Take me to your HEART (GxG) :...

By _AyEnNe_

624K 18K 1.8K

*** COMPLETED ❤❤❤ *** Sabi nila ang Quickie masarap daw.. lalo na pag mahal nyo ang isa't -isa. But how come... More

Chapter 1 : JUBEL
Chapter 2 : I Dare you! (SPG)
Chapter 3 : " Hired "
Chapter 4 : "Ignored"
Chapter 5 : Stop that!
Chapter 6 : Ang Daga bow!
Chapter 7 : " Green minded"
Chapter 8 : "I'm Sorry"
Chapter 9 : " Broken Promises "
Chapter 10 : " Salt or Sugar? "
Chapter 11 : Spell - " Kahihiyan "
Chapter 12 : Unfolding the PAST
Chapter 13 : Shattered
Chapter 14 : Don't Leave ME
Chapter 15 : Medyo SPG
Chapter 16 : Aftermath
Chapter 17 : My Agitated Heart
Chapter 18 : Surprise!
Chapter 19 : A Dear Friend?
Chapter 20 : Flowers for You
Chapter 21 : Officially Missing YOU
Chapter 22 : She Cares For YOU
Chapter 23 : Yearning Hearts
Chapter 24 : SPG
Chapter 25 : Cuddling Ms. Sungit
Chapter 26 : Uncontrolled Emotions
Chapter 27 : Emotion Revealed
Chapter 28 : Meetup
Chapter 29 : Clingy GF (SPG)
Chapter 30 : Unplanned
Chapter 31 : Spoiler
Chapter 32 : Her Past
Chapter 33 : Meet the Sandovals
Chapter 34 : A trick
Chapter 36
Chapter 37 : behave or else...
Chapter 38 : i'm sorry, but I love her
Chapter 39 : Ang Girlfriend kong timang
Chapter 40 : Kiss and make up
Chapter 41 : Imagine me & you
Chapter 42 : Flashlight
Chapter 43 : Why?
Chapter 44 : Drifting
Chapter 45 : Awaken
Chapter 46 : are we done?
Chapter 47 : Payback time
Chapter 48 : Regret's
Chapter 49 : longing
Chapter 50 : She's not just a woman
Final Chapter

Chapter 35 : Unexpected Visitor

8.1K 284 19
By _AyEnNe_

Louise (POV)

"will be going down in a minute Ma, I'm just waiting for my girlfriend" I heard Gabby said sa taong kausap nito sa telepono.

It's her mother na ilang beses na rin kaming kinatok at ipinatawag sa kanilang mga kasambahay pero dahil hindi pa kami natatapos sa pag-aayos ay makailang ulit din naming sinabihan ang mga ito na kami ay susunod na lamang.

Hindi mapagkakailang naiinip na ang Mama ni Gabby sa pag-iintay kung kaya't napilitan itong tawagan ang sariling anak sa telepono.

Masyado itong excited, dahil aniya ay nagsulputan na ang ilang relatives nila sa ibaba at panay ang hanap sa aming dalawa particular kay Gabby. They are eager to see my girlfriend, dahil ayon na rin sa Mama nito ay matagal-tagal na ring panahon ng huli nilang nakita si Gabby.

"You look tense" my girlfriend commented when she noticed me released a deep breath habang nasa tapat ng salamin at tinatapos ang pag-aayos sa sarili.

Mula sa likuran ay malambing itong humawak sa magkabila kong balikat and caress it gently while intently staring at me thru the mirror.

"How many are they?" i asked in a nervous tone disregarding her comment.

"relax lang, okay?" she chuckled " It's not that my mom invite all my relatives" pagkalma nya sa akin.

When she didn't get any positive response from me ay marahan nya akong ini-ikot paharap sa kanya, at kasunod ng marahang pag-buntong-hininga ay muli itong nagsalita. "mga malalapit na kamag-anak lang namin ang dumating babe, besides, mababait ang mga iyon. Nakasalimuha mo na nga sila Dreek eh, they are the worst believe me. So chillax lang, I and my family won't let you feel out of place" dugtong nito then smile at me.

When she noticed that I'm already done kasabay ng bahagyang pagkalma ay marahan na nitong hinatak ang aking kamay palabas ng kwartong kinaroroonan namin.

Tila napalagay naman ang sariling kalooban dahil sa tinuran ng katipan. Pero ng nakababa na kami sa grand staircase nila at mabungaran ang ilang mga bisita na nasa Family Area ay muling nanumbalik ang nerbiyos ko. Umakma na naman ang pagrigodon ng sariling puso ngunit daglian din iyong napawi when all my girlfriend's relatives acknowledge me at binati ng magiliw.

