The Secret Agent (COMPLETED)

By JayceeLMejica

408K 11.9K 2.9K

The Dela Fuente Brothers Book 4: Ahron Dela Fuente Ahron Dela Fuente is the most dangerous man among the Del... More

Season 1: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: 9
The Secret Agent: 10
The Secret Agent: 11
The Secret Agent: 12
The Secret Agent: End Game
Season 2: Prologue
The Secret Agent: 1
The Secret Agent: 2
The Secret Agent: 3
The Secret Agent: 4
The Secret Agent: 5
The Secret Agent: 6
The Secret Agent: 7
The Secret Agent: 8
The Secret Agent: One Sweet Day
The Secret Agent: 10
The Secret Agent: Finale
NEW STORY - The Other Side (Prologue)

The Secret Agent: 6

17.4K 619 147
By JayceeLMejica

N/N: 


In fairness naman sa The Photographer, 300k reads na siya!  Thank you guys sa pagbabasa mula noon pa sa kwento nila Ethan at Chance!  Kumusta naman ang buhay niyo so far?  Mabuti naman ba?  Nakahanap na ba ng isang Dela Fuente?  HAHAHAHA.  


Dedicated ang chapter na ito sa isa sa mga nagrequest sa akin sa PM na si jc2317, hope you'll enjoy this chapter!  Ime-mention ko rin si PrincessAngeline4 na siyang nauna sa comment box ko sa nakaraang update.  


The Secret Agent: 6


"I wonder if this fantasy is right."


NIKKO:


Hindi natuloy ang pagpunta namin sa dating kuta ni boss. Halos tatlong araw na ang lumipas simula noon at ngayon ay nasasanay na ako sa buhay sa loob ng mansyon ng mga Dela Fuente. Noong unang linis ko sa garden ay bumungad sa akin ang idolo kong si Paulo Dela Fuente, ang sikat ng bokalista ng bandang SemiSonic.


At may kahalikan siyang bakla.


Nagulat ito ng bigla niya akong nakita at agad na humiwalay sa kahalikan niya. "Excuse me pero sino ka?" Tanong ni Paulo sa akin at sinabi kong ako ang magiging house boy nila ayon na rin sa sabi ng kuya niyang si Ahron.


"Doesn't seem like it. Nice meeting you, Nikko. Hindi naman ako na-inform na manly pala ang type ng kuya ko." Aniya at sabay silang tumawa ng syota niya (ayon sa pagpapakilala niya rito).


Napahinga na lang ako ng malalim ngayon matapos ang alaala na 'yon at ipinagpatuloy ang paglilipat ng mga halaman mula sa paso papunta sa plant box. Habang nag-iisa ako ay panay ang isip ko sa mukha ni Ahron. Seryoso, ilang araw na akong hindi nakatulog dahil doon. Ewan ko ba at kapag lalo kong iniisip lalo lang din nawawala sa isip ko kung bakit.


"Aray, puta!" Sigaw ko ng matinik ako sa isa sa mga tangkay ng halaman. Nagdugo ito at agad ko itong sinipsip.


"Kulang ka sa concentration, Nikko. Ano bang iniisip mo?" Lumingon ako at nakita ko si Ahron na nakangiti at nakasuot ito ng puting sando at basketball shorts. Kitang-kita ang laki ng katawan nito. Lumuhod ito sa tabi ko at kinuha ang isang paso na nasa tabi at tsaka ipinasa sa'kin.


"I'll help you." Aniya at nag-abot ulit siya ng paso.


"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko, "Weekends ngayon at walang office pero kapag kailangan para sa isang duty o operation doon kami nagkakaroon ng lakad." Mabilis na sagot nito at napatango ako.


"Actually meron kaming operation mamayang 3:00 p.m. and mukhang gabi na ako makakabalik." Dagdag pa nito na kinunutan ko lang ng ulo.


"Hindi ko naman tinatanong." Pambara ko rito at nagulat ako ng bigla ako nitong pinunasan ng lupa sa mukha.


Tumawa ito ng malakas bago tumakbo papasok sa loob ng bahay. Hinabol ko ito at napigilan lang ng makita ko ang lalaking hindi ko kakilala. Lumapit ito kay Ahron at bakas sa mukha nito ang pagtataka.


"Why are you smiling? Nasapian na ba talaga kayong dalawa ni Kuya Howard?"


"It's none of your business, Ethan. Anong ginagawa mo rito? Kumusta na si Chance?" Sunod-sunod na tanong ni Ahron.


"Chance is alright. May pinapakuha lang rito si Kuya Howard na kailangan niya sa opisina. Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya, Kuya?" Tanong noong lalaki.


