The Brave Wife

By ZaskiaStellar

2.8K 67 0

Riza Montecillo is a brave wife who will do everything, sacrifice everything para lang sakanyang asawa kahit... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 (SPG)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16 (SPG)
CHAPTER 17
CHAPTER 19

CHAPTER 18

111 2 0
By ZaskiaStellar



Isang lang nararamdaman ko ngayon.


Ang pagkamuhi.


Ilang beses kong inikot ikot sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari, ngunit hindi ito maipasok sa utak ko. Kung bakit ba kasi kailangan mangyari to sa buhay ko-namin ni Terrence. Sobrang sakit, kung sino man ang gumawa para sirain kami ni Terrence, sobrang sakit talaga.


Gustong gusto kong sirain ang pagmumukha ng taong gumawa sakin nito, gusto kong malaman kung sino gumawa nito. Yung nangyari, hindi ko talaga alam kung sino ang naglagay non sa drawer namin, nanginginig ang mga kamay ko ng makita ko iyon. Ni wala akong ideya na ganito ang mangyayari.


Isang linggo na ang nakalilipas noong nangyari saamin ni Terrence at nandidito kami ngayon sa kotse niya, papunta kami ngayon sa reunion ng pamilya. Eto nanaman, bagong problema nanaman samin.


Parang tahimik na kwarto ang kinalalagyan namin dito. Walang nagsasalita. Walang imikan. At ito ang pinakamasakit, na hindi kami nag uusap. Parang hindi ako makahinga, parang may nakabara sa lalamunan. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nakapunta sa kotse ng hindi nag iimikan.


Bakit ba kasi nangyari to? wala naman akong ginawa kay Terrence kundi ang mahalin siya. Lahat naman ginagawa ko para sa kaniya. Kahit na pagod na pagod na ko.


Sumilay ang luha sa aking mga mata.


Hindi ko kayang ganito kami ni Terrence. Hindi ko kaya. Alam kong kahit na katabi ko sya nararamdaman ko ang malaking espasyo na naghihiwalay saamin. Hindi ko na talaga kayang ganito kami kaya pinilit ko simulan ang pag uusap namin ni Terrence.


"Terrence"


Hinawakan ko ang kabilang kamay niya. Kanina nakatingin lang sya sa daan habang nag d-drive ni walang emosyon sa kaniyang mga mata ngayong hinawakan ko na ang kamay niya, ganon parin. Parang may tumusok sa puso ko. Gusto kong magsalita ngunit parang may humaraharang sakin.


Nagulat ako ng alisin niya ang kamay niya sakin.


Napayuko na lang ako, gusto ko ng humagulgol ngunit pinigil ko nalang hangang makarating kami sa bahay nila Terrence. Ano kayang mangyayari mamaya?pagtatabauyan pa kaya ako ng mama ni Terrence? pagtatanggol pa kaya ako ni Terrence katulad ng nakaraan? Hindi ko alam


Nagulat ako ng may biglang bumukas ang pintuan ng kotse at nakita kong si Terrence na nagbukas nito. Napangiti ako ng kaunti at bumaba.Sabay kaming naglakad papunta sa bahay nila. Gusto kong hawakan ang kamay ni Terrence ngunit baka alisin nanaman niya ito.


Wala siyang imik hanggang makarating kami. Bumungad saakin ang magarbong bahay na puno ng mahahaling pigura at ang magandang hardin na may palaruan sa tabi nito ngunit sa tingin kong wala namang pumupunta at naglalaro dahil walang bakas ng dumi doon. Pati narin ang mga halaman at bulaklak na halatang alaga alagang.


Pagbukas niya ng pintuan ay hindi na ako nagulat dahil sa ganda ng paligid. Nakita ko sa harapan ang kapatid ni Terrence na si Shane. Mas lalong lumagablab ang puso ng makita ko sya, hindi ko alam. Dahil siguro ay niloko niya lang ako nuong magkikita sana kami sa Restaurant na sinabi niya ngunit iba pala ito.


" Hi My dear brother! Hi Riza!"


Ngumiti nalang ako.


"Terrence! good to see you--and Riza . ."


Napatingin ako sa gilid ko ng makita ko ang mama ni Terrence na matiim na nakikipag titigan sa akin. Kaya napayuko na lang ako.


" Ma.."


Pumunta naman ito sa harapan namin at hinalikan sa pisnge ngunit hindi naman lang ito tumingin sakin.


