Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰49th Catch╮

3.9K 146 8
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰49th Catch╮

NAGSISIMULA pa lamang ang kanilang klase pero gusto na niyang matapos kaagad. Isa lang naman ang dahilan kung bakit tila aligaga siya sa kanyang kinauupuan,

—nasasabik na siyang makasabay sa lunch break si  Arq!

Arq's thoughtful gestures continue to impress her, and she finds it hard to believe that someone initially unfamiliar with courting has rapidly gained substantial insights.

"Uy, Lara! Nananaginip ka dyan." Pasikretong sita ni Andy sabay siko sa kanyang tagiliran. Nag-iingat itong 'wag mahuli ng kanilang maestro na nakikipagdaldalan sa kanya.

Kukurap-kurap siyang napabaling sa kaibigan sabay yuko nang bahagya. "Ha? M-may sinasabi ka ba?"

Tumaas ang isang sulok ng kilay nito. "Ayan kasi, kung saan-saan napapadpad ang isip. Tinatanong kita kung bati na ba kayo ni Arq."

"Hmm, oo."

"Bakit parang ayaw mo yatang okay kayo?"

"Hindi naman."

"Ano'ng meron? Bakit ka nagkakaganyan?" Dagdag na tanong.

"W-wala. May iniisip lang ako."

"Nandyan lang si Arq sa kabilang building. Kung makapag-isip ka naman sa kanya akala mo ang layo niyo."

"Hindi naman siya ang iniisip ko." Pagsisinungaling niya kahit alam niyang hindi rin nito paniniwalaan.

Nagkibit-balikat ito. "Okay. Sabi mo, e."

Magsasalita pa sana siya nang mapansin na nga sila ng kanilang maestro. "Fernandez, Alvaro. Care to share your business with the class?" Masungit nitong sita.

Mabilis na natuon ang atensyon ng buong klase sa kanila. Karamihan sa mga kababaihan ay nakangisi at nagbubulungan na tiyak niyang iniinsulto sila.

Umiling-iling siya. "S-sorry, sir." Paghingi niya ng paumahin sabay simpleng siniko si Andy dahil mukha itong walang pakialam sa paninita ng kanilang maestro.

Napatikihim na lang ang kanilang maestro bago ipinagpatuloy ang klase.

Lumapit nang bahagya sa kanya si Andy. Sabay bulong ng, "Isusumbong ko 'yan kay Arq."

"Baliw ka talaga." Aniya atsaka siya natawa nang mahina. Marahan din niyang hinampas ang braso ng kaibigan. Mukhang nagiging pasaway na rin ito.

Nalalapit na ang kanilang preliminary exam kaya panay review na lang ang ginagawa nila sa klase. Hindi masyadong hassle kaya nagagawa pang iokupa ni Arq ang malaking parte ng kanyang isipan.

Nang matapos na ang kanilang klase nagmamadali siyang nagtungo sa opisina ni Arq para yayain itong mananghalian.

She's trying to compose herself as she walks down the corridor. The thought of Shakira in Arq's office and flirting with her girlfriend is starting to settle in her mind. Call her paranoid but it's egging her on to think of obnoxious retort.

When she enters the office, Shakira is nowhere to be seen— so is Arq. Her breathing accelerates as anxiety elevates, knowing that there's another room in the office. She's scared that she may catch them inside in the midst of doing unsightful things.

But she will never know whether her gut feeling is right or wrong if she doesn't go on and find out.

Dahan-dahan siyang pumasok sa opisina at naglakad patungo sa pinto ng silid sa loob. Huminga muna siya nang malalim bago maingat na pinihit ang seradura. Nakahanda na siya sa gagawin sakali mang naroroon nga si Shakira.

Subalit namura na lang niya ang sarili nang maabutang mahimbing na natutulog sa couch si Arq. Doon niya napatunayang matindi na ang pagiging paranoid niya.

Tahimik siyang naglakad papasok ng silid nang sa gayo'y hindi niya maistorbo sa pagtulog si Arq. Nang tuluyang makalapit dito'y nangingiti siya habang ito'y pinagmamasdan.

Nakapatong ang kaliwang braso nito sa mukha nito kaya hindi niya makita ng buo ang itsura nito. Bahagya itong nakanganga na hindi naman nakakaasiwang tingnan at mahinang naghihilik. Halatang pagod na pagod si Arq kaya hindi niya ito tinatangkang gisingin.

Mabuti na nga lang ay tila komportable ito sa posisyon kahit pa injured ang kanang braso.

Imbes na maupo sa pang-isahang sofa, katapat ni Arq, ay nagpasya siyang sumalampak na lamang sa sahig at sumandal sa couch na kinahihigaan nito para hintayin itong magising. Mas gusto niyang mas malapit dito lalo na't amoy na amoy niya ang kabanguhan nito.

