Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

Von chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... Mehr

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VII. "Finding Nessy"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"

2.4K 123 10
Von chasterrassel


Mukhang hindi na pala kami mahihirapan sa paghahanap dun sa Baryo Daang Matuwid, dahil dun pala ang probinsya nitong si Marco. How convenient! Ngayon, siya iyong katabi ni Mayor sa harap; nandun din si Allen.

Nasa may expressway na kami.

"Sandro, ano ba itong stereo ng van mo! Bat ayaw sumindi?"

"Mayor pasensya na, may topak nga pala iyan nakalimutan ko."

"Hmph! Sa yaman mong tao, ni di mo man lang naisipan na ipaayos 'to o palitan? Ha?"

"Nawala sa isip ko eh, ehehe."

"Bwiset!"

"Mayor, dito po sa cellphone ko maraming kanta, gusto niyo po ako na lang magpatugtog?"si Allen.

"Siguraduhin mo lang na matino iyang tugtog mo."

Ilang seconds lang ang lumipas, nagplay na nga ng kanta si Allen mula sa phone niya, iyong "We Don't Talk Anymore" ni Charlie Puth.

Nagkatinginan kami bigla ni kumag. Hmph, ganda rin naman kasi ng song choice niya. Parang tiniming talaga, pang-asar lang.

Agad din kaming umiwas. Pilit ko na lang dinedma, pero ano ba naman kasi 'to! Supposedly, wala na dapat akong nararamdam na kahit ano. Pero bakit ganito? Hindi ako kumportable sa mga nangyayari. It feels like I'm being tortured!

"Mayor, pwede po ba tayong huminto sandali sa gas station?"si Gracielle.

"Magsi-cr lang po kami,"dagdag ni Lanie.

                                                                               #

Pumayag si Mayor na magstop over kami sandali sa gasolinahan. Bukod dun sa dalawang girls, bumaba rin sina Marco at Jomar para bumili raw ng mangangata. Mayamaya, nagdecide ako na bumaba para magcr rin. At last! Kahit ilang minuto man lang, malalayo ako sa kumag!

Pagpasok ko, tila solong-solo ko iyong restroom. Pumunta na ko sa isa sa mga stall, para gawin iyong dapat kong gawin. Nang makarinig na lang ako bigla ng umuungol; iyong tipo ng ungol na parang may milagrong ginagawa lol.

Nakakaasiwa na nakakairita, pero dinedma ko na lang. Bago pa man ako matapos, nakarinig naman ko ng tunog na parang bumukas na pinto. Napalingon ako, at nakita kong bukas iyong pinto nung isa mga cubicle; may lumabas na dalawang lalake.

Nahuli nila na nakatingin ako sa kanila; nginisihan naman nila ko, with matching kagat ng labi! Packing tape naman oh, balak pa ata kong pagtripan ng mga 'to!

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila, sa wall na lang ako humarap. Pero pumunta naman sila sa magkabila kong side, pinagitnaan nila ko! And no, hindi nila ginawa iyon para umihi, dahil iba iyong ginawa nila! Nabigla na lang ako nang ibuyangyang nila sa akin iyong mga "okra at patola" nila.

Binilisan ko na, tapos sinara ko na iyong zipper ng pantalon ko para makaalis na ko. Pero nang papunta na ko sa labasan, hinarangan nila ko.

"Pare sandali lang, huwag ka munang umalis,"ngingisi-ngising sambit nung isa.

"Oo nga Pare, bonding muna tayo,"dagdag pa nung kasama niya, tapos ngumisi rin.

Wala ako sa mood manggulpi ngayon, pero pucha! Kapag ako hindi tinantanan ng dalawang 'to, iba ang matitikman nila mula sa akin! Hmph!

Napatingin ako sa likuran nila, nakita kong pumasok si Kumag. At sumunod pa 'tong isang 'to.

"Sige na pare, pabigyan mo na kami."

Mas lumapit sa akin iyong isa.

"Oh sige ganito na lang, magkano ba gusto mo?"

Mas nabwiset ako sa tanong na iyon! At may kasama pa nga pala iyon na pagpapagapang nung isang hintuturo niya, sa dibdib ko!

"Sorry mga brad!"biglang bulalas ni kumag.

