Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰43rd Catch╮

3.6K 134 0
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰43rd Catch╮

KINABUKASAN, nang masalubong niya si Zach sa corridor ay kinuha niya ang pagkakataong iyon para magpasalamat dito.

"Zach! Teka lang." Tawag niya nang akma itong lalagpas sa kanya.

Nang tumigil ito sa tapat niya ay napansin niyang pawisan ito. May nakaipit na soccer ball sa tagiliran nito kaya naisip niyang mukhang abala ito sa paglalaro.

"Hey, Lara! What's up?" Nakangiti nitong bati.

"Okay na 'ko. Salamat nga pala sa pagdala sa'kin sa clinic kahapon." Nahihiya niyang tugon.

"It's okay. Kahit sino naman siguro gano'n ang gagawin. Nagkataon lang din talaga na padaan ako kaya nakita kita kaagad. How's your wound?" Kunot-noo nitong tanong habang nakaturo sa noo niya.

"I'm good. Nothing to worry about." Nakangiti niyang sagot.

"Good to hear. Anyway, I'm headed to the soccer field. Ikaw?" Pag-iiba nito.

"Uhm, kakatapos lang ng klase ko kaya makikipagkita ako kay Arq."

"Okay. I think I should go. Baka hinahanap na 'ko sa practice."

Tumango-tango siya. At pareho na silang naglakad sa magkaibang direksyon para magtungo sa kani-kanilang mga pupuntahan.

Nagtungo siya sa opisina ng Savage para tingnan kung naroroon si Arq. Subalit wala siyang nadatnan na kahit sino roon. Dahil mahaba pa naman ang oras bago ang susunod niyang klase ay nagpasya siyang umakyat sa sorority hall. Pero ang tanging nadatnan niya ay ang klase ni Hilary.

Dismayado siyang bumaba mula sa 4th floor. Wala na siyang alam na ibang tambayan ni Arq kaya nagpasya siyang i-text ito. Nang tuluyan na siyang makababa sa unang palapag ay kaagad nangunot ang kanyang noo sa pagtataka nang maabutang tila nagkakagulo ang lahat ng estudyante. Nagtatakbuhan ang mga ito sa iisang direksyon.

Sa katunayan, biglang kumabog nang malakas ang kanyang puso sa hindi malamang dahilan. Dahil wala siyang nakikitang kakilala sa mga nagtatakbuhan ay isinantabi na lamang niya ang kahihiyan at humila ng isang estudyanteng patakbo sa kanyang direksyon.

"Hey! Ano'ng meron?" Kaagad niyang tanong.

"S-savage!" Sigaw nito na halata ang takot sa mga mata.

Lalo siyang kinabahan at sa halip na magtanong muli ay napatakbo na rin siya sa direksyon kung saan tumatakbo ang mga estudyante.

Savage? Ano na namang meron?

Pakiramdam niya ay parang walang hanggang daanan ang tinatakbuhan niya kahit na ang totoo'y hindi malayo mula sa gusaling pinanggalingan ang gate 2 ng unibersidad. Dagdag pa ay tila pinagpapawisan siya nang malamig.

Hanggang sa mapansin niyang halos lahat na ng estudyante ay nagkukumpulan sa gate 2 kaya walang pagdadalawang-isip siyang sumingit para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito.

The moment she reaches the front and sees what's going on, her heart just exploded, leaving her stone deaf as she stands still. The surroundings instantly move in slow motion. Her system stops functioning. And if it weren't only because somebody bumped her, she wouldn't be back to reality.

"ARQ!" She finally blurted out before scooting down towards Arq, who was lying on the ground. She puts her head on her lap while tapping her face, trying to wake her. "Oh, Gosh! Arq!"

Napansin na rin niya ang tatlo nitong kaibigan na pare-parehong nakahandusay sa lupa. Para siyang mahihimatay sa nakikitang duguang itsura ng mga ito.

"Tumawag kayo ng ambulansya! Ano ba!" Sigaw niya sa mga estudyanteng nasa paligid.

Hindi pa rin gumagalaw si Arq; parang hindi na nga ito humihinga. Sa katunayan ay bugbog-sarado at duguan ang mukha nito. Bukod doon ay may mga kalmot din sa leeg at braso nito. Mas naging grabe pa ito tingnan dahil sa mga punit ng suot nitong damit.

Sino'ng matinong gagawa ng gano'ng bagay sa isang babae?

No matter how strong Arq appears to be, it's still very unreasonable for someone to beat her to death.

Hindi siya mamamatay! Fvck!

"Arq! Oy! Gumising ka!" Parang nababaliw niyang sigaw.

