Her Secret Boyfriend

By Jazawesome

88.4K 1.6K 180

Isa lang akong ordinaryong babae pero bakit ako pa ang napiling paglaruan ng tadhana? hindi ba pwedeng isang... More

Prologue
Ch1: Unang Pagkikita
Ch3: Mga Bagong Kaibigan
Ch4: Role Playing
Ch5: Lights. Camera. GORA!
Ch6: Pabor ng Isang Kaibigan
Ch7: Foundation Booth
Ch8: Ang Aking True Love
Ch9: Lie about us
Ch10: Ang Aking Karma
Ch11: Oooopss!
Ch12: Kahit Ngayon Lang
Ch13: Ang Ebidensya
Ch14: Ang Aking Comfort Place
Ch15.1: Ako'y Isang Crying Baby
Ch15.2: Ang Bagong Maddy
Ch16: Mga Totoong Kaibigan
Ch17: Isang Pagkakataon
Ch18: Ang Kanyang Sekreto
Ch19: Ang Aming Bakasyon [part 1]
Ch20: Ang Aming Bakasyon [part 2]
Ch21: Nakakawindang Ang Magimbestiga!!
Ch22: Ang Matamlay na Babae
Ch23: The Party [Part 1]
Ch24: The Party [part 2]
Ch25: The Party [Part 3]
Ch26: The party [Last part]
Epilogue

Ch2: Ang Aking Tagapagligtas

4.8K 76 3
By Jazawesome

Patrick’s POV

Takbo ako ng takbo bawat floor ng school chineck ko na nagbabakasakaling nandun sila, buti nalang wala ng masyadong tao sa school. Bumalik ako ng room baka sakaling nandun na si Maddy kaso bag lang niya ang nakita ko.

May nakapagsabi kasi sakin na nakita daw nila si Maddy na kasama nila Chelsea, hindi ko na tinapos yung sinabi nung classmate ko kasi pagkarinig ko palang ng pangalan ni Chelsea tumakbo na ko palabas ng room.

Kilala ko si Chelsea, pag may gusto siya nakukuha niya, lahat ng babae sa room kinatatakutan siya kasi pag may niisang kumalaban kay Chelsea ipapahiya niya ito sa buong campus.

Pero anong ginawa ni Maddy para kainisan niya ng ganun? Simula palang lagi na niyang binubully si Maddy, natatakot ako na lapitan sila kasi halos lahat ng classmate naming lalaki sunudsunuran sakanya.

Pero simula nung nalaman ko sa sarili ko ang tunay na nararamdaman ko para kay Maddy hindi na ko nagdalawang isip na lapitan siya, tanging ang pakikipag-kaibigan sakanya ang naiisip kong paraan para magkaroon siya ng lakas ng loob na lumaban sa mga taong nangaapi sakanya.

Tumingin ako sa labas ng bintana ng classroom namin, nakita ko si Maddy na buhat buhat ng isang lalaki, hindi ko masyadong nakilala yung lalaki nakita kong galling sila sa storage room ng gym.

Agad agad akong bumaba buti nalang nasa may 2nd floor lang ang room namin. Pagkababa ko nakita kong pumunta sila sa clinic kaya sinundan ko sila. Nagulat ako ng makita ko si Jake, isa siya sa mga alipores ni Chelsea.

                “Anong nangyari?”

 tanong ko sakanya, nakita ko kasing pareho silang basang basa at nakita ko si Maddy na walang malay     

                “Kinulong siya nila Chelsea sa storage room, aalalayan ko sana siyang tumayo para dalhin dito sa clinic kaso pagkatayo niya bigla siyang nawalan ng malay”

Nakita kong nakatitig lang siya sa muka ni Maddy, makikita sa muka niya ang pagkaawa

                “teka, diba kakampi ka nila Chelsea? Bakit mo niligtas si Maddy?”

naglakas na ko ng loob na tanungin siya, sigurado naman ako na pag nalaman to ni Chelsea ipapahiya niya si Jake, kaya bakit niya ginagawa to?

                “Gusto ko siyang protektahan, may kung anong bagay ang naguudyok sakin na kailangan ko siyang protektahan. Ganun ka rin naman diba? Kaya ka lumalapit sakanya kasi gusto mo siyang protektahan kay Chelsea. Pero hindi mo ba alam na dahil sa ginagawa mo ay mas lalo siyang napapahamak?”

                “a-ano ibig mong sabihin?”

                “Manhid ka ba talaga pre! Kung ako sayo lalayuan ko na si Maddy, hayaan mo na lang siya sakin. Mas magiging ligtas siya kung ako ang magiging kasama niya”

Hinarap ko siya sakin at hinawakan ko ang kwelyo ng uniform niya

                “HINDI PWEDE! Oo gusto ko siyang protektahan pero hindi lang hanggang dun yun. Gusto ko si Maddy, gusto ko siya!”

                “Sigurado ka bang gusto mo siya? O baka naaawa ka lang sakanya?”

                “sigurado ako sa nararamdaman ko Jake! Gusto ko si Maddy!”

                “Pwes kung gusto mo siya, eh di ipagsigawan mo sa buong campus na to na gusto mo siya”

Binitiwan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at iniwas ko ang tingin ko sakanya

                “hi-hindi pwede”

                “kita mo na? duwag ka Patrick! Hindi mo magawang ipaglaban ang taong gusto mo! Pwes sabihin mo sakin pano mo maproprotektahan niyan si Maddy ha?!”