Pumasok na kami sa loob at nakita ko ang mga taong naka suit at mga babaeng suot ay mamahaling damit at may hawak na wine. Napatingin naman ako sa sarili ko, isang simpleng dress lang ang sapatos ang suot ko pero okay na iyon saakin ayoko naman ng magarbong suot, tama lang ito saakin.


Pinaupo ako sa couch, at si Terrence naman ay nakikipag usap sa mga kakilala niya at ako dito, wala tahimik lang. Nang may biglang lumapit saakin, isa sa mga kasambahay dito. Binigyan niya ako ng juice.


" Mam Juice po..."


"Thank you."


Tinanggap ko naman ito at ininum. Nakita ko si Terrence na palapit sa akin at umupo. Ni hindi sa lumilingon sa akin o ano. Napabuntong hininga na lang ako.


" We're not gonna tell her"


Biglang kumabog ang puso ng magsalita siya. Dumilim ang aura niya kahit hindi sya nakatingin saakin. Siguro ay ang mama niya ang tinutukoy niya.


" T-tungkol s-san?"


" Sa mga pinag-gagagawa mo. Sa kabulastugan mo."


Napayuko na lang ako.


"Terrence maniwala ka talaga sakin--" bulong ko sa kaniya


" Enough Riza. Sawa na ko . . . sawang sawa na ko"


" Terrence--"


Bigla na lang siyang umalis sa tabi ko. Gusto ko talagang magpaliwanag sa kaniya, pero hindi niya ako binibigyan ng tyansa. Gusto ko ng umiyak, humagulhol, mag lupasay sa harapan niya. Ang sakit sa dibdib na ganito ang trato niya saakin ngayon. Ang sakit talaga.


" Anak . . Riza"


Biglang may tumapik sa likod ko .Pagtingin ko sa aking likod ay hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin.


Ang mama ni Terrence. Lumaki ang mga mata ko. Totoo ba ang nakikita ko ?


"Pwede ba tayong mag-usap?"


Tumango ng wala sa sarili, hindi ko alam kung ano bumabagabag sa utak ko kung bakit masaya ako na malungkot.


Biglang naman akong nahilo sa pagkatayo. Hindi ko alam parang may mali sakin ngayon.


" Okay ka lang ba?"  


" O-po. . ."


Inalalayan niya nalang ako tumayo.


Napunta kami sa malaking hardin, sa labas ng bahay. Dito walang tao at mukang masarap magpahangin, pero hindi ko yata magagawa iyon dahil nasa harap ako ng mama ni Terrence. Nanginginig ang kamay ko dahil baka kung ano nanaman ang sabihin niya saakin pero nagulat talaga ako ng tawagin niya akong 'anak'.


" Riza . . " Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.


" P-po . .?"


Hindi siya nag salita, hinawakan niya ang buhok ko pababa sa aking pisngi.


" Such a beautiful woman, wonder why nahulog sayo ang anak ko." Malumanay niyang sabi.


Hindi na ko nagsalita hinayaan ko na lang syang hawakan ang pisngi ko. Hanggang sa napabuntong hininga siya at nagsalita.


" Alam kong galit ka saakin dahil sa mga sinabi ko sa sayo at dahil hindi narin kita tanggap maging asawa ng anak ko. But i realize that you love each other kaya narealize ko na it's time na tanggapin kita bilang asawa ng anak ko. Noong naaksidente si Terrence at dumating ka, galit na galit ako sayo noon dahil akala ko pinabayaan mo ang anak ko, pero galit galit ako sa sarili ko noon dahil hindi ko nagawa ang responsibilidad bilang ina sa kaniya. Kaya anak, please alagaan mo siya."


Sumungay ang mga luha sa kaniyang mata at hinawakan niya ang mga kamay ko.


"Please, do me a favor Riza mahalin mo ang anak ko gaya ng pagmamaghal ko sakaniya at punan mo ang bagay na hindi ko nagawa sa kaniya bilang ina. "


Tumango ako yumakap sa kaniya, hindi naman ako nabigo dahil inakap niya rin ako ng mas mahigpit pa sa yakap ko.


"Opo.. gagawin ko po iyon"


" Salamat anak, mag iingat kayo"


Napapikit ako habang yakap siya, paaano na kami nito ni Terrrence. Magiging okay pa ba kami? Sana maging okay na ang lahat, sana matapos nato. Dahil hindi ko kakayanin kung mag hihiwalay pa kami ngayong okay na kami ng mama niya.


Napabuntong hininga nalang ako.


Terrence please maniwala ka sakin . . .


CORAXZON

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
43.2K 2K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...