The long lost Dhampir Queen

By Hyacinthinics

64.5K 1.7K 174

Top #2 On Werewolf Genre Rachelle Mae Arce, Inampon ng kinikilalang magulang ngunit siya mismo ang nag sisisi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16: The New Queen and the first love
chapter 17: Who Has the right
Chapter 18: Will she leave me?
Chapter 19:The fight Part 1
Chapter 20: The fight Part 2
Chapter 21: The disaster party
Chapter 22: Having the worst Nightmare
Chapter 23: Her Sweet Revenge
Chapter 24: Hope
Chapter 25: Forest of the Lost Souls
Chapter 26: The Forest Of Illusions
Chapter 27: The Ghoul Forest
Chapter 28: Three Choices and One Decision
Chapter 29: Bazooka
Chapter 30: War Preparations
Chapter 31: The Waterfall's Secret Cave
Chapter 32: Winter Wars
Epilogue

Chapter 10

2K 58 9
By Hyacinthinics

"They are not jealous of
what you have.
They are jealous of
what they can't have."
-Mindfull Life

Rachelle's POV

Nang dahil sa nangyari kagabi, napag desisyunan ni daddy na
I-training ako, Oo ako lang kasi well trained na daw ang mga kasama ko, ngayon ko nga lang nalaman na Dhampir warriors ang mga yun. Nag imbestiga si daddy kagabi, meron natagpuang tatlong patay na kawal pero walang nahanap na salarin. Tinatanong ako ni daddy tungkol sa nakita ko daw na vision pero wala ako maalala talaga, kahit sila nag tataka dahil doon, hindi daw iyon ang unang beses na wala akong maalala.

Napag usapan nila Cyrus na iba-iba ang hahawak sakin at iba iba din ang matatanggap kong training. Kay Kyle ko matatanggap ang training para maimprove ang telekenesis ko dahil narin sa mind reader siya, Kay Piolo naman sa pag improve sa hunting skills ko which I don't look forward to, kawawa yung mga munting hayop na iyon! Kay Renze naman ay pag improve ng kapanyarihan ko talaga, Si Abiegail naman daw ang mag tuturo kung pano gumamit ng lason, ewan ko ba kung kaylangan ko nun at si Cyrus, siya ang mag hahandle ng physical training at sa mga sandata. Ewan ko ba doon, gusto ni daddy kila Ron at Lon pero agad siya umapela, gusto ko tuloy maniwala na nag seselos siya pero wala sa karakter niya ang makaramdam ng ganoon.

Sabi ni Abiegail magsout ako ng damit na komportable ako, kaya nag sports bra ako at short-leggings na para sa training talaga, sinuot ko na din yung rubber shoes na binili namin noon. Pag labas ko ng palasyo pinag titinginan ako, naiintindihan ko naman kahit ako nagulat sa pag babagong nangyari sakin. Pero ang talagang napansin ko.... lumaki dibdib ko.

"Wow chicks!" Sigaw agad ni Ron nang makita ako.

"Akalain mo yun sexy ka pala hahaha!" Kantiyaw ni Kyle sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin, bakit mukha ba akong baboy? Mataba ba ako noon?

"Mukhang hindi lang tayo ang nakapansin sayo", sabi ni Piolo na para bang antok na antok, lumingon ako sa tinitingnan nila, isang grupo na nag kukumpulan.

"Sino sila?" Tanong ko, napabuntong hininga si Renze, habang naka higa sa damo.

"Basta hindi natin sila kasama", sabi ni Renze na parang naiirita.

"Hala bakit? Akala ko close kayong lahat dito", sabi ko pero natawa ang iba sakanila.

"Rachelle, mapa school, simbahan, o kahit pamilya pa iyan, meron at merong nga taong maiinggit at sisiraan ka", sabi ni Abiegail, nilingon ko sila, ang mga tinutukoy nila mukha naman silang mabait ah!

"Looks can be deceiving", walang ganang sabi ni Kyle, tatanungin ko sana siya pano niya nalaman iniisip ko pero biglang turo siya sa sentido niya. Oo nga pala, mind reader ang mokong na to.

