The long lost Dhampir Queen

By Hyacinthinics

64.5K 1.7K 174

Top #2 On Werewolf Genre Rachelle Mae Arce, Inampon ng kinikilalang magulang ngunit siya mismo ang nag sisisi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16: The New Queen and the first love
chapter 17: Who Has the right
Chapter 18: Will she leave me?
Chapter 19:The fight Part 1
Chapter 20: The fight Part 2
Chapter 21: The disaster party
Chapter 22: Having the worst Nightmare
Chapter 23: Her Sweet Revenge
Chapter 24: Hope
Chapter 25: Forest of the Lost Souls
Chapter 26: The Forest Of Illusions
Chapter 27: The Ghoul Forest
Chapter 28: Three Choices and One Decision
Chapter 29: Bazooka
Chapter 30: War Preparations
Chapter 31: The Waterfall's Secret Cave
Chapter 32: Winter Wars
Epilogue

Chapter 4

2.9K 82 8
By Hyacinthinics

"Letting go of your painful past
is how you open yourself to a
wonderful future"
-Bryant H. McGill

Cyrus' POV

Nakaupo si Cyrus sa isang sofa na hinila niya palapit sa kama ni Rachelle, dalawang gabi nang hindi pa gumigising ang dalaga at ayaw niyang umalis kahit sandali dahil gusto niyang masigurong wala nang mananakit dito, maaaring mabilis ang pag galing ng mga dhampir at ang pag hilom ng sugat ng mga ito pero pansin ni Cyrus ang pasa sa leeg ni Rachelle na nanggaling sa pananakal ni Dorinda noong kaylan lang, hindi nagalit ang hari sakaniya sa pag kawala niya ng kontrol, pero sigurado silang susugod ang mga lobo dahil nawala na ang kanilang espiya. Napatitig ito sa dalaga dahil nag simula itong umungol.

"T-tama na", mahinang sambit ni Rachelle at umiiyak ito na para bang nag mamakaawang wag siyang saktan, tumayo si Cyrus at umupo sa gilid ng kama, hinawakan niya sa mag kabilang braso si Rachelle at inuga para magising, nagulat pa ito at sunod sunod ang pag tulo ng luha ng dalaga. Gising nga pero parang wala siya sa sarili kaya niyakap siya ni Cyrus pilit pinapatulog ulit nang masiguro niyang tulog na ito ay inihiga niya na ang dalaga ulit. Napaisip siya kung anong nangyayari sakaniya, kung bakit bumibigat ang kanyang loob kapag nahihirapan ang babaeng tinititigan niya ngayon, na kahit may mga peklat ito sa likod at may mga pasa ay perpekto ito sa kaniyang paningin,

"Why am I feeling this? I just met you in less than a month", bulong niya sa sarili, sumandal siya sa sofa at napapikit. Ano nga bang nang yayari sakaniya?

Why is he feeling the urge to protect this trouble-maker princess? Na kahit ibaling niya pa sa iba ay laging umaangat para sakaniya si Rachelle. Walang kukumparaa ganda niya at ang pagiging mabuti nito.

Tumayo siya at tinungo ang pinto bubuksan na sana niya ang pinto pero biglang nag salita ang inaakala niyang tulog na.

"P-please stay", it's all he needs to hear to go back to his seat and tried so hard to sleep, but before he drifted to sleep, Rachelle's face flashes to his mind.

Kyle's POV

Simpleng lalake lamang si Kyle, pero ang kulit na taglay niyo ay walang katulad, pero isa siyang mahusay na mind reader. Pero ang pinangangamba ngayon ng binata ay nasa labas lamang ang Alpha king at ang may mga kasamang lobo, hindi na nila inabala ang dalawa dahil alam nilang kaylangan nila ng pahinga kaya si Renze, Kyle, Abiegail,Nichole, Piolo at ang hari ang humarap sa Alpha King.

Mukha itong galit na galit, ang tingin lamang nito ay nasa hari lamang.

"Pinatay ninyo ang aking espiya!" Sigaw ng Alpha king pero walang umimik saamin.

"Alam mong darating din ang araw na ikamamatay niya ang pag eespiya saamin", sabi ng Hari at di niya inaalis ang titig sa Alpha king.

"Alam mo naman na mag sisimula ito ng gera ulit", pananakot ng Alpha king.

"Ha! Nag ka gera na noon, noong ang ama mo pa ang hari at walang nanalo saamin, parehas ang aming lakas kaya wala kang panalo pag dating sakin, anak ka lamang niya", sabi ng aming hari, nag iba ang kulay ng mata ng Alpha king, naging asul ito at biglang humangin, tila ba may naamoy siya dahil pumikit ito at biglang inikot ang paningin nito sa paligid at tumigil iyon kay Nichole.

"MATE!" Sigaw niya at lahat sila ay napatingin kay Nichole at si Nichole naman ay parang namutla, noong una ay hindi nila maintindihan ang nangyayari pero ng bigla niyang hablutin si Nichole ay doon na sila natauhan.

Ang Soulmate ng Alpha King, ang magiging Luna Queen nito, ang kahati ng kaluluwa nito ay walang iba kundi si Nichole! Isang Dhampir!
"Bitawan mo siya!" Sigaw ng kanilang Hari at itinulak ang Alpha King pero nakatitig parin ito kay Nichole na para bang na hihipnotismo.

"Umalis na kayo sa teritoryo namin bago ko pa kayo paslangin!" Sigaw ng Hari ng mga Dhampir pero hindi man lang gumalaw ang Alpha king.

" What's your name mate?" Tanong nito at nakatingin lamang kay Nichole, walang pakeilam sa nangyayari sa kaniyang paligid.