Napalingon sila sa kanya. Pumunta naman siya sa tabi ko.

"Pero may nakabooking na kasi sa kanya. First come, first serve,"hirit niya, with matching akbay pa sa akin.

Napanganga na lang ako sa kanya.

"Bae, sorry nalate ako ha, let's go,"

At nagulat na lang ako, nang kaladkarin ako ng kumag papasok sa isa sa mga cubicle! Sinara at nilock niya iyong pinto. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin; pero ayaw niya kong bitiwan, instead sapilitan niya kong pinaupo sa toilet bowl. At napaupo naman ako.

"Oh, ano pang hinihintay mo? Maghubad ka na!"

"Ha?"

Nanlaki na lang ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Ang mas nakakabeastmode pa, ang lakas nung pagkakasabi niya; halos umalingawngaw sa buong restroom! Pero at the same time, kinabahan din ako.

At mas lalo pa kong nagfreak out sa sunod niyang ginawa; binubuksan na niya iyong belt niya!

"Tarantado ka—"

Pabulong iyong pagkakasabi ko nun, pero napahinto ko; hindi pala kasi kagaya nung iniisip ko, iyong gagawin niya. Kinalas lang niya iyong belt, at pinakalansing iyong bakal nito. Dun ko lang nagets kung ano iyong trinatry niyang gawin.

"Ahh...Shet bae! Ang sarap mo...ahh...ahh...!"

At natigilan na lang ako.

"Ahh...Bae, ang laki ng iyo...Wasak ako dito bae! Shet...Ummph..."

Nawala bigla iyong badtrip ko, at napatakip na lang ako ng dalawang kamay ko sa bibig ko. Promise! Mamamatay ata ako sa pagpipigil ng tawa ko, sa pinaggagagawa ng kumag na 'to!

"Ahh...ohh...ahh..."

Mayamaya, huminto na rin siya sa kakaungol. Tapos sumilip siya sa labas.

"Iyan, wala na iyong dalawang manyak."

Humarap na ulit siya sa akin, at sinara na iyong belt niya.

"Oh, huwag kang mag-assume diyan na ginawa ko 'to para tulungan ka ha. Ginawa ko lang 'to, dahil naaawa ko dun sa dalawa; baka kasi pag-uwi nila, hindi na sila makilala sa kanila dahil sa gulpi."

"Hmph, wala naman akong sinasabi ah. Tabi ka nga diyan, dadaan ako."

Hindi siya tumabi; kaya pagtayo ko, sinagi ko siya para makadaan ako. Pagbukas ko nung pinto, nasagi ko ulit siya; naout of balance siya at muntikan pang mashoot iyong mukha niya sa bowl.

"Masarap ba, bae?"ngingisi-ngisi kong hirit, iyong ngisi na nang-aasar.

                                                                           #

Bumalik na kami sa van, kami na lang pala iyong hinihintay; kaya itong si Mayor eh nagwala na naman.

Pag-upo namin ulit, kinandong niya iyong bag niya(kanina nasa may paanan niya 'to). Nakakairita lang, mahaba kasi iyong bag; kaya pati iyong hita ko eh natatamaan nito, di tuloy ako makaupo nang maayos.

"Ano ba iyan, bakit di mo na lang kasi ilagay iyan sa likuran?"reklamo ko.

"Marami na pong nakalagay dun. Tsaka bakit ba? Eh sa gusto kong kandungin 'to, para may sapal ako."

"Sapal? Bakit nasa kama ka ba? Hoy! Wala ka sa bahay mo kaya—"

"Hoy! Kayong dalawang magjowa diyan sa likod! Itigil niyo iyang mga bunganga niyo, kung hindi tatadyakan ko kayo papalabas ng van na 'to!"

Nagulat at napalingon kaming pareho sa pagsigaw na iyon Mayor. M-Magjowa, t-tinawag niya kaming magjowa, sa harap ng mga bata! Alam kong tinotopak siya, pero naman! Ang dami niyang pwedeng sabihin, iyon pa talaga.

Pinagtitinginan tuloy nila kami. Iyong mga itsura nila, para silang nagpipigil ng mga tawa nila, except si Anton na nakatitig lang sa amin nang straight.

Kelaki-laki kong bulas, pero bigla akong nakaramdam ng hiya; feeling ko namumula na ata ko. Napatingin ako kay kumag, namumula rin siya. Pagtapos nun, natahimik na lang kami.

