Caught by a Beast [GxG]

NyreneMorana_

380K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... Еще

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰59th Catch╮

3.3K 154 113
NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰59th Catch╮

THAT confrontation compels her to make a final decision. She concurrently switches back to her old SIM card and deactivates the new one, severing her connection with Arq. Even though, she thinks it's unnecessary, as it appears that Arq doesn't plan on contacting her anymore.

It's been a week since that incident, and still, Arq hasn't made any attempt to talk to her. Does she have to wait further?

Palagay niya ay mas nagsaya ang mga estudyante ng RDGU na pag-usapan ang isyung kinasasangkutan nila kaysa sa pagganap ng Foundation Day. Matapos ang komprontasyon ay hindi na siya nagbalak na makisaya pa sa selebrasyon.

Pinalipas niya ang mga araw nang nakahiga lamang sa kanyang silid at nag-iisip. Hindi siya umiyak. Pinilit niyang maisakatuparan ang pangako sa kabila ng sakit na nararamdaman.

Malaking tulong din ang presensya nina Pearl, Andy at Yuan. Hindi na rin dumalo ang tatlo sa pagdaraos ng kanilang Foundation Day. Mas pinili ng mga itong samahan siya kahit pa hindi niya nagawang pagtuunan ng pansin ang mga ito sapagkat ayaw niya munang makipag-usap.

Sa kabila ng kagustuhan niyang manatili na lamang sa kanilang tahanan, may dalawang linggo pang natitira bago tuluyang matapos ang semester. Kaya kahit ayaw niyang tumungtong sa RDGU ay wala naman siyang magawa. Kailangan niyang pumasok.

Given their iffy status, she's not expecting Arq to drive her to the university. This implies that she needs to behave naturally because she will be with her dad. Nonetheless, she's grateful that they skip engaging in any conversations, yet it only leaves her pondering whether her dad might know something. If that's the case, does she have to worry now?

Oddly enough, it has turned into the slowest journey she has ever experienced.

Once she sets foot in the university, she quickly notices the meaningful glares cast her way by the other students. A few go out of their way to speak loudly, making sure she catches wind that she's the topic of their conversation.

Arq's significant influence at the university makes it inevitable that they will be the primary focus of everyone's attention following the recent incident.

Dahil sa ganoong estado, naisip niyang mukhang kailangan na naman niyang ibalik ang katauhan na wala siyang pakialam sa paligid. Ngunit kaya pa nga ba niyang maging isang simpleng estudyante na gusto lang makatapos sa pag-aaral sa kabila ng mga pangyayari?

I have to do it even if I can't.

Papasok na sila sa gusali kung saan naroroon ang una niyang klase nang mapansin niyang kasama pa rin niya si Pearl.

Nilingon niya ito nang may pagtataka, sabay tanong ng, "May klase ka rin ba sa building na 'to?"

"Wala. Sasamahan lang kita hanggang sa makarating ka sa classroom mo." Kaswal nitong tugon.

Natawa siya nang bahagya. "Ano bang akala mo sa'kin, bata?"

"Hindi. Gusto ko lang din mapansin kasi may kasama akong sikat sa university ngayon."

Sa halip na patulan pa ang pang-aasar ng kanyang kapatid ay iiling-iling na lamang siyang nagpatuloy sa paglalakad. Mukha man siyang kawawa pero maigi na ring may kasama siya lalo na kapag nasalubong niya sina Arq at Shakira— na mabuti na lamang ay hindi nangyari hanggang sa marating nila ang silid.

"I'm going." Pearl declared as soon as they reached the classroom.

"Thank you," she mumbled, beaming in appreciation.

"Kontakin mo lang ako kapag may pumeste sa'yo." Dagdag pa nito, at hindi na hinintay pa ang sagot niya bago tuluyang umalis.

Now that she's all by herself, she suddenly senses the tension, heightened by the immediate hush that befalls the classroom as she steps in.

Amidst the scrutiny of all present, she maintains a proud posture, refusing to lower her chin. Because once she lets them get under her skin, it might drive her to run away.

Eventually, as she carries through with a fierce demeanor during classes, those blabbermouths gradually leave her alone.


