The long lost Dhampir Queen

By Hyacinthinics

64.6K 1.7K 174

Top #2 On Werewolf Genre Rachelle Mae Arce, Inampon ng kinikilalang magulang ngunit siya mismo ang nag sisisi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16: The New Queen and the first love
chapter 17: Who Has the right
Chapter 18: Will she leave me?
Chapter 19:The fight Part 1
Chapter 20: The fight Part 2
Chapter 21: The disaster party
Chapter 22: Having the worst Nightmare
Chapter 23: Her Sweet Revenge
Chapter 24: Hope
Chapter 25: Forest of the Lost Souls
Chapter 26: The Forest Of Illusions
Chapter 27: The Ghoul Forest
Chapter 28: Three Choices and One Decision
Chapter 29: Bazooka
Chapter 30: War Preparations
Chapter 31: The Waterfall's Secret Cave
Chapter 32: Winter Wars
Epilogue

Chapter 7

2.1K 62 7
By Hyacinthinics

"Love is when the other
person's happiness is
more important than your own"
-Unknown

Rachelle's POV

Habang nag kwekwentuhan kami ni Kyle biglang dumating si Cyrus na tiningnan si Kyle ng masama kaya nag paalam agad ito at umalis, napabuntong hininga nalang ako at tiningnan siya. Ano ba kasing trip niya at inaaway niya si Kyle! Ang liit na nga ni Kyle!

"I see you already ate" sabi niya nang tingnan niya yung pagkain ko sa plato, hindi ko nga naubos eh pano ba naman kasi bumaligtad sikmura ko sa kwento ni Kyle.

"Pupunta ako sa pinakamalapit na mall dito, may ipapabili ka ba?" Tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay, oo nga pala! Wala akong damit dito! Itong suot ko damit ni Abiegail na pinahiram niya lang sakin, parehas na parehas kami ng size ng babaeng yon.

"Sama nalang ako", sabi ko at napamulsa siya ng kamay, hala bat ang sungit niya, meron ba siya?

"You're a disaster magnet, ako na lang mag isa", tumayo ako at tiningnan siya ng masama.

"Bakit pag sinabi kong bilhan mo ako ng underwear bibili ka?!" Sigaw ko at nanlaki mata niya, medyo namula teynga niya at umiwas siya ng tingin, napangiti ako dahil nakabawi ako sa pambubully niya!

"Fine", sabi niya at iniwan ako kaya hinabol ko siya agad, Aba! bukas wala na talaga ako maisusuot! Nang makalabas kami sa isang malaking gate nakita kong may pinasukan siyang sasakyan kaya pumasok narin ako doon, tahimik ang biyahe namin papunta sa mall, may bigla akong naisip.

"Cyrus lahat ba na nandyan sa mall na yan Dhampirs?" Tanong ko at tumango siya, meron din akong nakitang mga lumilipad na pixies, ibig sabihin sa dhampirs lang ang mall na to?! Astig!

Pinark niya yung sasakyan niya at lumabas na kami, lahat ng masalubong ko nginingitian nila ako kaya alinlangan din akong ngumiti sakanila, parang sa mundo din ng mga tao dito, may security guard din na kinakapkapan ang mga dumadaan sa entrance, nung ako na yung papasok gumilid ung guwardya nag bow siya at binati ako, kaya napa hello nalang ako, nilingon ko si Cyrus kanina pa pinag titilihan ng mga babaeng nadadaanan namin, hindi naman artista tong ugok na to at feel na feel pa niya!

"Bakit ang babait nila sakin", tanong ko kasi kanina ko na papansin na lahat sila ngumingiti sakin.

"You're the next in line for the throne and your father owns this mall" sabi niya kaya natulala nalang ako, si daddy ang may ari ng mall na ito? Kung sakniya ito ibig sabihin mayaman kami? Ay tanga oo nga pala hari siya malamang mayaman siya!

