Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

381K 12.7K 1.2K

***UNDER REVISION When Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a rea... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰55th Catch╮

3.8K 155 23
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰55th Catch╮

THE urge to yank Andy's hair grows, knowing she kept her relationship with Yuan concealed. Her hunch was correct; there was indeed a connection between her two friends when Andy casually referred to Yuan as "dude." For a span of two weeks, she remained unaware that her closest friends had become a couple already.

Meanwhile, Arq appeared to know everything yet made no effort to share anything with her.

"Okay lang 'yon, Lara. Ikaw nga rin naman naglihim noong simula ng pagkukunwari niyo ni Arq." Sabi ni Andy.

Sumimangot siya. "Oh, e di sorry. So, kailangan niyo ring maglihim sa'kin ni Yuan? Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Para kasing mas kaibigan niyo pa si Arq sa dami niyang alam tungkol sa inyo." Aniya sabay tingin sa girlfriend niya na kasalukuyang nasa counter sapagkat ito ang nagpresintang kumuha ng kanilang makakain.

"Alam mo kasi, grabeng effort manligaw 'yan si Arq." Pahayag ni Andy kaya muli niya itong nilingon. "...mula sa pamilya mo hanggang sa'ming mga kaibigan mo e talagang tyinagang ligawan! Akalain mo 'yon, Lara? Ikaw na talaga!"

The revelation leaves her astonished, completely unaware of the extent to which Arq went to orchestrate a thoughtful courtship.

Ibinalik niya ang tingin sa kasintahan. Nakikipagtawanan naman ito sa lalaking nakapila rin sa counter. Nakakaaliw itong pagmasdan habang ito'y taos-pusong tumatawa. Hindi niya makita ang nasumpungan niyang kasungitan sa itsura nito ngayon. 

Nagbabago na ba talaga ito at magiging isa na talaga masiyahing tao? Kung oo, siya ba ang dahilan?

A slight nudge from Andy guides her to shift her attention back in her direction. "Infairness naman kay Arq, talagang gustong-gusto ka. Pano mo siya ginayuma?" She taunted, as she delivered a subtle up-and-down motion with her brows.

"Ano'ng ginayuma? Maganda lang talaga ako 'no!" Pagmamayabang niya.

"Psh! Ni hindi nga ako na-attract sa'yo. Si Pearl, pwede pa."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Oy, ikaw a! Alam ko bisexual ka. Pero mag-stick ka na kay Yuan. Ang bait-bait no'ng tao e. Atsaka 'wag mo ng dinadamay 'yong kapatid ko."

"Well, speaking of... Dude, dito!" Taway ni Andy sa paparating na si Yuan. Kumaway pa ito para makita sila nang tuluyan ng binata.

"Dude? Ano ba'ng klaseng endearment call'yan?" Nakabusangot niyang pang-iintriga.

"E, 'wag kang makialam. Ayoko naman ng masyadong clingy, honey-love." Pang-aasar nito sa tawagan nila ni Arq.

Nanlaki ang mga mata niya at hinampas ng mahina sa braso si Andy. "San mo nalaman 'yan?"

Imbes na sagutin siya ay tawa-tawa ito habang pailing-iling pa. Lalo lamang siyang napasimangot. Pinagkakaisahan talaga siya ng mga ito.

Nang makalapit sa kanila si Yuan ay sakto naman din ang pagbalik ni Arq  bitbit ang tray ng kanilang pagkain. May dalawang tray pa itong naiwan kaya binalikan pa nito iyon kasama si Yuan. 

Kahit pa naiwan na naman silang dalawa ni Andy ay wala pa rin itong sinagot kung paano nito nalaman ang endearment call nila ni Arq. Lalo lang siyang naiinis sa kaisipang hindi siya ang pinapaboran ng mga kaibigan.





SHE already navigated the building multiple times in search of the gym, where Arq had directed her to meet. Seeking an escape from boredom, Arq chose to wait for her at the gym.

Now that her classes are over, she promptly embarks on finding her. Unfortunately, her unfamiliarity with the building results in a prolonged search for the gym. In addition to her struggle, there is no response from Arq to her messages.

The moment she spotted someone in the hallway, she swiftly approached, only to see that it was Elijah.

"Lara! Ano'ng ginagawa mo dito?" Kaagad nitong tanong nang mapansin siya.

"Nasaan ba 'yong gym dito?" Balik-tanong din niya.

"Oh, sakto! Doon din ako pupunta. Sabay ka na sakin." Nakangiti nitong tugon.

Nang tumango siya bilang pagsang-ayos sa suhestiyon nito ay magkasabay na silang naglakad. Sa totoo lang ay medyo nakaramdam siya ng pagkailang nang biglang pumasok sa isip ang issue niya sa binata.

Naisin man niyang makipag-usap nang sa gayon ay hindi sila tahimik na naglalakad, hindi niya alam kung paano niya sisimulan.

"Uhh.. Lara..." Elijah began with an apparent reluctance. "Sorry nga pala, huh?"

