang tingin naman kasi ng nanay ni David sakin is ako yung nagpabugbog. Haha tignan lang natin.

Sinabi ko na magkita kami sa isang Cafe store at ng pumunta kami dun ni Gerald nakaupo lang ang nanay ni David at umiinom ng kape. 

Umupo ako agad sa tapat niya at sinabing... 

"Meron na po akong pruweba na hindi ako yung nambugbog sa anak niyo." at hiningi ko agad ang phone ni Gerald at ipinakita ang picture. 

"Nakita ko po si Felicia na nagsasaya sa club the night before the birthday of your son. And pansin ko po na naka black dress siya,sinabi po kasi ni David kay Suzzane na naka black dress daw po ang suspect." sinabi ito ni Gerald. 

"Hindi ako naniniwala. Mas naniniwala ako sa sinasabi ni Felicia." sabi ng mama niya at itinaas ko lang ang kilay ko at ngumiti. 

"Really? Ano po ba sinabi niya?" tanong ko. 

Sinabi ng nanay niya ang sinabi sakin ni David na sinabi daw ni Felicia sa kanya. At natawa nalang ako ng pagkatapos ikwento ng nanay niya. 

"Why are laughing?" tanong ng mama ni David. 

"Sino po bang hindi matatawa sa sinabi niyo sakin? May pruweba na po ba kayo ni Felicia? Wala pa diba? Bakit hindi nalang po natin tignan or panoorin ang mga records ng CCTV cameras nung birthday ni David?" tanong ko at nilapit ng mama ni David ang mukha niya sakin. 

"Sure bitch." Tama ba narinig ko?! Minura niya ko. Hah! Gaganti ako. 

"*cough* ang baho naman po ng hininga niyo." sabi ko  at tumawa lang kami ni Gerald at umalis. 

Namasyal muna kami ni Gerald dahil nilibre naman niya ko. Paglibre kasi,nabubuhay ang dugo ko. Pumunta lang naman kami sa McDo at kumain. Pagkatapos nun umuwi na rin kami. 

Habang nasa Taxi ako,kinakabahan ako kung ano ang gagawin ng pamilya ni David kapag nalaman nila na si Felicia yung may kasalanan. Kinakabahan din ako para kay Felicia. Ish! Ngayon lang ako nakaranas ng ganito sa buhay ko! Bwisit! 

Umuwi na ko at humiga nalang. URGH umiiyak na naman ako dahil kay David! Nabwibwisit ako sa mga post nila! Dahil wala akong magawa sa kwarto ko,nanood nalang ako at pagkatapos nun ay tinawagan ko na ang mama ni David. 

"Hello po. Kailan po ba natin papanoorin yung records ng mga CCTVs nung birthday ko?" tanong ko. 

"Aba ewan ko sayo!" sigaw niya. Bwisit talaga toh. 

"Tita,nagtatanong po ako ng maayos. Eh kasi parang ang dating pa po is ayaw niyong tignan yung mga records eh. Masyado niyo kong sinisisi sa mga bagay na hindi naman ako ang may gawa." sinabi ko at ilang seconds ang dumating bago makasagot ang nanay ni David .

"Oh sige mamaya 5:00 PM dun magkikita sa event ng birthday mo noon." sabi niya at binaba nalang niya bigla ang phone niya. 4:00 PM na at kailangan ko ng maghanda. Naligo na ko agad-agad at nagbihis. Pina-alam ko rin kay tatay na pupunta dun sa event ng birthday ko para tignan ang mga records ng CCTV. Naghanda na rin siya at pagkatapos niyang magbihis ay pumunta na agad kami. 

**************************

Nandito na kami sa lugar kung saan ginawa yung birthday ko at nung nakita na namin ang mama ni David at si David walang hi or hello. Naiwan lang kami ni David sa lobby at ako naman ay nakikinig ng mga kanta. Naiinis ako sa pagmumukha niya at ilang oras ang lumipas at lumabas na si tatay at yung mama ni David. Tumayo kaming dalawa ni David at tinanong ni David kung sino...

"Si Felicia... Si Felicia nga.." sabi ng mama niya ng matamlay. Teka?! Bakit ganito?! Parang nalulungkot pa yung mama ni David dahil si Felicia yung may gawa tapos pag sakin sobra siya magalit! Grabe siya. 

Naglakad na ko papalayo sa kanila bago ko marinig ang salitang "sorry" sa kanilang mga bibig dahil hindi ko naman agad ito matatanggap lalo na kapag si David pa ang magsasabi neto. Pumasok na ko sa kotse at hindi ko alam kung mag-aalala ba ko kay Felicia o matutuwa ako. Hindi naman kasi ako yung napaka-samang katulad ni Felicia. 

Hindi nagtagal ay pumasok na rin si tatay sa kotse at umuwi na rin kami. Pinasabi daw ng mama ni David na sorry daw sa mga ginawa niya at ako naman ay umirap lang at natawa lang si tatay. 

"Dali na patawarin mo na." sabi ni tatay at ngumiti nalang ako. 

"Sige na nga." at tumawa nalang kaming dalawa. Ewan! Di ko alam kung bakit kami natatawa baliw lang? 

Nanood nalang ako ng SNWT (Speak Now World Tour) sa kwarto ko at natulog na ng maaga dahil may pasok na naman kami dahil test lang kasi ng mga 1st year at 2nd year sa school namin kaya walang pasok. 

******************************** 

Pagkapasok ko sa school kasama si Jarren may nakita kaming sumisigaw na babae at umiiyak. Familiar ang boses niya at ang dami ng nakatingin sa kanila! Hindi ko mapigilan na tumakbo at lumapit sa kanila! Umiiyak si Felicia kay David at si David ay lumalayo sa kanya. Grabe. 