"Mag kakaibigan kaming lahat dati pero dahil hindi sila naka pasa sa training pati pag kakaibigan namin tinalikuran nila", sabi ni Renze at parang may pinang huhugotan ito.

"Mukhang may badtrip", sabi ni Ron at nakangiti ng nakakaloko, napalingon ako sa gawi niya ay doon ko na nakita si Cyrus na may dark aura, pati mata parang gustong pumatay, nang makalapit ito saakin bigla niya akong sinigawan.

"What do you think you're wearing?!" Agad niyang sigaw sakin kaya napa atras ako, hala siya, anong mali sa suot ko? Di naman ako mukhang bold star ah! Normal lang naman to ah!

"Nag seselos lang Cyrus?" Asar ni Lon pero hindi siya pinansin nito, nakatitig lang siya sakin.

"Tsk", narinig kong sabi niya at tumayo lang sa harap ko.

"Let's start", he said in a clip tone, oh diba! Minsan gusto nang dumugo ng ilong ko sa mga pinag sasabi ng isang to. English ng english eh alam naman mag tagalog.

"Mag uumpisa tayo sa combat, I'll attack you and you better dodge", tatanungin ko pa sana siya bakit kaylangan ng ganun ng bigla niya akong sinuntok, jusko!!! Buti nalang nakaiwas ako! Ano to bubugbugin niya ako?!

"Hoy! Wala akong alam sa combat!" Sigaw ko pero tuloy tuloy siya sa pag atake kaya puro iwas ako, atras ako ng atras, infairness nakakapagod to ha, feeling ko ako tuloy si Jet lee tas kalaban ko si Jackie Chan! Wata!!!

"Aray!" Sigaw ko ng masipa niya ang tagiliran ko, Ang sakit letche naman kasi eh! Tiningnan ko siya at nahuli kong nakatitig lang siya sakin. Gentle man naman ng unggoy na to sarap itapon sa dagat. Pero wag nalang itatapon ko nalang siya sa puso ko yung walang makaka aligid sakaniya.

"Tayo", utos niya kasi nga nang masipa ako napaupo ako, pero dahil sa nabwibwisit na ako sa ulol na to binigyan ko siya ng uppercut pag ka tayo ko! Whoooo! Mukhang nagulat siya sa ginawa ko kasi nakatulala siya tas napatingin sakin.

"Chelle! Takbo!" Takot na sigaw ni Kyle, kaya ako naman itong si tanga na natakot sa expression nitong halimaw sa harap ko kaya kumaripas ako ng takbo.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko, basta napatakbo ako sa loob ng gubat. Naramdaman ko naman na wala ng nakasunod sakin kaya napasandal ako sa isa sa mga punong nandito, feeling ko tuloy nasa gubat ako ng wrong turn, ganon na ganon hitsura nito eh! Uuwi na sana ako ng biglang naisip ko.

Saan ako galing kanina?! shet! Sa sobrang taranta ko di ko natandaan ang paligid na nadaanan ko. Umikot ako tas biglang may nahulog mula sa taas at nasa harap ko siya. Napa atras ako.

"Lost?" Nakangiti niyang sabi, gustong gusto kong sapakin tong lalakeng to!

"Pano mo ako nasundan?" Nang tingnan ko kasi paligid ko wala namang nakasunod sakin. Tinuro niya ang mga puno.

"Ano ka si naruto? Ano mag kakagibunshin teknik kana rin?" Pang aasar ko pero tiningnan niya lang ko, wala bang anime dito? O hindi lang siya mahilig?

"Let's go back", sabi niya at hinila ako sa biglaan hila niya ay mabilis rin akong napaikot sa dereksiyon niya, ito nanaman siya sa pag kaladkad saakin. Hinayaan ko nalang siya, pano ba naman kasi yung kamay niya! Hihihi. Para kaming nag hoholding hands kaya medyo kenekeleg aketch hihihi!!! Hindi ko napansin na may naka angat sa lupang ugat ng puno, buti nalang alerto si Cyrus at nasalo niya ako bago pa ako masubsub. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa balakang ko kaya hindi ko maitagong masakit nga.

