Ang Multo sa Manhole - Under...

By elusive_conteuse

1.8M 62.5K 4.3K

BROMANCE/BOYXBOY/YAOI Kung hindi ba naman kamalas- malasan ang hapong iyon para kay Eiji! Nalaglag na nga sa... More

Bogart says "1"
Bogart says "2"
Bogart says "4"
Bogart says "5"
Bogart says "6"
Bogart says "7"
Bogart says "8"
Bogart says "9"
Bogart says "10"
Bogart says "11"
Bogart says "12"
Bogart says "13"
Bogart says "14"
Bogart says "15"
Bogart says "16"
Bogart says "17.1"
Bogart says "17.2"
Bogart says "18.1"
Bogart says "18.2"
Bogart says "19"
Bogart says "20"
Bogart says "21"
Bogart says "22"
Bogart says "23"
Bogart says "24"
Bogart says "25.1"
Bogart says "25.2"
Bogart says "26"
Bogart says "27"
Bogart says "28"
Bogart says "29.1"
Bogart says "29.2"
Bogart says "30"
Bogart says "31"
Bogart says "32.1"
Bogart says "32.2"
Bogart says "33"
Bogart says "34.1"
Bogart says "34.2"
Bogart says "35"
Bogart says "36"
Bogart says "37.1"
Bogart says "37.2"
Bogart says 38.1
Bogart says 38.2
Bogart says 39
Bogart says 40.1
Bogart says 40.2
Bogart says 41
Bogart says 42.1
Bogart says 42.2
Bogart says 43
Bogart says 44.1
Bogart 44.2
Bogart says 45
Bogart says 46
Bogart says 47.1
Bogart says 47.2
A tease to the book 2

Bogart says "3"

50.4K 1.4K 103
By elusive_conteuse

Eiji's Point Of View:

Maaga akong bumabangon para maghanda sa eskwela. Ngunit kadalasan, pag araw ng Huwebes sinasadya kong mag pa-late. Bakit? Kasi PE ang unang klase. At ang ginagawa sa unang klase ay ang pagbanatin "daw" ng buto. Baka kamo balian ng buto! Grabe yung teacher namin. Napaka evil.

Ultimo pagle-leg stretching ko pupunahin pa talaga sasabihing, "Wider Eiji! Wider!" Wider!? E kung mawarak tong jogging pants ko kaya mong tahiin? Bakit TLE teacher ka ba? Ginaganyan ko sya sa aking mind. But that was during first grading period. Second grading, parati na akong nagpapalate nang makaiwas sa stretching exercises. Okay lang ma-late dun.

But when I entered the gym...

"O eto na pala si Mr. Late comer!" pagpapahiya nya sa akin. Nasanay na ang klase sa kanya ngunit ako lang talaga nangahas magpa-late during her class.

"Good morning din po Ma'am!" pang-aasar ko.

"Jog three times around the gym before you join my class." Utos nya sa akin bago humarap sa mga exhausted kong classmates.

"Ma'am three times? Ang dami naman ata nun! May asthma pa naman ako!" sabi ko, sabay hawak sa dibdib ko para mag-inarteng di pa nga tumatakbo e hihikain na ako.

"Ay oo nga pala ang dami nun. Sige gawin nating apat na beses. Umangal ka pa gawin ko yang lima! Now move!"

Kumaripas ako ng takbo e baka totohanin ni Ma'am yung sinabi nya! Haha! Nang matapos ay hingal na hingal akong nakiblend sa klase. Ngunit uupo pa lang sana ako nang biglang,

"Okay everybody get up! Yung ibang boys please get the balls!" Okay seriously? Katatapos ko pa lang libutin ang apat na sulok ng gym, start na kagad!?

"Ma'am magpapahinga muna ako." Sabi ko habang ginagawang pamaypay ang damit.

"Sige. Malapit lang naman ang sementeryo dito e. Ipagluluksa kita." Tignan mo to napakasarcastic talaga ni ma'am! Eto na siguro yung paghihiganti nya sa pagiging late comer ko sa klase. Ibig sabihin ko lang naman ng magpapahinga is that, 'can I have a break?', 'can I have a KitKat?'