                                                                               #

Sa sobrang tagal ng biyahe, hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. Naalimpungatan na lang ako na sarap na sarap sa kinasasandalan ko. Mainit, pero sobrang kumportable sa pakiramdam; kaya siguro napasarap din ang tulog ko.

Pagdilat ko, nanlanki na lang iyong mga mata ko sa nakita ko! Tumalon din iyon dibdib ko! Iyong sinasandalan ko lang naman, walang iba kung di iyong dibdib ng magaling na kumag! P-Pero paano nangyari 'to?

Gusto kong umalis sa pagkakasandal sa kanya, pero may problema. Bukod sa nadadaganan nung bag niya iyong hita ko, nakadagan din iyong ulo niya sa ulunan ko; nakatulog din kasi siya.

Tumingin ako sa harap, tulog lahat nung mga bata. Good, sana lang walang nakapansin sa kanila na ganito iyong itsura ng mga instructor nila, kung di yari na!

Naalala ko, may isang tao nga pala na gising; dahil hindi siya pwedeng matulog. Si Mayor, napansin kaya niya 'to? Alam ko naman na medyo okay na sa kanya iyong lahat, pero ayaw ko pa rin na mailang siya sa amin.

Bumibilis tuloy iyong pintig ng dibdib ko dahil sa kaba. Oo! Kaba lang iyong reason, dahil wala naman na kong ibang dapat na maging reason pa!

Di ko naiwasan na mapatingin na lang ulit sa kanya. Dun ko naisip, bakit pala ginagawa ko pa 'tong big deal?

Okay Alessandro Monteballe, wala lang 'to sa iyo; maging casual ka na lang dapat. Kaso nakakangalay din pala(nakaslouch din kasi ko), tsaka ang bigat ng ulo ng kumag na 'to. So kailangan ko pa ring makaalis sa posisyon namin, at dapat magawa ko iyon nang walang ingay; para di magising iyong mga bata.

Napansin ko na hindi naman pala siya nakayapos sa bag niya; nakapatong lang iyong isang kamay niya dito(iyong nasa side ko), iyong isa pa nasa gilid niya naman.

So ang ginawa ko, dahan-dahan kong ipinatong iyong kamay ko, sa ibabaw nung kanya; para maiangat ko 'to sandali, at maitulak iyong bag.

Teka, bakit pala sa kamay? Ano ba 'tong ginagawa mo Sandro? Mas madali kung iyong forearm niya ang hahawakan mo.

Pinaggapang ko nga pababa iyong kamay ko papunta sa forearm niya, naiangat ko naman 'to agad. Dun ko na dahan-dahang itinulak iyong bag paharap, hanggang sa gumulong ito pababa sa paanan namin.

Medyo malakas iyong bagsak, akala ko magigising siya; pero hindi pala. Nakahinga na rin ako nang maayos, dahil libre na kong kumilos. Hindi na ko naghesitate na umurong palayo sa kanya, tapos umupo na ko nang maayos; sumubsob naman siya, at dun na siya nagising.

"Ano iyon! Anong nangyari?"napapakamot sa ulo niyang usisa, habang lumilingon-lingon sa paligid.

"Ewan ko sa iyo diyan,"sagot ko naman.

Kunwari ignorante ko, tapos tumingin na lang ako sa bintana.

                                                                             #

Matapos ang pagkahaba-habang biyahe, nakarating rin kami sa Baryo Daang Matuwid. Tumingin ako sa relo ko, alas singko na; inabot na kami ng hapon.

Ang weird lang nitong lugar, parang wala kasing katao-tao. I mean, isa itong baryo at hindi village na pang-elite; so dapat man lang, may nakikita kaming mga taong naglalakad-lakad, o kaya mga batang naglalaro sa daan.

Isa kong pang napansin, halos lahat ng bahay dito merong kulay yellow na drum container sa tapat nila. Basurahan? Hmph, may basurahan ba na todo sa pagkakatakip, at parang may lock pa ata?

"Hindi maganda ang kutob ko sa lugar na 'to, parang may mali dito,"si Mayor, habang patuloy siyang nagmamaneho.

"Marco, sure ka ba na tama itong napuntahan natin?"tanong ni Lanie.