Gabby is right, her family never let me feel outcasted or something dahil sila pa mismo ang kumakausap sa akin. Most of them are from her mother side na nakatira rin sa kalapit na lalawigan.

Konting kwentuhan na may halong kantiyawan ang pumailanlang sa bulwagan ng may kung ilang minuto. Pero maya-maya lamang ay nagpaalam na ang karamihan dahil anila ay napadaan lamang sila upang makita si Gabby.

Halos kaaalis lang ng mga tiyahin ng katipan, when Nate come out of nowere informing us na okay na ang hapag-kainan kasunod ng pagtalikod nito at bumalik kung saan sya lumitaw.

We followed her lead habang magiliw pang naka-abrisyete ang Mama ni Gabby sa akin.

"Nanjan na ba sila Papa and Tito Mike?" tanong ng katipan kay Tita Helena

"wala pa iha, pero ang sabi niya ay malapit na sila" sagot ng ina nito.

Gabby just nodded at hindi ko na naringgan ng pagtatanong hanggang sa marating namin ang maalwang silid kainan.

There was a long table on the center of it, which composed of several seats. Hindi na rin ako nagulat when I saw numerous food on top of it which is mixed with Western and local food na tuluyang nagpakalam ng aking sikmura.

Nang kami ay mabungaran sumalubong ng pagbati at pag-anyaya sila Dreek at Nate na nuon ay magkatabing nakaupo sa may bandang gitna ng dining table.

I received a couple of smiles from them na ginantihan ko naman ng kiming pagtango at pagngiti. Gabby then guide me sa may gawing bungad ng lamesa kasunod ng paghatak ng upuan para sa akin.

"Gentlewoman as always" nadinig kong kantyaw ni Dreek kasabay ng pagngiti ng nakakaloko. Bagamat pabulong, ay hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Gabby kung kaya't kagyat itong nagre-act.

"shut up!" angil ng katipan at kapag-dakay naupo sa tabi ko. Hindi pa nakuntento ang katabi sa pagsusungit nito sa pinsan at akmang pagsasabihan si Dreek ng may magsalita sa gilid namin.

"Wag mo ng pansinin Gab, inggit lang iyan" singit ng isang tinig ng babae.

Pare-pareho kaming napatingin sa pagsulpot ng isang dalaga, she just show off behind Nate and Dreek's na sa tingin ko ay nagmula sa gawing kusina. The lady is wearing a white apron na dahan-dahan nyang tinatanggal while staring at us with full smile on her face.

This must be Sami, one of Gabby's cousins. I recognized her because of her charming face and the attractive dimples which created quickly at the corner of her mouth. I randomly saw her from my girlfriend's family album. Isa pa, Sami is also an Architect kung kaya naman ito ang madalas nakakasama ng katipan when attending some of the seminars na required sa profession nila.

"oh Samantha! anong oras ka dumating?" bulalas ni Tita Helena causing my mind to bring back to reality.

"kanina pa po, Tita" sagot nito kasunod ng pagyakap sa kausap ng tuluyan ng makalapit "tumulong lang po ako kila Nay' Nelia magluto kaya hindi nyo ako napansing dumating" dugtong nito ng hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin still with a friendly smile on her face.

"buti naman at bumisita ka, ipapasundo na sana kita kay Joshua pamaya-maya eh" komento ng katabi ko.

The lady went towards us then kiss Gabby on the cheeks bilang pagbati nito atsaka lumingon sa gawi ko.

My girlfriend introduced her to me. " babe, meet my cousin, Architect Samantha Sandoval" pagpapakilala nito "Sami, this is Louise Buencamino, my girlfriend" baling nito sa pinsan. "you talked to her once during our convention sa Tagaytay, remember?" dugtong ng katipan.

"Oh! yeah, I remember." usal ng kaharap "sabi ko na nga ba at may something sa inyong dalawa eh, unusual kasi dito sa pinsan ko ang mag-update ng mga ginagawa nya during the convention "she continue while smiling at me widely "anyway, nice meeting you Louise, please call me Sami" dugtong pa which Dreek interrupted.

"sus! pinaganda pa, Sameng lang ay okay na" kantyaw nito sabay tawa.

Kagaya ni Gabby ay hindi pinalampas ni Sami ang pang-aasar ng pinsan nila. "kahit kailan epal ka talaga!" bulalas nito kasabay ng pagbato ng hawak-hawak nitong apron.

