My Jeje Princess

By KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... More

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 25

2.5K 22 0
By KlydeJay06

Pagpasok ko sa bahay, nakita kong nakaupo sa sofa ng living room si David,nakasalubong ko rin si Ate Linda na may hawak na tray. 

"Oh Suzzane! May bisita ka,pinakain ko muna kasi baka matagalan siya ng paghihintay. Sige aalis na ko." umalis na si Ate Linda at pagpasok ko lumingon si David at tumingin sakin. 

"Where have you been?" tanong niya. Grabe nakakatakot pakinggan nung boses niya. Galit ba siya?

"Sa kaklase ko lang." sinabi ko ito ng mahinahon para hindi niya mahalatang natatakot ako sa kanya. 

"Where have you been?" tanong niya ulit pero mas malakas yung pagkasabi niya. Gosh kinakabahan ako. 

"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong ko. 

"Meron,pero tinawagan ko lahat ng classmates mo at wala ka daw dun. Pero sinabi ni Madge na dinala ka daw nya sa club kagabi. At yun ang nakakainis." Hala,anong sasabihin ko. 

"Nagpalasing ka daw,tapos nandun daw si Jarren at inuwi ka." yumuko si David ng sinabi niya ito. 

"Nagawa ko lang yun kasi hindi mo ko pinapaniwalaan!" sigaw ko sa kanya. 

"Saan?" tanong naman ni David

"Sa mga sinasabi ko! Sa sinasabi kong si Felicia ang may kasalanan! Bakit ba hindi mo ko pinapaniwalaan?" tanong ko. Pero nakapoker-face lang si David at binigay ang isang invitation. 

"Iniinvite kita sa birthday ko. Sige bye." umalis na siya. 

Nakakainis! Nakakainis talaga! Hindi ko alam gagawin ko! 

**************************

Nandito ako sa gate ng school para hintayin si Jarren. Tinetext ko na siya pero hindi siya nagrereply. Nakita ko si David na papasok at parang upset. Lalapitan ko na sana siya ng biglang lumapit sa kanya si Felicia at yun yung dahilan ng pag-ngiti ni David. Aaminin ko nag-selos ako at nalungkot. 

Parang ang dating kasi eh mas mabuti para sa kanya si Felicia. Hayy wala na kong magagawa kung hindi siya maniniwala. Habang iniisip ko toh may tumapik sa ulo ko. 

"Huyy! Eto na ko." ay. Si Jarren lang pala. 

"Alam ko may mata ako." pumasok na ko at siya sumunod den. Ayan na naman,makiki-iscan na naman siya at magkatapat na naman kami pagpasok. 

Buti nalang hindi kami nagkadikitan ng ano. Pagkapasok ko nandun agad si Madge na umiiyak. 

"Suzzane sorry talaga! Naiinis ako sa sarili ko sa mga ginawa ko!" ngumiti lang ako at niyakap siya. 

"OA naman neto,ako naman may kasalanan kung bakit ako nalasing eh. Pinapatawad na kita." pinunasan na ni Madge yung mga luha niya at tumingin naman siya sakin. 

"Oo nga pala yung dress ko?" tanong niya. Hala tinapon nga pala ni Jarren! 

"Uhm,tinapon ni Jarren eh." nanlaki mata niya at tumakbo siya papunta kay Jarren at naririnig kong tinatanong niya kung bakit niya tinapon yung dress. Nagsmirk nalang ako at umakyat na sa room. 

Habang wala pa yung teacher,hiniram ko muna yung invitation ni David sa kaklase kong invited din. Kinabukasan na pala ito. Isusuot ko nalang yung black dress or party dress ko na dapat isusuot ko sa birthday ko pero di natuloy. 

Hindi naman nagtagal ang mga lessons ng mga teachers at nagegets naman lalo na sa Math and Science. Habang kumokopya ako ng notes,hindi matanggal sa isip ko kung pupunta ba ko sa birthday ni David? Ano kaya ireregalo ko? 

Umalis na ang last subject teacher namin,hihintayin nalang namin yung adviser na idissmiss kami. Pumunta ako kay Madge at tumabi sa kanya. 

"Madge samahan mo naman ako mamaya,bibili kasi ako ng regalo kay David." sinabi ko at pumayag naman siya. 

"Eh ano naman ireregalo mo?" sinabi niya at nag-isip naman ako. Wala kasi akong maisip na regalo. 