Halo-halong emosyon na ang kanyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung ano man ang itsura niya. Mas nangingibabaw ang kanyang kagustuhang na magkamalay si Arq.

Mayamaya pa ay naramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat. Nilingon niya kung sino iyon ngunit hindi niya masyadong maaninag. Doon lang niya napagtanto na umiiyak na pala siya.

"Lara, nandito na ang ambulansya." Sabi ng tinig na sigurado niyang pagmamay-ari ng kaibigang si Andy.

She barely moves. Honestly, she doesn't want to let go of Arq unless she's sure that she's okay. But two pairs of strong hands lift her away from Arq. She didn't try to struggle, though. She must have lost all her might.

When the ambulance is about to drive off, she immediately rushes to get in. Thankfully, no one stops her.

She holds Arq's weak hand while they are on the way to the hospital. Not being able to feel her pulse makes her sob, again. Although two medical personnel are trying their best to treat Arq, she still cannot relax.

Sa sobrang okupado ng kanyang isipan at halo-halong emosyon, hindi na niya napansin pa na nasa ospital na sila. Sa katunayan ay wala siyang ideya kung paano siya napaupo sa sahig sa tapat ng emergency room.

Makailang-beses pa siyang tumayo at umupo sa tuwing bubukas ang pinto ng emergency room ngunit walang sinoman ang kanyang nakakausap. Pagpunas niya ng kanyang luha ay nakita niya ang palapit na sina Andy at Yuan.

"Lara, bakit ka nakaupo dyan sa sahig?" Tanong ni Andy nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.

Hindi siya sumagot at hindi na rin umangal nang alalayan siya ng mga ito para tumayo bago sila naupo sa mga upuan sa waiting area.

"It was the DMO. We checked the CCTV footage and one of them was familiar. Ni-report na namin sa mga pulis ang insidente." Pagbabalita ni Andy.

"What the hell were they thinking? Hindi ba sila natatakot managot sa batas? Atsaka, babae si Arq, for Christ's sake! Bakit kailangan nilang bugbugin nang ganon katindi?" Naiiyak na naman niyang tugon.

Walang umimik kina Andy at Yuan. Hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit dahil sa nangyari kay Arq. Hindi naman niya kilala ang mga gumawa no'n lalo na ang grupong DMO. Wala siyang ideya sa pagkakakilanlan ng mga ito. Ang tanging alam lang niya ay sadyang matatapang ang kasali sa grupong iyon at hindi nag-aalinlangang lumusob sa teritoryo ng kaaway.

Mayamaya pa'y naagaw ang kanilang atensyon ng isang babaeng diri-diretsong nagtatatakbo papasok ng emergency room. Ngunit hindi rin nagtagal ay pinalabas ito ng mga nurse.

Ilang segundo itong nakatayo sa gitna at nakatulala lamang. Hindi na sana niya ito papansinin dahil hindi lang naman si Arq ang pasyente sa E.R., baka ibang tao ang pakay nito. Subalit nang bumaling ito sa kanilang direksyon at magtama ang kanilang paningin ay medyo nakilala niya ito.

Bago pa man niya ito malapitan ay napukaw ang kanilang atensyon ng doktora na naghahanap ng kamag-anak ng bagong admit na pasyente na alam nilang si Arq. Mabilis na lumapit ang babaeng halos bagong dating sa doktora. At doon na ito nagpakilala bilang kakambal ni Arq.

Tahimik lamang silang tatlo nila Andy at Yuan na nakikinig sa gilid habang abalang nag-uusap ang doktora at ang kakambal ni Arq. Lahat ng mga nais niyang itanong ay naitanong na ng kapatid nito kaya hindi na siya sumabat.

After the talk, the girl turns to her. Her green eyes are as hypnotizing as Arq's bluish-violet eyes. She already found her gorgeous when she first saw her in a black-and-white photo.

But now, she realized that gorgeous seems to be an understatement.

And it looks as though she suddenly forgets that Arq is not yet conscious as she starts to appreciate how enchanting her twin sister is.

"...Miss? Excuse me?" Ang tanging narinig niyang sinasabi nito nang magbalik siya sa reyalidad. Kunot-noo itong nakatitig sa kanya.

"H-huh?" Nauutal niyang tugon.

"I said do you know my sister Arqui?" She asks again in a bit irritated tone.

She nods, reluctantly. "I'm her—" and then paused, thinking what could be the right answer.

"Arq's girlfriend." Singit ni Andy kaya doon napabaling ang babae.

Sa halip na sumagot ay nanatili itong nakatitig sa kanila nang makahulugan. At habang nakatingin ito kina Yuan at Andy ay pasikreto niya itong pinag-aralan.