"Catch up, slow poke", sabi niya, I rolled my eyes, nag lakad na ako kung saan kami dapat pupunta, nag tataka ako kung pano nila ako kilala? Wala namang nakapaskil sa pagmumukha kong anak ako ng hari nila.

"Psst! Cyrus!", tawag ko sakaniya, tumigil siya sa pag lalakad at tinaasan ako ng kilay! Aba aba!

" What is it this time?!" Masungit na tanong niya sakin kaya napabuntong hininga nalang ako, bakit pakiramdam ko mas mukha siyang may regla kaysa sakin?

"Ano na?" tanong niya ulit kasi hindi ko nasagot yung tanong niya.

"Bakit nila ako kilala, hindi naman sila bisita kagabi diba?" Tanong ko sakaniya, napansin kong lahat ng mata nasaakin, asar! ano ako artista? kulang nalang dumugin ako ng mga 'to at mag papicture!

"They sense your power, at isa pa hindi iba ang nga chismoso sa mundo ng mga tao dito kaya wag kana mag taka", sabi niya at tumango, napamulsa siya at nakatitig lang siya sakin.

'Yan ba yung anak ng Hari natin?' Narinig kong bulong ng isang babae, luminga linga ako para hanapin ito.

'Hindi naman siya kagandahan ah!' Sagot ng isa pang babae, napatigil mata ko sa tatlong babaeng naka dress, ang gandang mga ayos nila at mukhang high class sila.

'Lumaki sa mundo ng mga tao kaya mangmang yan pag dating dito', sagot ng babaeng naka dekwatro sa upuan sa isang restaurant kasama ang dalawa pang babae, nag kwekwentuhan sila.

"Alam niyo bang engage na sila ni Cyrus?" Napaubo bigla ang babaeng nakadekwatro ng marinig niya ang sinabi ng kasama niya, bigla siyang tumingin sa gawi ko kaya nag kunwari akong nakatingin sa iba.

"Sasabihin ko ito kay daddy hindi pweding mag pakasal sila! ako lang ang bagay kay Cyrus hindi ang isang walang alam na tulad ng babaeng yan!" Pasigaw niyang sabi pero kahit ibulong niya rinig ko parin, perks of having heighten senses.

"Don't mind them, let's go", sabi ni Cyrus at hinila ako ulit, ramdam ko ang masasamang titig ng mga babaeng iyon, napansin kong bigla kaming pumasok sa isang shop, puro damit at kung ano ano pa kaya't di niya na kaylangan sabihin ang gagawin ko, sinimulan ko nang mang dampot ng kung ano ano.

Nichole's POV

*The night she was taken*

Nang makaalis na kami sa teritoryo namin biglang nag anyong lobo si Yves, isang pure black na lobo na mas malaki pa sakin, oo ang laki laki niya, kumikintab pa yung fur niya at pula ang mga mata, bibihira ang pulang matang wolf. Tinanguhan niya ako, senyales siguro na sumakay ako sa likuran niya, tinanggal ko ang takong ko at umakyat sa likuran niya, biglang bumilis tibok ng puso ko dahil sa kuryenteng nararamdaman ko pag mag kadikit kami, hindi naman siguro ganitong kuryente nararamdaman ng mga kinuryente ko noon, medyo awkward ang ganito. Nag wala ang puso ko ng biglang tumakbo ng mabilis itong si Yves kaya grabe amg higpit ng kapit ko sakaniya, matagal rin ang ginawa niyang pag takbo, unti unti kong naramdaman na nag dadahan dahan siya kaya tumingala na ako para makita kung nasaan na kami.

Napanganga ako sa nakita ko, isang higanteng gate na may Estatwa ng Lobo sa ibabaw ng pillars ng gate, at amoy ko na ang mga nakabalot ditong mga vains ay ReVain, isa sa pinaka bihirang halaman at ito ang pangunahing kahinaan ng mga bampira, kaya medyo naaapektuhan ako dahil nga sa kalahating tao at kalahating bampira ako kaya nakakaramdam ako ng pag sakit ng ulo, toleratable naman, puno talaga ang gate ng mga vains na yun. Napansin kong may lumapit na dalawang lalake who i assumed are the guards at may dalawa silang lobong dala, nagulat ako dahil hindi normal na Lobo ang kasama nila.

