Corny Daming Alam!

By HumiGad

261K 8K 2.5K

"Description my ass. Tangna!! BAT NASA ROMANCE CATEGORY TO!?" This is not a g*go story. Sabi niya. Ayaw niya... More

Corny Daming Alam!
Corny 3
Corny 4
Corny 5
Corny 6
Corny 7
Corny 8
Corny 9
Corny 10 (Part 1)
Conry 10 (Part 2)
Corny 11
Corny 12
Corny 13
Corny 14
Corny 15
Corny 16
Corny 17
Corny 18
Corny 19
Corny 20
Corny 21
Corny 22
Corny 23
Corny 24
Corny 25
Corny 26
Corny 27

Corny 2

13.6K 476 149
By HumiGad

II.

“Mr. Honore! Ikaw nanaman!” Yung mukha nung GC parang mangkukulam na ewan. Tss. Anung ako nanaman? Kasalanan ko ba na halikan ako ng kutung lupa na to?

“Anong ginagawa mo dito? Hindi ba may performance sa loob? At bakit wala kang suot? Sino yang tinatago mo?”

 

Amp, ang daming tanong.

Tinatago? Tae hindi ko balak itago ang babaeng to, sino ba siya? Teka, kasalanan ko ba na kuyugin ako ng mga walangyang fans ng isang tangang lalaki sa loob? Aakma akong aalis para humarap sa GC, pero walangyang kutung lupa na to, ikinapit niya yung hita niya sakin at hinila ako.

 

“Uhh!”

 

“Ahh..”

Mas napalapit ako dun sa babae, pareho kaming napaungol sa lakas ng paghapit niya sakin. Nadaganan ko siya, siya naman naipit ata sa pader.

“MISTER HONORE! WHAT ARE YOU DOING!”

 

Dahil nakakapit yung babae sa batok ko, sinubukan kong tumingala para isigaw sa GC,

“Sandali lang tatapusin ko lang to!” Oo wala akong galang. Minsan.Tatapusin ko lang buhay ng walangyang babaeng to.

“Bitaw na miss kung ayaw mong tadyakan kita.” Mahinang bulong ko sa kanya.

“Bakit ang sakit mo magsalita?”

O nasaktan ka?

“Pake mo ba?”

 

Gaya ng inaasahan ko sa pagsabi ko ng ganun sa kanya, tinanggal niya ang kapit ng hita niya sa bewang ko, maging ang kamay niya sa batok ko tapos inayos niya yung palda niya. Kita underwear niya… Pero la ako pake.

Hinarap namin pareho yung GC. Sumandal ako sa pader, siya naman kumapit sa braso ko.

Puta, ano problema ng babaeng to? Sinisiko ko siya, pero para siyang linta na ewan. Tss.

“Mr. Honore!”

Amp, yun lang ba ang linya ng GC na to sa storya ko? Makaalis na nga dito. Corny na e. Nakakapit parin yung babae sa braso ko, kahit anong tulak ko sa pagmumukha niya ayaw niya umalis.

 

“Mr. Honore!” Sigaw uli nung matanda.

“Next time, pag alam mo na o naisip mo na linya mo tsaka moko kausapin.” Nilagpasan namin siya. Hindi masama ugali ko. Para sakin. Badtrip lang talaga. Sanay na ako sa ganito. Ang mapagalitan ng matatanda sa school na to. Di naman ako naghahanap ng away, pero kusang lumalapit ang away sakin. Kahit mga ganitong pagkakataon sanay na ako. Ilang beses na ba ako kinuyog. Buti nga buhay pa ko. =__=

Kasalanan ba ang ma-coryhan sa mga tao dito? Nung isang araw kasi may naggigitara sa labas ng classroom namin, nililigawan yung isa sa mga kaklase ko. Dumaan ako sa pinto sabay sabi nang,

 

“Corny, dami mong alam. Kailangan ba talaga dito ka gumawa niyan? Kailangan mo ba talagang mang-abala sa oras na 'to? Nag-aaral kami.”

 

At ang ginawa ng gago? Sinuntok niya ako. tss. Syempre ano ako? Tanga? Bumawi ako ng sapak sa pagmumukha niya. Sa huli, hindi siya sinagot nung kaklase ko.

“Bitaw na kutung lupa.” Sabi ko dun sa babae na kapit na kapit sakin.

 

“Ayoko.” Ngumiti siya. Dapat ba talaga pag ganitong mga scenes sa isang storya ngingiti siya? Mag papa-cute na parang tanga?

Pucha. Ewan ko ba.

 

“Ang pangit mo.” Diretso kong sabi sa kanya. Binilisan ko ang paglalakad. Ayaw niya bumitaw, edi magpakaladkad siya saken.