"Ah yes, meet Nikko; our new houseboy. Nikko, meet my brother, Ethan Race Dela Fuente." Nakipagkamay ako rito kahit kitang-kita sa mukha ko ang lupa na pinunas ni Ahron.


"Nice meeting you, Nikko. I didn't expect na magkakaroon kami ng houseboy." Sagot nito at ngumiti na lang ako bilang tugon.


Umakyat si Ethan Race sa taas at naiwan kaming dalawa ni Ahron. TUmawa pa ito ng makita ang itsura ko, "Maliligo na ako at kailangan ko ring maghanda para sa operation namin mamaya. Alam mo naman ang buhay agent, minsan nakakagago rin."


"Tse! Subsob kita sa lupa eh." Pabalang kong sagot rito at lalo siyang tumawa.


AHRON:


Good mood. Ayan ang salitang maide-describe ko simula noong pag-uusap namin kanina at pagpahid ko sa kanya ng lupa. Alam mong hindi pwede, Ahron.. This guy is a mess, kailangan niya munang o kailangan ko munang linisin ang threat sa kanya.


Hindi ko alam kung bakit gumagaan ang loob ko sa kanya araw-araw. Oo aaminin ko na bihira lang gumaan ang loob ko at huli ko pa ngang naramdaman ang ganito noon kay Chance.


You're not gay, Ahron.


Hindi ako bakla pero dapat ba akong tawaging bakla? Kapag ba gumagaan ang loob mo sa isang lalaki ibig sabihin bakla ka na? Sa tingin ko naman walang ginawang sobrang tuwid ang Diyos.


Nakarating ako sa DOS ng 2:45 ng hapon at nandoon na ang karamihan sa mga agents kabilang na si Magnus. Wala pa itong sinasabing plano tungkol sa mga gagawin namin para mahuli ang head ng sindikato kung saan involve si Nikko.


"Attention." Sigaw ni Head Agent Lorenz na nakatayo sa dulong lamesa ng naturang conference room.


Walang nagsalita ng sumigaw si Head Agent at ang tunog lang ng aircon sa loo bang maririnig, "We're going to a buy bust operation kung saan binebenta ang mga lamang loob ng mga batang nawawala." Paliwanag niya sa magiging misyon namin.


"Imi-meet ng grupo natin ang lider nila saktong alas-sais ng hapon. Bibilin natin ang mga lamang loob sa halagang 500,000. Iniutos sa atin ito ng Investigation Bureau at sila ang magbibigay sa'tin ng fake money."


Tumango-tango ang iilan, "Del Fiero, you'll be a back-up sa assigned agent na mag-aabot ng pera. Custodio, Lopez, and Rivera kayo naman ang bahala sa mga exits na pwedeng matakasan sa lugar." Tumingin na sa'kin ang karamihan dahil mukhang ako ang gagawa ng operation.


"Dela Fuente, ikaw ang magdadala ng pera." Tumango ako bilang pagtanggap s autos.


"Alright, darating ang service from about one hour. Be prepared."


**


Wala akong dalang baril at pinagsuot ako ng polong puti at mukha na akong may-ari ng isang malaking sindikato. Sa totoo lang hindi ko kayang sumabak sa misyon ng walang dalang baril, I cannot protect myself kapag wala 'yon.


"Dela Fuente, naghahanap pa lang ako ng paraan para ma-corner natin ang leader ng sindikato. Stay put ka muna." Ani Magnus habang nasa sasakyan kami.


"That's okay, nasa amin naman si Nikko ngayon." Sagot ko rito at napatango siya. "Kung hindi mo kayang bantayan siya sa bahay niyo, ibigay mo na lang siya sa'kin. I can provide anything na kailangan niya." Suhestiyon nito na ikinaismid ko lang.


"Shut-up, Del Fiero. Nakailang attempts ka na ba para makuha mo ang loob niya? Ayaw niyang sumama sa'yo, tanggapin mo na 'yon." Litanya ko at natahimik siya.


Hindi na ito muing kumibo hanggang sa unti-unti ng nawawalan ng tao sa loob ng sasakyan dahil bumaba na sila sa kung saan sila dapat pumwesto. Bumaba na si Magnus sa gilid bilang karelyebo ko kung mayroon mang mangyaring hindi maganda.


Natira ako sa loob ng sasakyan at malayo pa lang ay kita ko na ang isang van na may mga taong nakasuot ng itim na pantaas at yung isa ay nakasuot pa ng salamin. Dalawa silang nagbabantay sa likod ng van.


Bumaba na ako dala ang douffle bag na naglalaman ng pekeng pera, "Ikaw ba si Mr. Bustamante?" Ani noong isang nakasuot ng salamin.