Dreek complained and hissed pero wala na itong nagawa at tatawa-tawa na lang na umiling. Buhat duon ay nagsimulang mag-asaran sila Nate, Sami at Dreek. Si Gabby sa kabilang banda ay nakikisawsaw lang lalo na kapag si Dreek ang topic.

Alaga nitong i-bully ang pinsan nyang lalaki na kataka-takang hindi pinapatulan ng huli at nakikipag sabayan lang ng pang-aalaska.

I was just smiling and staring at them habang naaaliw sa kanilang apat. Now I realized kung gaano talaga sila ka-close. They are all comfortable that it shows on their body language and in the way they throwed trash talks with each other ng walang isa man ang napipikon.

Minsan ng naikwento sa akin ni Gabby na sa kanilang apat ang pinaka-malapit daw sa magpipinsan ay si Nate at Dreek which I agreed, dahil buhat kaninang umaga ay kapansin-pansin ang pagiging close nila na animo hindi mapag-hiwalay.

It seems that they're up with something dahil sa walang puknat na kantiyawan sa tuwing may nagtetext kay Nate. Animo may pinagtitripan ang mga ito sa cellphone ni Nate na pareho nilang ikina-aaliw.

Seeing my girlfriend and her cousin in this cute situation makes me feel envy.

The way they treated each other is priceless, how I wish ganito ako ka-close sa mga cousins ko to experienced this kind of intimate, pero tila isa ako sa mga taong hindi biniyayaan mabigyan ng mga ganitong pagkakataon.kasundo ko naman ang mga pinsan ko sa motherside kaso mas madalas ang panahon na ginugugol ko sa labas ng bahay.

I may say, nabangasan ng bahagya ang ilang samahan namin when one of my closest cousin died in an accident. Kahit hindi nila sabihin ramdam kong my ilang bahagi ng samahan ang nagurlitan because of that accident.

In an instance, ang pagngiti ko ay kagyat na napawi.

Isang pamilyar na lungkot at takot ang humalinhin duon ng isang scenario ang sumingit sa balintataw ko.

"masanay ka na ha? magulo talaga kami kapag nagkasama-sama" pagpukaw na bulong ng katabi kasabay ng pagpisil sa kamay ko.

Mabagal na rumehistro sa akin ang sinabi ng katipan bago ako nakapag komento.

"a-ano ka ba, ayos lang noh, ang kukulit nga nila. nakakatuwa." sawata ko while staring back at her cousins.

"Nay' Nelia" pukaw ng ina ng katabi na ikinalingon naming dalawa "maglabas pa nga ho kayo ng anim na plato,kubyertos at baso" dugtong pa na ikinabaling ng atensyon ni Gabby "6 plates?" nagtatakang tanong nito "ang dami naman yata Ma? May iba pa bang dadating bukod kila Papa?" komento nito habang nakakunot at inaantay ang tugon ng kaharap.

Mula sa pag-aayos ng katabing pinggan ay bumaling ang kausap nito at tinapunan din sya ng nagtatanong na tingin pero saglit lang iyon dahil lumipad ang mga nag-aakusang titig nito kay Dreek "you did not inform her, did you Zadreek? "

"uhm..."nag-aalangang sagot nito habang nakikipagpalitan ng makahulugang titig sa ina ni Gabby at kapagdakay bumaling ng tingin sa katabi ko " m-may bibisita mamaya, hinahabol at hina-hunting ka dahil iniiwasan mo daw, atsaka---" dugtong nito which interrupted dahil sa simpleng pagsiko ni Nate at pagbatok ng mahina ni Sami sa kanya.

Si Gabby na nag-aantay sa anumang sasabihin pa ng pinsan ay hindi naiwasang hindi magreact ng magulumihan "anong pinagsasabi mo diyan?" iritadong sita nito then throw death glare to Dreek na by that time is smiling like an idiot habang marahang ngumuya ng pagkain.

On the other hand, I saw my girlfriend's mother na animo sinasawata ang pamangkin. Nakailang palitan din sila ng makahulugang titig ng sa wakas ay pumagitna si Sami at kinuha ang buo naming atensyon.

"hep! Tama na iyan" sabat ni Sami "kumain na tayo at pihadong gutom na yang si Louise" dugtong nito matapos mahalata na mag-kakairingan na naman ang dalawang pinsan. Daglian nitong dinampot ang isang putahe, iniabot kay Gabby at iminuwestra na lagyan ng pagkain ang aking plato.

