The long lost Dhampir Queen

By Hyacinthinics

64.5K 1.7K 174

Top #2 On Werewolf Genre Rachelle Mae Arce, Inampon ng kinikilalang magulang ngunit siya mismo ang nag sisisi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16: The New Queen and the first love
chapter 17: Who Has the right
Chapter 18: Will she leave me?
Chapter 19:The fight Part 1
Chapter 20: The fight Part 2
Chapter 21: The disaster party
Chapter 22: Having the worst Nightmare
Chapter 23: Her Sweet Revenge
Chapter 24: Hope
Chapter 25: Forest of the Lost Souls
Chapter 26: The Forest Of Illusions
Chapter 27: The Ghoul Forest
Chapter 28: Three Choices and One Decision
Chapter 29: Bazooka
Chapter 30: War Preparations
Chapter 31: The Waterfall's Secret Cave
Chapter 32: Winter Wars
Epilogue

Chapter 9

2K 58 9
By Hyacinthinics

"We do not want to use
the term 'harrassment'.
What is happening today
is Sexual terrorism"
-Angelina Jolie

Rachelle's POV

"Tara na", sabi ko nang makarating ako sa meeting place, mag huhunting daw kami, nagulat sila nang makita ako.

"Pwedi kana bang lumabas Rachelle? Baka malintikan kami niyan", sabi ni Renze na nag dadalawang isip kung isasama ako. Grabe tong mga ito saakin, ginawa naman akong bata!

"Hindi magagalit si daddy! Nag paalam na ako", sabi ko pero napangiwi sila Abiegail.

"Papatayin tayo ni Cyrus", mahinang sabi ni Kyle, papatayin? Bakit naman sila papatayin ni Cyrus?

"Ok, let's go", narinig kong sabi ni Cyrus na kararating. Hindi niya ako agad napansin pero ng tingnan na kami. Biglang ang sama ng tingin sakin , problema nito?

"What do you think your doing here?" Tanong niya agad sakin, ang lamig ng tuno niya kahit hindi pasigaw grabe ang pag bagsak ng mga salita niya.

"S-sabi ni daddy okay lang daw", sabi ko, bigla akong nautal para kasing galit ito saakin.

"I don't care what your father said, you're not coming with us!" Sigaw niya, nagulat ako sa tono niya at pag sigaw sakin, gusto kong maiyak kasi parang pinahiya niya ako sa mga kasama namin.

"Mas lalong wala akong pakialam sa mga sasabihin mo!" Pag ka sigaw ko ng mga katagang iyon ay kasabay ang biglaang pag kulog at kidlat. Napatayo sila Renze at nagulat sa nangyari. Wala na akong pakialam sa kanila, nag lakad nalang ako mag isa sa gubat. Oo wala akong alam dito pero kaya ko naman sarili ko. Diretso lang lakad ko, may nakita akong parang pathway kaya sinundan ko ito.

Biglang nag iiba ang hitsura ng gubat, kanina lang puro patay na mga puno, walang kabuhay buhay, parang may nadaanan akong border kasi ang ganda sa parte na to, puro green ang puno, green ang mga lumot, may nakikita akong mga ibon na lumilipad. Tuwang tuwa ako ng biglang parang may umungol na hayop napatigil ako sa pag pag lalakad. Naulit ulit iyon, ngayon nasisiguro kong para itong kabayo. Hinanap ko pero biglang nawala ang tunog, babalik na sana ako sa pinang galingan ko nang may makita akong kabayo sa dinaraanan ko, pure white siya! Kung tao lang ito at napakaganda niya, at hindi lang iyon ang maganda sakaniya! Pati narin ang mga pakpak nito, pegasus ba ang tawag sa mga ganitong uri?

Nagulat ako dahil bigla itong tumakbo, kaya hindi ko na ito sinundan. Bumalik nalang ako sa bungad ng gubat pero nasalubong ako nila Abiegail.

"Halika na, tutulungan daw kitang mangaso", sabi niya kaya tuwang tuwa ako! Sumama ako agad sakaniya, nag tago kami sa malalaking puno habang nag mamasid sa pweding gawing biktima char! Ahahaha, feeling ko tuloy para akong si Edward sa twilight, yun mga linya niyang "You can't outrun me" ganern hahahaha, memoryado ko pa!

"Abiegail, ano hinahanap nating hayop?" Tanong ko dahil may mga dumadaang hayop pero hindi naman siya gumagalaw.

"Deer, less messy kasi kapag kaunting balahibo ang huhuliin natin", sabi niya pero masyadong malaki yun diba?

