The Mermaid Princess (Complet...

By SuperBlueSpy

69.4K 5.7K 1.1K

(Complete) Did you ever notice na meron ding nakatira sa ilalim ng dagat maliban sa mga isda at iba pang lama... More

👑Prologue
👑Chapter 1: {The beginning}
👑Chapter 2: {Is this a dream?}
👑Chapter 3: {A new life}
👑Chapter 4: {The Pearl Princess}
👑Chapter 5: {First meeting}
👑Chapter 6: {The reality revealed}
👑Chapter 7: {New friend}
👑Chapter 8: {Birthday celebration/They meet again}
👑Chapter 9: {Luke's life}
👑Chapter 10: {The dangerous plan}
👑Chapter 11: {Golden crown}
👑Chapter 12: {The map and necklace}
👑Chapter 13: {The son of Elvyra}
👑Chapter 14: {Human world}
👑Chapter 15: {True Purpose}
👑Chapter 16: {Strange Things}
👑Chapter 17: {New found friend}
👑Chapter 18: {First plan failed}
👑Chapter 19: {What a coincidence}
👑Chapter 20: {Accident}
👑Chapter 21: {Ano raw?}
👑Chapter 22: {New found friend} (again?)
👑Chapter 23: {Second plan}
👑Chapter 24: {Anna's personality}
👑Chapter 25: {Lipat bahay}
👑Chapter 26: {Anna's side}
👑Chapter 27: {Daughter of lola}
👑Chapter 28: {Special Visitor}
👑Chapter 29: {My mission} part 1
👑Chapter 30: {Environmental fairy} part 2
👑Chapter 31: {I have magic???}
👑Chapter 32: {LQ na agad?}
👑Chapter 33: {He knew}
👑Chapter 34: {The truth}
👑Chapter 35: {Childhood of Marla} part 1
👑Chapter 36: {Feelings of Marla} part 2
👑Chapter 37: {Hindi na maitago}
👑Chapter 38: {May nagbabalik}
👑Chapter 39: {Ang pagkakaibigan}
👑Chapter 40: {Ang paglisan}
👑Chapter 41: {Ang bagong tahanan}
👑Chapter 42: {May namimiss?}
👑Chapter 43: {Ang muling pagbabalik}
👑Chapter 44: {Pag-amin}
👑Chapter 45: {The feelings}
👑Chapter 46: {Outing}
👑Chapter 47: {Picnic}
👑Chapter 48: {Payong kaibigan}
👑Chapter 49: {Ligawan na ba?}
👑Chapter 50: {I love you}
👑Chapter 51: {Tampuhan?}
👑Chapter 52: {The princess retuns}
👑Chapter 53: {Legendary Princess}
👑Chapter 54: {Sacrifice}
👑Chapter 55: {Pagbabalik buhay}
👑Chapter 57: {Another battle}
👑Chapter 58: {The finale}
👑Epilogue
Announcement!!!
Share ko lang
Last author's note

👑Chapter 56: {Bhyll's escape}

688 43 0
By SuperBlueSpy

{Bhyll's escape}

Third person's POV

~Dark kingdom~

"Ngayong namatay na yung taong yun, ngayon wala na akong pangpahin kay Ellaine para ibigay niya ang golden crown," bulong ni Elvyra sa kanyang sarili nang nandun siya sa royal chair nakaupo.

Maya-maya pa nga ay meron nang pumasok na alagad nila.

"Mahal na reyna, meron pong nanggugulo sa labas," saad niya.

"Papasukin mo siya at iharap sa'kin." At sandali pa nga ay pumasok na si Bhyll sa loob ng palasyo. At bumaba na si Elvyra sa upuan para lapitan si Bhyll.

"Anak," sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

Pero inalis lang ni Bhyll ito.

Matapos kasi ng pag-uusap ni Elvyra at Steve sa kweba noon ay hindi na niya muling nakita si Bhyll.

Kasi sumunod siya kay Ellaine na walang sinuman ang nakakaalam.

"Bakit mo ba pinapahirapan sila princess?"

At sa pamamalagi si Bhyll sa Dark kingdom ay alam na niya na anak siya ng isang Elvyra na pinakamasamang nilalang sa mundong ginagalawan niya.

"I just want the golden crown anak, pero hindi nila binibigay kaya napilitan akong saktan sila."

"Alam mo ba ang kasabihan na 'if it's not yours, then don't force to be yours?'"

"Pero I just want to rule this whole ocean just for you, son," sabi niya at pilit hinahawakan si Bhyll pero tinatabig lang niya ang kamay nito.

"Ang sabihin mo, just for your own self. Hindi mo iniisip ang iba ma."