°Pilya.°  Nanunuyang paramdam ng ego niyang hindi niya pinapansin.

Medyo busog pa naman siya kaya ayos lang kahit hindi sila makakapag-lunch. Ayos lang din na sa ganong paraan siya magpapalipas ng oras— kasama naman niya si Arq.

Naglabas siya ng notebook para mag-review na lamang nang sa gayo'y hindi siya nakatunganga lang. Hindi rin naman nagtagal nang maramdaman niya ang bahagyang paggalaw ni Arq. Paglingon niya ay nagulat siya nang makitang nakatingin at nakangiti na ito sa kanya. Namumungay pa ang mga mata nito dahil bagong gising, pero sadyang napakaganda talaga nito.

Medyo may pag-aalangan siyang ngumiti lalo na't hindi naman siya sanay sa ganong reaksyon ni Arq. Nakasanayan na talaga niyang makita ang nakasimangot nitong mukha.

Napaigtad siya nang bigla nitong haplusin ang kanyang pisngi. "It was supposed to be like this when I woke up in the hospital. Kaya ako nagalit sa'yo kasi I was expecting to see you first. But you let me see my ex-girlfriend, instead." Masuyo nitong pag-amin.

Arq has no idea how she also wanted to be that person. How she didn't want to go home unless she was already awake. How excited she was to finish her exam early so that she could be at her side. But fate and her professor really wanted to test them.

Kung alam lang nito kung gaano niya kagustong saktan ang professor niya noong araw na 'yon para lang di matuloy ang pagre-retake niya ng exam.

"Greco set him off." Arq distracted her thoughts.

Nangunot ang noo niya. "Ano? Sino?" Gulat niyang tanong pero may hinuha na siya kung sino ang tinutukoy nito. Talaga ngang madali lang basahin para kay Arq ang kanyang isipan.

"Professor Diaz." Prente nitong sagot bago nagpasyang maupo.

Alisto naman siyang umalalay sapagkat medyo hirap itong bumangon dahil sa injury.

"Thanks." Arq uttered with a smile. " Anyway, rest assured that Greco won't dismiss an employee without thinking rationally. Ilang beses na siyang nagtanggal ng mga professors dito."

Hindi niya alam ang mararamdaman sa pahayag nito. Naiinis man siya kay Professor Diaz sapagkat wala itong binigay na konsiderasyon sa kanya, naaawa pa rin siya dahil natanggal ito. Ginawa lang naman nito ang trabaho sadyang sensitive lang talaga siya.

Hindi talaga niya akalaing aabot pa ang lahat sa pagkakatanggal nito sa unibersidad.

"Grabe, may papalit na ba sa kanya? Prelim pa naman na next week. Ano ng mangyayari?"

"First of all, hindi ako ang nagtanggal sa k*pal na 'yon. Lastly, wala pang papalit sa kanya. Pero nahanda na niya ang mga ita-take niyong exams at isa samin ng mga kaibigan ko ang magbabantay sa inyo. As usual." Paliwanag nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya gusto ang naiisip tungkol sa sinasabi ni Arq.  "Hala. Ayokong ikaw ang magbabantay." Bigla niyang naibulalas sa kabila ng pag-iisip lamang sa bagay na 'yon.

Otomatiko ang pagkunot ng noo nito. "At bakit?"

"H-hindi ako makakapag-concentrate."

"Well, you to have practice your focus starting today. May ilang araw ka pa. Hindi pa kami nakakapag-decide kung sino ang magbabantay pero dahil sa reaksyon mong ganyan, alam ko na kung sino sa'ming apat."

Sumimangot siya. "Ang sama mo."

Natatawa nitong pinisil nang bahagya ang kanyang pisngi. "Ang cute mo."

Lalo man siyang napasimangot dahil sa sinabi nito, mabilis din iyong naibsan sa pagpapakilig nito sa kanya.

Hanggang kailan kaya nito gagawin ang ganitong bagay?

"Tara, lunch na tayo." Anyaya ni Arq kapagkuwan atsaka ito tumayo sabay lahad ng kamay.

Hindi na siya nagpakipot pa. Nakangiti siyang inabot ang kamay kay Arq. Ilang segundo pa siyang napatitig dito bago naiilang na nagbawi ng tingin. Narinig niya ang mahina nitong pagtawa kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya.

Subalit tila unti-unting nawawala ang pagkailang niya habang palabas sila ni Arq sa opisina ng Savage— HHWW!


NAPAKARAMING tao sa pantry nang makarating sila roon. Sanay na siyang halos mapuno iyon nang ganong oras kaya hindi siya madalas kumakain kapag nasasakto ng ganong oras ang kanyang lunch break.