"Sige, pero baka caldereta nalang gawin kong luto, matagal pa ilalaga yan, hindi ko kasi alam ang texture ng karne ng deer eh", sabi ko at tumingin siya sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Hindi natin siya iluluto!" Nagulat siyang sabi niya napa 'ha' nalang ako.

"Kaylangan natin ng dugo niya, hindi natin siya lulutuin", hala siya! Hindi ba kadiri yun? Sisipsipin ko dugo niya? Ewwww! Hindi ako cannibal! Kadiri!

"Ayaw!" Sabi ko agad at iniwan siya doon, agad niya akong hinabol.

"Uhy Rachelle!" Sigaw niya at nakita ko na ang iba naming kasama, napa atras ako dahil si Kyle puro dugo bibig niya tapos nginitian pa ako! Parang tuloy siyang aswang!

"Mang hihina ka kapag hindi ka uminom ng dugo!" Sabi ni Abiegail pero umiling parin ako.

"Kaya mo pumatay ng limang lobo pero takot kang pumatay ng deer?" Mapang asar na sabi ni Ron na agad binatukan ni Renze, napatigil si Ron at para siyang nahuli sa aktong may ginawang kalokohan.

"Ang pinatay? Anong lobo pinag sasabi niyo?" Sabi ko pero walang sumagot sakanila. Ang weird nila, kahapon tinanong ako ni Piolo kung naaalala ko yung halik, tapos ngayon may pinatay ako? Ano ba ginagawa ko kapag wala akong malay?

"Teka, asan pala yung asungot este si Yana?" Tanong ko, narinig nila ang una kong sinabi kaya natawa sila, pano ba naman kasi parang nananadya yung babaeng iyon! Alam na nga niyang may Fiancee' na nilalandi niya umaaligid pa. Pero dapat wala na akong pakialam sakanila. Erase. Erase!

"Ayun lumayas, nag selos kasi hinalikan ka ni Cyrus", sabi ni Kyle na nang aasar ang titig.

"Halik? Teka! Hoy Cyrus! Anong ginawa mo sakin noong wala akong malay ha! Ginahasa mo ako nho!" Oh shit! kaya pala tinatanong ako kung naaalala ko! Punyemas tong lalakeng to mapag samantala! Narinig ko ang pag pipigil ng tawa ng mga kasama namin.

"Nonsense", matipid niyang sinabi with a clip tone, grabe to napahiya ako doon.

"Anong nonsense ka dyan! Umam--", natigalgal ako dahil parang biglang tumigil mundo ko, nawalan ako ng kontrol sa katawan ko kaya natumba ako, naramdaman ko ang pag kasalo sakin pero hindi ko alam kung sino. Bigla nalang akong napunta sa ibang lugar.

"Tara na umuwi na tayo", narinig kong yaya ni Renze kaya nag lakad na kami pauwi habang papalapit kami ng papalapit lumalakas ang amoy ng dugo, na alarma kami kaya binilisan namin ang pag takbo, nadatnan nalang namin ang mga guwardiyang wala nang mga ulo, puro dugo at bangkay ang nasa bungad ng palasyo. Nag madali kaming pumasok doon, nadatnan ko si daddy nakatali siya sa kisame, ang parehong paa at kamay niya ay naka tali sa kisame.

Pero hindi iyon ang nakakuha ng atensyon ko, kundi ang nawawalang ulo ng aking ama, biglang nag bago nanaman ang lugar na kinaroronan ko, parang nag shishift ako ng lugar. Nag flash sa paningin ko ang oras, alas-sinko. Bakit may orasan? Bigla nalang akong nasa bungad ng palasyo, kitang kita ko kung pano gilitan ng leeg ang mga kasama ko, lumaban sila pero makapangyarihan ang kalaban, hawak niya sa leeg si Cyrus.

"We meet again, my love", sabi niya at ngumiti.

"A-amara, tumigil kana!" Sigaw niya pero bigla akong nakarinig ng pagkabali ng buto, yun na pala ang pag bali niya sa leeg ni Cyrus at hindi nag atubili ang babaeng tanggalin ang ulo nito. Nilingon niya ako at nanlamig ang buo kong katawan.

Imposible! B-bakit kamukha ko siya? S-sino siya? Ngumiti lamang ito ng ubod ng tamis at bigla nalang...

"Rachelle!" Sigaw ni Abiegail ng pinipilit nila akong bumalik sa realidad. Nakatulala ako at tiningnan sila. Napatayo ako bigla.

"Tara umuwi na tayo", narinig kong sabi ni Renze, no, no, no. It's exactly like what I saw!

"Kaylangan na nating bumalik", agad kong sinabi at tumakbo, ramdam kong totoo lahat ng nakita ko alam kong may mangyayaring masama. Bakit kamukha ko ang babaeng yun?