"Ishh,di ko nga alam eh. Kasi naman hindi namin napaguusapan ang mga ayaw at gusto namin. At tsaka galit siya sakin ngayon. Pwede bang ikaw nalang magtanong kung ano ang mga gusto at ayaw niya?" nagmaka-awa ako kay Madge ng sinabi ko ito. 

"Oo sige." 

Pina-uwi na rin kami ng adviser namin agad-agad at hinintay ko si Madge sa ramp. Medyo matagal-tagal din naman siya kaya nagbasa muna ako at umupo. Habang nagbabasa ako merong tumulak sakin. Kaya natumba ako. Tumingin ako kung sino ang tumulak at yun ay si Jarren. 

"Makatulak ka naman! Parang hindi ako babae ah! Bakit ka ba nanunulak ah?!" hindi siya sumagot,umupo lang din siya dun sa pwesto ko kanina at hinagis yung bag ko na naupuan niya,nagbasa rin siya. 

"Pwesto ko kasi toh." sabi niya. AND SO?! 

"Eh ano naman?! Lahat ng tao sa mundo pati nga ata mga ibang living things pwedeng pumwesto diyan sa kinauupuan mo! Magkano ba bili mo diyan sa pwesto na yan?!" sabi ko. 

"Tsss,ang OA mo naman. Galit ka agad?" tanong niya pero di tumitingin sakin,nagbabasa kasi siya ng "Fifty Shades Of Grey". 

"OA?! Ako pa ngayon ang OA? Bwisit! Maka-alis na nga!" umalis na ko dun sa pwesto niya,dun ko nalang hinintay si Madge. 

Dun nalang ako nagbasa at sakto,nakita ko pa sila David at Felicia na magkasama. Tinignan ko lang sila at pansin ko kahit nakita na ko ni Felicia at David,pinagpatuloy parin nila yung pagsasaya nila. Naghaharutan lang naman sila ng parang magjowa. Tinitignan nila ako at parang walang napansin. Yumuko nalang ako at nagbasa ulit. 

WAAAHH! Hindi ako makapagconcentrate sa binabasa ko! Hindi ko napigilan na lumabas ang luha sa mga mata ko at pumatak ito sa libro ko. Sakto pumatak pa ang luha ko sa salitang "hiwalay". Nagbabasa kasi ako ng mga tagalog books. Grabe! Nagseselos ako! 

"Huy Suzzane! Ang drama mo na naman diyan?! Ano bang nakakaiyak diyan sa binabasa mo?" sh*t nandiyan na pala si Madge at nakita niya pa kong umiyak?! Kailangan kong magpalusot. 

"*sniff Kasi yung bida *sniff* hindi na niya mahal yung babae *sniff*" pero si Madge parang hindi naniniwala . 

"Che ang arte mo! Alam ko naman na hindi yan yung dahilan. Oh siya nga pala,eto yung mga list ng mga gusto ni David at ayaw niya sa mga bagay." tumayo na ko at kinuha ang bag. Binasa ko ang mga ito at ang dadali lang naman nito bilhin. Yung ibang gusto niya ay gusto ko rin. Mahilig pala siya sa "One Piece" na anime. 

Lumabas na kami ng school at nagpahatid na kami sa driver ko sa mall. 

David's P.O.V. 

Kasabay ko ngayon bumaba si Felicia,kahit na hindi kami magkaklase.. Hinintay ko parin siya,kasi siya lang naman nagpasaya sakin ngayong araw. Hindi kasi matanggal sa isip ko yung ginawa ni Suzzane at yung mga sinabi niya. Bakit naman kasi niya sisiraan yung isa kong kaibigan? Eh napakasama rin niya eh . 

"Oh there you are." sabi ni Felicia. 

Bumaba na kami at sumalubong samin si Madge. 

"David,ano mga ayaw at gusto mo sa mga bagay?" tinanong niya ito. Hmm,siguro pinapasabi ito ni Suzzane kasi hindi niya ko makausap sa mga ginawa at sinabi niya sakin. 

Nagsinungaling nalang ako sa mga sinagot ko. Sinabi ko yung mga ayaw ko sa tinanong niya kung ano daw ang mga gusto ko. Sinabi ko naman yung mga gusto ko sa tinanong niya kung ano ang mga ayaw ko. BWAHAAH GETS? 

"One Piece na anime ang mga gusto ko,basta something anime" Sinabi ko ito kahit hindi ko naman gusto ang One Piece,sa totoo nga lang hindi ako nanonood ng Anime. 