"Sigurado po ko na ito iyong Baryo Daang Matuwid, pero tama si Mayor eh; may mali, dahil hindi ganito ang itsura ng lugar na 'to dati,"sagot naman ni Marco.

"Anong ibig mong sabihin Marco?"tanong ko naman.

"Magsigla po dati ang lugar na 'to, Master. Naalala ko, parang laging fiesta rito dati, at marami po silang mga palaro."

"Pero ngayon, parang ghost town na. Hmph,"si Anton.

Hmmm, may kakaiba nga bang nangyayari dito sa lugar na 'to?

"Sandro, tignan mo nga ulit iyong address na tinext ni Gigi sa iyo, nang malaman natin kung saan banda dito iyong bahay nung kapatid ng Madam Nessy."

"Mayor mas mabilis siguro kung ipagtanong na lang natin,"sagot ko.

"At saaan naman tayo magtatanong dito? Kita mo na nga na walang tao oh,"hirit ni kumag.

"Who knows kung may matiyempuhan tayo, di ba?"

"Mayor, ayun po may tao oh,"si Jomar, sabay turo nung kamay niya.

Meron nga, may mamang nagyoyosi sa bakuran ng isang bahay. Gaya nung sa iba, may drum din dun. Huminto kami sa tapat nito, at sumungaw si Mayor mula sa bintana.

"Brad, magtatanong lang sana; saan ba dito iyong bahay ni Nancy Balasi?"

Mula sa bintana ng kinauupuan namin ni kumag, natanaw ko na tila ang sama makatitig nung mama. Buti na lang at hindi na siya pinatulan nitong si Mayor. Ilang saglit lang ay sumagot na rin naman siya.

"Diretsuhin mo lang ang kalye na 'to, tapos kumaliwa ka sa dulo; hanapin mo dun iyong bahay na may karatula na leche flan for sale, iyon ang bahay ng mga Balasi."

Tumuloy na kami ulit. Tama naman iyong itinuro nung mama, dahil nakita agad namin iyong bahay na may karatula. Pansin ko, walang drum sa tapat nito.

Paghinto namin, kami na muna ni kumag ang pinababa ni Mayor. Kinailangan ding syempre na bumaba iyong mga batang nakaupo sa harapan namin, para makababa kami.

May doorbell naman iyong bahay, kaso si kumag iyong nakapawesto dun.

"Oh, ikaw na iyong natapat diyan, ano pang tinutunganga mo? Magdoorbell ka na."

Habang naghihintay, tumingin-tingin ako sa paligid. Napansin ko na may mga taong nakasilip mula sa bintana ng katapat na bahay. Nakangisi sila sa akin, pero iba iyong dating ng ngisi nila, iyong parang nang-aasar. Weird; kanina mamang maangas makatingin, ngayon naman eto. Ano bang klaseng tao ang mga nakatira dito?

Mayamaya pa, may lumabas na mula sa bahay. Isang babae na ang look eh gypsy girl din, parang si Madam Nessy. Ang naiba lang, mas maiksi iyong buhok niya tsaka mas dark iyong skin complexion niya. Mas bata rin siya.

"M-Magandang hapon po, nandiyan ho ba si Nancy Balasi?"tanong ni kumag.

"Oh, you're already looking at her beautiful face! Kaharap mo na siya, she's is none other than me!"

So siya na pala iyon; hindi lang pala sila sa pananamit magkapareho, pati rin sa way ng pananalita, hmph.

"Wait, ikaw ba si Sandro?"

Hindi sumagot si kumag, sabay tumingin siya sa akin. Napatingin din ako sa kanya, pero agad din akong lumingon ulit pabalik.

"Ahmmm, ako po si Sandro."

"I see, then that means ikaw si Baste?"

Tumingin siya kay kumag, at tinanguan naman siya nito.

                                                                                #

Pinatuloy niya muna kami. Malawak-lawak din iyong bahay nila. Pero medyo di rin nalalayo iyong itsura ng loob nito dun sa shop ni Madam Nessy. May mga weird at creepy din na display at decorations. Meron din malaking picture nung bungo na may isang mata, ang malupet eh nakaframe pa! Niyaya niya kami sa dining nila.

