Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰64th Catch╮

3.2K 139 11
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰64th Catch╮

SEVERAL days went by without any incidents following the confrontation. She was anticipating that Arq might have addressed Shakira about the issue. If that turned out to be the case, she felt grateful for the chance to continue her studies undisturbed.

Today's another day and she expects this to go smoothly like the previous days. But unforeseen events have yet to occur.

"Teka, kahapon lang pwede pa kaming pumasok, ah?" 

Napaigtad siya sa pagsigaw ni Gigi. Alam niyang hindi dahil sa lakas ng ulan kung bakit mataas na ang boses nito, badtrip na talaga ito sapagkat ayaw silang papasukin ng gwardya.

"Sorry, ma'am. Pero bagong policy na po ng RDGU. Hindi na po talaga pwede ang mga outsiders." Paliwanag ng gwardya.

Otomatikong tumaas ang kilay niya sabay sabat sa usapan ng mga ito,  "Ano'ng bagong policy? Wala naman silang notice sa mga estudyante, ah?"

"Pero, iyon po kasi ang bilin." Kakamot-kamot sa batok pang tugon ng gwardya.

She looks around to see if there are approaching cars, hoping to validate the existence of an unprecedented policy or uncover the reason behind any unusual happenings.

"Maglalakad tayo?!" Sigaw ni Pearl mula sa backseat. Hindi na maipinta ang itsura nito.

Kahit siya naman ay hindi makapaniwala. Maglalakad talaga sila ngayon pa, kung kailan naman umuulan.

"Kakausapin ko si Andy kung totoo ngang may bagong policy." Paniniyak niya sa kapatid, atsaka siya napabuntong-hininga. "I guess we have to walk since we're running out of choices."

"Parang alam ko na kung bakit ganito." Ani Gigi habang nanlilisik ang mga mata at mahigpit ang hawak sa manibela.

Pearl and Gigi didn't need to vocalize their thoughts. She shares the same intuition that the Savage is involved in the enforcement of the new policy. Nevertheless, it would have been wise to notify the students prior to implementing the new rules and regulations.

She ponders why they are choosing to enforce this specific policy now, especially when it has been several years since outsiders had the freedom to roam the university grounds.

Muli niyang nilingon ang gwardya. "Paano po kung mag-iiwan ng ID? Lagi naman niya kaming hinahatid dito." Nagbabakasakali niyang tanong.

"Sabi po nila mag-iissue po sila ng visitor's badge pero wala pa po sa ngayon. Kaya hindi pa rin po pwedeng mag-iwan ng ID." Sagot nito.

Tumingala siya sabay hugot ng malalim na hininga. Malapit ng maubos ang kanyang pasensya. Atsaka niya nilingon si Pearl na lalong sumimangot ang mukha. "Alam mo na," sumusuko niyang pahayag.

Napalakas ng ulan pero parang tag-init ang pakiramdam niya. Mabuti na lamang ay kaya pa niyang kontrolin ang emosyon.

Nilingon niya si Gigi. "Sige na, bessy. Ingat ka sa pag-uwi mo." Paalam niya.

"Pupusta ako na kagagawan 'to ni Arq." Saad ng best friend niya na halata ang panggigigil.

Hindi sila nagkakalayo ng hinuha. Nasa isip na rin niyang may kinalaman talaga sila Arq sa bagay na ito.

Inilabas niya mula sa kanyang bag ang payong bago niyaya ang kapatid, "Tara na, Pearl"

Sa kanyang pagbaba ay mabilis na sumalubong ang malakas na bugso ng hangin. Kaagad niyang sinara ang pinto ng sasakyan para hindi na mabasa pa si Gigi.

Ipinagpapasalamat din niyang matibay ang payong niya at hindi iyon basta-basta bumabaligtad sa malakas na hangin. Ganonpaman, nakatitiyak siyang para silang basang sisiw na papasok.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming madamay sa away niyo!" Pasigaw na reklamo ni Pearl habang sila'y naglalakad.

Wala siyang masabi sa kapatid kaya nanatili siyang tahimik. Ilang sandali pa ay napansin na niya ang ilang estudyanteng naglalakad. Muli niyang nilingon ang main gate at doon niya napatunayang hinaharang na nga ang mga sasakyan.