Pag dating ko sa bungad ng palasyo nakita ko ang mga guwardiya, agad nila akong niyukuan.

"Mag dagdag kayo ng kasama niyo dito", sabi ko agad at tinanguhan ako ng guwardiya, nag tataka na mga kasama ko sa nangyayari sakin.

"Rachelle, what's going on!" Hinila ako ni Cyrus pero hindi ako nag pahila.

"Alam ko ginagawa ko", sabi ko at agad dumeretso sa opisina ni daddy, nadaanan ko ang lugar kung saan ko nakita ang walang ulong katawan ni daddy.

Hindi ko napigilan ang pag yakap sakaniya ng makita ko siya.

"Rachelle? Anong problema?" Tanong nito, hindi ko napigilan ang pag iyak.

"M-may mang yayaring m-masama", sabi ko sakaniya at tuloy tuloy ang pag iyak ko.

"Anak, walang mangyayaring masama", sabi niya pero umiling ako.

"Nakita ko daddy, nakita ko ang mga katawan ng mga patay na guwadiya, nakita ko ang katawan niyo sa kisame na walang ulo, nakita ko kung pano patayin ang mga kaibigan ko", sabi ko at ramdam ko ang pag ka alarma ng mga kasama ko.

"Daddy, nakita ko lahat", sabi ko at hindi ko mapigilang umiyak ng lumitaw ang mga imahe sa isip ko.

"Sino siya, sino ang nakita mong pumatay samin?" Tanong nito kaya napatitig ako sakaniya.

"Narinig ko ang pag tawag ng pangalan niya" sabi ko at naalala ang babaeng kamukhang kamukha ko.

"Sino?" Natatarantang tanong ng mga kasama ko.

"Amara", pag kasabi ko nun ay parang may biglang humila ng lakas ko at umikot ang paningin ko.

Cyrus' POV

I felt something cold crept into me when I heard her say that name. Amara is gone, she might be alive but she's long gone. Akmang bubuhatin siya ni Ron pero binunggo ko ito at ako na ang nag buhat.

"Protect her", sabi ng ama nito na agad kong tinanguhan.

When I got to her room, I laid her on her bed at kinumutan. Nandoon lang ako at hindi umalis sa tabi niya, she looks so peaceful. She began to stir in her sleep, mag lilikot nanaman ito. She started mumbling words I can barely hear. Ang narinig ko lang na malinaw na sinabi niya ay.

"Gago si Cyrus", she even curse me in her sleep, funny girl. I can't help but stare at her sleeping form. I didn't even notice that I was smiling. This girl really makes me confuse.

I peeked out the window, lahat ng mga kawal ay nakabantay sa buong palasyo. I should have killed her when I got the chance.

"Cyrus?" Napalingon ako kay Rachelle, nakaupo na siya sa kama at nakatingin sakin.

"Hey", sabi ko at lumapit sakaniya.

"How are you feeling?" Tiningnan niya lang ako, na parang nalilito.

"Cyrus may ginawa nanaman ba ako kanina?" Tanong niya kaya pati ako nag taka, don't tell me she can't remember anything again?

"Cyrus, anong ginawa ko?" Parang natatakot siya habang nakatingin siya sakin.

"Nothing, you just passed out", sabi ko at napayuko siya.

"You're lying", she said with a cold tone, this was the first time she talked like this.

"Hindi ko na alam nangyayari sakin", sabi niya at tiningnan ulit ako.

"Cyrus", sabi niya habang tuloy tuloy ang pag patak ng luha niya. I felt like there was a big hand squeezing my heart, I started to panic.

"I-i, Rachelle, w-what's wrong?" Takot akong masungitan siya baka mas umiyak kaya bigla tuloy akong nautal.

"Ang hirap, sobrang hirap dito, gusto ko nang umuwi", iyak lang siya ng iyak, wala na siyang mauuwian pa pero gusto niyang umuwi.

"Shhhh, get some rest", nilapitan ko siya at hinagod ang likod niya.

"I feel lonely", sabi niya, nag taka ako dahil nandito naman kami.

"I'm here Rachelle, I'm not leaving", tiningnan niya ako at biglang sumiksik sa bisig ko, kahit ako nagulat sa ginawa niya.

I was suprisingly enjoying this moment, but suddenly she pushed me. WTF?

"Sorry", sabi niya bigla kaya pati ako naguguluhan, what is her problem?

"Baka magalit si Yana sakin", sabi niya at bigla nalang ako natawa sa sinabi niya pero pinigil ko.