"Sinabi sa akin ni ate Gigi na darating kayo, and so naghanda ako. Go, kain na muna kayo, I'm sure na gutom na gutom na kayong lahat mula sa biyahe."

"Salamat po aling Nancy,"sagot.

"Ugh! Masyado mo naman akong ginagawang gurang, ate Nancy na lang!"

Naupo na kami, dahil gutom naman na talaga kami. Bilog iyong mesa nila. Bale magkatabi kami ni Mayor, iyong mga boys nasa magkabilang side namin; si kumag naman, nasa kabilang side nung mesa at pinagitnaan ng dalawa girls. Si ate Nancy, tumayo at pumuwesto sa likuran(at pagitan) namin ni Mayor.

"Ah, ate Nancy, si Mayor nga ho pala,"sambit ko sabay turo kay Mayor.

"Mayor? Ah! Siya pala iyong nabanggit sa akin ni ate Gigi na owner ng karate school na pinagtuturuan mo? Tama ba?"

"Opo, tsaka sila ho iyong mga bata na tinuruan ko: si Marco, Anton, Allen, Jomar, Lanie, at Gracielle."

Matapos ang introduction portion, nagsimula na kaming kumain. Masasarap naman iyong mga pagkain na nakaserve, puro native filipino food.

"Ay wait! May dessert pa nga pala kayo! Since nandito na rin kayo, di pwedeng hindi niyo matikman ang special leche flan ko."

Napansin ko na tumingin si ate Nancy sa pinto, na nasa bandang likuran namin.

Ah, Luis! Pakilabas naman iyong leche flan dito oh."

Ilang sandali lang, may long hair(naka ponytail) na lalakeng lumabas at may dala ngang tray ng leche flan. Lumapit siya sa amin sa mesa, at pumuwesto sa kabilang side ko. Di ko naiwasan na tumingin sa kanya.

Mukhang kaedad lang ata namin siya ni kumag, at may itsura ang isang 'to. Mestiso siya, at maganda iyong pagkatangos ng ilong. Sa mga mata naman, may pagkachinito rin siya; may kakaibang angas din ito, pero medyo malalim nga lang.

Makinis ang balat niya. Nakasuot lang siya ng itim na sando na medyo fit, at jersey shorts sa baba; kaya kita na matipuno rin ang pangangatawan niya. Kung ako ang tatanungin, hindi pang probinsyano iyong datingan niya.

"By the way everyone, siya nga pala si Luis. Siya ang aking helper at katiwala dito."

Ngumiti at tumango siya sa kanila. Nilapag na niya iyong tray ng leche flan sa mesa, tapos napatingin naman siya sa akin; nahuli tuloy niya na tinitignan ko siya.

"Luis, ito si Sandro, iyong nabanggit ko sa iyo kanina na karate instructor at alaga ng best friend ni ate Nessy. Then iyong other guy, siya si Baste, iyong co-instructor niya. Tapos ito si Mayor, iyong owner ng karate school. Tsaka iyong mga batang tinuturuan nila."

Tumingin ulit siya sa kanila, sabay tingin ulit sa akin; this time, ngitian na niya ko. Napangiti na lang rin ako.

"Ehem! Brad, iyong leche flan hindi mo ba iseserve?"boses ni kumag iyon.

Napaiwas na kami ng tingin sa isa't isa dahil dun, tapos sinerve na niya sa lahat iyong leche flan.

Pagkakain ng kanin, tinikman na namin iyong ipinagmamalaking leche flan. Masarap nga 'to! Hindi siya iyong typical na matamis lang, may kakaibang flavor siya na maasim-asim.

"Ate, masarap nga po 'tong leche flan niyo. Anong secret nito?"tanong ko.

"Hehe, secret nga di ba? So, I can't tell you,"iyon lang iyong naging sagot niya, na ngingisi-ngisi pa.

                                                                           #

Matapos naming makakain, itinuro na muna nila sa amin iyong mga kwarto na pwede naming tuluyan, at tulugan pansamantala. Wala raw hotel o inn sa baryo na 'to, kaya iyong magstay lang sa kanila ang choice namin.

Iyong dalawang girls, sinamahan ni ate Nancy sa kwarto ni Madam Nessy. Dun muna raw sila, since hindi naman daw niya 'to nagagamit; tsaka wala rin naman siya.