If this is connected to their issue, she finds it hard to believe that Arq would stoop to such levels.

"Ate!" Biglang sigaw ni Pearl.

Subalit hindi lamang ang sigaw ng kapatid ang naging dahilan ng kanyang pagkagulat. Mas nabigla siya nang maramdaman ang pagbuhos ng tubig sa kanyang kabuuan. Sa inis ay hindi na niya napigilan ang mapamura at nilingon kung saan nanggaling ang tubig na iyon.

Ganon na lamang ang paglukot ng kanyang mukha nang makita ang isang sasakyang huminto malapit sa kinatatayuan niya. Hindi na niya kailangan pang pag-isipan kung bakit nabasa siya ng todo. Nang bumaba ang bintana mula sa passenger side, sumilip ang nakangising mukha ni Shakira.

Kunwari pang nagulat ito at napatakip ng bibig. "Ow, sorry!" Sabi nito sa nakakaasar na tono sabay tawa nang matinis.

Nakahanda na siya sa muling pagtutuos nila ni Shakira nang matuon ang atensyon niya sa pamilyar na sasakyan na bumubusina sa likuran nito. Isang mahabang braso ang lumabas sa bintana at kumaway sa kanya. Mula sa windshield ay naaninag niyang si Andy ang kumakaway— na nakaupo passenger seat.

Mabilis na lumapit sa kanya si Pearl atsaka siya hinila sa braso patungo sa sasakyan nila Andy. Hindi na niya nabigyan ng pagkakataon ang sarili para ipadama kay Shakira kung gaano siya nanggigigil sa ginawa nito.

Basang-basa at nakasimangot siyang naupo sa likurang bahagi ng sasakyan. "Sorry, kung mababasa 'tong backseat."

Nilingon siya ni Andy. "Ano'ng nangyari sa inyo? Lalo na sa'yo?" Nagtataka nitong tanong.

Naunahan siya ni Pearl para sumagot. "Well, may bagong policy daw ang uni at hindi na allowed ang outsiders. So, kinailangan naming maglakad. At dahil malas si ate, nabasa siya noong dumaan si Shakira."

"She didn't simply drive past us, sinadya niyang dumaan sa tubig para matalsikan ako at mabasa nang ganito." Pagtatama niya.

"Bruha talaga." Naiiling na komento ni Andy sabay abot sa kanya ng panyo nito. "May extra akong damit sa locker. Kapag ganito ang panahon, okay lang ang casual wear. Maiintindihan naman ng mga propesor natin."

"Thank you," Ngiti niya sa kaibigan.


IT's the first occasion she finds herself in the administrative office. Lucky for her, no other admins are present at the moment.

Situated in a corner, Andy's desk is visibly more expansive than the other four workstations. As they move closer, she immediately notices that Andy's desk is exceptionally tidy— with no typical picture frames in sight.

Andy puts her stuff on the swivel chair and pulls her towards the door she failed to notice. It brings to mind the Savage's office, which similarly features an adjoining room. But unlike the Savage quarters, this room is equipped only with lockers and a modest pantry, distinctly contrasting with the other office which boasts a cozy ambience with its mini entertainment area, restroom, and home-like pantry.

"Here," Andy said as she handed her the neatly folded white shirt and a pair of denim pants. "Nandoon ang cr." She instructed, pointing towards the corner adjacent to the pantry.

Hindi rin naman siya nagtagal sa pagbibihis. Paglabas niya ay inabutan pa siya ni Andy ng malinis na plastik para ilagay doon ang basang uniform.

"Salamat dito, Andy." Sabi niya matapos ayusin ang sarili.

"Anything for you, my friend."

Then she remembers, "So, bakit nga pala may bagong policy?"

"Honestly, I have no idea as to why. Nakatanggap na lang ako ng email kagabi na may meeting kami ngayon tungkol sa bagong policy. Tapos nabanggit lang doon na hindi na talaga pwede outsiders." Paliwanag nito.

Bumuntong-hininga siya. "Okay lang ba na balitaan mo ako tungkol sa meeting niyo?"

"You don't need to ask, babalitaan talaga kita, 'no." Paniniyak pa ni Andy. "Pero may napansin ako."

"Ano naman?"

