"you must be cloud montero.. hmm.. not bad"
napatingin ako sa babaeng nagsalita na papalapit sa direksyon namin, may hawak syang baseball bat, may kasama din syang apat na babae.
sa itsura at hawak nya palang alam ko na, na sila ang may gawa ng pang mmurder sa sasakyan ko. psh.
tinignan ko sya ng masama.
"call the guards now cryst, at jillian pakialis ang lahat ng nanonood"
pinasadahan ko ng tingin ang outsiders.
"who the fucking are you? and why the hell did you do this to my car?"malamig na tanong ko sa babaeng kaharap ko.
"parating na ang guards"sabi ni cryst na matalim din ang tingin sa outsiders
mula sa pagkakapatong sa balikat ibinaba nya ang baseball bat at itinuktok sa lapag saka maarteng naglakad hanggang huminto sa harap ko.
"i'm shin buenaventura"
*pak!*
napabaling ako sa lakas ng sampal nya.
"ganyan ang ginagawa ko sa taong mang-aagaw"
napansin ko naman agad kumilos ang kampon nya, at hinawakan sila jillian at cryst.
"what the fuck? let me go!"hiyaw ni cryst.
"tangina makawala lang talaga ako uubusin ko lahi nyo"jillian
i bit my lower lips, hindi pwedeng lumaban kami dahil panigurado--
*pak!*
fuck!
pakiramdam ko ang lapad ng pisngi ko at namamanhid na din.
i lick my lips, lasang dugo.
"stay away from my girlfriend"
huminga ako ng malalim saka isinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko, saka sya tinignan sa mata.
i smirked
"oh ow"cryst/jillian
"wrong move"
buong lakas ko inihampas ang hawak kong side mirror sa mukha nya, napasalampak sya sa sahig at nagtititili sa sakit. ha! take that!
"cloud!/bessy!/ms. shin!"
mabilis na sumugod sakin ang apat, pero naharangan agad nila jillian ang dalawa, kaya naman ang dalawa pang asungot sumugod sakin, dalawa silang sabay na susuntok pero nahawakan ko ang mga kamao nila sabay pilipit papunta sa likod nila, iaangat ko pa sana ang kamay nila hanggang sa mabalian sila ng buto pero nakarinig ako ng may pumito at wang wang.
napatingin kami sa may kaedarang babae pero maganda na nakablack dress at may hawak na megaphone.
mom..
"LAHAT KAYO! IN MY OFFICE NOW!"
----------------------------------------------
*crystal's pov*
sakit ng kamao ko, tragis kasi ang titigas ng mga mukha argh! bwisit!
nandito kami sa may guidance office, napag-gigitnaan ako ni jillian at cloud na hanggang ngayon ay tahimik at sa itsura palang halatang gusto nyang patayin ang apat, ganyan sya sa twing may bumastos o nanakit sakanya physically, but it depends kung gano kalaking kasalanan ang nagawa mo sakanya. para syang di tao pag ganyan. in short "halimaw"
"what really happened?"masungit na tanong ni tita amelia, mommy ni cloud
walang sumagot, of course di ako magtatangkang mag salita, nakakatakot kaya si tita.
napatingin ako sa katapat namin, pfft! da pak? namamaga ang mukha ng babae.. shin ata ang pangalan.
"so walang sasagot? pare-parehas kayong mapaparusahan ng mabigat, kapag di nyo sinabi ang nangyari."
"go ahead madam, as if i care for this shit"malditang sagot ni basag mukha
"aba't bastos tong hayop nat--"
"stop jillian"tita
siniko ko si jillian, "namo ka manahimik ka nalang kung ayaw mong mabalatan tayo ng buhay dito"inis na bulong ko.
kinuha ni tita ang phone nya"hello? is this mr. lacasa from *** university?"tumingin si tita sa apat at ngumiti ng nakakaloko, yung apat naman parang pumapak ng suka sa sobrang putla ng mukha haha.
-----------------------------------
"bessy are you okay?"bakas kay jillian ang pag aalala kay cloud.
naglalakad kami ngayon papuntang parking lot, dahil sira ang kotse ni cloud kami na ang maghahatid sakanya sa condo nya, at doon na din kami mag s-sleep over.
yung apat na buringot busy pang magmakaawa kay tita, hayyy~ bago kami makaalis binigyan pa kami ng katakot takot na sermon ni tita. sa pakikipag away namin may chance kami di makagraduate, buti nalang unang beses lang nangyari to at sana wala ng susunod.
malaki din ang galit ni cloud kay tita hindi ko nga lang alam kung bakit? o ano ang dahilan, basta sa twing nagkakasalubong o nagkikita sila, parang di sila mag-ina. hay buhay~ nasstress beauty ko.
"i'm okay" saka kami binigyan ng hilaw na ngiti
napataas ang kilay ko "sino inuuto mo?"
"nagtataka ako, ano pala ang inagaw mo bessy at ganun nalang ang galit sayo?"jillian.
isa pa yan sa kanina ko pa iniisip.
napabuntong hininga si cloud. "honestly? hindi ko alam at hindi ko gawain ang manguha, aist!"bugnot ng sagot nya.
oo nga naman, ang yaman ng babaeng to ba't magmamating(matinggera/magnanakaw) sya? nasan ang logic dun? pakihanap nga. psh -_-
"ashley!"
napatingin kami sa babaeng tumatakbo papunta samin, parang gusto ko mapasipol sa ayos ng isang to, really? straight ako pero iba ang alindog ng isang to.
"anong ginagawa mo dito graysen-girl?"takang tanong ko, nginitian nya lang ako at dumiretso kay cloud.
bastos din.
"are you okay?... sinaktan kaba ni shin?...c'mon say something"
"stay away from me"cold na sagot ni cloud.
ay pachix din ang beks!
umatras ako konti, tumabi naman sakin si jillian.
"may pop corn kaba dyan? gandang eksena to oh hihi"bulong ng katabi ko, kaya siniko ko sya ng bongga.
"ouch"
gago eh, pag narinig sya ni cloud malilintikan talaga kami.
"i'm sorry.."
"sunduin mo na ang apat na unggoy sa office at ipanalangin nilang wag sanang magkrus ang landas namin, dahil itutupi ko na sila sa walo"banta ni cloud.
iba talaga to!
hindi naman pinansin ni graysen ang sinabi nya, hinawakan nya ang gilid ng labi ni cloud kung san nandun ang sugat dahil sa pagkakasampal sakanya kanina.
napangiti ako ng nakakaloko, ako lang ba? ako lang ang natatae? de joke lang, sa birthday party palang ni graysen alam kong may something na sakanila. well...
"let's go jillian, si graysen-girl na ang bahala sakanya"bulong ko.
"but---" tinakpan ko na agad ang bibig nya at kinaladkad papunta sa sasakyan ko.
"papalag pa eh hahaha!"
------------------------------------------------------
hellooooooo!!! kamusta kayo?