My Jeje Princess

By KlydeJay06

219K 2.7K 215

Sa bansang Pilipinas, hindi parin mawawala ang mga taong may angking talento na magtype ng sariling paraan at... More

Author's Note or Acknowledgements
Prologue
Prologue (2)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 38.2
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
KlydeSwiftie's Note
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
ANNOUNCEMENT #1
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69 (there's a little bit of SPG at the last part)
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75 (FINAL CHAPTER)
END.
Don't forget to..

Chapter 22

2.6K 27 1
By KlydeJay06

David's P.O.V. 

"What?! Kinakampihan mo pa yung babaeng yun?! Hayy naku ikaw na kumausap diyan hon!" s

Pagkauwi namin,sinabihan ko si mama na dapat di nalang niya sinabi yun kay Suzzane pero sinigawan lang niya ko at eto lang ang sinabi niya. 

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at tinatawagan si Suzzane pero di siya sumasagot. Hayy kahit anong sabihin nila sa pagmamahalan namin,ipaglalaban ko pa rin toh. Mahal na mahal ko siya at alam kong ganun din ang nararamdaman niya sakin. 

"F*ck! Sumagot ka naman oh!" naka-ilang tawag na ko sa kanya pero ayaw niya pa rin sagutin. Naisipan kong pumunta sa bahay nila kaya nagbihis na ko. Pagkatapos kong magbihis biglang may pumasok sa kwarto ko at yun si papa. 

"Ano papa? Kagaya ka rin ba ni mama na sisirain yung nararamdaman ko sa kanya?" sagot ko sa kanya habang inaayos yung buhok ko. 

"Hindi anak. Pabayaan mo nalang ang mama mo may kinwento kasi sakin yun nung mag-syota pa kami. Parang siyang si Suzzane,marami ng nanligaw sa kanya pero di siya tinanggap nung mga magulang nung mga nanligaw sa kanya. Pati lolo at lola mo hindi pumayag sa mama mo para maging syota ko,pero tinulungan ko siyang magbago. Tinulungan ko siyang umact ng parang mayaman. Para sa akin,tanggap ko naman si Suzzane eh,she's pretty,kind and.. funny." sabi niya. Kaya naman pala ganun si mama eh. 

"So David,i want you to give this to Suzzane,mag-sorry ka. Ikaw na mag-sorry para sa mama mo." binigay niya ang isang ring. Maganda yung ring at madaming diamonds. Tinago ko na ito at nag-thank you. Umalis na ko at pinuntahan agad si Suzzane.

Suzzane's P.O.V. 

"Huhuhu paano naman kasi eh! Ang tanga tanga ko kanina! Kinuha ko agad yung mainit na tinapay,uminom ako ng toyo kasi akala ko Coke tapos *sniff* tapos kinuha ko yung pitcher ng tubig tapos nabitawan ko kaya tumapon sa table. Huhu tanga tanga ko! *sniff*" 

"Wof wof!" sigaw ni Chacha. 

"Oo nga eh! Ang tanga ko diba?" 

Nandito ako ngayon sa kwarto,umiiyak at kinakausap si Chacha na walang ginawa kundi tumahol ng tumahol sa mga sinasabi ko. Naka-ilang hingi na ko ng tissue kay Ate Linda at buti nalang wala si tatay kasi kung malalaman niyang umiiyak ako. Magagalit agad yun pag nalaman niya kung sino yung nag-paiyak sakin. (San ko nalaman yun? Eh hindi ko nga siya nakasama ng maraming taon? Eh! Pero magagalit parin siya,tatay ko siya eh) 

Pagkatapos kong humagulgol may kumatok sa pinto. 

"S-sino yan?" tanong ko. 

"Si Ate Linda mo toh,may bisita ka. Papasukin ko na ba?" hala sino kaya yun? 

"Sino Ate Linda? At tsaka nasaan?" tanong ko ulit

"Nasa tabi ko na. Si Madge daw." Oh my! Si Madge,baka malaman niya yung nangyari?! 

"A-ah sige papasukin niyo na po." sinabi ko at bumukas ang pinto at nakita ko si... si.. David =__=

"T*ngina naman oh? Yung totoo? Sinungaling ka ah!"  sinabi ko at binato siya ng unan. 

Lumapit si Chacha sa kanya pero imbis na kagatin,parang nagpalambing pa. Hayy ang landi talaga netong asong toh! 

"Hoy Chacha! Kagatin mo yan!" sabi ko pero di niya ko pinapakinggan. 

Tumalikod nalang ako at naramdaman ko na umupo si David sa kama ko. 

"Hoy wag ka nga dito! Umalis ka na!" sabi ko. 

"Ayoko nga. Tanggapin mo muna sorry ko." aba paawa pa tong gag*ng toh ah. Nagulat ako ng hinila niya ko at napahiga ako sa kama at pumatong siya sakin. Nilagay niya yung kamay niya sa tabi ng ulo ko. 

"H-hoy! Umalis ka nga! Kadiri ka!" sabi ko,pinapalo ko siya pero imbis na siya yung masaktan,ako yung nasasaktan. Hayy ang tigas tigas niya kasi. 

"Hindi ako aalis dito hangga't di mo tatanggapin ang sorry ko! Pag umangal ka,ikikiss kita." sinabi niya ito. Namula ako sa sinabi niya at nanlaki ang mata ko. 

"P-paano ko tatanggapin eh wala ka pa ngang sinasabi?!" sabi ko. Ay shaks palapit na ng palapit yung mukha niya sa mukha ko. 