"I'll just get some food, wait here. Do.Not. Leave." Buong diin kong sabi sakaniya at tumalikod sakaniya.

That silly girl, would she really thinks I would give her this kind of attention if I like Yana? Stupid girl, I just like her, she's attractive. I am not capable of loving anymore, I have no heart to give, all I can give is affection but not love. I can never love, especially when she's the exact replica of the girl that broke my heart.

Abiegail's POV

"Piolo?!" Sigaw ko ng makita ko siyang nakatulala lang sa harap ng pinto ko.

"Ay A-ah", natataranta siya ng mahuli ko siya, parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya matuloytuloy.

"Ano nga?" Naiirita kong tanong dahil para siyang budoy na may pag ka kokey ang hitsura sa ginagawa niya.

"P-pwedi ba kitang yayain lumabas?" Tanong niya kaya nabigla din ako, ngayon niya lang ako niyayang lumabas, shet! Totoo ba to? Seryoso ba siya? Pinag tritripan niya ba ako? Teka, umamin na siya dati sakin akala ko biro lang, baka totoo din yun?

"Okay ka lang?" Tanong ko at napayuko ito at kinamot ang batok niya.

"Ah, wag nalang pala", sabi niya sabay alis sa harap ko. Nakakaloka kana talaga Piolo, kung tanga ako maniniwala ako sayo sa lahat ng biro mo.

Pero ano nga ba dahilan ko para hindi maniwala sakaniya? Wala siyang nilanding babae noon pa man, wala din siyang ibang babaeng naikwento sakin at mas lalong hindi pa siya nag kaka girlfriend. Bakit natatakot akong maniwala sakaniya? Bakit ako kinakabahan pag naiisip kong totoo lahat ng sinasabi niya? Bakit ganito ako? Natatakot sa katotohanang may handang mag mahal sakin ng totoo at tanggap ako. Alam niya ang mga tinatago ko at pilit kinakalimutang mga alaala, pero binibiro niyang mahal niya ako? Pupwede bang may mag mahal sakin kahit ganito ako? Pwedi ba akong sumaya? Hindi ko namalayan ang dalaw ng antok sakin

"Nichole! Nichole!" Sigaw ko at patuloy parin sa pag hahanap ng matataguan sa impyernong bahay na ito.

"Abie? Nasan ka?" Tawag niya sakin pero naramdaman kong may taong paparating, naramdaman niya din ito at nag tago. Hindi ko namalayang nasa harap ko na ito ay hinablot ako sa buhok, nakita kong hawak din nila si Nichole.

"Akala mo makakatakas ka!" Sigaw sakin at sinikmuraan ako, dumilim ang paligid.

Bigla akong nagising ng maramdaman kong may humahaplos ng mukha ko, bigla akong nahimasmasan. Nakatali ako sa kama, pinilit kong makawala dahil sa lalakeng nasa harap ko ay isa isang hinubad ang mga saplot nito, sumigaw ako, umiyak, nag makaawang mag niyang gawin pero lahat ng iyon ay hindi niya pinakinggan. Pinunit niya ang salawal ko sa ilalim ng bestisang suot ko, mag kabila niyang hinila ang binti ko at nakaramdam nalang ako ng sobrang sakit na tumusok sa pag kababae ko. Sa sobranv galit ko, hindi ko na alam ang nangyari pero biglan naging yelo ang lalake sa harap ko, pati ang tali sakin ay agad kong natanggal ng maging yelo ito, wala na ako sa sarili ko, gusto ko silang patayin lahat. Narinig ko ang pag sigaw ng pinsan ko na agad kong nahanap, ganun din ang balak gawin sakaniya, pero bago pa man siya mahawakan ay lahat ng lalakeng nandoon ay ginawa kong yelo.

Tumakbo kami palabas ng impyernong iyong at nag tago sa gubat na nabalutan ng yelo dahil sakin.

Napa balikwas ako sa higaan at nakita ko ang sarili kong basang basa ng pawis. Bigla ko nalang naalala ang panaginip ko at naiyak.

May tatanggap pa ba sakin?

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 237 53
[SEASON 2 of A World Ruled By Fox] Kung ang simula ay nagwakas, may panibagong simula na bubukas sa pinto ng buhay ng bawat isa. Cover made @Animoons...
12.6K 1K 49
Ayon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pag...
104K 1.2K 18
Highest Rankings: #4 In Adventure #10 In Adventure #33 in Adventure This is your not so ordinary story. Ang storyang hindi hinango sa mga pamilyar at...
159K 4K 35
Si Jazelee ay isang simpleng babae na may hindi pang karaniwang kakayahan. She can see a glimpse from the future. At dahil ipinagbabawal ang kanyang...