"HELLO! Earth to Lara!" Pukaw ni Andy sa kanyang atensyon habang ikinaway-kaway pa ang kamay sa harapan niya.

"Y-yes?"

"Sabi ko magbabakasyon ako sa province namin ngayong sem break, sasama si Yuan. Invited ka rin siyempre."

"Hmm..." Saglit niyang pinag-isipan ang imbitasyon nito. Gusto niya ang ideya ni Andy subalit may kailangan siyang gawin sa bakasyon. "Baka sa Cresta kami magpunta. Pupuntahan ko rin kasi 'yong bestfriend ko doon. May tampo pa kasi sa'kin 'yon dahil sa biglaan naming paglipat dito. Kailangan ko pa siyang suyuin."

Medyo lumungkot ang mukha ni Andy. "Gano'n ba? Marami pa naman sana tayong papasyalan lugar namin."

"Salamat na lang sa invitation. Atsaka kasama mo naman ang boyfriend mo, ayaw ko namang magsilbing third wheel sa inyo."

"Grabe siya, oh! Kapag sumama ka naman iiwan natin 'tong si Yuan sa bahay. Ikaw ang idi-date ko." Dagdag pa ni Andy sabay kindat sa kanya.

Sinimangutan niya ang malokong kaibigan. "Andy, kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Andyan lang sa tabi mo 'yang boyfriend mo, oh!" Paalala niya sabay turo kay Yuan.

"Don't worry about it, Lara. Hindi naman seloso 'tong si dude. Right?" Tugon ni Andy bago pisilin ang ilong ni Yuan bilang paglalambing.

Natatawa na lamang siyang nagbalik sa pagkain.

Alam niyang pinapasaya lamang siya ng kaibigan pero mukhang nasosobrahan ito sa pangungulit; nagagawa pa nitong idamay ang kasintahan. Mabuti na lang ay hindi seloso at reklamador si Yuan.

Nabanggit sa kanya ni Andy na wala itong isinekreto sa kasintahan tungkol sa tunay nitong katauhan. Sa kagustuhan kasi nitong lubayan ni Yuan matapos umamin ng binata sa tunay nitong damdamin, sinabi ni Andy na bisexual ito.

Ngunit sa halip na ma-turn off ang binata ay lalo lamang itong lumapit. Kaya napasuko na rin si Andy kalaunan.

Hindi siya bitter sa buhay-pag-ibig ng kaibigan niya kaya ayos lang kahit naglalandian ang mga ito sa harapan niya ngayon.

"Gotta go to my next class." Sambit niya nang matapos sa pagkain.

"Hala, hindi ka na tatambay? Halos kakalunok mo lang noong huling isinubo mo, ah. Bakit ka nagmamadali?" Ngumunguya pang puna ng kanyang kaibigan.

Tumayo na siya habang inililigpit ang pinagkainan. "Dadaan pa kasi ako sa library."

Nang mapansin niyang tatayo si Andy ay mabilis niya itong sinita.

"Oy, tapusin niyo muna ni Yuan ang pagkain niyo. Kaya ko namang mag-isa."

"Sigurado ka ba?" Halos sabay pang tanong ng dalawa na ikinatawa niya.

"Oo naman. Na-survive ko nga ang tatlong klase. Ako pa ba?" Pagyayabang niya.

"Bilib talaga ako sa fighting spirit mo, Lara!" Pumapalakpak na pahayag ni Andy.

Naiiling na lang siya sa kalokohan nito bago tuluyang iwanan ang mga ito sa pantry.

Habang naglalakad sa koridor ay hindi niya napansin ang biglang presensya ng dalawang lalaking estudyanteng nagtatakbuhan. Sinubukan niyang umiwas subalit mukhang malas talaga siya sapagkat sumabit sa kamay ng isang lalaki ang bag niya, dahilan para malaglag iyon.

Hindi niya rin napansin na bukas pala ang bag kaya lalo siyang sumimangot nang kumalat ang mga gamit niya sa pasilyo.

Sa halip na sitahin pa ang dalawang estudyante, nagmadali na lamang siyang pulutin ang mga gamit. Nakaramdam siya ng konting inis nang maisip na baka sinadya ng mga itong bungguin siya. Ganonpaman, wala siyang magagawa kung gusto siyang pagtripan ng kapwa niya estudyante dahil sa isyu nila ni Arq at ni Shakira.

