Kabanata 35:
Harvard Medical School, Boston, Massachusetts.
I've been waiting for almost a day outside this prestigious school but there's not even a single trace of Clyde here! I've asked some of the students if they happened to know him and all of them gave me the same answer – they didn't know him. What the fuck, right?
All of the students look so serious here. Tila lahat ay walang panahon para mag-joke man lamang. Ganoon ba talaga kahirap mag-doctor? I mean, all of them looks like they're in a hurry or something. Mayroong iilan akong nakikita na nakikipagtawanan sa mga kasama pero ang mga dala namang libro ay nakakalula sa kapal.
Ilang araw na puro ganoon ang ginagawa ko at nagmumukha na akong tanga! Tita Eli gave Clyde's number to me but he's not picking up any of my calls! And I swear, masasabunutan ko talaga si Clyde kapag nakita ko siya!
"Excuse me?"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Doc. Xander Saavedra na nakatayo sa harap ko. Sa sobrang tuwa ko ay nayakap ko siya at napaiyak na ako. He chuckles and tap my back and caress my hair.
"Ano'ng ginagawa ng pinakamagandang nurse ng TMH dito?" he cocked his brow as he led me to the nearest coffee shop just across the street.
Doctor Xander Saavedra is one of the youngest neurosurgeons in the Philippines, not to mention one of the best basta huwag lang siya huhusgahan base sa pananamit. He's a rugged –looking doctor and as far as I remember, he's only twenty-six.
"I'm looking for Clyde." I said after sipping on my hot chocolate. Alam kong kilala niya si Clyde dahil sa Telpace Medical Hospital ito nagtatrabaho. "How about you?"
He shrugged his shoulder. "Visiting my professors." He casually said. "So, nagkita na ba kayo? HMS was such a big place to look for him."
Naabuntong-hininga ako. "Iyon na nga. Hindi pa kami nagkikita. I've tried asking some of the students here if they happened to know him pero wala talaga. Iniisip ko tuloy ngayon na baka wala naman talaga siya rito."
"Wow! That's new! As far as I remember, siya ang palaging naka-buntot sa'yo. No offense meant but, bakit nagkabaligtad na yata ang mundo?"
Close ba tayo? Gusto kong itanong sa kaniya. Hindi naman kasi talaga kami nag-uusap ng ganito ng isang ito at mabibilang sa daliri ang pagkakataong nagkausap kami noon sa ospital.
"Chismoso ka pala, Doc." I sarcastically said to him which made him smile. Damn! He's really handsome. Ang usap-usapan sa ospital ay may kakambal raw ito. I wonder if they're identical too like Clyde and Dwight.
"Hindi naman. Pero kapag interesado ako sa isang bagay, my ears and eyes are always open." Makahulugan nitong sagot na hindi ko ikinatuwa.
Hindi ako manhid sa mga ganoong salita dahil hindi ko na mabilang kung ilang lalaki na ba ang nagpahiwatig sa akin ng pagkagusto mula nang magkaisip ako.
"Can you help me find him?" binalewala ko ang sinabi niya. I don't want to entertain that thought.
"And why is that?"
"Because I needed some help?" konti nalang at bubuhusan ko na siya ng iniinom kong hot chocolate sa sobrang dami niyang tanong and he seems like he's enjoying interrogating me.
"Why do you want to see him so badly, Mary Amber Amorsolo?" Nanlaki ang mga mata ko. I was surprised that he knows my full name. Konti lamang kasi ang nakakaalam niyon lalo na at hindi ko naman isinusulat ang 'Mary' sa pangalan ko. Maliban na lamang kung importante talaga. And no one calls me by my full name!
"Dahil may mahalaga kaming pag-uusapan!" tumaas na ang boses ko dahil nauubusan na talaga ako ng pasensya sa lalaking ito.
"I'll help you in one condition." He said cheekily.
"What is it?"
"Let's have dinner later." and he winked. he's not cute at all, I swear and he's starting to get into my nerves.
"Seriously?" I almost rolled my eyes at him. "Paano kung hindi ako pumayag?"