Lumapit sa kanya si Andy at medyo hininaan nito ang boses na para bang sekreto ang kanilang pag-uusapan. "Kapansin-pansin kasi na bumalik na naman si Arq sa pagiging moody niya. Mukhang may kinalaman din iyon sa pagbabago ng policy."

Marahan siyang tumango-tango sabay salita sa parahong lebel ng tono ni Andy, "Ramdam ko rin naman na malaki ang kinalaman niya. Lalong-lalo na si Luci! Hindi lang ako makapaniwalang maraming madadamay."

Kumunot ang noo ni Andy nang may mapansin sa sinabi niya. "Sino si Luci?"

"Si Shakira Lucifer." Kaswal niyang tugon na tila hindi alintana kung may makakarinig sa kanya o wala.

Kaagad na umalingawngaw ang matinis na pagtawa ni Andy sa kabuuan ng opisina. "Grabe, may natutunan ako sa'yo."

Sa kabila ng inis ay nagawa na rin niyang makitawa.

As her laughter fades, Andy continues, "But kidding aside, kutob ko lang naman. Pero sana hindi talaga ito tungkol sa isyu niyo."

After their short conversation, Andy allows her to store her belongings in the locker until her classes end, retrieving them later. Subsequently, they leave the office, each heading to their respective classes. It's only after the lunch break that Andy will join one of her classes.


PAGDATING niya sa unang  klase ay para siyang bumalik sa panahon kung saan unang araw niya sa RDGU. Iyong eksenang maingay ang mga estudyante subalit biglang tahimik ng mga ito pagpasok niya.

Awkward.

°Chin up, girl!° Her ego reminds her as she attempts to look down.

Humugot siya nang malalim na paghinga habang kinukumbinsi ang sarili bago tuluyang pumasok sa loob ng silid. Gaya ng inaasahan ay natuon sa kanya ang atensyon ng lahat lalong-lalo na ng mga kababaihan. Mukha mang nagbubulungan ang mga ito pero malakas pa rin ang mga boses upang makaabot sa kanyang pandinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito.

She pretends she doesn't care, even though the urge to confront them immediately lingers. But instead of catering her thoughts, she confidently walks to the back row, occupying the vacant seat by the window.

She's peacefully observing the scenery outside when an unexpected presence enters the classroom, prompting the students to settle in their seats.

Oh, God. Please, no... She uttered, feeling a little helpless.

She understands that Arq serves as a substitute professor and may appear whenever her services are required. But why today, of all days, when her resentment towards her is already at its peak due to the new policy?

Her face turns sour at the beginning of the class.

Following that, Arq proceeds with the roll call, and there's an obvious moment of hesitation when her name is called. Their eyes meet momentarily, and in that glance, a flood of unspoken emotions passes between them. It's as if they share a hidden understanding, a connection that goes beyond words.

Unwilling to display her vulnerability, she turns her eyes away from Arq. While the latter resumes calling out names.

Matapos noon ay may nagsimulang magtanong tungkol sa panibagong patakaran subalit walang malinaw na sagot si Arq. Lalo lang siyang nainis. Nais sana niyang magtanong pero naisip niyang baka mauwi lang silang dalawa sa pagkapikon kaya nanahimik na lamang siya hanggang sa magsimula ng magklase si Arq.

Sa totoo lang ay lumilipad ang isip niya sa kabuuan ng klase. Mabuti na lamang ay lecture lamang ang nangyari kaya hindi masyadong kinailangan ang interaksyon ng bawat estudyante.

Bago tuluyang magtapos ang kanilang klase ay may pahabol pang anunsyo si Arq.

"Laxamana and Hidalgo?"

Parahong nagtaas ng kamay ang nabanggit na mga estudyante.

"Please come to my office during your lunch break; Professor Simon mentioned something to discuss with you. And also," she pauses as she redirects her gaze towards her direction. "Miss Fernandez,"

Seeking confirmation, she looks back at her, but Arq swiftly shifts her gaze downward before continuing her statement.

"I'd appreciate your presence later, as well."

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

247K 5.1K 30
Book Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How...
8K 834 28
Krisha is the most popular girl in Wiseldome Academy. She has trustworthy friends, lots of suitors, and most of all a very competitive gang. Yes, she...
1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...