Pero sa susunod na may mamimisikal na naman sa kanya ay papatol na talaga siya.

Patapos na siya sa ginagawa nang masipa naman niya ang scotch tape na hindi niya napansin sa kanyang paanan. Sinundan niya iyon ng tingin habang gumugulong hanggang sa tumama iyon at huminto sa isang sapatos.

Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay ari ng sapatos na iyon kaya hindi na niya kailangang tingalain pa. Pero dahil kailangan naman niyang tumayo, hindi niya maiiwasang hindi ito matingnan.

Gano'n na nga ang nangyari. Tumayo siya nang tuwid atsaka matamang hinuli ng tingin ang mga mata ni Arq na nakatitig din sa kanya.

Parehong blangko ang ekspresyon sa kanilang mga mukha subalit hindi niya alam kung kaya pa niyang tagalan ang pakikipagtagisan ng titigan sa taong kinasusuklaman ngayon.

Parang pinipiga ang kanyang puso.

"Lara!" Tawag ng isang tinig na pumukaw sa kanyang atensyon.

Nakita niya si Zach mula sa likuran ni Arq. Mabilis nitong nilagpasan ang huli na nanatili lamang nakatitig sa kanya.

As much as she doesn't want to talk to Zach, she finds herself grateful for his unexpected presence. If he didn't show up, she could have been compelled to shed tears in front of Arq.

She manages a smile as Zach stands in front of her, purposely blocking Arq from her view.

"Papunta na 'ko sa susunod na klase natin. Sabay na tayo?" Tanong nito.

Wala sa mga klase niya ngayong araw ang kinabibilangan ni Zach pero may ideya siya kung para saan ang ginagawa nito.

Tumango siya. "T-tara na." Aniya atsaka ito hinila sa braso.

With no alternative route, she has no choice but to walk past Arq on the way to her next class. The tension fills the air as she strides alongside, creating a queasy feeling in her stomach.

She has no idea when her best friends arrive; the trio seemingly emerges from somewhere and they all cast observing glances at her way.

She only gets a chance to take a sigh of relief once they are at a distance. It's at that moment that she discerns the bruises on Arq's face, hidden from afar. Even if she denies it, a pang of guilt creeps in, suspecting that Arq has, yet again, found trouble.

Questions swirl in her mind as she resumes to walk forward.

"'Wag kang iiyak." Paalala ni Arq.

"Huh? Hindi naman, e." Pagkukunwari niya kahit na ang totoo ay paiyak na siya.

Tumingin ito sa kanya sabay ngiti. "Good. Don't show her that you're hurt. Magmamalaki lang siya sa'yo."

"Alam ko naman. Atsaka hindi ko na siya iiyakan 'no. Matapang 'ata 'to!" Biro pa niya sabay taas ng nakabaluktot na braso na kunwari ay pini-flex ang kanyang hindi nage-exist na muscle.

Natawa si Zach sa ginawa niya. "'Yan, palagi kang ngingiti para palagi kang maganda."


HINDI siya sigurado kung dahil sa hindi niya pag-intindi sa paligid kaya hindi na niya nakikita sina Shakira, Arq pati na rin ang tatlong kaibigan ng mga ito. Maigi na rin sigurong hindi sila nagkakasalubong para pare-pareho silang matahimik.

Huling araw na ng pasok nila ngayon. Simula bukas ay hindi na siya mangangamba sa pagpasok sa RDGU. Sa wakas ay mabibigyan na siya ng pagkakataon para mag-unwind ng ilang linggo dahil sa sem break.

Nasalubong niya ang masayang-masayang si Andy sa koridor matapos ang kanilang huling klase. Kaagad itong yumakap sa kanya na para bang ang tagal nilang hindi nagkita, samantalang magkasama naman sila kanina sa isang klase pati na rin breaktime.

"Laaarraa!" Tili nito habang nagtatalon pa.

"Andy! Ano ba?" Natatawa niyang saway.

Kumawala ito sa kanya pero hawak parin siya sa magkabilang balikat. "Bakasyon na! Ito talaga ang hinihintay ko."

"Grabe ka naman ma-excite. Ganyan ka ba tuwing bakasyon?"