Parang nahilom ang madaming sugat ni Elvyra dahil sa narinig.

Bhyll called her 'ma' at sa pagkasabi ni Bhyll yun ay unti-unting nag-iba ang aura ni Elvyra, magmula sa dark at nakakatakot niyang itsura. Naging light na lang at mukhang maamo na ang kanyang itsura.

"Anak!" sabi niya sabay yakap.

Hinayaan naman ito ni Bhyll dahil alam niya sa puso niyang nagbago na ang kanyang ina.

"Anak..." pag-uulit ni Elvyra na tumutulo na ang kanyang mga luha at para bang hindi niya ito nakita ng maraming taon.

"Ma," sabi rin ni Bhyll. At kumalas na si Elvyra sa yakap nila.

"Sorry anak, ang dami-daming pagkukulang ni mama sa'yo. Pasensya na anak," sabi ni Elvyra na nakahawak sa magkabilang pisngi ni Bhyll.

"Ma, mapapatawad lang po kita kung hihingi rin kayo ng tawad kay princess sa gulong ginawa mo."

"Oo anak hihingi ako ng tawad sa kanila, basta mapatawad mo lang ako."

Tuluyan na ngang nawala ang black magic na bumabalot kay Elvyra dahil sa kanyang anak. Si Bhyll ang susi ng kabutihan sa puso ni Elvyra.

Binuksan niya ang puso ni Elvyra at ipinaintindi na hindi lang ang golden crown ang dahilan para mabuhay siya.

She has a family to live with and to share their emotions together.

Pero ang hindi nila alam ay tahimik palang nanonood si Mora sa kanila.

"You!" sabi niya sabay turo kay Bhyll kaya napatingin silang dalawa kay Mora.

"How dare you make Elvyra like that? That is not Elvyra that I know.. She's not crying or maybe try someone to hug, and most of all her black aura has gone.. She looks different now, and that's because of you!"

"Mm, madam sorry po pero she deserves to be a good person and correct her mistakes."

"I can't believe you could do this to her! Guards! Arrest him!" Sumunod naman mga alagad nila.

"Hindi po akong masamang tao madam!" sigaw pa ni Bhyll pero tinangay na siya ng mga gwardiya.

"Anak!" Hahabulin na sana ni Elvyra si Bhyll ngunit pinigilan siya ni Mora.

"Pano mo nagawa 'to sa anak ko?" mangiyak-ngiyak niyang saad.

"He deserve that because of what he did to you."

"He don't deserve that.. Kundi ako, kulang pa nga ang pagkakakulong na kabayaran sa ginawa ko."

"But you are the Dark Queen.. You can do anything."

"Kaya nga I order you now to release my son."

"Oh you know I can't do that. He changed you, and that deserves a punishment."

Hindi na alam ni Elvyra kung saan niya huhugutin ang lakas niya para makipagsagutan pa kay Mora na wala lang din namang patutunguhan.

***

~Pearl Kingdom~

Kumakain naman na sila Ellaine ng tanghalian sa dinning table.

Nang may naalala si Ellaine.

"Ehm, ina meron palang matanda na napagkamalang anak niya ako."

"Sino naman siya?"

"Lola ko po siya," sagot naman ni Luke.

"Sabi pa niya na nahulog daw ang anak niya sa barko at Lenabell daw ang pangalan."

"Mommy..."

"Mommy mo po siya?"

"Oo, maraming taon na ang nakakalipas nang nahulog ako sa barko."

"Bakit po kayo nakaligtas? At pano po kayo nahulog sa barko?"

"Lilipat sana kami noon ng tahanan ngunit dahil sa pagiging curiosity sa paligid ko ay sinubukan kong puntahan ang magandang parte ng barko na yun at ang harapan nito. At dahil dun ay tumakas ako kay mommy at pumunta sa harapan ng barko. Pero dahil sa security na humabol sa'kin ay nadulas ako sa barko," paliwanag niya.

"Pano po kayo nakaligtas?"

Nang tinignan ni Lena si Edo.

"Iniligtas ako ng isang sireno na hindi ko inaasahang gagawin niya."

Nang sumingit naman si Edo sa pag-uusap nila.

"Nabihag niya na kasi agad ang sireno kaya siya niligtas.. Eh maganda inay mo."

Nagtawanan na lang sila.

Nang sandali pa ay dali-dali nang pumunta si Steve sa kinaroroonan nila Ellaine na kumakain ngayon ng tanghalian.

"Ellaine, may masamang balita."

Nabigla naman si Ellaine dahil sa biglaang pagdating ni Steve sa gitna ng tawanan nila.

"Pasensya na sa istorbo sa inyong pagkain, pero pwede ka bang makausap Ellaine," tanong ni Steve na tumingin kay Ellaine.