Gusto niyang yayain si Arq na sa iba na lamang kumain subalit wala naman siyang naiisip na lugar na pwede niyang maisuhestyon. Kaya nagpasya siyang hayaan na lamang na magdesisyon si Arq.

"There," Arq uttered while pointing to something using their entwined hands.

Hindi niya alam kung ano ang itinuro nito sapagkat mas nakatuon siya sa magkahawak nilang kamay.

Marahan siyang hinila ni Arq patungo sa itinuro nito.

As they walk past the students, she can feel the searing stares from everyone.

If she was like herself before, she would mind. But now, she's confident and proud. And she can let everyone watch and stare as she walks with Arq, holding hands. Nothing to hide, anymore.

Especially because their relationship is getting real now.

Walang kahirap-hirap silang nakakuha ng pwesto. Nagtaka pa siya kung bakit tila iniiwasan iyon ng mga estudyante kaya bakante.

Atsaka lang niya naisip na baka pwesto talaga ng Savage ang bakanteng table. Doon kasi niya madalas makita ang mga itong kumakain at noong nakakasama na niya ang mga ito ay doon sila nagagawi sa pwestong iyon.

Hindi niya naitanong ang bagay na iyon dahil hindi naman niya iyon napapansin noon.

"Stay here. I'll get our food." Arq volunteered.

"Samahan na kita. Hindi mo naman mabubuhat ng maayos 'yong tray."

Ngumisi ito. "Ako pa ba?"

"Ang yabang talaga." Taas-kilay niyang tugon na ikinatawa naman nito.

"Don't worry. I can handle it." Dagdag pa nito sabay kindat.

Hindi na siya pumalag pa. Dinaan na naman siya nito sa pagpapa-charming.

Naiwan siyang mag-isa sa kanilang pwesto. Alam niyang pinagtitinginan siya lalo nang mga kababaihang estudyante subalit hindi na lamang niya iyon pinapansin. Masyado siyang masaya kaya hindi niya hahayaang sirain ng mga ito ang mood niya.

Nilingon niya kung nasaan si Arq. Nakasimangot ito subalit nang mapatingin sa kanya ay bigla itong ngumiti. Halos matunaw siya sa kinauupuan sa simpleng pagngiti lamang nito. Ngumiti rin siya at tumalikod na para umayos ng upo. Bukod doon ay hindi niya kayang makipagtitigan dito.

Nanliligaw pa lamang si Arq pero grabe na ito sa pagiging sweet at sa pag-aasikaso sa kanya. Ayaw niyang mapatunayan nito na tama nga itong mapapasagot siya kaagad. Pero paano niya masasalag ang bawat pagpapakilig nito?

She was amid her daydreaming when Zach came into sight.

Nakangiti itong lumapit sa kanya atsaka inilapag ang hawak na tray na may mga pagkain sa mesa. "Hi!" Bati nito.

"H-hi!" Nag-aalangan naman niyang tugon.

"Need company?"

"I'm actually with Arq. Kumukuha lang siya ng pagkain namin."

Napatango-tango ito. "Oh, uhmm... Wala na kasi akong mahanap na table. Kita mo naman, punong-puno 'tong pantry ngayon. Pwede ba akong maki-share dito?"

Wala namang masama kung ishi-share niya kay Zach ang table. Subalit kasama niya si Arq kaya hindi siya maka-oo kaagad. Alam niyang maiinis iyon kapag nagdesisyon siya nang basta-basta.

Napatingin siya sa kabuuan ng pantry at tama nga si Zach dahil wala na talagang bakanteng mesa. Ayaw niyang magmukhang madamot lalo na't may utang na loob pa siya rito sa pagdadala nito sa kanya sa clinic noong mahimatay siya. Atsaka malaki naman ang mesa, pwede itong pumwesto sa dulo para hindi mairita si Arq.

"Well, okay lang nama—"

Binalik kaagad niya ang tingin sa binata para putulin ang sasabihin nito. "O-of course. You can sit with us. Dalawa lang naman kami." Pasya niya kahit medyo nag-aalangan pa.

Napangiti nang malawak si Zach bago tuluyang naupo sa tapat niya. "Salamat, ah? Saglit lang naman akong kumain kaya masusulit niyo pa 'yong date niyo ni Rogue."

Ngumiti na lamang siya bilang tugon.

Hindi talaga siya sanay na tinatawag si Arq sa tunay nitong pangalan. Tanging si Zach lamang ang nariringgan niyang tumatawag kay Arq ng Rogue at hindi niya alam kung anong trip nito.