Uminum na lang ako sa fountain bago pa tuluyang matuyuan ang utak ko nang biglang tinawag ako ng mga classmate kong boys.

"Uy Eiji madaya ka! Tulungan mo kami dito!"

"Didn't you listen to that witch? Sabi nya yung ibang BOYS! That means yung iba pwedeng hindi tumulong. And besides kayang-kaya nyo na yan, dalawa nga dala nyo sa araw araw na ginawa ng diyos e!" sabi ko.

"Palibhasa sayo pingpong balls e!" sabi ng isa. Nagtawanan naman ang iba.

"Lul! Tse!? Mga pervert!"

Nagsimula na rin ang game di kalaunan. Buti exhibition game lang nilaro namin kasi pag team game, ako na naman pagtritripan ng mga damuhong na to! Simple lang sana ang procedure e! Isho-shoot mo lang ang bola dun sa free-throw area, sa three-points areas at dun sa above the ring. Pero para sa akin napakahirap! Nyeta! Biruin mo mas magagaling pa magbasketball yung mga classmates kong girls especially the four-eyed Lindsay! Unbelievable.

When my turn came, para silang naghihintay sa pinilahang tabing. Excited na masaksihan ang hindi ko pagpasok sa bola. Yamot na yamot ang pagmumukha ko sa nakakayamot na pagmumukha ng madla. Pasimuno tong si Ma'am e!

Andun ako sa free throw area. Ipinamalas ko sa kanila ang angking galling ko sa pagdri-dribol. Oo dribol lang! Tumama lang sa ring nung shinoot ko at tumalsik sa may gilid. At kung di ba naman mga may sayad binigyan ako ng masigabong palakpakan.

"Ang galling mo idol!"

"MVP!" Pang-aasar ng mga lalaki especially tong si Mike. May araw din kayo sakin mga dimunyo kayo! Hmmp! Lumipat ako dun sa may right corner ng three-points area, ganun din ang nangyari. Lumipat ako sa may left corner ng three-points area, wala paring himala! Tama si Ate Guy! Walang himala!

Pumunta ako dun sa malapit sa ring. This is my last chance. Pag ito di pa pumasok magpapakamatay ako! OA!? Joke lang! Hehe! E kasi naman!? Halos itlog ang score ko sa class work/participation. Nakakahiya kaya sa card na may kaisa-isang line of 8 lalo na kapag di naman major.

Dahil kakatanggap ko lang na bano ako sa pagsho-shoot ng ball (which really sucks by the way) I think of an alternative way na masure ball ko na to. So what I did is to throw it up through the ring and it fell back to the ground outside the ring. Hay! I'm so proud of myself. Maiyak-iyak nga ako sa aking na-accomplish!

"That's not counted! Foul! Foul!" sigaw nitong kumag na si Mike. Lumapit ako sa kinatatayuan nya at sinabing,

"It's your breath Mike that is foul. Brushing your teeth takes a count. Learn it."

Napa"Ooooh!" ang mga kaklase ko including Ma'am. Binigay ko sa kanya yung bola. Nag walk-out ako kasabay ng tunog ng bell. Talk about timing!

Kapag break time obliged lahat bumaba mula sa mga classrooms. Hindi daw pwede magstay sabi ng mga C.A.T officers to prevent robbery. Syempre in every rule there is an exemption. Tanging mga pilot lang ang pinapayagang kumain sa loob ng classroom. Ewan ko ba bakit napakabias nitong school na to! Hindi ata isinasabuhay ang vision-mission wherein at one of the statement mayroong patungkol sa 'equality'.

Simula ata nung first year sa classroom na ako kumakain. I mean, sure, sa canteen ako bumibili ng food pero hindi dun kumakain. Feeling ko kasi ayaw na nilang magpaupo. Siksikan na rin kasi dun kaya okay lang. Plus one day nung bumili ako ng meal, may nakita akong nangbuburaot. My God! Ayokong maburaot especially kung favorite waffle ko ang at risk.

So eto kakaorder ko lang ng puto't dinuguan (also one of my favorites). I was on my way back to the building until may narinig akong buzzing sound. Biglang nanlaki mata ko! Bubuyog! My god madapuan na ko ng ipis wag lang bubuyog! May phobia ako dun e.