She then realized that Arq and her twin sister, whom she forgot the name, don't look identical. Though they are both aesthetically pleasing, the girl has a much softer and lighter aura than Arq. To be honest, she also thinks that maybe she's way nicer.

Mayamaya rin ay ngumiti na ito.

"I'm gonna go settle private rooms for them. You can wait here in a while." She said before turning around without even hearing their answers.


"THIS dope didn't tell me that she already has a girlfriend. How long have you been together?"

Heather's interrogation is making her feel a bit uncomfortable. First, she speaks impressively in English with an accent. She understands Tagalog, but she prefers to respond using the foreign language. That's quite intimidating. Moreover, because she knows that she has to tell her lies.

"Bago pa lang kami. Almost three weeks, I guess." Sagot niya sabay pisil sa hawak na kamay ni Arq.

She's sitting on a chair beside Arq's bed, and across her is Heathe.

"Oh! And she's already making you cry." She chuckled. "Hey, Arqui. Get up, or else I'll take your girlfriend home." She joked.

Biro man ang sinabi nito ay medyo nailang pa rin siya. Ngayon lang niya nakilala si Heather pero kung kausapin siya at biruin nito ay parang ang tagal-tagal na nilang magkakilala. Marahil ay natural na rito ang pagiging palabiro.

Anyway, she does well if she's trying to lighten up the mood.

Napayuko siya.

"So, how's being with her? You know, she has uncontrollable impulses that always put her into trouble." Heather added while staring at her sister. "...she hasn't changed a bit. Still a pigheaded as before."

She agrees. Arq really is stubborn. As she recalls, she has already tried to talk her out of it but she only got castigated. However, because of this incident, she has to speak up again. She doesn't care if Arq would be cruel. She only wants to do her part as a sincere girlfriend.

"I know. Akala niya kasi lagi siyang malakas. Ewan ko ba kung bakit ayaw niyang itigil ang pakikipag-away."

"Well, she's fond of getting into trouble ever since she joined Silver Hawks. In fact, Dad sent her away from the org but she's really meant to be part of this kind of thing."

Naikwento nga sa kanya ni Arq ang tungkol sa pagpapalayo rito ng ama mula sa grupo subalit nagawa nitong bumalik sa personal na kadahilanan. Mukha ngang kapalaran na nito ang maging kabahagi ng malaking grupo. Ganonpaman, sana ay hindi ito nagiging tila ba tagapagtanggol ng buong organisasyon.

Nakilala niya ang mga kasali sa grupo at halos lahat naman ng mga kalalakihan ay mukhang malakas. Kaya naiinis siya sa kaisipang bakit kailangan pa na si Arq ang palaging nangunguna sa gulo.

"Thank you pala sa pagpunta mo. Hindi ko alam na nandito ka sa Georgetown. Noong isang linggo lang ay napag-usapan ka namin ni Arq. Kaya nang makita ko ang mukha mo kanina, parang familiar ka."

"Actually, I just got home. Then someone I know from Arq's circle welcomed me with the news that this beast and her best friends got into a lot of trouble. We still haven't had a chance to see each other yet this already happened." She stated, shaking her head. "...you said you talked about me?"

Tumango siya.

She scoffs. "What did she say to you about me?"

"Wala naman. Natanong ko kasi kung sino ang nagtitirintas ng buhok niya. Sinabi niyang ikaw daw at pinakita niya sakin 'yong picture mo. That's the time I got to know that she has a twin sister."

She nodded. "Well, Arqui doesn't like anything but plain, dullness. Another reason why she changed her hair color to black. When I first braided her hair, she was annoyed because she didn't like it. I just insisted so I finished it anyway. Eventually, she realized she liked it. So I had to teach her how to do it by herself because we can't be together all the time." She said, smiling.

Napangiti rin siya. 

Unlike Arq, Heather prefers her long, auburn hair to fall perfectly over her shoulders. Now that she remembers that Arq's original hair color is the same as Heather's, she starts to wonder what she would look like if she didn't color it to black.

But she's certain that Arq is as ravishing as her sister.

Magsasalita pa sana si Heather nang may kumatok sa pinto. Hindi na niya inaasahang sina Andy at Yuan iyon sapagkat nagsabi na ang mga ito na baka kinabukasan na lamang babalik sa ospital.

Inakala rin niyang doktor iyon o kaya nurse ngunit kaagad napintahan ng pagtataka ang kanyang itsura matapos bumukas ang pinto at makita ang hindi kilalang ginoo.

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

345K 12.5K 48
Hindi lahat ng nawawala ay hindi na muling babalik pa. May ibang, bigla na lang lilitaw upang matapos ang bagay na dapat noon pa nila na tapos. Tulad...
28.1M 711K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...