An Orphan's First Love: Love...

By JeraldineTanL

5.2M 70.6K 6.9K

Book 2: Dangerous Love http://www.wattpad.com/17995763-dangerous-love NO SOFTCOPY || NO COMPILATION More

Prologue
[ 1 ] First Step
[ 2 ] 11SG
[ 3 ] Shirt
[ 4 ] Unlucky
[ 5 ] Twins
[ 6 ] Little Act of Kindness
[ 7 ] Master
[ 8 ] Brave
[ 9 ] Mad
[ 10 ] Mean
[ 11 ] First Kiss
[ 12 ] Classmate
[ 13 ] Girlfriend
[ 14.1 ] Birthday
[ 14.2 ] Monique
[ 15.1 ] Beach
[ 15.2 ] The Wall
[ 16.1 ] Disgrace
[ 16.2 ] Betrayal
[ 16.3 ] Kidnap
[ 16.4 ] Hideout
[ 16.5 ] Saved
[ 17.1 ] Wound
[ 17.2 ] Best Friend
[ 18 ] Vacation
[ 19.1 ] Resort
[ 19.2 ] Trip
[ 20 ] 11 Sexy Gangsters
[ 21 ] Question
[ 22 ] Explain
[ 23 ] Control
[ 24 ] Protect
[ 25 ] Laptop
[ 26 ] Answers
[ 27 ] Keeping The Secret
[ 28 ] A Tiring Day
[ 29 ] Unexpected
[ 30 ] Suspicious
[ 31 ] Effect
[ 32 ] Is This The End?
[ 33 ] Work
[ 34 ] Love and Revenge
[ 35 ] Change
[ 36 ] I Can't Die!
[ 37 ] Bet
[ 38 ] Charity Event
[ 39 ] This Is War
[ 41 ] The Great Jico Choi
[ 42 ] Their Past
[ 43 ] Runaway
[ 44 ] Reminder
[ 45 ] Over Protective
[ 46 ] Key
[ 47 ] Dinner
[ 48 ] Ring
[ 49 ] Falling?
[ 50 ] Gift
[ 51 ] New Year
[ 52 ] Warning
[ 53 ] Valentines Date
[ 54 ] Trick
[ 55 ] Reminder
[ 56 ] Hospital
[ 57 ] What Happened?
[ 58 ] Confused
[ 59 ] Big News
[ 60 ] Life before Revenge
[ 61 ] Birthday Gift
[ 62 ] Her Condition
[ 63 ] The Wedding
[ 64 ] Hospital
[ 65 ] Intuition
[ 66 ] Regret
[ 67 ] Realizations
[ 68 ] First Love
[ 69 ] Twin Sister
[ 70 ] That Guy
[ 71 ] Goodbyes
[ 72 ] Trust
[ 73 ] Letter
Epilogue
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
BLANK
AN ORPHAN'S FIRST LOVE BOOK 2

[ 40 ] Winner and Loser

47.3K 671 71
By JeraldineTanL

Chapter 40: Winner and Loser

Nang sumunod na araw ay maagang nagising si Steffi at nagising siya sa tabi ni ZAC na mahimbing pa ang tulog. Naamoy niya kaagad ang alak at base doon, alam niya na uminom na naman ito noong nakaraang gabi.

Naalala niya ang nangyari kagabi. Alam niya na walang napahamak doon kaya kampante na din ang loob niya. 'Yon nga lang, hindi nakisama ang sakit niya at inatake pa siya sa gitna ng pagkakagulong 'yon.

Paano kaya nilusutan ni Kurt 'yon? Sana naging okay ang lahat.

Bumangon na si Steffi at madaling kumilos. Dahil sa himbing ng tulog ni ZAC ay hindi nito namalayan ang pagkilos ni Steffi. Umalis siya sa bahay kahit na tulog pa si ZAC at pumunta siya sa school. Ngayong araw na kasi ang labas ng resulta ng nagdaang pagsusulit nila at gusto niyang makita iyon. Pagkadating niya sa school, halos walang estudyante na makikita doon. Siguro ay abala sa pagpapaganda para sa Christmas Ball pagdating ng gabi na hindi naman niya pupuntahan. Isa isa niyang tinignan ang mga iskor nila at halos magkadikit ang grades nila ni ZAC pero sa huli ay mas mataas siya sa mas maraming subjects kaysa kay ZAC.

"Yes! Panalo ako!" sigaw niya.

"Panalo saan?"

Napalingon si Steffi sa lalaking nagsalita.. si Jico.

"Bakit ka nandito?"

"Dito ako nag-aaral."

"Ha? Seryoso ka dyan?"