Kami naman na mga lalake, sinamahan ni Luis sa extra nilang kwarto. Gaya sa labas, ang weird at creepy din nung ayos dito. Tapos may isang malaking kama. Napansin ko rin na maluwag iyong space sa sahig.

"Pasensya na ho, iisa lang ho talaga kasi ang kama dito. Pero magdadala naman ho ko dito mayamaya ng mga extrang mattress, para may mahigaan iyong iba,"si Luis.

"Ayos na iyon. Iyong tatlo sa inyong mga bata, diyan na sa kama; iyong isa, tumabi na lang sa amin sa kutson,"si Mayor.

"Yes!"sabay-sabay na bulalas nung mga bata, except si Anton.

"Pero teka, sino sa atin iyong tabi kina Mayor?"si Jomar.

"Ako na. Total, kami naman iyong magkasundo eh. Di ba po Mayor?"si Anton, sabay tingin kay Mayor.

"Hmph!"

"Mayor, di po ba kayo masisikipan nina Master Sandro?"si Allen.

"Kung gusto niyo ho, iyong isa pwede rin dun sa kwarto ko. Double deck ho kasi iyong kama ko, at wala rin namang natutulog dun sa isa,"si Luis.

"Hindi na kailangan brad, okay na kami,"pasungit na sagot ni kumag.

Ano naman kayang problema ng isang 'to? Wala namang masamang ginagawa iyong tao sa kanya, sinusungitan niya. Pero parang okay din iyong suggestion ni Luis ah. Isa pa, hindi ko na gustong makasama pa ulit na matulog ang kumag na Ex-Men. Huli na iyong sa van kanina, now way na mauulit pa iyon!

"Sige Luis, ako na lang iyong sasama sa iyo,"nakangiti kong sambit.

"Ano! Bakit kailangan mo pang humiwalay sa amin?"bulalas ng kumag.

"At ano bang pake mo sa gusto kong gawin, ha?"sagot ko naman, sabay tingin sa kanya.

Hindi na siya nakahirit, napatitig na lang rin siya sa akin.

"Ewan ko sa iyo, bahala ka sa buhay mo San—"

Ay nadulas siya, tinangka ng loko na sabihin iyong pangalan ko! Haha! Naku, bagong kain pa naman kami; magiging masaklap 'to!

Ayun, napatakip na siya ng dalawa kamay sa bibig niya. Tapos tumakbo na palabas haha.

"Anong nangyari kay Master Baste?"si Marco.

"Wala iyon, naglabas lang ng sama ng loob,"ngingisi-ngisi kong sagot.

                                                                           #

Pumunta na kami ni Luis sa kwarto niya. Sakto lang iyong laki nito; pero mabuti naman at normal, tsaka matino iyong itsura. At ayos na ayos 'to, mukhang malinis sa gamit na tao 'tong si Luis.

Pumunta siya sa may gilid nung double deck na kama, at dinantay iyong siko niya sa may itaas.

"Dito ko natutulog sa taas, okay lang ba sa iyo dito sa baba?"

Sumunod ako sa kanya.

"Okay lang pre, eh ikaw? Sure ka ba na di ka maiilang na nandito ko?"

"Parang ako ata dapat iyong nagtatanong niyan ah. Bisita ka kasi namin, tapos sa kwarto ka ng boy matutulog,"napapangiti niyang sagot.

"Sus, hindi naman big deal iyon sa akin eh. Tsaka hindi naman ako maarteng tao,"sagot ko, sabay lapag nung mga gamit ko sa sahig.

Napatango na lang siya sa akin.

                                                                          #

Nagpapahinga na iyong mga bata. Si Luis, nagpaiwan sa kwarto. Kami naman nina Mayor at kumag, minabuti na kausapin na si ate Nancy. Nasa may sala kami at nakaupo.

"So ate Nancy, wala rin po kayong idea sa kung anong nangyari sa kapatid niyo?"tanong ko.

"Yes, actually nashock rin ako nung mapanood ko sa news iyong pagsabog sa shop niya.

"Hmph, hindi biro iyong ginawa dun sa shop niya. Mawalang galang na Nancy, pero sa tingin ko may katarantaduhang ginagawa iyang kapatid mo,"si Mayor.