Bustamante ang ginawang alis nila Head Agent.


"Yes. Nasaan na ang binibili ko?" Diretsahan kong tanong at yung isa ay nilabas ang isang malaking styro box. Tinanggal nito ang takip at bumungad sa akin ang iba't-ibang lamang loob ng tao na nasa ibabaw ng yelo.


Gusto kong masuka pero naguumapaw rin ang galit sa loob ko. Kawawang mga bata!


"Kaliwaan tayo." Suhestiyon noong nakasalamin at iyon nga ang ginawa namin. Pero pagkaabot ko pa lang noong bag ay bigla itong hinampas sa mukha ko.


"Alam na aming buy-bust 'to gago! Hindi magaling ang plano niyo, pulpol!" Sigaw nito.


Natumba ako sa lakas ng impact at titingin pa lang ako ng makita kong may baril na nakatutok sa'kin. Tumayo ako ng mabilis at hinarap sila.


"Ibaba mo ang baril mo at magtuos tayo ng lalaki sa lalaki!" Hamon ko don sa nakasalamin. Yung isa naman ay kinuha ang styro at sumakay sa loob ng van.


Itinapon nito ang baril nito sa kung saan at doon na ako sumugod. Aambahan ko ito ng suntok pero nakailag ito pero bigla kong naramdaman ang biglang sipa nito sa sikmura ko. Sumubsob ako sa lupa at tumama ng malakas ang braso ko sa semento.


Lalapit itong muli pero mabuti na lang at nakita ko ang baril na itinapon nito at itinutok sa binti niya para hindi siya makalad. Tumatakbo na rin si Magnus papunta sa van at makuha ang isang suspect. Nang makit ako 'yon ay ipinutok ko na ang baril at nakita kong tumama ito sa binti niya.


"AHHHHHH!" Sigaw nito habang nakabaluktot ang katawan sa lupa. Tumayo ako at naramdaman ang sakit sa katawan ko.


Itinutok ko pa rin ang baril sa isa pang binti nito at ipinutok ko ulit, "Wala kang awa sa mga batang pinatay mo!" Sigaw ko rito sabay tadyak pa sa parting binaril ko. Wala na siyang mahagilap na salita at nahimatay na sa sakit.


Lumingon ako sa likod at nakita ko ang bulto ni Magnus na kaladkad yong isang lalaki at nakaposas na. "Magpahinga ka na, Dela Fuente." Narinig kong sigaw ni Head Agent Lorenz mula sa malayo.


Dahil sa sakit ng katawan ay napagdesisyunan ko na nga ang umuwi. Gusto kong makita si Nikko at sabihin sa kanya kung gaano kasakit.


**


Wala na akong ideya sa mga nangyari. Medyo groggy pa ako ngayon at alam kong may naka-alalay sa'kin.


"IKAW?" Alingawngaw ng boses ni Nikko. Pinilit kong dumilat at nakita ko nga siya. Sa wakas!


"Yes ako nga, I'm Agent Magnus Del Fiero. Long time no see, Nikko." Sagot ng lalaking nakalaalalay sa'kin.


Tang ina mo, Del Fiero.


Wala na akong narinig na salita pero naramdaman ko na iba na ang brasong sinasandalan ko. Parang iniipit pa rin ang sikmura ko sa sakit. Bakit ngayon lang ako nasabak sa ganito? Akala ko ba sanay ka sa labanan, Ahron?


"Grabe ang pasa mo sa katawan. Tsk! Kukuha lang ako ng yelo para ipandampi sa pasa mo." Narinig kong wika ni Nikko. Dumilat ako at pinilit ko na hilahin siya na nagawa ko rin at napaupo ulit siya sa sofa kung saan ako nakahiga.


Wala sa hinagap na gagawin ko 'to. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya at bukod sa hilo at sa kung ano pang sakit ng katawan, naramdaman ko ang sinasabi nilang panaginip.


Ang sarap ng labi mo, Nikko. 


//COMMENTS// 

Continue Reading

You'll Also Like

137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
6.1M 122K 63
[ 𝐌𝐀𝐅𝐈𝐀 𝐐𝐔𝐄𝐄𝐍 𝐓𝐑𝐈𝐋𝐎𝐆𝐘 : 𝟏 ] She's not merciless and heartless for no reason. Highest Ranks: #1 in Action, #1 in Assassin, #1 in Mys...
792K 24.8K 29
The Dela Fuente Brothers Book 3: Howard Dela Fuente Howard Dela Fuente is a businessman, a psychotic manipulator, and a possessive heartthrob of the...
13.5K 863 47
If you were Park Jimin and Min Yoongi offered you a relationship, knowing that he's married, would you agree because he left you with no choice or be...