One Seat Apart (GirlxGirl)

By Icieyou

360K 14.2K 1.3K

Ang isang sulat na iniwan ko sa pagitan ng lumang upuan sa gitna ng parke ang magdudulot sa pagkakatagpo ko s... More

Chapter two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter TwentyOne
Chapter TwentyTwo
Chapter TwentyThree
Chapter TwentyFour
Chapter TwentyFive
Chapter TwentySix
Chapter TwentySeven
Chapter TwentyEight
Chapter TwentyNine
Chapter Thirty
Chapter ThirtyOne
Chapter Thirty Two
Chapter ThirtyThree
Chapter Thirtyfour
Fin

Chapter One

34.5K 639 87
By Icieyou

Rara

Sabi sa frozen, only love can melt a frozen heart. Totoo kaya yun? Yung mga taong manhid kayang makaramdam? Yung mga hindi makaramdam ng pagmamahal kaya bang lunasan yung ng isa pang pagmamahal? Kaya bang solusyonan ng pagmamahal ang paghihirap ng isang tao? Sana ganun lang kadali yung buhay, ano? Yung problema mo na pagkatigas-tigas at pagkalamig- lamig, sa isang ihip lang ng hangin ay agad na natutunaw, nawawala...

"Hoy Rara! Ano na naman yan? Tulala ka na naman! Kanina pa ako salita nang salita dito hindi ka naman pala nakikinig. Hay nako!"

Nakalimutan kong may kausap pala ako, kasi naman kagabi sobrang na-touch ako sa frozen. Ito kasi si Isay eh! Sabi ko magrereview ako, kaso anak ng tinapa! Isinalang bigla yung DVD kaya wala akong nagawa. Ang ganda pa ng kanta, let it go! Let it go!

"Eh kasi ikaw! Hindi tuloy ako nakapagreview kaya kung ano-ano sinulat ko doon sa exam! Puro let it go!"

Lintik yan para akong madam auring kanina sa kahuhula. Bahala na sa result, LET IT GO!

"Eh maganda naman, teka! teka! May bagong movie, ah? Nood tayo? Lapit na naman na mag Valentine's day kaya tayo na lang magdate Rara, sige na please?"

Hay! Parang bata talaga tong si Isay. Baka kung ano na naman masagot ko pagnanuod na naman ako ng movie.

"Isay ano na namang palabas yan? Ayoko ng x-rated ah! Sasapukin kita!"

Itinaas ko yung kamay ko siya namang iwas niya.

"Siraulo ka talaga! Wag mo nga ipasa sa akin yang mga pinapanuod mo!"

"Lolo mo Isay!"

"Ayun nasa cloud 9 na!" sabay tawa niya nang malakas

Napailing na lang ako, ganito kami palagi nitong si Isay, carefree dahil isang taon na lang kasi ga-graduate na kami bilang psyche student. Tingin ko nga may sayad kaming dalawa.

"Tara na girl sa dorm na tayo, gutom na ako eh."

Tsaka ko binuhat yung bag ko at naglakad kasabay si Isay papunta sa likod ng school, doon kasi dorm namin. Sa kilalang school kami pumapasok pero ang tanging nagpapaaral sakin yung ninang ko, yung Nanay ni Isay. Masakit mang sabihin, pero nag-iisa nalang ako sa buhay.

"My gosh! Rara!"

Nagulat ako nang yugyugin ako ni Isay, siraulo talaga!

"Isay! Ano ba?! Yung utak ko lumabas na! Ano bang tinitili mo diyan?"

Tinuro niya yung grupo ng mga babae. Wait, erase natin yon, dyosa pala. Kilala ko na itong grupo na ito, mga landladies, ang pinaka magaganda, mayayaman, talented, at hulog ng langit. Isa lang naman sa tinitilian ni Isay doon ay si Miss Queen Ayala. Well, hindi naman maitatago dahil napakaganda naman talaga at sobrang bait daw sabi nila, pero ewan ko lang kung totoo. Hindi ko naman sila kilala nang personal talaga.

"Rara!!! Gosh! Sumasabog!!" Napakunot noo ako, ano ang sumasabog?

"Isay anong sumasabog?" mga ilang segundo ang lumipas bago niya ako sagutin dahil sa sobrang tulala siya nung dumaan sa harap namin ang grupo nila Miss Queen. Mabango sila sa totoo lang, hindi maitatago na mataas ang antas nila kumpara sa amin. Bigla kong narinig na bumulong si Isay...

"Yung obaryo ko, sumabog."

Biglang nagkunwaring hinimatay ang loka kaya nataranta ako dahil liliyad-liyad siya sabay hawak sa noo niya! Naglaglagan tuloy mga gamit na hawak ko. Siraulo talaga ang babaeng ito! Gusto ko na lang sabihin sa mundo na, 'lupa, kainin mo ako'

"Isay ano ba yan! Tuktukan kita! Umayos ka nga!"

Umupo ako para damputin yung mga gamit ko, nagulat ako ng may biglang umupo sa harap ko at nagsimulang damputin yung mga gamit ko.