"Masaya lang ako, wala na munang stress. Ikaw, di ka ba masaya?" Balik-tanong nito sa kanya.

Marahan niya itong hinila para maglakad na, nakaharang na rin kasi sila sa koridor. "Masaya. Pero hindi naman OA. Ang OA mo, e." Tumatawa niyang tugon.

Nanlabi si Andy. "Grabe lang maka-OA."

Para itong batang nagmamaktol kaya lalo lang siyang natawa.

Akala niya ay matatapos nang maganda ang araw niya subalit nang salubungin sila ni Elijah, ramdam niyang may pangit na pangyayari pa ang hahabol.

"Uhh... Lara... Hmm... G-gusto ka daw makausap ni Arq. Kung pwede lang naman daw." Walang patumpik-tumpik na pahayag nito.

Pareho silang napabaling ni Andy sa isa't isa at tila ba nag-uusap sa pamamagitan ng kanilang mga mata.

Kita niya ang pangamba sa itsura nito kaya binigyan niya ito ng kiming ngiti na tila nangangahulugang ayos lang sa kanya kung mag-uusap sila ni Arq.

Muli siyang napalingon kay Elijah. "Para saan daw?"

"Wala naman siyang sinabi sakin." Kamot-batok na sagot nito.

"B-bakit hindi siya ang nakikipag-usap sakin ngayon?"

"She tried. Kaya lang napangungunahan ng hiya at takot."

"Aba, dapat lang! Lugi pa ba siya sa ginawa niyang panggo-good time kay Lara?"

Napangiwi siya pagiging prangka ni Andy. Mahirap tanggapin na na-good time nga siya ni Arq. Ganonpaman ay hindi na lang niya pinansin ang nasabi ng kaibigan. Alam niyang hindi naman nito sinasadyang banggitin iyon.

Tumikhim siya. "Nasan si... s-siya?" Napahinto talaga siya sa pagbanggit ng pangalan ni Arq. Para kasing isang sobrang pait na lasa iyon sa kanyang bibig.

"Fourth floor. Sorority hall."

Tumango-tango siya.

Palagay niya ay dapat na ring maging malinaw ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Arq. Masaktan man siya ngayon, may pagkakataon pa rin siya para maka-move on dahil sa napipintong bakasyon.

"Will you be okay? Gusto mo samahan kita? Paisang sapak lang kay Arq." Suhestyon ni Andy.

Nginitian niya ang kaibigan. "I'll be fine. Kapag nakatyempo ako, ako na mismo ang sasapak sa kanya."

Niyakap siya ni Andy. "Don't you cry infront of her, okay?"

"I'll try."

Doubts persist despite her promise, leaving her uncertain if she can hold back her tears once she's all alone with Arq.

Together with Elijah, they proceed to the other building in silence. She refrains from pretending that everything is okay to spare his comfort, thankfully, Elijah also chooses to keep the peace between them.

"Nandyan lang siya sa loob. Don't worry, wala namang pupunta dito kaya kahit mag-away pa kayo, walang makakaalam." Pigil-ngiti nitong pahayag habang palapit sila sa silid.

Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin ito. Kapag tumapat na kasi siya sa silid ay makikita na kaagad niya si Arq. Gusto muna sana niyang huminga.

"Are you okay?" Elijah asked with concern.

Tinanguan lamang niya ito at nginitian nang bahagya. Ilang sandali lang din ay nagpaalam na ito, at nang mapag-isa na siya ay binalutan na siya ng kaba. Gustuhin man niyang umatras pero mas nais niyang maging malinaw na ang lahat.

Nang sa gayon ay malaman na rin niya kung saan siya lulugar.

Makailang beses pa siyang huminga nang malalim bago tuluyang naglakad patungo sa silid. Sa bintana pa lamang ay nasilip na niya si Arq. Pagtapat niya sa nakabukas na pinto ay tuluyan ng nagsalubong ang kanilang mga mata.

Nakaupo ito sa isang swivel chair at nakaharap sa pinto ng silid— tila inaabangan talaga siya.

Kahit naiilang na ay hindi parin siya nagbaba ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa silid. Ayaw niyang ipakita kay Arq na kaya pa rin siya nitong kontrolin.