Tila natauhan naman ang katabi kung kaya't nagpati-agos na lamang sa gustong mangyari ni Sami at isinawalambahala ang sinabi ni Dreek.

Saglit na natahimik ang ilan dahil sa pagkain pero maya-maya lamang ay muling pumaibabaw ang masayang pagku-kwentuhan at pag-aasaran. Paminsan-minsan akong nakiki-pagusap kapag tinatanong pero mas madalas ay tagatawa at tagapakinig sa walang humpay na pakikipaglokohan nila. Magka-gayonman ay hindi ko naramdaman ang ma-out of place lalo na at obyus naman na hindi iyon hinahayaan ng mga pinsan ni Gabby lalo na si Sami at Nate na panay ang interview sa akin kung papaano at anong mahika ang ginawa ko to tame their cousin.

We were in the middle of our light conversation ng maulinigan namin ang ilang boses papalapit sa aming kinaroroonan. Hindi naglaon ay bumulaga sa amin ang dalawang nilalang. Unang bumungad sa paningin ko ang Father ni Gabby .

Si Mr. Gregory Sandoval.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nahigit ko ang sariling hininga dahil sa pagsibol ng kaba.

There he was still handsome in his casual wear at kagaya sa Company photo na nakita ko nuon ay matikas pa din ito sa kabila ng edad na mayroon. Beside him was his friend na sa tingin ko ay ang father ni Audrey. The two guys were equally handsome but the latter one is much smaller than my girlfriend's father.

Tita Helena abruptly stood up at sinalubong ang mga dumating particular ang kabiyak na hinagkan at niyakap pa ng mahigpit.

Sumunod si Gabby na tumayo matapos pisilin ang kamay ko senyales na nagpaalam ito ng pagsalubong sa sariling ama. She suddenly hugged her father ng tuluyan itong makalapit at pagkatapos ay bumaling ito sa katabi ng ama ang greet him by giving a handshake.

Nagsunurang lumapit sila Nate, Dreek at Sami para batiin ang dumating. Naiwan akong mag-isang nakaupo at hindi malaman kung tatayo rin ba o lalapit. I quickly felt an awkward which quickly subside ng tawagin ako ni Gabby at sumenyas na lumapit.

I stood up hesitantly with half smile on my face dahil sa kabang nararamdaman. At bakit hindi? Kung ama ng katipan at syang nagmamay-ari ng kumpanyang aking pinapasukan ang makakaharap ko ng mga oras na iyon.

Nang makalapit sa kanila ay mas lalong tumindi ang aking kaba. His Father intently looking at me in calm face, but when Gabby introduced me as her girlfriend ay sumilay ang malawak na ngiti dito. Showing his perfect smile and chinky eyes.

Now I'm quite sure that my girlfriend acquired major physical attributes from her father. Even the charisma with equal strong personality ay hindi maipagkakailang nakuha din nya.

"Ikinagagalak kong makilala ka, iha" bati nito sa akin extending his hand na inabot ko sa kabila ng panlalamig.

"s-same h-here po, Sir" I stuttered feeling the coldness in my hand.

"there you go again with that Sir and Ma'am thing Louise, just call her Papa, iha" singit ng mama ni Gabby while smiling at me.

Mantakin ko mang isipin na ganuon na sila ka-comfortable sa relasyon namin ni Gabby ay hindi ko pa rin maiwasan ang mailang. My face quickly turned red na agaran naman napansin ng kaharap. He then smiled at me, face her wife and commented. "Don't pressure her Helena, she'll get used to it soon." Sabay lingon sa akin, ngumiti ng magiliw at tumango ng marahan.

"tara na hong kumain Tito at baka lumamig pong lahat ng nakahain" singit ni Sami kasunod ng pagbato ng tingin sa akin. Tila natauhan naman ang lahat at bumalik sa kani-kanilang pwesto. Lihim akong nabunutan ng tinik ng mga oras na iyon.

Nang makaupo na kami ni Gabby, I glance at Sami's way and mouthed thank you dahil sa ginawa nya. Nginitian naman ako nito at bahagyang tinanguan bago muling ibinaling ang atensyon sa pagkain.

Nakakataba ng puso na tanggap ako ng pamilya ng katipan, wala rin akong objection sa pag-iinsist ni Tita Helena na i-address sila sa ganuong tawag pero nanliliit talaga ako. And I won't deny the fact na magpasa hanggang ngayon ay nag-aadjust pa rin ako sa situation. I mean, I know that my girlfriend is belong to a well known clan and business tycoon pero iba rin pala kapag nakilala mo sila in person, nakaka-overwhelm lalo na at hindi mo naman ini-expect na ganito nila ka-accept ang preference ng bunsong anak nila when it comes to her relationship.