"David please! Wag mo kong iwan ! Sorry na! Hindi ko sinasadya yun!" sigaw ni Felicia. 

"Tigilan mo ko!" sigaw ni David. 

At nakita ko rin si Madge na inaawat na sila. 

"Tumigil nga kayo!" sigaw ni Madge. 

Pagkasigaw ni Madge ay bigla nalang lumapit si Felicia sakin at sinigawan niya ko. 

"Nakakainis ka! Ikaw na! Ikaw na panalo!" at umalis siya at binangga ako. Tinanong ko nalang si Madge kung ano ang nangyayare. 

"Ano ba nangyayare?" sabi ko kay Madge. 

"Eh eto kasing si Felicia,siya pala yung bumugbog kay David." hindi na ko nagulat dahil nalaman ko na ito kahapon pa. Ahh! Ano ba gagawin ko?! 

Umakyat na kami ni Madge sa classroom at nakita ko si David na nakalagay ang ulo sa magkabilang braso at nakayuko. Siguro umiiyak siya. Hindi ko ba alam kung papatawarin ko siya kapag nagsorry siya sakin dahil kawawa naman siya. Niloko na nga siya nung mahal niya hindi pa niya ko pinaniwalaan. 

Nang matapos ang klase biglang may humila sa kamay ko. At si David siya! Dinala niya ko sa penthouse,wala naman tao dun dahil bihira lang na gamitin ang penthouse sa school namin.

Nagulat ako ng biglang sumuntok ng sumuntok si David sa dingding at pinigilan ko siya. Nakita ko ang mga kamay niya na nagdudugo na. Napatakip ako ng bibig dahil ang dami ng dugo na lumalabas pero hindi niya pinunasan. Umupo lang siya at umiyak. 

"David please tama na." sabi ko at lumapit ako sa kanya. 

"Ang tanga tanga ko." sinabi ito ni David at pati ako naiiyak na rin. Sino bang hindi maaawa sa sitwasyon niya? 

"Sorry ah. Sorry kung di agad kita pinaniwalaan. Sorry kung niloko kita. Pasensya na." Kinuha ko yung panyo niya at nilagay ito sa kamay niyang nagdudugo at tinali ito sa bandang may sugat. 

"Okay lang." napaiyak din ako at niyakap ko siya. Wala na kong ginawa kung hindi patawarin ko siya. 

Ilang days na ang lumipas at dumating na ang month ng November at papalapit na naman ang hell week =_=. Pero kahit ganun ay ang dami ko ng naging kaibigan sa school at mga kasabay sa recess kagaya nila David,Madge,Ralph,Gerald at yung dalawang kaibigan ni Felicia. Sayang nga eh,lumipat na kasi ng school si Felicia nung October,pinatawad ko na rin siya pero nahihiya parin talaga siya sa mga pinaggagawa niya kay David. 

Pinatawad na rin naman ni David si Felicia pero yung nanay ni David.... Ewan ko XD. 

Sinabi ko rin kay David na maging friends nalang kami,ayoko na kasi makipagbalikan sa kanya eh. Natest ko na kasi na naniniwala pa siya sa iba kesa sakin. 

Bago kami idissmiss may sinabi ang teacher namin. 

"Okay class settle down." nagsi-upuan na ang lahat at tumahimik. 

"So,magkakaroon tayo ng Christmas Ball or Prom sa December 20" nagsigawan ang mga dating nag-aral dito sa Hendersonville at isa na sa mga sumigaw ay si Madge. Yung tipong excite na excite sila.

"Teka bakit kayo sumisigaw?" tanong ko kay Madge.

"Basta sasabihin ni Mam kung ano ang nangyayare sa Christmas Prom!" sabi niya at excite na excite talaga siya.

"Okay! Sa mga hindi alam ang Christmas Ball or Christmas Prom. Ganito kasi yun,parang JS lang siya pero sa Christmas gaganapin. And iba ang venue natin. Gagawin nating pang-christmas talaga ang ating arena." Wow. Oo nga pala di ko pa sinasabi na may Arena pala dito sa school. Grabe si tatay,grabe ang hardwork. Malaki ang arena sa school at pwedeng ganapin ang Christmas Prom doon.

"So,ganito yan. Every section ay magkakaroon ng 10 students na tutulong magdesign ng arena para sa Christmas Prom so si President ang magaassign,siya din ang magaassign kung sino ang magkakapartner sa dance. Okay class you may go." sabi ni mam pero imbis na umalis na ang mga kaklase ko ay bigla silang nagsipuntahan kay Madge at sumisigaw ng...

"Huy ako magdedesign!"

"Kapartner ko si Paul!" 

"Eh akin nga si Paul eh!" 

"WAAAHH! SI JARREN ANG KAPARTNER KO!" 

Grabe,umalis nalang ako dahil depende naman yan kay Madge kung sino ang iaassign sa kanila eh. Parang naeexcite naman ako sa Christmas Prom na ito! 1st time kong makaranas ng Prom! Nung 3rd year kasi ako,may ginagawang building dun sa dati kong school kaya hindi natuloy ang JS. Kainis nga eh. 

Shaks! Sino kaya kapartner ko?! AAAAIIEEE! #Landi

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

88.9K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
4.9K 453 27
In which Sonnet likes Margot who is Paige who likes Misty who is also Sonnet that doesn't like Paige who is also Margot that doesn't like Sonnet. The...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.1K 198 27
In a small coastal town nestled in the rolling hills of Villahermoso lives Mari, a girl suffering from depression and suicidal thoughts, has hit rock...