"Miss, tulungan na kita."

Napaangat yung ulo at hindi ko inaasahang isang engkantado ang bababa sa lupa upang tulungan akong magdampot ng mga libro ko. Sana pala ay mas maraming hinulog na libro si Isay.

Patuloy ko lang siyang pinapanuod habang inaayos yung mga gamit kong nahulog, napalingon ako kay Isay miski siya ay tulola.... tulo laway.

Tumayo na siya matapos niyang damputin at ayusin yung gamit ko. Pero nagulat ako nung i-abot niya sa akin yung mga kamay niya. Hindi ko alam yung gagawin ko para akong napako sa kinauupuan ko. Nakatitig lang ako sa kamay niya.

"Miss, are you okay? Mabuti pa ay tumayo ka na para hind ka madumihan."

At isang nakakasilaw na ngiti yung pinakawalan niya. Grabe napaka gwapo ng taong ito. Yan lang ang umiikot sa buong utak ko. Unti-unti kong itinaas yung kamay ko para abutin yung mga kamay niya. Nanginginig akong inabot ito.

"There you go. Here's your stuff." Sabay abot sa akin ng mga gamit ko.

"A-ah a-ano... t-thank you po, Mister."

Lumaki yung mata ko nang marinig ko siyang tumawa. Napakahinhin ngunit maginoo.

"You don't need to call me Mister, just call me July."

Isa na namang nakakasilaw na ngiti pinakawalan niya at kitang-kita ko kung paano lumitaw ang mga dimples niya.

"And you are?"

Ako? Ako bang tinatanong niya? Wait? Anong isasagot ko? Parang nabubuhol yung dila ko at walang gustong letrang lumabas sa bibig ko.

"Oh I see, your name is Rara? Cute name for a cute girl."

Nagtaka ako paano niya nalaman? Para niyang nabasa ang nasa isip ko dahil itinuro niya yung pangalan sa libro ko.

"I have to go, nice meeting you, Rara."

Tsaka siya tumakbo palayo, at kami ni Isay tulala pa rin hanggang ngayon. Nagkatinginan na lang kaming dalawa dahil hindi namin ma-process lahat ng nangyari.

"Girl, nangyari ba lahat nang iyon? Parang panaginip."

Hindi na ako nagsalita, hinila ko na lang si Isay pauwi ng dorm at baka bumula pa ang bibig nito bigla. Nang makauwi sa dorm, nilapag ko yung pahamak kong gamit at humiga sa kama ko. Narinig ko si Isay na biglang tumili na naman.

"Ay! Isay! Ano ba yan?!"

Nakita ko siyang nakahiga sa kama na parang bulateng nilagyan ng asin kaya kumuha ako ng unan at ibinato sakanya para tumigil.

"Aray! Rara naman! Kinikilig ako eh, enebe! Dapat ako na lang yung nagpulot kanina para diretso yakap ako dun sa... wait, anong name niya ulit? Yung pogi, gwapo, yummy, exciting, and bombastic guy na yon?"

Kunot noo akong hindi makapaniwala sa deskripsyon niya kay July.

"July ang name niya. Tsaka, sobra ka naman maka describe? Tao din naman iyon na kapag umutot, mabaho." Nagulat ako nang biglang may humagis na unan sa mukha ko.

"ISAAAY!!" hiyaw ko sa sakit nang pagkakabato niya ng unan sa mukha ko.

Siningkitan ko siya ng mata, agad naman siyang nag-peace sign sa akin. Puro talaga kami kalokohan nitong kinakapatid ko, ilang sandali pa ng pagdadaldal nita ay nakatulog na si Isay kaya nag-ayos na ako ng mga kalat dito sa dorm.

Dalawa lang kami dito sa kwarto at sagot din ng Nanay niya itong pagdo-dorm namin, at kahit baon  ko sa eskwelahan ay sagot din.

Tinanggihan ko na nga si Ninang minsan pero ayaw niya dahil parang tunay na anak na ang turing niya sa akin. Nag-iisa lang kasi si Isay at ako ang tinuturing niyang kapatid. Maswerte ako at mayroong nagmamalasakit sa akin at tumutulong.

Napahawak ako sa kwintas na ibinigay daw sa akin ng magulang ko bago mangyari yung hindi inaasahang trahedya, at dahil sa pangyayari na iyon, nawala lahat ng sa akin.

.....

Napamulat ako bigla at kinusot ang mga mata ko, nakatulog pala ako ka iisip sa nakaraan. Tumingin ako sa orasan, alas-kwatro na pala ng hapon. Tinignan ko si Isay na tulog pa rin hanggang ngayon, gigising pa kaya ang babaeng ito para sa hapunan? Hindi bale na, gigising naman siya kapag naka amoy siya ng pagkain.

Nagbihis ako ng komportableng damit at napagpasiyahan kong lumabas muna para makapag pahangin at makapag libang. Naisip kong pumunta sa park dahil maaliwalas ang lugar na iyon. Nag-iwan ako ng note para hindi bulagbugin ni Isay yung dorm kakahanap sa akin paggising niya.