I acquired the fear of bees when I was 5. Naka-underwear lang ako nun, naglalaro mag-isa. Naranasan nyo na ba yung naglalaro kayo mag-isa tas iniimagine mo ikaw ay nakikipag dialogue sa sarili? Well, kung naranasan nyo, congrats! Your childhood was awesome!

Ako1: Eiji ano yung tunog na galling sa taas ng puno?

Ako2: Siguro mga aliens sila at yun ang kanilang space ship!

Ako1: Naku ano gagawin natin?

Ako2: Tayo ang pulis pangkalawakan! Kailangan natin silang labanan!

At yun nga ang ginawa ko. Binato ko ng bato yung space ship ng mga aliens at sila'y nagalit. Nabigla ako nun ng biglang nila akong kinuyog. Napatakbo ako pabalik ng bahay, humagulgol ako ng iyak nang namaga ang isang pisngi ng aking pwet. I think that was also the time my parents cancelled their appointment para patahanin ako kasi sobra akong freaked out. Mas malala pa yata sa Exorcism ni Emily Rose.

At ayun na nga. Nag freak-out uli ako sa campus nang habulin ako ng bubuyog. I'm not sure anymore kung hinahabol pa rin ako ng bubuyog o naligaw na, but what I know for sure is that I will not stop running no matter what.

And since that's my mindset at that moment, I forgot to foresee what was going to take place. And the unexpected happened. I stumbled on a guy. But not just any other guy. It was Willer. We fell to the floor. Soon there was an uproar.

"Awww...likod ko!" complain ni Buknoy.

"Puto't Dinuguan ko!" iyak ko nang makitang naging black yung white na puto at natapon yung dinuguan sa shirt ni Buknoy.

"Langhiya naman o! Ako na nasaktan, nadaganan, natapunan, pagkain mo pa rin iniisip mo!" painis nyang sinabi.

"May balat ka siguro sa pwet!" dagdag nya habang inaamoy-amoy ang kanyang uniform. Gusto ko mag sorry ng pagkasincere-sincere kaso ng insult pa e. Na hurt naman ego ko dun diba?

"Sorry na. Kasi ikaw di tumitingin sa daraanan e." sisi ko sa kanya.

"Ah!?" napangiti syang turo sa sarili. "Ako pa ngayon di tumitingin sa daraanan!? E ikaw tong parang may tinataguan!"

"Hinahabol kasi ako ng bubuyog e!" dinepensahan ko ang aking sarili. Aba'y tinawanan lang ako ng mokong!? What? Akala nya ba nag jo-joke lang ako.

" Natawa ako sa joke mo!" I stood up from the floor, shook every obvious and imaginary dirt there is and said,

"I'm not joking. It's true. Takot ako sa bees." He didn't seem to care.

"Pa'no na to!? Mag ru-room-to-room pa naman kami mamaya para i-endorse yung play." At alam kong ako yung pinapatamaan nito. Hindi ako yung may kasalanan. It's the bee's fault. Kung hindi lang nagpakita yung bee sa akin, di sana di ako nag-freak out. But since di naman natin makuha ang opinion ng bee, I will owe the fault for professionalism's sake.

Since we had PE time earlier, meron ako parating dalang extra shirt para pangpalit pag nagperspire ako.

" Samahan mo 'ko sa taas. I will lend you my shirt."

"You mean MY SHIRT." Sabi nya.

"No it's MY shirt, not yours. Binili ko pa yun nung-" All of a sudden, naalala kong di ko pa pala nababalik yung t-shirt nitong impaktong to. At nakalimutan ko na namang dalhin. Shit naman o.

"Basta shirt ko yung ipapahiram ko sayo. Nakalimutan kong dalhin yung sayo." Sabi ko, tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa makarating na dun sa gate ng new building na binabantayan ng isang C.O.C.C.

C.O.C.C. - Cadet Officer in Charge of...Cadet? Aba'y ambot sa kambing na may bangs! Hindi ko alam basta kung baga sila yung trine-train para maging officer.

Nang makita ako ng C.O.C.C na yun, kaagad nya akong pinagbuksan ng gate. Pamilyar na kasi sya sa pagmumukha ko na laging labas pasok dun e. Bigla nyang sinara nung makapasok ako.