"Para saan naman?" Kunot-noo niyang sambit. Pero ang totoo ay may hinuha na siya paghingi nito ng tawad.

"Kung naisip mo dati na mas kinakampihan ko si Shakira kesa sa'yo."

Tama nga ang kanyang hinala. Alam ko naman. Mas nauna niyo siyang naging kaibigan kaya biased ka sa kanya. Sa isip-isip niya. Subalit mas pinili niyang hindi na lamang umimik para hindi na pagmulan pa ng pag-aaway nilang dalawa.

"Uhm, hindi ko naman kasi pwedeng iparamdam sa kanya na wala na siyang kaibigan. I mean, sa inyong dalawa alam kong mas malawak ang pang-unawa mo. Kaya ka nga nagustuhan ni Arq, e. Kaya confident ako na maiintindihan mo rin kung bakit ako gano'n. Pero mukhang kailangan ko na ring magpaliwanag sa'yo kasi parang inis ka sa'kin sa tuwing nakikita mo ako."

Napangiti siya nang bahagya. "Honestly, hindi ko talaga gusto kapag nararamdaman kong pinapaboran mo si Shakira. Pero wala naman akong magagawa dahil kaibigan mo pa rin siya. Kaya rin hindi na lang kita pansinin."

"Kaya nga nakokonsensya rin ako sa tuwing nagagawa ko 'yon. Dapat hindi ako nakikialam gaya nina Greco at Brenan. Kaya lang kasi palakaibigan akong tao to the point na nai-involve rin ako sa problema ng mga kaibigan ko. Anyway, sorry talaga. At salamat sa pagpapasaya mo kay Arq."

"Huh?"

"This is the happiest I've ever seen her. Hindi siya ganito kasaya noong sila pa ni Shakira kahit pa sabihing sobra niyang minahal 'yon. Shakira played a big role in shaping Arq into a more stern and grouchy person.Pero sa sandaling panahon pa lang ay napabago mo na siya. Naibalik mo 'yong brighter side niya, mas nakakatuwa pa nga. So, I think you must be something special." Dagdag pa nito.

Lalong hindi niya alam kung paano tutugunan ang mga pahayag na iyon ni Elijah. Alam niyang maloko ito ngunit ramdam niyang totoo ito sa mga sinabi. Kung may kontribusyon talaga siya sa pagbabalik ng masayang katauhan ni Arq, siyempre proud siya.

There's no room to contain her overflowing happiness. She doesn't expect to be someone else's joy. Let alone, that someone happens to be the most complicated individual in RDGU. Is there a latent magic within her, yet to be realized?

Nang marating na nila ang gym ay kaagad niyang nakita si Arq. Nakaupo ito sa isang equipment habang sinubukang ihersisyo ang mga binti nito. Mukhang hindi sila napansin sapagkat nakatalikod ito sa gawi ng pinto.

"Di ka makapag-push ups, ano?" Sambit ni Elijah habang palapit sila kay Arq.

Huminto ito sa ginagawa para lingunin sila. "Yeah, and it's driving me mad. Kailangan ko ng magwork out. Pinapataba na ako ni Lara. Nawawala na 'yong abs ko." Parang bata nitong reklamo.

"Excuse me? Kasalanan ko bang matakaw ka?" Ganti niya.

"Hindi. Pero matakaw ka, kaya nahahawa tuloy ako."

"Aba! Makasisi ka dyan."

Natatawa na lang sa kanila si Elijah. "Punta lang ako sa kabilang station. Kailangan ko ring magwork out." Paalam nito kapagkuwan.

Arq acknowledges with a nod, as Elijah marches away.

"Thank you ulit, Elijah." Pahabol naman niya.

Kumaway lamang ito patalikod.

"Ang tagal mo 'atang nakarating? Saan ka galing?" Tanong ni Arq nang maupo siya sa tabi nito.

"Hindi mo naman kasi sinabi kung saan ba banda 'tong gym. Alam mo namang hindi ko kabisado 'tong special building niyo." Nakalabi niyang sagot.

Mukhang doon lang natauhan si Arq. Napatapik pa ito sa noo. "Oh, sorry. Nawala sa isip ko."

"Mabuti na lang nasalubong ko si Elijah sa corridor. Sakto namang papunta siya dito. Hindi ka naman kasi nagrereply sa mga text ko sa'yo."

"Sorry na, honey-love. Lowbatt kasi phone ko. Nakalimutan kong magdala ng power bank o kaya charger." Paghingi nito ng pasensya na may kasamang paglalambing atsaka siya inakbayan.

"Sorry, sorry. Hmp!"

Bahagyang natawa si Arq. "Ang cute mo maggalit-galitan." Anito sabay pisil nang bahagya sa kanyang pisngi. "Ano? Uwi na tayo?"

"Oo naman. Saan pa ba tayo pupunta?" 

Wala silang napag-usapan na pupuntahan kaya uuwi na sila. Nakapagtataka lang na kailangan pang magtanong ni Arq.

"Gusto pa sana kitang makasama. Paalam ka muna kay dad, may pupuntahan tayo."