"You heard me, baby. I don't want to repeat myself."

"Kailan ka pa nagsimulang pumasok dito?"

"Nauna pa ako sa 'yo dito. Sayang nga at late na kita nakilala, sweety," sabi nito sabay akbay kay Steffi.

Dahil sa ginawa niyang pag-akbay kay Steffi ay sinuntok niya ito sa tagiliran at tinignan ng masama. Naiinis siya dito. Hindi niya inaasahan na ganoon talaga ito kasama.

"Okay, I'll back off. Ito naman, ayaw magpalambing. Ganun ka na ba ka-loyal sa Zyril na 'yon?" tanong ni Jico.

"Hindi niya ako aso, Jico. Ayoko sa lahat 'yang mga akbay, yakap at kung anu-ano pa man. Maging si ZAC hindi nagagawa sa 'kin 'yan."

"Talaga? Okay."

Tinignan ni Jico ang bulletin board at hinanap doon ang pangalan niya. Matapos noon ay tinignan niya si Steffi.

"I passed. Lunch tayo? Libre ko na."

"Wala ka naman sigurong binabalak na masama, 'di ba?"

"Matapos ng nangyari kagabi, wala na akong binabalak na hindi maganda."

"Okay. Sige."

Nadismaya si Steffi na sa isang karinderya lang sila kumain. Alam niya kasi na mayaman si Jico kaya nag-expect siya na sa restaurant sila kakain.

"Oh, mukhang disappointed ka?" tanong ni Jico.

"Bakit dito mo ako dinala?"

"Iniisip mo ba na sa restaurant ang punta natin? 'Wag kang mag-alala, kaya nitong tapatan ang lasa ng pagkain sa restaurant. Masarap ang pagkain dito."

Umupo lang doon si Steffi at si Jico na ang nag-order ng pagkain nila. Pagkahatid doon ay kumain sila kaagad. Napatango na lang si Steffi dahil talagang masarap ang pagkain doon.

"Jico, may girlfriend ka ba?" biglang tanong ni Steffi.

Naubo si Jico sa tanong ni Steffi kaya agad niya itong inabutan ng tubig.

"Bakit, sweety? Interesado ka ba sa 'kin.?"

"Hindi. Naitanong ko lang."

"Bakit mo natanong?"

"Mukha kasing ang dami mong girlfriend, eh."

"Mukha lang 'yon. Alam mo, wala akong oras para sa ganon pero kung ikaw ang magiging girlfriend ko, gagawan ko 'yon ng paraan."

"Kumain ka na nga lang."

Sa mga napansin niya kay Jico noong nakaraang gabi at ngayon, napansin niya na babaero ito at dinadaan ang mga babae sa pagiging sweet niya pero hindi rin siya nadadala doon.

Habang kumakain, naramdaman niya ang vibration ng phone niya sa bulsa niya. Kinuha niya ito at nang makita na si ZAC ang tumatawag, sinagot niya iyon.

"Bakit?"

"Nasaan ka?"

"Bakit mo natanong?"

"Sabihin mo na lang kung nasaan ka. Pupuntahan kita ngayon na."

Na-sense na ni Jico kung sino ang posibleng kausap ni Steffi kaya inagaw niya ang phone ni Steffi at inilagay sa loudspeaker ang phone.

"Don't worry, she's with me. She will be safe."

"Tang*na mo, Jico! Subukan mo lang galawin siya at mapapatay kita!"

"Hindi ako takot sa 'yo. Sabi ko nga sa 'yo, safe siya sa 'kin."

Hindi na hinayaan pang makasagot ni Jico si ZAC at tinapos na nito kaagad ang tawag saka nito ibinalik kay Steffi ang phone niya.

"'Yan, wala ng istorbo. Eat, Steffi."

"Ano na naman ba ang ginawa mo?"

"Napaka-impatient naman niyang boyfriend mo. Kaso napansin ko lang, mukhang one-sided love ang meron kayo."

"Paano mo nasabi?"

"Steffi Geneere Santillan. Seventeen years old. Ampon ka ng isang business person na isa sa mga maliliit na kakumpitensya ng Tatay nina ZAC. Nalugi ang business ng Tatay mo at namatay siya dahil sa brain tumor. Now, you want revenge. Do I need to say more?"

Napanganga at nanlaki ang mata ni Steffi sa mga narinig.

"P-paano mo nalaman 'yan? Saan mo nakuha 'yan?"

"I'm an expert at this, sweety. You better remember the name of Jico Choi. Matagal ko ng alam ang lahat ng tungkol sa 'yo. Maghihiganti ka? Kakayanin mo pa kaya 'yon ngayong malapit ka na din mamatay?"