"HIntayin na lang kita dito." Sabi nya nung hindi sya pinapasok ng C.O.C.C. Kinalabit ko yung guy at sinabi,

"Please let him enter. I stained his uniform as you can see so I will lend him mine."

Hindi naman English speaking school ang ICCS kaya kahit parang ayaw nya akong pagbigyan, pinagbuksan si Buknoy ng gate nang marinig nya kong nag-english. Bilib na naman si Buknoy sa akin! Tsk.Tsk.Tsk.

"Uhmm...ano...can you make it quick? Coz...you know, bawal magpapasok ng regular section kapag break." Pautal na sinabi ng C.O.C.C.

"I'm aware of that." Sabi ko and then we head upstairs. Nakakaloko ang ngiting aso nitong si Buknoy.

"Bakit ba parati kang ngumingisi?" tanong ko nang nilingon ko sya pangalawang beses.

"Uhmm...wala naman." Simpleng sagot nya. And I am not convince with his answer. Anyway, naroon na kami sa classroom. Si Buknoy nagmatigas dun na lang daw sya maghintay sa may tapat ng room nang pinilit ko syang pumasok.

Shortly after, lumabas ako dala ang aking dark blue Converse shirt. Sabi ko may CR dun sa 2nd floor kaya dun nga sya nagpalit. Makalaglag panga ang kanyang paglabas, nahulma ang hubog ng kanyang katawan sa suot nyang shirt. Feeling ko luluwag yan pagbalik nya sa akin.

"Akin na to a?" sabi nya.

"Ano?" tanong ko gayong rinig na rinig ko ang kanyang sinabi.

"Since ayaw mo namang ibalik yung damit ko, ito na lang ang kapalit. Ano, ayus ba sa akin? Ha-ha?" wala pang isang minute, feel na feel nya na yung shirt ko. Hindi ako yung taong madamot. Okay pwera na lang kapag waffle. Ibang usapan na yan. Haha! I mean, it's not a big deal kung gusto nila ang gamit ko unless may nagawa akong mali sa kanila and the only way to pay them is like that, definitely ibibigay ko. Pero the case with Buknoy is different. Gusto nyang kanya na lang yung shirt ko kasi akala nya gusto ko yung shirt nya. Ano bang hindi nya maintindihan sa salitang 'Nakalimutan'?

"Diba sinabi ko na sayong nakalimutan ko shirt mo?"

"Pwede ko rin sabihin yan sayo kung gugustuhin ko. Wala kang magagawa." Pang-aasar nya. Grrrr...iniinis talaga ako netong lalaking to!

"By the way, wala ka naman sigurong anghit no? Baka mahawa ako e." pang-aasar nya pa lalo.

"Wala akong B.O" mataray kong sabi sa kanya.

"Ows...sige nga patira." Kahit papano'y may natitira pa namang kahihiyan sa katawan ko diba?

"Hindi kita papatirahin." Napangiti ako sa sagot ko.

Nakababa na kami ng New Building papunta uling canteen para bumili. Iiwas muna ako sa puto't dinuguan. Waffles muna! Yehey!

"Kung gusto mo sabay ka na lang samin kumain!" masayang pag-imbita nya sa akin. Para bang nakaisip ng tama.

"Sino ba mga kasama mo kumain?"

"Yung mga tropa ko." Sabi nya.

"Uhmm...ayoko. Hindi ako sana'y sa maraming lalaki e."

"A ganun ba?" At natahimik sya. Akala ko nauna na syang umalis papunta sa upuan nila yun pala hinintay talaga ako hanggang sa makabili ng limang waffle.

"So babalik ka uli sa classroom nyo?" tanong nya sakin.

"Ayoko ng magpawis lalo na't pina HIRAM ko yung pangpalit ko. Hanapin ko na lang si Patti." I-ste-step forward ko pa lang ung right foot ko nang pigilan nya ako.

"Magkakilala kayo ng bakulaw na yun!?" gulat na gulat nyang tanong.

"Grabe ka makapanglait a. Diba sinabi ko naman sayo na may kaibigan ako sa section nyo?" Parang hindi sya makapaniwala. Since mukha siyang bato sa kinatatayuan nya, iniwan ko na sya para simulang hanapin si Patti. Ngunit ako pa ang nakita ni Patti.