.....

Mahilig akong magpunta sa park, gusto ko kasing magmasid sa ibang tao. At mag drawing o mag sulat ng kung ano-ano tungkol sa nakikita ko o naiisip.

Habang naglalakad sa ilalim ng kulay kahel na kalangitan, napansin kong dumadami ang tao sa paligid at naalala ko na biyernes nga pala ngayon at maaga ang uwian ng mga estudyante sa campus.

Nang makarating sa park umupo ako sa paborito kong bench. Sakto kasi dito na tanaw mo yung paglubog ng araw. Luminga-linga ako, pansin ko rin na ang daming magkasintahan ang magkahawak kamay, yung iba nakaupo sa damuhan at yung iba magkayakap. Ang sarap siguro ng pakiramdam na may nagmamahal sayo, ano? You can do anything in the name of love, sabi nga nila. And you can also lose everything in the name of love. How ironic, yung kayang magpasaya saiyo ay kaya ka rin saktan pabalik.

Tumingin pa ako sa paligid ko, nakita ko may mga taong nag-iisa. Yung iba umiiyak, yung iba may kausap sa telepono, at may tahimik na nagbabasa sa sulok.

Pagtingin ko sa hindi kalayuan, napangiti naman ako sa mga batang masaya nakikipag habulan sa mga kalaro. Minsan naiisip ko parang ang sarap maging bata ulit. Iyon bang wala kang problema na iniisip basta laro ka lang nang laro. Minsan nga naiisip ko na sana bata na lang ulit ako, pero parang ayoko rin dahil bata pa lang ako kinuha na sa akin ng tadhana ang lahat kaya ngayon ay nag-iisa ako. Iniisip ko na masyadong malupit ang tadhana sa akin para paglaruan ako nang ganito...

Tumingala ako sa kalangitan at napaisip, may mga tao kayang tulad ko rin na nasa ganitong sitwasyon? Napahinga na lang ako nang malalim at muling tumingin sa paligid.

Naalala kong ang bitbit kong notepad at nagpasya na magsulat nang kung ano-ano

At may biglang pumasok na ideya sa utak ko. Kung susulat ako at iiwan ko dito, may sasagot kaya?

Kung talagang mapaglaro ang tadhana... mangyayari itong iniisip kong kahibangan.

Nagsimula akong magsulat sa notepad na bitbit ko. At iniisip kong mabuti ang isusulat ko sa papel na ito.

"Naniniwala ka ba sa tadhana? Paano kaya kung paglaruan ka ng tadhana? Weird ng mundo, ano? Paglalaruan ka at marami kang makikilalang tao pero hindi ka naman interesado o kaya naman, may mga taong ibibigay sayo tapos mawawala rin naman sila. O kaya, bibigyan ka ng pagkakataong mahalin mo sila o mahalin ka nila pero hindi mo o hindi nila maramdaman yun. Ang gulo ano? Pero masarap mabuhay kahit medyo loko-loko ang tadhana. Ikaw? Anong klaseng paglalaro ng tadhana ang naranasan mo?"

Pagkatapos kong magsulat, ay itinupi ko nang ilang beses ang papel at isiniksik sa pagitan ng mga kahoy ng lumang bench na ito. Nababaliw na ata ako ako sa ginagawa kong ito, hinahamon ko ba ang tadhana na muli nito akong paglaruan? Pero malay natin? Walang pumansin ng kahibangan kong ito.

Matapos kong makita ang paglubog ng araw, ay nagpasya na akong umuwi dahil baka nag-aalala na si Isay sa akin. Pagdating ko ay may nakahaing pagkain sa table ko, patay ako nito dahil luto ito ni Isay, amoy sunog eh!

"Oh! Nandyan ka pala, kain na! Masarap yan!" Gusto kong tumawa, seriously?

"HA! HA! HA! Joke ba yan Isay?" nakita kong pinandilatan niya ako at kinurot ako sa tagiliran kaya napahawak ako sa sakit ng balat ko.

"Ang arte mo naman! Pritong nilaga yan! Bwisit ka talaga!"

Napahalakhak na lang ako at napailing sa kalokohan niya. Nagpapasalamat ako na kahit nawalan ako ng mga taong sobrang mahalaga sa akin ay binigyan pa rin Niya ako ng pagkakataong makasama yung mga taong tulad ni Isay.

Continue Reading

You'll Also Like

238K 5.8K 46
🏳️‍🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any dist...
356K 13.8K 43
"That Amnesia of yours. Do you think it's a punishment?" "Why?" :)"I just think that the ability to remember things forever is a kind of punishment"...
122K 6.1K 23
Book 1 Daang taon na pag iisa at takot magtiwala sa iba. Ang takot sa mga bagay na maaaring mawala paglipas ng panahon. Paano kung isang araw matagp...
1.2M 4.3K 5
Date started: January 19, 2017 Date ended: August 13, 2017 **[Highest Rank Achieved: #2 in LGBT, #2 in GXG, #1 in lovewins]** Just your typical myth...