"Shit", bigla niyang sabi ng ginaanan niya ang kamay niyang nakapatong parin sa balakang ko, hindi niya to tinanggal mula sa pag kakahawak sakin.

"Does it hurt?" Napatingin ako sakaniya at nakita ko ang emosyon sa mata niyang ngayon ko lang nakita.

"A-ah, O-oo, kumikirot, okay na to mamaya", sabi ko pero hindi niya parin ako binibitawan. I suddenly felt that his fingers were carresing my side, tumaas balahibo ko. I have to admit masarap sa pakiramdam. Pero bigla ko siyang naitulak, pero ako ang nagulat sa ginawa kong iyon, bigla niya akong hinila pabalik sakniya at nakalapat na ang mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako dahil sa sensation na nararamdaman ko, his tongue was asking for entrance, wala akong balak pag ibigay yun pero dahil sa nagulat ako ng bigla niya akong sinandal sa puno, he took that opportunity to evade my mouth, his tongue explored every inch of my mouth. I started feeling hot, hinapit niya beywang ko palapit sakaniya, I couldn't help myself from touching his hair, he stopped and started to move away but I didn't gave him the chance to do that so I pulled him and kissed him hard. I felt him surprised but he responded right away. For an unknown reason bigla ko nalang siya naitulak, pareho kaming nagulat sa ginawa kong iyon, nakatingin lang siya sakin.

"Sorry, h-hindi ko dapat ginawa yun", sabi ko at tumakbo palayo sakaniya.

Tumakbo ako papunta sa palasyo, nadaanan ko sila Renze na tinatawag ako pero hindi ko na sila nilingon dahil derederetso akong pumasok sa palasyo.

"Kamahalan!" Narinig kong sabi ng isang babae pero hindi ko narealize na ako tinatawag niya ng ulitin niya ito, hindi pa ako sanay sa pag tawag sakin ng ganon.

"Pinapasabi po ng mahal na hari na mag bihis po kayo may bisita pong gusto kayo makilala", tumango nalang ako at dumeretso sa kwarto ko. Napatulala nalang ako nang maalala ang nangyari kanina. Bakit ganito tong nararamdaman ko? Bakit hanggang ngayon kumakabog parin ang dibdib ko, napabuntong hininga nalang ako, ayaw ko makasakit dahil lang sa gusto ko siya. I started digging in my walk in closet and found a simple but elegant dress.

Nag simula na ako mag ayos at mag suot ng heels, I just put my hair in a perfect bun, and wore diamond studded earrings. Pag kalabas ko ay napansin kong may lalakeng nag hihintay saakin.

"Kamahalanan, pinapasundo po kayo, sumunod lang po kayo saakin", sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang living area. Lahat ng mata ay nakapako saakin, nang buksan ang double door.

"My beautiful daughter!" Bati ni daddy at niyakap ako. Nakangiti ang mga naka upo sa mga sofa, hindi ko akalain na madami sila.

"This is my daughter.Hija, they are the Lazarus Family", sabi ni daddy at nginitian ko lang sila.

"Tumabi ka nalang kay Cyrus hija", nagulat ako dahil hindi ko napansin na nandito si Cyrus, nang tingnan ko siya ay parang galit ito, pero hindi naman halata sa mukha niya. Pakiramdam ko lang. Umupo ako sa tabi niya, it was a loveseat kaya medyo masakip sa dalawang taong ayaw mag usap.

Kinakausap ako ng nga bisita, pero sinasagot ko lang mga tanong nila at ngumingiti, samantalang itong katabi ko walang ka emosyon emosyon ang mukha nito. Napansin kong may isang lalake na nakatayo sa sulok habang umiinom ng wine, at iisa lang ang napansin ko. Ayaw ko ang paraan ng pag ngiti nito sakin at ang pag titig sakin, nagulat nga ako ng bumaba ang tingin niya sa binti ko. Isiniksik ko ang sarili ko sa sofa, baka sakaling mawala ang pag titig nito sakin.