Lupines, matagal na akong hindi nakakakita ng tulad nila, mga higanteng lobo, iisa lang ang kulay nila at laki, ang pag kakaiba nila sa isang regular na lobo ay ang mga Lupine pinanganak na lobo at pag dating nila sa tamang edad magiging tao sila at mag kakaroon na sila ng kakayahan maging tao sa Regular na lobo naman kabaligtaran, pinanganak silang tao at pag dating ng tamang edad ay magiging lobo sila.

Binuksan nila ang malalaking gates, nang marealize nila kung ano ako ay biglang nag growl ang mga letcheng asong 'to. Pero mas nakakatakot yung kay Yves, bigla silang napayuko, ganun ba ang epekto ng isang Alpha sakanila? nag patuloy ng pag lalakad si Yves pero ng malapit na kami sa isang malaking palasyo bigla siyang lumuhod kaya bumaba ako, nag anyong tao siya kaya bigla naman akong pumikit! Ano ba! Ikaw naman makakita ng ganong katawan! tingnan natin kung di ka mag laway!

"I'm decent, it's already late, come on" sabi niya at hinila ako, tumaas balahibo ko ng maramdaman ko nanaman yung kuryente na nanggagaling sa kamay niya! shemay! Pumasok kami sa isang malaking mansion, ito ba ang tinitirhan nila ng Pack niya?

"T-teka! san mo ako dadalhin?!" sigaw ko kasi pinapasok niya ako sa isa pang pinto kaya bigla akong kinabahan.

"To our room, you need to rest", sabi niya kaya nanlaki mata ko, 'our room' daw! Ibig sabihin matutulog kami sa iisang kwarto! No! Hindi to pwedi! Ni minsan hindi ko pa nasusubukang matulog na may kasamang lalake!

"Sa Guest room nalang ako!"sigaw ko at hinablot ko kamay ko, humakbang ako paatras.

"Tsk, Can you stop giving me a hard time?"sabi niya at tiningnan niya lang akong walang emosyon sa kaniyang mukha.

"Ayaw kong matulog tayo sa iisang kwarto!" Sabi ko at napabuntong hininga siya.

"Ako nalang mag aadjust, sige na mag pahinga kana, sa office muna ako", sabi niya at iniwan akong mag isa sa harap ng pinto ng kaniyang kwarto. Hindi ako nag dalawang isip buksan ito, kabaligtaran ang expectations ko, imbes na makalat at mabaho, napakalinis ng kwartong ito at ang bango. Malawak ito na para bang isang boung floor ng mansion niya ito. May Malambot na Fur carpet sa sahig na kulay itim, ang kama ay nasa gitna at hindi ito regular na kama dahil malaki rin ito, sa harap ng kama ay may mga single sofa at isang long sofa, may mesa sa gitna nang mga iyon. May isang malaking Flat screen TV na naka sabit sa pader. May nakita akong tatlong pintuan, Isa isa ko itong binuksan, ang isa ay C.R, meron ditong shower room, Jacuzzi at toilet malamang. Ang katabing pinto naman nito ay isang closet, walk in closet kamo, puro damit niya, ang damit naka hanger na suit puro dark blue, navy blue, black at White na suits, meron ding drawers na may mga casual na damit, may mga naka display na mga sapatos sa pader na may salamin, at meron din malaking salamin sa tabi ng pader na may naka display na nga relo, iba't ibang klase ng relo, may mga drawers din ito at puro neckties ang nandoon. Siguro ito ang luho niya bilang lalake.