“Halaaaaa diba dapat iniisip mo cute ako? Tsaka bakit ka ganito!? Dapat nag wowworry ka sakin, dapat—dapat—”

“Corny. Manahimik ka.” Nakahubad parin ako. Dapat masulusyunan ko to. Tumingin ako sa paligid. San ako makakahanap ng damit dito? Tangnang mga babae yun!

“I’m Chezka, taga Dream University ako, kakilala ko yung mga gumawa ng eksena sa loob ng auditorium kanina. Haha! Nakakatuwa lang yung sinabi mo.”

“Tapos?” Sabi ko nalang, medyo kinabahan ako, baka isa siya sa mga fans nung tanga sa loob.

Napadaan kami sa janitors’ quarters. Nanghiram muna ako ng damit dun. Walang pag-iinarte, hindi ko kailangan ng magarang damit para dito.

Naaasar kong tinanggal ng malakas yung kamay nung babae. Nakita ko yung pagbakat ng kamay ko sa braso niya, medyo naluluha siya. Pero pake ko? Ang corny tae. Kung ayaw niyang gawin ko yun edi sana kanina niya pa tinanggal yung kamay niya diba?

Nung nakabihis na ako nakatingin siya sakin.

 

“Ang sama mo. Ang bayolente mo. Pero gwapo ka parin.”

Typical female character... May sira siya sa utak. Naglambitin uli siya sa braso ko na parang tsonggo, hindi ko nalang pinansin, naglakad ako pabalik sa classroom.

“Frey? Syota mo?” Sabi ng isang ungas na nakaabang sa hagdan. Oo. Ito na ang parte ng gagong storya kung san magpapakita ang mga tinatawag na kontrabida.

Nilingon ko sandali. Masusurpresa pa ba kayo na sya ang kilalang gang leader sa school.

Gang leader. My ass. Kakornihan nanaman. Nagtataka ako, diba ang gang leader mga hitsurang dambuhala na madaming piercings at tattoos? Pero etong ungas na to, hinahangaan ng mga kababaihan sa loob at labas ng school namin. Bakit? May hitsura daw. Hitsura ng ungas na to? Kamukha niya si Kim Bum. Tss. Gang Leader?  Dapat King Kong ang hawig hindi Kim Bum.

Ang corny talaga.

Kapag ba may babae na nakakapit sa braso ng isang binata o kahit sino mang may lawit sa harapan, syota kagad ang iisipin?

Ang daming alam. Kaya di ko pinansin. Haharang harang pa sa daan. Puta. badtrip!

“Ang sexy ng syota mo Frey! Pahimas naman!”  singit nung kanang kamay niyang ungas din.

 

“Janitor ka na pala ng school ngayon? HAHAHA!” Tawa ng tawa na parang tanga yung gang leader na hawig ni Kim Bum. Parang ulol lang.

Narinig ko ang pagsinghap nung kutung lupa sa gilid ko.

“HAHA JANITOOOR!”

Hinawakan yung legs niya nung isa sa mga ungas.

Nagdilim ang paningin ko.

 

 

“Bitaw.” Siguro narinig nya yung galit sa boses ko, ginawa niya naman ang sinabi ko. Pagkabitaw na pagkabitaw niya, sinipa ko yung isa sa mga ungas at sinuntok ko naman yung hawig ni King Kong. Mas madalas ang malalakas na gagong tulad ko sa storya ngayon. Nung pumalag pa siya, siniko ko siya ng matindi sa sikmura.

“Anong problema mo!?” reklamo nung isa.

 

“Wala, gusto ko lang tadyakan ka. May problema?” Maangas na sabi ko sa kanya.

“Tss! Dahil diyan aabangan ka namin sa labas ng school bukas!” Bobo. Sinabi niya na.

“Ok.” Tingnan natin kung papasok ako. Di ako tanga.

 

“Ang mukhaaaa koooo!!” Sigaw nung King Kong. Nakahawak siya sa pisngi niya habang nanlalaki ang mata. Tumakbo ako palayo habang nakabuntot parin si kutong lupa sakin.

“Uwaa Frey! Ang bait mo! Salamat ah, sweet ka din pala.” Sabi niya yan nung nasa labas na kami ng school.

Sweet? Tae? Anong kagaguhan ang sinasabi ng gagong to?

“Di ko alam ang pinagsasabi mo." 

 

“Ahihihi, kinikilig ako sayooo! Ang kyuuut mo! Kunyari ka pa!” Hinatak niya yung damit ko kaya napayuko ako tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi. Tangjnang laway yan. Lagket.

Nagtagpo ang kilay ko.

“Ginawa mo yun, kasi hinawakan nila legs ko no?”

Natawa ako sa sinabi niya. “Hindi ako ganun ka-corny at kababaw Kutung lupa. Ginawa ko yun dahil nakaharang sila sa daanan at tinawag nila akong janitor. Pake ko ba sa legs mo?” Di kita pag-aari, isa pa… hindi ikaw ang ka-gago team ko sa storya na to.

Tama ba ako?

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...