"Eiji!" kinawayan nya ako.

"Patti!" pumunta ako dun sa pwesto nya. May mga kasama syang kaklase at winelcome nila akong umupo.

"Thanks." Sabi ko.

"Kinukulit ka ba nung alupihang dagat na yun?" tanong ni Patti habang nakikipagpalitan ng masasamang tingin dun kay Buknoy sa kabilang table.

"Uhmm...hindi naman. Hindi lang kasi sya makapaniwalang you're my friend. Teka parang kinasusklaman nyo talaga ang isa't-isa a?"

"Mortal talaga kaming magkalaban ng kutong lupang yan!" pandidiring sabi nya. Kanina alupihang dagat ngayon kutong lupa. Ano kayang susunod? Haha!

"Bakit?" At ayun na nga. Sinimulan nya ng magkwento tungkol sa Alamat ng Kanilang Pagkamuhi. Natutuwa ako sa kwento nya. Feeling ko tuloy matagal ko ng kilala si Buknoy. Nabaling naman ang kwentuhan tungkol sa akin.

"Narinig naming nagkabanggaan kayo kanina ni Willer a? Kwento mo naman kung ano nangyari!" sabi ng isa naming kasama.

"Uhmmm...hinahabol kasi ako ng bubuyog e kaya napatakbo ako. May phobia kasi ako dun. Parang si Buk-, I mean , Willer na rin yung nagsilbing stoplight kasi wala talaga akong balak huminto."

"Grabe. Buti na lang wala akong phobia sa ganun." Sabi ng isa. Na-enjoy din naman ako sa company nila. Ang dadaldal. Haha! Tapos nabaling na naman ang kwento tungkol sa akin. Ano to interview? Haha!

"Uhmmm Eiji nagpatutor ka ba nung bata ka?"

"Tutor saan? Wala pa akong nagiging tutor e." And then they were like taken aback by that confession.

"Tutor sa mga studies mo. Oo nga naman hindi mo na kailangan nun kasi ikaw mismo ang nagtu-tutor sa sarili mo." At napangiti ako.

"Naku hindi naman. Actually ngayon nga feeling ko kailangan ko ng tutor."

"Tutor ng ano?" tanong ni Patti.

"Ng Basketball. Kasi sa PE lang talaga ako nagkakaproblema e. Di ako marunong magshoot. At napakagulo ng game. Ewan ko. I'm not a fan of that sport. Meron ba kayong alam na pwede magtutor sa akin nun?" tanong ko. Napatingin sila sa isa't isa tapos sinabi,

"Si Willer!"

Si Willer? Oo nga naman. Naalala ko nakajersey sya nung gabing tinulungan nya ako dun sa manhole. Siguro tinuruan nya si Mark nun. Oo si Willer na lang. E kaso nakakahiya.

"Si Willer kasi ang pinakamagaling magbasketball sa klase. Taas ng grade nun sa PE grabe." Sabi ng isa.

"Ano Eiji ibribe natin yung bisugong yun?" wika ni Patti na ngayo'y nakatayo na.

"Wag naman Bribery!? Haha! I mean, kausapin mo lang kung pwede sya." I said. Then there she goes, approaching the table where Willer is, making negotiation.

Not less than a minute, nakabalik na si Patti sa aming table na may ngiti sa kanyang mukha.

"Pumayag ba?" tanong ko.

"May magagawa ba sya?" tanong nya matter-of-fact, sabay balik ule sa pagkain. Somehow, I felt like she did bribe Buknoy. Whatever! What's important is that,I'm not going to be a sucker anymore! Haha!

Continue Reading

You'll Also Like

227K 10.6K 57
GAY BOYXBOY YAOI Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of th...
1.6M 37.8K 102
Luke Sanchez...lubos na kinakatakutan sa pinapasukan niyang unibersidad. Kilalang pala-away at una sa listahan ng school law breakers. Bakit hindi? K...
5.3M 113K 55
Lumaki sa kahirapan si Katherina. At dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mamasukan bilang katulong para...
8.6K 341 54
Cindereluh grew up thinking that being black is ugly. Sala jud sa iyang wicked stepmom og mga chakang stepsisters nga gihimong living hell ang iyang...