"Maka-dad ka naman dyan!" Sita niya kahit pa ang totoo'y kinikilig na siya sa paglalambing nito.

"'Wag mo ng pansinin. Magpaalam ka na lang." Pagmamaktol pa ni Arq.

"O, sige na. San ba tayo pupunta?" Tanong niya habang inilalabas ang cellphone mula sa kanyang bag.

"Actually, iniisip ko pa. Siguro kapag nasa byahe, magkaka-ideya rin ako kung saan tayo pupunta."

Iiling-iling siya habang nagta-type ng mensahe para sa kanyang daddy. "Pasalamat ka Friday ngayon kaya pwede tayong maggala."

"Kaya nga naisip ko ring magpunta sa kung saan man kasama ka. Nakakapagod 'tong linggo na 'to."

"Oh, okay na." Pahayag niya matapos maipadala ang mensahe sa ama.

"Tara na." Anyaya naman ni Arq. Nauna itong tumayo para lang alalayan siya.

Araw-araw na talaga itong nagiging sweet.

Nagpaalam muna sila kay Elijah bago tuluyang lisanin ang gym.

Panay ang tawanan nilang magkasintahan habang naglalakad patungo sa parking lot. Ang daming kalokohang sinasabi si Arq kaya hindi niya mapigilan ang matawa. Tila komportable na talaga sila sa isa't isa.

Naalala niya ang sinabi ni Elijah na hindi naman ganito kasaya si Arq noon. Lalo siyang nakakaramdam ng kumpyansa sa sarili na siya nga ang dahilan ng pagbabago.

Sana lang ay magpatuloy ang ganito nilang estado.

Hindi na muling nagpakita sa kanya ang co-Queens ni Arq kaya medyo panatag na siya. Hindi naman kasi tuluyang bumaba si Arq sa posisyon nito bilang Queen of the East. Kaya tinantanan na rin siya ng co-Queens nito.

Nang marating na nila ang parking lot ay sumakay kaagad sila ng sasakyan nito. May driver pa rin si Arq sapagkat hindi pa nito kayang magmaneho.

"San tayo, ma'am Arq?" Tanong ng mabait na si Manong Gani pag-andar ng sasakyan.

"Hmm..." Saglit na nag-isip si Arq bago tumugon ng, "Ah, sa bahay na lang po."

Otomatikong nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Binalingan niya ito. "Seryoso ka, Arq?"

Tumango-tango ito. "Oo naman. Wala na talaga akong maisip na pupuntahan natin, e."

"E di iuwi mo na lang ako!" Protesta niya. Iniisip pa lamang niya na makikita niya ang mga magulang ni Arq, para na siyang kinakain ng kahihiyan.

"Are you sure about that?" Arq asks, exhibiting a serious demeanor.

"Oo, Arq!"

Nang ngumisi ito, alam na niyang kalokohan na naman ang pumasok sa isipan nito. Sumandal ito sa kinauupuan bago muling bumaling kay Manong Gani. "Manong, sa bahay pa rin po."

Lalo siyang napanganga at hindi makapaniwala habang nakatingin kay Arq. "A-ano'ng sa bahay? Bahay niyo?!"

Tatawa-tawa ito habang tumatango. "Oo. Sabi mo iuwi na kita. E, di iuuwi na kita, sa bahay ko nga lang."

Naisahan na naman siya ni Arq.

°Ang tanga mo kasi sumagot, Lara! Award ka tuloy!° Panggagatong pa ng kanyang ego.

"Arq! Grr!" Inis na inis niyang sambit.

Ano pa bang aasahan niya? Hindi naman matatakot si Arq kahit pa magalit siya nang todo. Lalo pa nga nitong nilalakasan ang pagtawa para mas mainis siya. Pati nga si Manong Gani ay napansin niyang nakikitawa na rin.

Lalo lang siyang naaasar.

Hanggang sa inakbayan na siya ng kasintahan at pinaurong pa sa tabi nito. Sobrang lapit na tila ba hindi mapaghihiwalay. "Don't worry, hindi naman kami nangangain ng tao. Atsaka, maraming pagkain doon." Pangungumbinsi pa nito na halata pa ring nang-aalaska.

Tiningnan niya ito nang masama. Napakaloko talaga! Ginawa pa siyang matakaw na bata para suhulan ng pagkain.

Tawa naman ito ng tawa na umalingawngaw sa buong sasakyan.

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

169K 4.5K 56
Professor x Student!!! [ Hi, this is my first time finishing a book here on Wattpad. I hope this story entertains you and sparks your imagination as...
51.5K 2.1K 27
Two different souls, different worlds and lives. Katerina Alejer is a long time professor and Alison Sage Hawkins, a Canadian business woman.
174K 2.7K 24
(Hudson Series #1) Unexpected love... A love that both sides didn't agree with. A love with countless boundaries, will they fight for their love or...
7.3K 202 30
[GXG•PROFXSTUDENT] basahin nyo nalang mga bading #gxg #studentxprof