"Sige salamat!" tumakbo na si Madge at tumawa kami ni Felicia. 

Tumawa kami dahil alam ni Felicia ang mga ayaw at gusto ko. Oh diba? Nadaig pa niya si Suzzane.. Kaya pala sinisiraan ni Suzzane ito. Bumaba kami pero tawa parin kami ng tawa. 

Nung nasa baba na kami,nakita ko si Suzzane na nagbabasa. Wala akong pakialam sa kanya,oo hindi ko siya pinansin pero di ko napigilan na tignan siya kung kumusta na siya. 

*********

Nasa bahay na ako at kasama ko si Madge,nandito sila mama at papa. 

"Sino yan David? Bago mo? Nasan na yung GF mo si Suzzane?" by the way alam na nga pala nila. 

"Ahh,friend ko lang po ito,at nasa bahay na si Suzzane,may ginagawa kasi siya eh." 

Umakyat kami at pumunta sa room ko. Nagkwentuhan at nagkwentuhan at kumain lang kami ni Felicia. Ng bumalik kami sa room biglang nagsalita si Felicia. 

"David,kailangan mo ng makipagbreak kay Suzzane." lumaki ang mga mata ko sa sinabi ni Felicia at umupo muna ko at tinanong siya kung bakit. 

"Bakit naman?" 

"Cause... S-siya yung nagpautos bumugbog sayo." WHAT?! 

"ANO!!?!?!!?" sigaw ko. 

"Please wait lang. Ganito kasi yan,nakita ko siya sa party,nung pumatay yung ilaw dun sa event ng party niya. Sakto nasa CR ako at nakita ko siyang nagmamadali at nagmamadaling nagbihis. She's wearing a black dress kagaya nung sinabi mo sakin nung nakaraan. Nandun lang ako sa loob ng cubicle at nakabukas ng konti yung pinto ko,at nagulat ako ng nakita niya ko,natakot ako. Hinila niya ko papalabas at sinabing wag ko daw sasabihin sa iba kung hindi papabugbog din daw niya ko!" 

Hindi ako makapagsalita sa mga sinabi niya. Pero dinugtungan pa niya. 

"Kaya hindi ko sinabi sa iba. Natakot ako. At umuwi nalang ako nung party. Sorry kung ngayon ko lang sinabi." umiyak siya at syempre niyakap ko narin siya. Pati ako naiiyak. 

Grabe si Suzzane?! Kaya pala niya sinisiraan si Felicia dahil siya naman pala yung nagpabugbog sakin? Ano bang nagawa ko sa kanya? Hindi naman ako nagkulang sa kanya ah.

Felicia's P.O.V. 

Pagkarating ko sa bahay namin. Nagtatalon ako sa tuwa dahil ang galing ng pag-acting ko at napaniwala ko si David! YESSS! 

Humanda ka na Suzzane... Humanda ka.. BWAHAHA 

Niyaya ko ang mga kaibigan ko sa bar para uminom. 

3 lang naman kaming magkakaibigan na uminom. Suot-suot ko ang black dress na medyo kagaya nung kay Suzzane. Suot suot ko ang sinuot ko nung binugbog si David. 

Marami naman pagkakaiba nung dress namin ni Suzzane,yung sa kanya kasi long sleeve at aaminin ko,mas maganda yung sa kanya. Hindi naman siguro mahahalata ni David na magkaiba yung dress namin ni Suzzane kasi madilim yung lugar nung nabugbog si David. 

"Dun tayo sa dancefloor." yaya ng kaibigan ko. 

Syempre nagsayaw-sayaw na rin kami. 

Gerald's P.O.V. 

Nandito ako ngayon sa bar at pansin ko nandito yung kinakainisan ni Suzzane? Kinwento rin kasi sakin ni Suzzane ang mga nangyare. Actually samin nila Ralph,Madge at si Tom. Wala kasing balak makinig si Jarren sa mga nangyare dun sa incident na nabugbog si David. 

Umiinom muna ko dito pero may napansin ako sa suot ng kinaiinisan ni Suzzane na si Felicia?

Teka,naka black dress si Felicia at nagsasaya siya. Eto kaya yung dress na sinuot niya nung pambubugbog? Kasi sabi ni Suzzane sakin,black dress daw yun. At saktong sakto ang itsura nung sketch sa suot ni Felicia ngayon! 

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan siya. Kailangan ko itong maipakita kala Suzzane! 

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
1K 102 5
Just in case you're lost. We might be able to help you.
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
84.7K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...