Subalit naputol ang pakikipagtitigan niya nang mapansin ang isang obra na nasa easel stand at mukhang hindi pa tapos.

The painting depicts a woman's face, looking on one side. It features a unique touch where the supposed ear is transformed into a silhouette of a couple instead, locked in a kiss, while a waterfall serves as their background.

As her eyes remain to scrutinize the painting, a stroke of sadness envelops her heart. In her mind, the artwork creates a vivid portrayal— Arq as the woman and them as the couple.

Her thoughts are drawn away by the squeaking of Arq's chair. When she looks back at her, she's already sitting on the edge of a desk, stunning as always.

Akala niya ay may sasabihin ito matapos tumikhim subalit nanatili pa rin itong tahimik.

Nais niyang magpaliwanag na ito lalo na't ito naman ang unang nakasakit kaya hindi siya ang mauunang magsalita. Pareho nilang hinayaan ang katahimikan na bumalot sa paligid.

"L-Lara..." Arq called.

She emits a grunt in response.

When Arq speaks again, her response keeps faltering, "I, um..."

Sinadya niyang magpakawala ng malakas na buntong-hininga para ipakita rito na naiinip siya. Subalit gano'n na lang ang gulat niya nang bigla itong yumuko kasabay ng pagsinghot-singhot.

Kitang-kita niya ang panginginig ng balikat nito pati na rin ang nakakuyom na mga kamay sa mesa.

Umiiyak si Arq.

Ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin sapagkat hindi niya ito kayang makitang umiiyak. Kinamumuhian man niya ito ngunit hindi pa rin maikakailang hindi gano'n kadaling maglaho ang tunay niyang damdamin— mahal pa rin niya si Arq.

Kaya hindi lang siya nasasaktan dahil sinaktan siya nito, mas nasasaktan siya sapagkat nakikita niyang nasasaktan din ito.

"I... I'm sorry, Lara," she uttered, trying to keep her voice from cracking. Unfortunately, it betrayed her.

Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtugon. Hindi kasi siya siguradong hindi siya maiiyak kapag sinimulan na niyang magsalita.

"I know," she said with a pause, her voice accompanied by sobs. "I'm aware of the pain I've brought into your life. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa ko. At alam kong walang kapatawaran iyon. Alam ko ring hindi ka na maniniwala kapag sinabi ko ngayon na mahal na mahal kita, Lara. I'm so sorry... b-but I have to do this..." She uttered before succumbing to loud sobs.

Her attention is drawn to her last words. She has to do what? Ang saktan ako, gano'n ba? she contemplates.

Sa kabila ng tahimik niyang paghihintay sa susunod nitong sasabihin ay ang pag-alingawngaw ng mga hikbi ni Arq. Pilit niyang pinapatatag ang damdamin sa sitwasyong kinalalagyan. Hindi pa rin nakakapagbigay ng malinaw na paliwanag si Arq. Sa katunayan nga ay lalo lamang siya nitong binigyan ng palaisipan dahil sa huli nitong sinabi.

Kung dadaanin nito sa iyak ang pagpapaliwanag, sa tingin niya ay hindi niya iyon makakayang tagalan. Kaya kahit marami siyang nais itanong nagpasya siyang tapusin na ang kanilang usapan.

She lifts her head and puts on a stoic expression. "Let's end this then."

Arq suddenly refrains from sobbing and stares at her with confusion.

Locking eyes with her, she declares with determination,  "I'm letting you go."

◈◈◈

Продолжить чтение

Вам также понравится

475K 15.5K 75
Comanche is a Native American word that means "he who fights all the time". The name is a fitting one for the mysterious biker who is part of the Dea...
جمرة د.زهراء رزاق

Любовные романы

50.7K 2.1K 65
ولدت من رحم الجحيم لاتظن ان حبك المتاخر سيغير شيءٍ بما احمل من ماضي مظلم
177K 2K 6
✅𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃✅ ✅𝐏𝐀𝐘 𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐀𝐃✅ Sabrina Louise Hermione Jones- The cold-hearted and heartless Billionaire and one of the most famous CEO...
This Is, Love (GxG) ellyciaDC

Любовные романы

169K 4.4K 56
Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entertains you and sparks your imagination as...