Sinunod ko namang ang last na pinto, nagulat ako sa nakita ko, akala ko pa naman dito niya dinadala mga tinorture niyang mga kaaway niya pero ang laman ng kwartong ito ay gamit ng babae, sa kanan ang pader ay puno ng takong, may matataas at kakaibang klase din, sa kaliwang pader naman merong mga naka display na alahas, iba't ibang klase ng bato, at may drawer pa may mga naka lagay na make up, Nudes, Mac, Nyx, Huda At iba pang mamahaling klase ng make up. Sa pader naman na nasa gitna ay may na display na mga Hand Bag and purse, lahat branded! Ganito ba siya kayaman?! At lahat branded?! Sa gitna naman ng malawak na kwartong ito ay may pabilog na mesa at may salamin doon, upon a closer inspection it's a vanity, napansin kong may pintuan at pinasok ko iyon, doon nakalagay ang mga damit, may mga gowns, ball gowns, fitted gown, cocktail dress, formal attires, summer dress at meron ding maternal dress! Teka, bakit may maternal dress dito?! May mga drawers na nakadikit sa mga pader, nang buksan ko ang mga ito ay mga pang tulog, pantalon, blouses at meron ding mga iba't ibang klase ng underwears. Kung kanino man ito ay paniguradong mahal na mahal siya ni Yves, siguro kwarto ito ng Girlfriend niya? Parehas kami ng size ng girlfriend niya? Palagay ko kasya lahat sakin eh. May kirot akong naramdaman ng isipin ko na parang hindi ako dapat nandito, na dapat iba ang nandito.

"Dapat kasi hindi na ako sumama, ang tanga tanga mo Nichole!" Sabi ko sa sarili ko at napabuntong hininga, sout ko pa yung gown na suot ko kanina, nang tingnan ko ang orasan ay madaling araw na, bigla akong napahikab, gusto kong mag shower at mag palit para masarap tulog ko, hiram nalang ako ng t-shirt ni Yves, at may nakita naman ako sa drawer ng Girlfriend niya na nga hindi pa nagagamit na underwear, hiramin ko muna palitan ko nalang.

Pumasok ako sa C.R. at hinubad ang gown na suot ko, tinanggal ko din ang mga alahas ko at nilagay sa tabi ng lababo, isa isa kong tinanggal ang mga hairpins sa buhok ko at kusa itong lumugay, at pumasok na ako sa shower room at ninamnam ang init ng tubig, nakaka relax, hindi ko alam gagawin ko ngayon na nandito na ako, panigurado sermon abot ko kay Sir Landon pag balik ko. After kong gawin mga dapat kong gawin, nag tapis na ako, tinupi yung gown ko at nilagay sa pinakamalapit na basket, iniwan ko muna yung mga alahas na suot kos sa lababo, wala namang kukuha ng mga yun. Pumasok ako sa walk in closet ni Yves at kumuha ng malaking T-shirt sa drawer. Dumeretso naman ako sa walk in closet ng girlfriend niya at dumampot ng underwear na hindi pa gamit, may nakita akong lotion doon sa bilog na mesa kaya ginamit ko na rin, nag underwear lang ako at T-shirt hindi ako sanay na matulog nang naka bra, makapal naman itong t-shirt niya at abot hanggang mid-thigh ko kaya ok lang. Dumeretso na ako sa kama niya at naka tulog agad.

Yve's POV

Damn! I'm having a hard time sleeping, my wolf can feel Nichole's presence, I wanted to sleep beside her but I want her to get used to me. She's perfect, everything about her is alluring. Maybe I can just take a nap, and wake up before she wakes up? No, thats not a good idea I will just torture myself.

I checked the time, madaling araw na pala, it's useless kung matutulog pa ako and besides di naman ako makakatulog. Bumangon nalang ako mula sa sofa at dumeretso sa kwarto namin, I slowly opened the door, I can't help but smile when I saw her sprawled on the bed, she looks exhausted. I just took a shower and changed into my training clothes.

Bago pa ako lumabas nilingon ko muna sya at di ko mapigilang mapangiti. Naglakad ako papunta sa kusina at si Mrs. Carter, nang mapansin niya ang presensya ko ay agad niya akong binati.

"Good morning Alpha", bati nya at tinanguhan ko sya.