"Jico, tama na."

"I can help you if you will allow me. Hindi ko na kakailanganing kumilos para tulungan ka at ipagpatuloy ang paghihiganti mo. I'll help you undergo the operation and I'll make sure that you will live. Ako ang bahala sa 'yo."

"Paano mo 'to nalaman lahat?"

"I hired a private investigator. Inalam ko lahat ng pwede kong malaman tungkol sa 'yo at naisip ko na patayin ka na lang dahil ikaw ang kahinaan ni ZAC pero mukhang ikaw pa ang magiging alas ko para matalo siya. Now tell me, are you really into this revenge? Baka naman mahulog ang loob mo kay ZAC at tumigil ka?"

Hindi makapaniwala si Steffi sa mga naririnig. Alanganin na siya ngayon dahil may nakakakilala na sa kanya at alam ang mga ginagawa niya.

"Seryoso ako noong sinabi ko sa sarili ko na maghihiganti ako sa kanila. Sisiguraduhin ko na magagawa ko ang mga bagay na dapat kong gawin bago ako mawala sa mundong 'to."

"Just make sure, baby. Hindi madali 'yang gusto mo kaya mag-ingat ka."

"Why are you telling me this? What do you want from me, Jico? Alam ko na sinabi mo sa 'kin ang lahat ng alam mo dahil may gusto kang makuha sa 'kin."

Napangiti si Jico nang marinig ang mga salitang iyon.

"'Yan ang gusto ko sa 'yo Steffi, matalino ka. Gusto ko lang naman na ingatan mo ang sarili mo at hindi ka dapat mamatay kaagad dahil ako ang magpapagamot sa 'yo. You just have to tell me when you're ready."

"Pag-iisipan ko muna. You won't spill the beans, right? Kahit hindi ka mukhang katiwa-tiwala, ipagkakatiwala ko sa 'yo ang sikreto ko tutal alam mo na din naman."

"Your secret is safe with me, baby. Wala namang mawawala sa 'yo kung papayag ka sa gusto kong mangyari, eh. Ikaw pa nga ang makikinabang dito. Think about it carefully."

"Aalis na ako. Tatawagan na lang kita sa susunod."

Tatayo na sana doon si Steffi pero may ipinahabol pa si Jico.

"Mag-ingat ka dahil baka may iba pang nag-iimbestiga sa 'yo. Ihahatid na kita pabalik."

Matapos magbayad ni Jico ay inihatid siya nito pabalik sa school at madali din itong umalis. Nagulat si Steffi nang makita niya si Kim dahil sigurado siya na nakita sila nito na magkasama ni Jico. Hindi na siya nag-isip pa dahil ayaw niyang kumprontahin pa siya nito at tumakbo na lang siya palayo pero sinundan siya ni Kim.

"Hey, Steffi! Stop right there! Aaaah!" sigaw ni Kim.

Pagkalingon ni Steffi, nakita niya itong nakaupo. Natapilok ito dahil sa suot nitong sapatos na mataas ang takong. Naisip ni Steffi na tulungan na lang itong tumayo pero pinilit nito na tumayo mag-isa.

"Ano ba'ng problema mo? Bakit mo ba kasi ako hinahabol? Natapilok ka tuloy."

"Let's talk. For your information, ngayon lang ako natapilok at dahil 'yon sa 'yo kaya kailangan mong bumawi sa 'kin sa ayaw at sa gusto mo."

"Okay. Tara. Saan mo ba gustong mag-usap?"

"Follow me."

Naisip ni Steffi na sa imbis na takbuhan ang problema ay harapin na lang iyon. Wala rin naman magbabago kung tatakbuhan niya 'yon dahil lalo lang siyang guguluhin noon. Pumunta sila sa lugar kung saan naka-park ang sasakyan ni Kim at pumasok sila sa loob.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. What's your connection with Jico? Bakit kayo magkasama? Are you a spy or what?"

"Walang meron sa 'ming dalawa."

"Liar! I know that something is up. What is it?"

"Alam mo naman palang meron, magtatanong ka pa. Ayoko ngang sabihin sa 'yo."

"Aagawin ko si ZAC kapag hindi mo sinabi."

"Edi agawin mo. Sa 'yong sa 'yo na siya, Kim."

Hindi makapaniwala si Kim sa mga nagiging sagot sa kanya ni Steffi. Parang ganoon lang kadali para kay Steffi ang mga bagay bagay.

"You're not even affected? Magpasalamat ka na lang dahil hindi ko alam. Oo nga pala, siguraduhin mo lang na hindi ka pupunta sa party mamayang gabi o ibubunyag ko sa lahat na may tinatago ka at may hidden agenda kayo ni Jico."