Natapos ang gabi na puro tawanan, sabay sabay na sila umuwi, hindi parin mawala sa isip ko ung manyakis na lalakeng iyon. Nag paalam ako kay daddy mag papahinga na, buti nga kahit papaano ay nalimutan ko sakit ng balakang ko, pero dahil siguro sa paraan ng upo ko kanina kaya mas kumikirot ito. Dumeretso ako sa kwarto ko at nag bihis nang pang tulog, napansin kong nag kapasa ang tagiliran ko, may pag pa purple na pag ka itim ito. Humiga ako sa kama at unti unting na akong hinihila ng antok, hindi ko nga namalayan na lumubog ang side ng kama sa likod. Na para bang may humiga, bigla akong umikot at nagulat ako.

"Go back to sleep", malumanay niyang sabi, gusto ko sana umapela pero bigla niya akong hinila at niyakap. Oh shit! Biglang kumabog nanaman dibdib ko, pano ako makakatulog ng ganito? Halos mahulog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

"C-cyrus, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko mapigilang mag tanong kasi diba pusong yelo ang ugok na to, tapos may nalalaman siyang tatabi sakin.

"I can't sleep", sabi niya pinag dikit ang mga noo namin, oh sige siya matutulog, ako mag iimagine na mga pweding gawin dito, grabe parang mahihimatay ako nito.

"I saw how that man looked at you", sabi niya, nakapikit parin siya kaya medyo di ako kinakabahan pero yung hininga niya shet, ang bangoooo!!!! My ghad! Nakakaturn on talaga!

"That's the reason why I don't want you to wear revealing clothes", sabi niya at humigpit yakap niya sakin, mas bumilis ang tibok ng puso, kung may ibibilis pa ito.

"W-wala ka naman sinabi ah", iniisip ko kung may sinabi siya pero wala talaga ako maalala, pati pananalita ko nauutal utal na, kinakabahan kasi ako, grabe naman kasi itong si Cyrus kung mag pakilig.

"When I got mad at you earlier, that's what I want to point out, but you wont understand what i want to say if you don't experience it", sabi niya at naintindihan ko na, yung pakiramdam na kabastos bastos ako, na parang titiig lang pero nababastos at wala ako magawa kasi di naman pweding mamintang ako agad. Ako ang mapapahiya kapag ginawa ko iyon.

"Binti lang naman tapos likod ang nakita sakin kanina ah", pag dadahilan ko, bigla niyang minulat ang nga mata niya, shet talaga, yung blue niyang mga mata, parang gusto kong titigan boung araw. Hindi ako mag sasawa, para akong malulusaw sa pag titig niya.

"I don't care, you're mine, I don't want anybody looking at my girl", bigla akong namula, I felt his warmth akala ko hindi ako makakatulog , I didn't know I can be this comfortable with a man.

Cyrus' POV

"Hey, Cyrus!" I heard a familar voice call me. I turned around and saw it was him.

"What?" I was pissed off.

"Grabe ka naman! Gusto ko lang naman na sabihin sayo na alam ko kung saan ka natulog kagabi!" Nakakairita niyang sabi na para bang iniinis talaga ako, kung wala talaga akong self-control lilipad talaga to gamit ng kamao ko.

"And?" I said while staring at him.

"And? Pare! Katabi mo si Rachelle kagabi sa kama, walang nangyari? Hindi ka naka home run?" Damn, I knew this would happen, false rumors again, just because we slept together something happened. Hindi ba pweding nag tabi lang at natulog?

"Bakit inggit ka?" Naiirita kong tanong at tiningnan niya ako na para bang hindi siya pakapaniwala sa tanong ko, mabilis itong tumango, naningkit mata ko sa sagot niya. Hinahangad niya din pala si Rachelle.

"Sige tabihan nalang kita mamaya, be ready", sabi ko sakaniya at biglang napalitan ang expression nito na diring diri sa sinabi ko. Serves you right moron.