"Excuse me Mayor, if what you mean eh may ginagawang illegal na eklabo ang sister ko, nagkakamali kayo; kilala ko si ate, at hindi siya ganun."

"Kung ganun, mukhang mahihirapan pala kami sa paghahanap sa kanya,"sambit ko.

"Ibig sabihin din nun, mukhang matatagalan din tayo sa ganitong sitwasyon,"si kumag.

"Oo nga pala, ang isa pa nga palang ipinunta namin dito eh iyong lunas para sa dalawang ugok na 'to! Matutulungan mo ba sila?"

"Oh, iyong sa Shut Up pills? Nabanggit nga rin sa akin ni ate Gigi iyan. Ano ba exactly ang naging problem?"

"Nagsusuka po kami..."si kumag.

"Everytime na magtatangka kaming magsabi ng kahit anong personal tungkol sa isa't isa."

"Ha? Bakit ganun? It's true na talagang hindi niyo na magagawang magsabi ng something personal, pero hindi kayo dapat nagsusuka. Wait, ilang pills ba ang nilaklak niyo?"

Nagkatinginan kami ni kumag, sabay tingin ulit sa kanya. Tapos ginamit ko iyong kamay ko, para sagutin iyong tanong niya.

"Lima? Omg! Nilabag niyo iyong rule!"

Napatayo siya bigla mula sa kinauupuan niya.

"There's a reason, kung bakit isa lang dapat kada isang tao ang dosage ng pills na iyon!"

"A-Ano po iyon?"si kumag.

"Kapag nagsobrahan, nagiging lason siya sa katawan. That is why nagsusuka kayo!"

Lason? Naloko na! Bakit ba hindi sinabi 'to sa akin ni Madam Nessy nun?

"M-May antidote naman po siguro iyong pills, di ba?"si kumag.

"Yes, meron. Kaso wala kaming stock nun dito, nasa shop lahat ni ate."

"Eh ate, wala na pong mapapakinabangan dun ngayon; lahat nasira na nung pagsabog. Hindi po ba pwede na gumawa na lang kayo? Kahit magkano po, magbabayad ako,"sambit ko.

"Iyon na nga iyong problem iho eh, ang ate Nessy lang ang nakakaalam nung ingredients nun."

Patay tayo diyan! As in literally, patay kami! Kapag hindi namin mahanap sa lalong madaling panahon si Madam Nessy!

"Wala na tayong pagpipilian, kailangan mahanap talaga natin si Madam Nessy. Ano, mga ugok?"

Napatango na lang kami kay Mayor. Napatingin ulit ako kay ate Nancy. Parang di siya mapakali sa pagkakatayo. Tapos nang mahuli niya na nakatitig ako sa kanya, napaiwas siya.

"Ate, bakit po? May problema pa ba?"usisa ko.

Napatingin siya sa akin.

"H-Huh? Ahmmm...Eh..."iyong lang ang naging sagot niya, sabay kamot sa batok niya.

"May hindi pa ba kayo sinasabi sa amin?"si kumag, at napatayo na rin siya.

"Well, like I said, unti-unti nang nalalason iyong mga katawan niyo. At habang tumatagal, mas lalala pa iyong epekto nito. So, baka hindi na kayo magkaroon ng sapat na time."

"A-Ano pong ibig niyong sabihin na sapat na time?"usisa ko.

"Ahmmm, gaano niyo na ba katagal exactly nalaklak iyong pills?"

"May apat na araw na po,"si kumag.

"I see...Sasabihin ko kasi sana na meron pa kayong 2 weeks, pero 10 days na lang pala."

"10 days?"usisa ko.

"Yes, 10 days bago kayo tuluyang matigok!"

"Ho!"sabay naming bulalas ni kumag.

At this time, pati ako napatayo na rin mula sa kinauupuan ko.



Weiterlesen

Das wird dir gefallen

686K 17K 60
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
61.9K 3K 29
Dahil sa renovation na ginagawa sa apartment na tinutuluyan nila Alison, nakiusap ang kanyang Mama sa kaibigang matalik na si Jenny na kung pupwede a...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
191K 10.3K 58
Noong imulat ko ang aking mga mata ay unti unting nag bago ang lahat, napag tanto ko na hindi lang tayo ang nakatanaw sa dako pa roon, hindi lang tay...