"Wala naman talaga akong planong pumunta. May sasabihin ka pa ba?"

"You're really something, Steffi. Malalaman ko din ang mga tinatago mo. Sige na, pwede ka ng umalis. Wala din naman akong napala sa 'yo."

Asar na asar si Kim. Akala niya pa naman ay magagamit na siya pang-blackmail dito pero magaling magtago si Steffi. Magaling din siyang umiwas sa mga tanong niya.

Mahuhuli din kita, Steffi. Abangan mo lang.

Lumabas si Steffi sa sasakyan ni Kim at umuwi na. Nakita niya si ZAC na nasa labas ng bahay pero parang wala lang siyang nakita at dumire-deretso lang siya sa loob. Agad rin naman siya nitong sinundan.

"May ginawa ba siya sa 'yo?" tanong ni ZAC sa kanya.

"Wala. Wala kang dapat ipag-alala."

"Sigurado ka?"

"Oo. Maiba lang, nanggaling ako sa school para tignan ang resulta ng exam. Nanalo nga pala ako sa pustahan kaya ligpitin mo na ang mga gamit mo at umuwi ka na sa inyo. Kung gusto mong makasiguro na totoo ang sinasabi ko, pwede kang pumunta doon."

"Ayoko."

"Hindi ka pa din talaga nagbabago. Tingin mo maloloko mo ako, ZAC? Oo, nagbago ka sa mga ginagawa mo pero sa—"

"Aalis ako sa isang kondisyon, Steffi."

"Ano 'yon?"

"Magbabakasyon tayo na tayong dalawa lang at hahayaan mo ako na tustusan lahat ng mga kakailanganin mo."

"Payag ako na magbakasyon kasama ka pero 'yong susustentuhan mo ako? Hindi. Ayokong magkaroon ng utang sa 'yo. Kaya kong mabuhay kahit na hindi mo ako tinutulungan."

"Sige. Kung ayaw mo, magtrabaho ka na lang sa shop ni Zavier."

"So it's a deal," nakangiting sagot ni Steffi.

Nagtaka si ZAC kung bakit ngumingiti na naman ito nang dahil lang doon. Pakiramdam niya ay masaya pa ito na mahihiwalay siya sa kanya. Nagtataka rin naman si Steffi kung bakit madali niyang napapayag si ZAC na bumalik sa pamilya nito.

"Okay lang sa 'yo? Bakit ka pumayag?" tanong ni Steffi.

"Kasi 'yon ang gusto mo at pinagbigyan lang kita. Sa susunod, ako naman ang dapat mong pagbigyan sa gusto ko."

"Okay. Sige na, magligpit ka na ng gamit mo para makabalik ka na sa inyo."

Agad na iniligpit ni ZAC ang mga gamit niya at matapos iyon ay umalis na ito. Noong siya na lang mag-isa sa bahay, napahiga siya sa kama. Magaan ang pakiramdam niya ngayon na mag-isa na lang siya doon. Pakiramdam niya kasi ay mas malaya siya sa tuwing wala doon si ZAC.

Masaya din siya dahil nanalo siya sa pustahan nila ni ZAC pero para naman siyang natalo sa mga bagay na nabanggit sa kanya ni Jico.

Siguro ay masyado akong naging kampante at careless kaya nahuli ako.

Napapaisip siya sa alok ni Jico sa kanya. Kung tutuusin, kaaway ni ZAC si Jico kaya gusto siya nitong tulungan. Wala rin namang mawawala pa sa kanya dahil walang wala na siya at siya ang higit na makikinabang sa alok nito na makipagtulungan sa kanya pero naisip niya din ang mga pwedeng gawin ni Jico sa kanya na hindi maganda. Sa ngayon, hindi pa siya nakakapagdesisyon kung makikipagtulungan ba siya kay Jico o hindi.

Continue Reading

You'll Also Like

34.5K 7.7K 24
The C.U.P.I.D. Boyband Series Book 2 Si Cyril Dagohoy, also known as Cara Dubleda, ay isa sa pinakasikat, in-demand at magagaling na androgynous mode...
28.3K 557 41
"Hindi ako kailan mai-in love sa isang lalaki hanggat buhay pa ako," ang malakas na anunsyo ni Sunmi gamit ang megaphone sa buong paaralan. Ok? Sabih...
99.6K 5.4K 26
C O M P L E T E D --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng k...
220K 5.3K 40
What if main-love ka sa best friend mo at alam mo na dahil sa nararamdaman mo maari itong makasira ng friendship niyo? Ganito ang nangyayari kay Audr...