Nagsimula na itong kumain pero hindi pa rin matahimik ang bibig nito sa pagdadaldal. Hindi boring kasama si Zach sapagkat panay ang salita nito pero dahil nasasamahan na iyon ng kayabangan habang tumatagal kaya nakakairita ring pakinggan.

"What the hell are you doing here?"

Patay. Napalingon kaagad siya sa pinagmulan ng tinig na tila may kasamang kidlat. Nakita niya ang nakabusangot na mukha ni Arq habang nakatitig nang masama kay Zach. Natigil naman sa pagkain ang huli.

"Ah, nakikiupo lang—"

"I'm.not.asking.you." She cut her off while her gaze remained on Zach.

Natahimik siya. Paano pa siya magpapaliwanag gayong natatakot na naman siya sa itsura nito? Tiyak na babarahin lang siya nito.

Natawa nang bahagya si Zach. "Dude, pag-aari mo ba lahat ng table dito?"

Nanlaki ang mga mata niya at napalingon sa binata dahil sa hindi niya inaasahang tugon nito.

Zach's arrogance remains constant, solidifying her belief that this confrontation is heading toward a negative turn.

"E pano kung sabihin ko sa'yong pag-aari ko nga? Papalag ka?" Maangas ding ganti ni Arq.

Muli niya itong nilingon. Lihim siyang napasinghap nang makita ang nagdidilim nitong itsura. Para itong kikitil ng buhay. Gano'n nito kinamumuhian si Zach.

Oo nga't mayabang si Zach, kahit nga siya naiirita, pero hindi niya maintindihan ang todo-todong galit ni Arq. May nagawa kaya itong hindi maganda?

Zach chuckles. "Alam mo ang damot mo. Parang nakikiupo lang naman."

Inilang hakbang lang ni Arq ang paglapit kay Zach. Gamit ang kaliwang kamay ay pinalo nito nang malakas ang mesa, dahilan para matapon ang mga kinakain ni Zach sa tray nito at makagawa ng malakas na ingay na bumulabog sa buong pantry.

Isang kamay lang ang gamit nito subalit hindi maikakailang napakalakas pa rin ni Arq.

°Uh-oh.°

Halos lahat ay nakabaling na sa kanila.

"Oh, sige. Madamot ako kaya lumayas ka dito sa table namin!" Mariin nitong utos.

Imbes na sumagot ay nakipagmatigasan pa sa pakikipagtitigan si Zach.

Hindi niya alam ang gagawin. Naisip niya na kapag sinabihan niya si Arq ay lalo lamang itong magagalit. Kung si Zach naman ay baka kung ano lang ang masabi nito na lalong ikaiirita ni Arq.

Mahirap kontrolin ang dalawa!

"Alam mo, Arq. Para kang bata! Ganyan ka ba talaga manggigil kahit simpleng dahilan lang?" Nang-aasar pang saad ni Zach.

She bites her lower lip. Zach is deliberately provoking Arq to cause trouble. Because if not, he would have shut up.

Lalo lang din siyang naiinis.

Napakuyom na ng kamao si Arq. "Talagang pinaninindigan mo 'yang pang-aasar mo sakin?" Nakangisi ito habang tumatayo nang maayos. "Well, I have to pass. Masyadong maganda ang araw ko para sirain mo lang."

Napahinga siya ng maluwag nang marinig ang sinabi nito. Mabuti na lang ay nag-iisip pa rin si Arq. Natutuwa siyang makitang pinapairal nito ang pagiging rasyonal.

Tumalikod si Arq para kausapin ang mga estudyanteng nakasunod dito. Doon lang niya napansin ang mga iyon. May bitbit pa ang mga iyon na tray na sa tingin niya ay para sa kanila.

And then Arq turns to her, extending her hand. "Shall we?"

Tumango siya at ngumiti bago hawakan ang kamay ni Arq. Pagtayo niya ay saglit pa niyang sinulyapan si Zach. Inaasahan niyang titigil na ito dahil si Arq na ang naunang sumuko.

Naglakad na sila para makalayo. Ngunit nakakailang hakbang pa lang sila nang bigla na namang magsalita si Zach.

"Kung di ka siguro injured, kanina mo pa 'ko nasapak 'no? Tsk."

Her face turns sour as she closes her eyes. And when Arq's hand slips from her grasp, she knows that it only signals impending trouble.

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

842K 26.7K 51
What was supposed to be a chill day ended up a complete disaster after Linus was mistaken as his twin who caused Ivler and his girlfriend's break up...
3.1M 86.5K 40
~ COMPLETED ~ Started: June 10, 2021 Ended: July 24, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 **** UNEDITED ****
2.4M 79.2K 56
Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. D...
1.5M 68.6K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...