"Sige po," sagot ni Ellaine at sumama kay Steve sa magic room.

"Ano po yun?" tanong ni Ellaine nang makarating na sila sa magic room.

"Si Bhyll!"

Nagpanic naman na si Ellaine dahil sa takot ng pananalita ni Steve.

"Ha?! Ano pong nangyari sa kanya?"

"Kinulong siya ng ina-inahan mo noon."

"Kinulong siya ni mommy Mora?" tanong ni Ellaine at tumango lang si Steve.

"Pero bakit? Kilala ko si Bhyll at hindi siya makakagawa ng kasalanan!"

"Ellaine, kailangan nating iligtas ang aking apo!"

"Lulusubin natin sila.."

"Pero hindi pa tayo nakahanda ng mga lalaban!"

"Lulusubin natin sila ng tayo-tayo lang."

"Huh? Pano natin sila malalabanan? Makapangyarihan sila Ellaine. Hindi natin sila kaya ng tayo-tayo lang."

"'Di ba sabi niyo na ako ang taga pagligtas niyo? Then I'll show you na ako talaga ang tagapagligtas niyo."

"Naniniwala ako sa kakayahan mo Ellaine."

***

"Kailangan po nating labanin ang Dark kingdom!" seryoso pero matigas na sabi ni Ellaine.

"Huh? Bakit naman biglaan anak?" tanong ni Edo.

"Ikinulong po nila ang kaibigan ko at pamilya na rin."

"Kung ganun, ano na ang plano mo ngayon anak?" tanong naman ni Lena.

"Pupunta tayong lahat sa Dark kingdom at labanan sila,"

"Huh? Meron naman tayong mga tagapaglaban para ipadala at hindi na lang tayo pupunta," saad ni Lena.

"Kailangan ko pong patunayan na ako nga ang sinasabi niyong nakatalagang tagapagligtas niyo."

"Sige kung 'yan ang plano mo anak," sabi naman ni Edo.

***

Kinabukasan ng gabi

~Dark kingdom~

Nasa kulungan na ngayon si Bhyll na mag-isa at walang sinag ng araw na makikita.

'Bakit ko ba kasi kailangang maranasan 'to!' wika ni Bhyll sa kanyang sarili.

'Sana, ayos lang sila Princess at si mama.'

Nakayuko na siya sa kanyang kulungan nang meron siyang narinig na lumangoy patungo sa kinaroroonan niya.

Pero hindi siya tumingin at inakalang mga alagad lang din yun ni Elvyra noong masama pa siya at ngayon ay si Mora na ang may kapangyarihan sa Dark kingdom.

"Bhyll!" Nagulat siya sa narinig niyang boses. Boses yun ni Ellaine.

Kaya bigla niyang inangat ang ulo niya at nakita niya ang Pearl King and Pearl Queen at pati na rin si Steve pero hindi niya inaasahan na makikita niya ngayon si Luke na kasama nila ngayon.

"Bhyll, huwag kang mag-alala. Ililigtas ka namin dito," sabi ni Ellaine at sinususi ang kandado ng kulungan ni Bhyll.

"Pano kayo nakapunta rito?"

"Hindi na mahalaga yun ngayon. Ang importante ay maligtas ka."

Pagkasabi yun ni Ellaine ay nabuksan na niya ang kulungan ni Bhyll.

Bigla naman yinakap ni Bhyll si Ellaine pagkabukas niya ng kandado.

"Ehem," sabi naman ni Luke at pinaglayo sila.

"Ay, sorry princess.. May nagseselos na eh."

"It's okay. Yung nandyan lang naman ang seloso," nagpaparinig na sabi ni Ellaine. "Wala namang malisya kung magyakapan tayo kasi magkaibigan naman tayo," pagpapaliwanag ni Ellaine.

"Oo na, halina kayo," sabi ni Luke at nauna nang lumabas.

"Nainis?" tanong ni Bhyll at sumunod na sa paglangoy kay Luke at sumunod lang din sila Edo, Lena at Steve.

"Ewan dun, ang gulo rin kasi niya."

At saktong paglabas nila sa madilim na cave ay nagulat sila sa nakita nila.

***

AN:

Votes and comments are highly appreciated.

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 442 48
Ito ang kanilang huling hakbang patungo sa matagal ng inaasam na kaligayahan.
256K 4.8K 46
ITS ALL ABOUT THEM, THEIR IDENTITY, THEIR SKILLS, THEIR HISTORY AND THEIR WORLD. IT IS ALL ABOUT THEIR MOST HIDDEN SECRETS THAT CANNOT BE KEEP IN TOU...
4.4M 111K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
20.3K 488 47
Isang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niy...