I did'nt expect that everything will be fine as this but im really glad that it turned out to be like this. I am indeed lucky dahil ganito kabait ang pamilya ng katipan.

Some of us resume on eating ng tuluyan ng dumulog sa hapag kainan. Tahimik lang ang karamihan ng pumailanlang ang baritonong tinig ng ama ng katipan "so Louise, did you meet Gabby's cousins already?" he asked after sipping from his wine sabay baling sa mga pamangkin.

Nag-angat ako ng tingin at magiliw na sumagot sa tanong na iyon sa kabila ng hindi mapigil na kaba " Yes po, Tita hel-- " kagyat akong napatigil and corrected my first statement na ikinangiti ng ina ni Gabby "I m-mean, M-mama Helena already introduced them to me po this morning when we a-arrived"

Tumango lang ang kausap and take the fork in front of him .

On the otherhand, Gabby grabbed my hand at pinisil iyon ng tila naramdaman nito na kinakabahan ako ng mga oras na iyon.

Dahil sa ginawa ng katipan kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman.

"That's good, did they giving you a hard time?" her father asked again while slicing a piece of the steak na idinulog ng esposa nito.

"hindi naman po, lahat naman po sila ay mababait" I answered slightly stuttering.

"indeed iha, mababait naman talaga sila, pero magiingat ka jan sa isang yan" sabay turo kay Dreek habang natatawa "I don't know if my daughter already told you, but Dreek is the most notorious of them all, and when I say notorious, I mean sa kalokohan iyon" dugtong nito habang binabato ng nakakalokong tingin ang pamangkin.

"Tito naman! " daing ng tinutukoy sabay kamot sa ulo.

Nagtawanan ang lahat lalo na ang magpipinsan ng mapansing hindi makapalag si Dreek sa pang-aasar ng tiyuhin.

Kagyat na umingay ang paligid at muling napuno ng kantiyawan. Lahat ay nakikisali sa pag-uusap maski ang ama ni Audrey na kanina lang ay tahimik at ngingiti ngiting nagmamasid.

Pamaya-maya lamang ay kanya-kanyang usapan na ang pumailanlang sa paligid, magkaka-usap ang Papa ni Gabby, si Mr.Mike (papa ni Audrey) at Si Tita Helena. Habang sila Dreek and Sami ay abala rin sa pagkukumpol kumpol sa tabi ni Nate at pinagkakaguluhan ang cellphone nito.

"are you still nervous?" marahang bulong ni Gabby ng makadikit sa akin.

I roam around and stare at her family atsaka sinagot ang tanong nya"hindi na" nakangiti kong tugon matapos bumaling sa kanya.

In a way nakatulong ang pagbibiro ng ama nito kung kaya nawala na ng tuluyan ang kaba na nararamdaman.

"I told, we won't make you feel out of place baby . Besides.. " she said abruptly hanging on her last sentence then hold my both hands " besides, your already part of my family .. " dugtong nito then placed a soft kiss on my forehead.

Bigla akong kinilig sa ginawi at sinabi nito. Suddenly i felt my heart melted at nilukuban ng hindi matawarang saya dahilan kung bakit hindi ko malaman kung paano tutugunin ang mga iyon.

Speechless and overwhelm at the same time ay wala na akong iba pang naging reaction kundi ang humilig sa balikat ng katipan.

Nasa ganuon kaming ayos ng may biglang pumailanlang ang isang pamilyar na tinig sa bukana ng dining area na kinaroroonan namin.

"good evening everyone!"

Everybody abruptly stop chattering and shifted their whole attention to the lady who interrupted us.

Isang tao na hindi ko inaasahang makita sa mga oras na iyon.

Si Audrey.

********

Background music from Audrey's POV

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.7K 26
(COMPLETED) Paano kung sa hindi sinasadyang pagkakataon ay makilala mo yung taong nagparamdam sayo ng kakaibang excitement? Yung hindi mo maipaliwan...
58.8K 1.3K 32
Katulad ng sinasabi ng marami, ang tadhana ay masyadong mapaglaro. Years later, Danielle happened to run with a girl na muling magpapayanig ng mundo...
7.6M 216K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
16.6K 285 6
Si Arman ay matagal ng iniwan ng kaniyang asawa. Ang anak nalang nila na si James ang nagpaiwan. Masakit para kay Arman na ipagpalit sa ibang lalaki...