"Putang*na! Uuwi nalang ako! shet talaga!" Sigaw niya na para bang iniimagine niya ang sinabi ko. Inakbayan ko siya, nagulat siya sa ginawa ko at ngumiti ako ng ubod ng tamis at nag pa cute sakaniya.

"Then stay away from my territory Lee", sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. I walked away from him.

"Asan titulo mo! Nasan!" Sigaw niya na hindi niya matanggap o nangaasar lang talaga.

"It's on her neck Renze", simple kong sagot sakaniya kaya nagulat siya at ngumiti ng nakakaloko.

May sasabihin pa sana siya pero hindi ko na pinakinggan at dimeretso nalang sa field para panoorin ang training ng mga bata.

Napalingon ako sa gate at nakita kong palabas si Rachelle, I had this urge na sundan siya, nakasakay ito sa isang Mazda Red, kaya sinundan ko ito sakay din ng sasakyan ko. Tumigil ang sasakyan niya sa isang Mall at nag park I did the same.

I kept my distance habang siya ay kumuha ng cart at nag lagay ng mga libro at pagkain. Oh, akala ko kung ano nang gagawin niya. I watched her from a distance, everyone is looking at her direction, pero hindi siya aware sa atensyong natatanggap niya. I heard mumurs about how normal she looks, how she dress and how she acts. Nang mag babayad na siya sa cashier narinig kong sinabi ng manager na nag iikot ay hindi na niya kaylangang mag bayad dahil bilin ng hari ay hayaan lang siyang kunin ang kahit na anong gusto nito at wag pabayaran. Napabuntong hininga ito at dumeretso sa isang Ice cream parlors, one of the things I knew about her is that she loves ice cream, Strawberry, Mango, cookies and Cream is her favored flavors. She devored it in less than an hour, there were a group of girls looking at her and laughing.

I just watched as they stood up from their seats and went straight at Rachelle's table, she deliberately ignored them while eating what's left of her ice cream. She stopped when one of the girls in front of her slammed her fist on the table which startled Rachelle.

"Oh?" Walang ganang tanong ni Rachelle.

"You don't look like a princess at all", said another girl, Rachelle stared at the girl and smirk.

"I bet you're weak too, since you grew up in that low life world", another girl snickered.

"She's even engaged to Cyrus! One of the bachelors in this realm!" Another exclaimed.

"Tapos?" nang iinis na sabi ni Rachelle.

"Just go back to your pitiful world, you're not a princess", they were laughing at Rachelle.

"I am not a princess, because I am a queen, and as for Cyrus your implying that I forced him? Why don't you asked him? His just a few feet away from here", I was surprised at her senses, she's improving. She is now aware o her surroundings. Impressive.

I stood up from my chair and walked in the Ice cream parlor.

"Hey, baby let's go?" I asked with my sweetest tone after I kissed her cheeks. The girls were surprised and looked down their feet. I felt Rachelle surprised with my actions.

"Your heads better stay that way, someone like you with no power nor position in the society should not have the guts to disrespect. YOUR. QUEEN.", I said in a pissed tone, Rachelle walked out with me, at first I thought she would get inside my car but she went straight to her's.

"Hey!" I hollered and she glanced at me.

"Ride with me, I'll take you someplace?" She just looked at me.

"Pano to?" Tinutukoy niya ang kotse niya.

"Leave it, I'll asked Kyle to pick it up", tumango na ito at dumeretso sa kotse ko.

Nag taka ako ng bigla niyang binaba ang windshield. Pinundot ko ang up button na nasa tabi ko. Binaba niya ulit ito at sinamaan ako ng tingin.

"Ganyan lang yan kung ayaw mong sukahan kita", napangiti nalang ako sa pa mamando niya sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
6K 268 49
"Bampira ako." "Tsh. Alam ko na." "At mahal mo parin ako?" "Malamang, psh! Mahal kita kahit ano kapa." @saiji.
2.5K 237 53
[SEASON 2 of A World Ruled By Fox] Kung ang simula ay nagwakas, may panibagong simula na bubukas sa pinto ng buhay ng bawat isa. Cover made @Animoons...
805K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...