"Hindi kita tutulungan. That simple." He shrugged his shoulders. "Wala ng libre sa mundo, Mary Amber. And if you really want to see him, kailangan mong pumayag sa gusto ko." Tapos ay tumayo na ito matapos sipatin ang relong pambisig.
"T-teka! Saan ka pupunta?" natumba pa an gang baso ng kape ko ng tumama ang hita ko sa lamesa dahil sa biglaang pagtayo. Mabuti na lamang at hindi ako natapunan.
"I don't have all the time in the world, baby. And even though I would love to talk to you more, I just can't. May pasyente akong naghihintay sa akin sa Pilipinas at narito lamang ako para humingi ng tulong sa dati kong guro. Now, if you really want to see him, have dinner with me later bago ako bumalik ng Pilipinas."
Left me no choice, pumayag ako sa gusto niya. Xander is the only person who can help me find Clyde at the moment. There's no harm done with one dinner, I guess?
Sa loob, hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa laki ng eskwelahan. At kung hindi lamang ako natatakot na mawala at maiwan doon ay baka mas napagmasdan ko pa ang paligid. Si Xander kasi, kung maglakad ay akala mo pareho kaming mahaba ang legs. I was half running because of him!
Sa loob ay itinuro sa akin ni Xander kung saan maaaring naroon si Clyde. He gave me an hour to roam around and look for Clyde.
"Pagkatapos ng isang oras at wala ka pa, I'll assume that you've already find him." That was his last words before we parted.
Mabilis kong pinuntahan ang lugar na itinuro ni Xander and silently thank God when I saw Clyde with his – I think – classmates. I stood still and watch him with a heavy heart. Sobrang miss ko na si Clyde. For almost a year, ngayon ko lang ulit siya nakita.
Slowly, I took my steps towards him. Sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay dumodoble ang tibok ng puso ko. I can also feel my knees turning into jellies while the distance between us gets closer and closer.
Napahinto ako sa paghakbang nang may isang blonde na babae ang yumakap sa beywang ni Clyde at binigyan siya ng halik sa pisngi. Nagmarka pa ang lipstick nung babae sa pisngi ni Clyde na mabilis pinahid ng huli.
"What the heck, Hannah?" Reklamo ni Clyde na tinawanan lamang noong tinawag nitong Hannah.
I miss Clyde's voice so bad.
Nang mapansin ako ng isa sa mga lalaking kausap ni Clyde at mapalingon sa akin si Clyde ay tila huminto sa pagtibok ang puso ko.
His ocean-like eyes bore into mine with lack of interest. Tapos ay nagbawi siya ng tingin at may sinabi.
"Clyde!" I called his name loudly, making them stops from what they're doing. Nilapitan ko siya at mahigpit na niyakap na hindi niya ginantihan. Nasaktan ako roon pero alam kong deserve ko ang pagiging malamig niya sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kaniya sa ere.
Pinakatitigan ko siya at ginagap ang mga kamay niya. "Clyde, I'm sorry for leaving you but we badly need to talk." I said, almost pleading. Wala akong pakialam kung may nakikinig at nanonood sa amin. "Marami akong gustong sabihin... ipaliwanag sa'yo."
"Look, I don't have time for this –"
"Importante ito, Claudio!" I cut him off. Binalewala ko ang lamig ng boses niya.
Akala ko, masakit na iyong hindi kami nagkita ng labing isang buwan, na isipin ko palang na baka wala na akong babalikang Claudio ay parang sinasakal na ako. Akala ko rin, pinakamasakit na iyong nangyari sa amin dati kung saan muntik na kaming magkahiwalay pero hindi pala... may mas masakit pa pala doon.
"I'm sorry but I don't even know you, lady." He said flatly, leaving me dumbfounded.
"Have patience, girl." The blonde woman who kissed Clyde earlier whispered to me. "Clyde lost some of his memories months ago. I don't really know what happened to him. All I know is that he has amnesia."
***
A/N: Remember Xander? Hihi. Na-mention ko sya sa story ni Irv and Faye. Sana natatadaan nyo pa ang twin brother ni Alex a.k.a. Dodong. :)