"May I ask a favor Mrs. Carter?" Tanong ko at kumunot noo nya madalang lang kasi ako humingi ng pabor.

"Can you make the best breakfast for my mate upstairs?" I said at parang kuminang ang mga mata ng matandang tagaluto.

"Sa wakas!, nahanap niyo narin ang mate niyo, panigurado wala na kayong iuuwing mga babaeng suplada!" Sabi ng matandang dalaga at natawa ako imbes na mainis dahil siya lagi pinag didiskitahan ng mga inuuwi ko noon, and mind you kung mag uuwi ako ng babae noon I never took them to my room, hanggang guest room lang sila.

"I'll be at the training grounds Mrs. Carter, I'll keep the mind link open for you if there's any problem", I said and left.

Nichole's POV

Bigla akong nagising at di ko alam kung bakit kaya nag hilamos nalang ako at pumuntang closet para humiram ng damit ng girlfriend ni Yves. Lalabas na sana ako ng may marinig akong kalabog at bulungan, sumilip ako sa nakaawang na pinto, at unang tingin ko sakanila ay alam ko na kung ano sila.

Hunters.

Bigla silang napatigil sa pag kakalkal sa mga gamit ni Yves at tumingin sa kinaroroonan ko, shit talaga! Paano nila ako napansin? Biglang bumukas ang pinto at nakahanda na akong kurtentehin sila pero bigla akong nakaramdam na para bang may tinusok sa batok ko pero paanong nangyari yun? Eh hunters lamang ang mga ito? Biglang namanhid ang boung katawan ko, alam ko ang nangyayari pero hindi ako makagalaw, gusto ko sumigaw at patayin sila pero walang lumalabas sa bibig ko. Isa lang paulit ulit kong ginawa.

Ang tawagin si Yves sa isip ko na baka sakali dumating siya pero sana nga dumating siya, dahil di ko gusto ang paraan ng pag titig sakin ng mga lalakeng ito.

"Maganda ang isang 'to", sabi ng isa sakanila at tumawa, gusto ko nang umiyak dahil sa pinag uusapan nila kung sino ang uuna sakanilang dalawa saakin, nang lalapitan na ako ay biglang tumahik ang paligid, narinig ko nalang na parang may bumagsak sa sahig. Tuluyan na akong umiyak ng maramdaman kong may humawak na saakin.

"Shhhh", Dahil sa takot ko di ko naramdaman ang kuryente mula sa pag kakahawak niya, kinarga niya ako at di ko na alam kung saan niya ako dinala dahil bumigay na ang mata ko.

"What did they do to her?", narinig kong tanong ni Yves.

" Silver and revain, when combine it can kill a wolf or paralyze, buti nalang at paralysis lang nangyari, she'll be okay", sabi ng isang babae na tingin ko ay doctor, naramdaman ko ang pag haplos ni Yves sa mukha ko at pag hawi ng buhok ko.

"I know your awake", sabi niya at bumangon, sumasakit ang mga braso at binti ko.

"You okay?" Tanong niya at naalala ko ang nangyari, napayuko nalang ako, what if hindi dumating si Yves? Paano ako naging ganun kahina? Hunter lang ang mga iyon. Hindi ko napigilan ang pag iyak ko. Naramdaman ko nalang na hinila ako ni Yves at niyakap.

"No one will touch you, I promise you Nichole, shhhh, It's okay their dead", sabi niya at hinaplos ang likod ko, gumaan ang pakiramdam ko ng yakapin niya ako, ang sarap sa pakiramdam ng ganito.

Tiningnan ko siya, sa hindi sinasadyang kilos kong iyon ay sobrang lapit ng mukha naming dalawa, tiningnan niya ang mga mata ko na para bang humihingi ng permiso pero mukhang di niya na ito kaylangan dahil bigla nalang niya ako sinunggaban ng halik.

"Mine", bulong niya.

Continue Reading

You'll Also Like

87.5K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
7.9K 134 52
"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humar...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...