                “Hindi…..hindi ko alam”

Binuksan niya yung pinto ng clinic at sabay turo sa labas

                “Kung hindi mo siya kayang ipaglaban, makakaalis ka na……..sa buhay niya”

Tinignan ko si Maddy, ganun na lang ba yun? Simula pa lang ba wala na talaga? Talo na agad ako? bakit kasi ang duwag ko? hindi ko siya magawang ipaglaban

lumabas na ko ng clinic at sabay tingin kay Jake

                “hangga’t wala ka pang kakayahan para ipaglaban siya, ako muna ang magproprotekta sakanya, pero pag nahulog ang loob niya sa iba…….walang sisihan pre”

Tumango nalang ako sa mga sinabi ni Jake at naglakad na ko palayo. Ipagkakatiwala muna kita kay Jake pero pag naayos ko na ang lahat babawiin kita sakanya. Pangako Maddy….

Maddy’s POV

Araayy. Ang sakit ng ulo ko, pati yung mga kamay at paa ko. kitang kita yung bakat ng lubid sa mga ito at namumula pa, ang sakit talaga.

Teka! Nasan ako? inikot ko yung mga mata ko para tignan yung paligid..ahh.. nasa clinic..nakita ko naman si Jake na natutulog sa may kabilang kama.

Pagtingin ko sa labas. Shocks! Gabi na! tinignan ko yung orasan para malaman kung anong oras na. 7:30 na. 30 minutes nalang isasara na yung gate ng school.

Bumangon ako at ginising ko si Jake kaso pagkahawak ko sakanya ang init niya, sobrang init niya at muka siyang nilalamig.

                “HALA! Anong gagawin ko?! WOOOH! Wag kang magpanic Maddy! BAWAL MAGPANIC!”

Kinuha ko yung biogesic sa medicine cabinet kumuha narin ako ng tubig mula sa dispenser, ginising ko siya at pinainom sakanya yung gamot. Hindi lang pala si Patrick ang may mabuting puso dito. Marami pa palang iba.  

                “Hoy. Ayos makatitig ha?”

                “Ay so-sorry….ah..Jake…thank you ulit ha?”

                “Wala yun, salamat pala sa gamot”

Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Nagkaroon pagkatapos ng katahimikan..ISANG KATAHIMIKAN! AWKWAAARD!

                “ah maddy…..geometry ka ba?”

                “eh?”

                “bayan! Ang KJ! Sabihin mo “BAKIT?” hindi ka ba nanunuod ng TV? tss”

                “Ayy. Sorry Jake. Sige sige.. bakit?”

                “Kahit anong kasing angle ang cute mo eh”

Nanlaki pareho yung mata ko, iniwas ko yun tingin ko sakanya kasi alam kong namumula ako. eto yung unang beses na sabihan ako ng isang lalaki na cute ako. >//////////<

                “ahh maddy mahilig ka ba sa asukal?”

Hindi pa rin ako makatingin ng diretso sakanya. Nakakainis naman kasi…eto ata yung tinatawag sa tv na mga banat kaso bakit parang kinikilig ako? halalala.. nakoo Maddy nagiging malandi ka na ha. Bad Maddy!

                “hi-hi-hindi…ba-bakit?”

                “ang tamis kasi ng ngiti mo eh”

OH.EM.JI! kinikilig ako! shocks! First time kong maranasan ang ganitong KV! As in kilig vibes! Shockss!!

Pagtingin ko kay Jake nakangiti naman siya. Yung ngiti na pag tinignan mo maiinlove ka. Yung pang heartthrob ba. kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapangiti na rin sakanya.

                “AYAN SA WAKAS! BUTI NAMAN AT NGUMITI KA DIN MADDY!!”

                “eh? Huh?”

                “lagi ka nalang kasi nakasimangot. Ngumiti ka naman. Alam mo ba na maraming gusting makipag-kaibigan sayo kaso natatakot sila kay Chelsea kasi baka madamay sila….oh…nakasimangot ka nanaman diyan? Wag kang mag-alala simula bukas ipapakilala ko sayo yung mga gusto kang maging friends”

Nagulat naman ako sa mga sinasabi niya. Friends daw? May kung anong saya akong naramdaman..naguumapaw yun sa sobrang saya ko.

                “Sa-sa-salamat talaga Jake”

                “Oh bakit ka naiyak diyan?”

Pinunasan ko yung mga mata ko. oo nga umiiyak nga ako. pero hindi dahil malungkot ako kung hindi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko. ngumiti lang ako sakanya.

Hindi ko kasi alam kung paano ko maeexplain sakanya yung nararamdaman ko. words can’t tell how happy I am right now.

Inalalayan ko si Jake na tumayo, kahit paano hindi na siya ganun kainit tulad kanina. Naghintay kami ng taxi sa may tapat ng school para makauwi siya, gusto pa nga niya ako sumabay kaso sabi ko wag na. malapit lang naman kasi yung bahay naming sa school.

Magkatabi lang kasi yung village naming at yung school na pinapasukan ko kaya naglalakad nalang ako.

Hanggang pagdating ko ng bahay nakangiti pa rin ako. excited na ko bukas. Parang feeling ko, first day ko palang sa school bukas. Hindi na ko makapaghintay na mameet sila. \(>.<)/

Continue Reading

You'll Also Like

26.4K 660 54
She's a saint one. She's a savage. She's the one who raised well and praised by everyone. She's a simple but have a unique personality, totally diffe...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
63.9K 1.2K 16
Pano kung isang araw pagod na pagod ka na?Are you gonna let him go or will you still choose to hold on? Date started: January 28, 2017 Date ended:...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...