"Sorry na. Ako na nagsosorry para sa mama ko. Ako rin nagsosorry dahil hindi manlang kita napaglaban sa magulang ko kanina sa resto. Pero ipaglalaban na kita sa ngayon." habang sinasabi niya ito,kitang-kita sa mukha niya na malungkot siya. Hindi siya nagpapa-awa or nag-iinarte,pero kahit ang lungkot niya. Ang pogi pa rin niya! (tapos naamoy ko pa yung hininga niya,ang bango!!!) 

"Oo na,ako rin magsosorry sa mga nagawa ko. Nakakahiya ako. Di ko alam kung anong nangyari sakin eh parang sumapi na naman yung kahampas-lupa ko. Sorry na talaga!" sabi ko. Pagkatapos kong sabihin yun umalis na siya sa pagkapatong ko at umupo sa kama ko. 

"Okay lang yun. May tanong ako sayo. Isang seryosong tanong.." sabi niya. May kinuha siya sa bulsa niya. 

"Ano yun?" tanong ko. Parang kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako. 

"Uhm.. Suzzane,will you be my girlfriend?" nilabas niya ang napaka-gandang singsing at inabot sa kamay ko. Teka? Diba nanliligaw palang siya? Bakit parang nagpro-propose siya? Heh ewan! Baka ganito na mga mayayaman na lalaki ngayon. Tinignan ko siya at naiyak at sinabing.. 

"Oo David!" niyakap ko siya at kiniss ko siya sa cheecks. Nagulat kaming dalawa dahil hindi namin akalain na mangyari yun. 

"Ay sorry David." sabi ko sa kanya at napangiti. 

"Okay lang. Girlfriend na kita eh." sabi niya.. 

Hayyyy today was a fairytale.

********************************

"Talaga kayo na?!?!?!" 

"Naks naman!" 

Eto ang sabi ni Ralph at Madge sakin sa school. Kasabay ko na naman kasi sila. Si Ralph naman hindi na sumasabay kala Tom at Jarren,pinapasabay na nga namin siya kala Jarren dahil napagkakamalan na siyang bakla eh. 

"Oo nga eh!" tapos habang kumakain kami may umupo sa tabi ko at yun si David. 

"Hi Babe." sabi niya sakin at ako naman ay ngumiti lang sa kanya at sinabing...

"Hello babe" pagkatapos kong sabihin toh,nagkaroon kami ng eye to eye contact. 

"A-ay... Ang daming langgam! May sweet kasi dito eh." nasira ang eye contact namin ni David ng nagpatawa si Ralph. 

"Che! Ang corny mo talaga kahit kailan!" sabi naman ni Madge. 

"Ay ano bayan ang daming langgam!" sabay naming sabi ni David at tumawa kaming apat. 

Habang kumakain kami nagtanong ako kay Madge. 

"Eh yang si Ralph kailan mo sasagutin?" yung totoo,kinikilig ako kala Madge at Ralph. Ewan ko ba! Sila na ata eh,hindi lang sinasabi. 

"Basta naku! Manigas siya!" hahahaha! Diba ang sweet? 

Bumili muna sila Ralph at Madge ng snacks nila at tinanong ko naman si David. 

"Taray! Wala na yung mga pasa niya!" sabi ko. Wala kasi kaming topic eh. 

Naalala ko na naman yung pesteng Felicia na yan. Ayoko lang masabi kay David dahil baka magkagulo pa. Ako nalang bahala sa kanya basta sabi niya naka-black dress daw yung girl na nambugbog. Eh ayoko naman muna pagbintangan si Felicia,baka mapahiya lang ako. 

Pagbalik nila Madge at Ralph nagCR muna ko at tamang-tama. Nakasabay ko si Felicia. 

"So,nakita mo na ba yung surprize ko sayo?" sabi niya sakin. Nagmamake-up pa siya,hayy kahit anong gawin niya hindi siya maganda. 

"Hindi nga eh. Hinihintay ko nga eh." sabi ko. Naghugas lang naman ako ng kamay ko. Ang sinasabi ni Felicia ay yung tungkol sa pambubugbog. Sinabi ko nalang na hinihintay ko para kunyari hindi namin na-feel.

"So.. Kumusta si David?" tanong niya. Wow. Ang kapal talaga ng mukha! Siguro nga siya yung nag-utos na bumugbog! Amin na amin na siya na siya talaga eh. >___< 

"Ayun pogi parin. May bumugbog sa kanya eh,pero malalaman na namin kung sino yung nag-utos. Actually alam ko na nga eh." sabi ko. 

"Sino naman? Share mo!" sabi niya. 

"Ikaw." 

"What? Ako? Haha. Ang galing! Ang talino ni Jejemon. Yes ako ang nagpautos sa kanya na ipabugbog si David" sinabi niya at nakangiti pa siya. Sasampalin ko na sana siya pero napigilan niya ko. 

"Grr! Nakakainis ka! Sasabihin ko ito kay David mamaya!" sabi ko. Aalis na sana ko pero.. 

"Kung paniwalaan ka." sabi niya 

Anong ibig niyang sabihin? 

"Kinaibigan ko kasi siya Suzzane eh at actually invited ako sa birthday ng dad niya. Ikaw invited ka ba?" tanong niya. Teka,wala pa kong alam sa birthday ng daddy ni David ah. 

"Napaka-walanghiya mo talaga!" sinabi ko pero umalis lang siya at binangga ako. 

Ish! Anong gagawin ko? Paano ako paniniwalaan niyan? Gagawan ko ng paraan! Alam kong paniniwalaan niya yung taong mahal niya. 

Continue Reading

You'll Also Like

136M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]