"N-nichole", nauutal na sagot niya, gusto nitong lapitan si Nichole ngunit umatake ang Hari ng mga Dhampir kaya napilitang umalis ang Alpha King.

"Hindi ako makikipag gera dahil nasa panig ninyo ang Soulmate ko", madiin na sabi ng Alpha King pero tiningnan lamang ito ng Hari ng mga Dhampir.

"Isa siyang Dhampir, ang likas na kalaban ng inyong lahi", paalala ng Hari pero napangisi lamang Ang Alpha King.

"Perpekto na siya at hindi ko na hihilingin pa na may mag bago sakaniya, kaya't siya ang kukunin ko kapalit ng buhay na kinuha niyo mula saamin, babalik ako bukas upang kunin siya", sabi ng Alpha King at bigla na itong umalis.

Tila nadagdagan ang kanilang suliranin, biglang umalis si Nichole.

"Kyle, puntahan mo sila Rachelle tingnan mo kung nagising na ang anak ko", sabi ng Hari at umalis na din ito.

"Uhy! samahan kana namin", sabi ni Abbie na kasama si Piolo at Renze

Nag lakad sila papunta sa kwarto ni Rachelle at doon nila naabutan si Cyrus pa hindi pa umaalis ngunit gising na ito.

"Mag pahinga kana na dito", oprisi ni Abbie pero umiling lamang si Cyrus pero lumipat siya ng upuan, nasa harap na siya ng TV pero imbes na manood ay nilabas nito ang cellphone niya at nag laro.

Biglang nag taka si Kyle dahil sa biglang pag kawala ni Renze pero umupo nalang siya sa tabi ni Rachelle na kaninang inuupuan ni Cyrus.

Nakita niyang masarap ang pag kakatulog ni Renze sa sahig na may rug na gawa sa balat ng uso kaya nakaisip siya ng kalokohan. Lumapit siya kay Abbie na nag babasa ng libro.

"Abbie!" Tawag niya dito at tinaasan lang siya ng kilay

"Pahiram naman ako ng make up kit mo", sabi niya at di mapigilang ngumiti kasi nanlaki ang mga mata ni Abbie.

"KYLE! BUMIGAY KANA BA?!" Pagulat na sabi ni Abbie pero agad natakpan ni Kyle ang bibig ni Abbie.

"Shunga, hindi ako ayun oh!" Sabi niya at nginuso si Renze na masarap ang tulog.

"Tanga, babawian ka niyan", babala ni Abbie pero wala itong pakeilam dahil gusto niya itong pag tripan.

Nang mahiram niya ang make up kit ni Abbie ay balak niyang pah mukhaing babae si Renze pero sa kasamaang palad naging kamukha niya si Valak dahil sa sobrang puti ay nasobrahan niya ang pag bruBrush ng black sa mata nito, masyadong malaki ang brush na ginamit niya pero natatawa siya sa ginawa.

Rachelle's POV

Napabalikwas ang natutulog na Rachelle ng makarinig siya ng mga nag uusap kaya ng bumangon siya ay napatitig siya sa lalakeng naka talikod sakaniya at kaharap ang isang babae at dalawang lalake na natatawa.

"Gwapo natin pre ah!" Sutil na sabi ng Lalakeng umakbay sakaniya.

"Hahahah, Renze di ko alam ma gwapo ka pala hahahahah!" Sabi ng babae pero nagulat siya nang makitang gising na ako.

"Gising na sya!" Sigaw niya at lumingon silang lahat at pati narin ung lalakeng inaasar nila kaya nang makita niya kung anong pinag tatawanan nila ay napatili sya at nahulog sa kama sa kagustuhan makalayo.

"What the fuck!!!" Sigaw ni Cyrus at tiningnan ang nangyayari sakanila.
Siya lamang ang kilala ni Rachelle sakanila, kahit ang tindig lamang nito ang kilala niya kaya pumunta siya sa likod ni Cyrus dahil lumalapit si Renze sakaniya.

"Hala bat ka lumalayo?" Nalulungkot na sabi ni Renze na di alam kung bakit nga siya nilalayuan ng mga ito.

Mag sasalita na sana Cyrus ngunit biglang nawalan ng ilaw.

"Uhy! ang dilim!" Sigaw ni Renze na naririnig nilang nag lalakad pero ng biglang nag ka ilaw ulit at tumili ito na parang babae doon na humagikgik si Rachelle dahil nakita ni Renze ang sarili niya sa salamin kaya natakot ito sakaniyang sarili. Natahimik si Kyle ng maramdaman niyang nag lalakad papunta sakaniya si Renze kaya kumaripas ito ng takbo paalis ng kwarto, sinundan sila ni Piolo na walang magawa.

"Iwan ko muna kayo may aasikasuhin lang ako", paalam ni Cyrus at biglang umalis.

Naiwan si Abbie at Rachelle.
"Hi ako si Abbie! inampon ako ng papa mo", sabi niya at natahimik si Rachelle.

"I'm Rachelle", sabi niya at nginitian ito at pubuntong hininga siya.

"Bakit Rachelle?" Tanong ni Abbie at umupo sila sa dulo ng kama.

"Talaga palang papa ko siya", sabi niya at binagsak ang sarili sa kama.

"Oo, hindi kasi tumatanda ang mga Dhampirs eh kaya bata pang tingnan si sir Landon", sabi sakaniya ni Abbie at tiningnan siya nito.

"Dhampir? Ibig sabihin totoo kayo?" Tanong niya bigla dahil nababasa niya lamang ito sa mga libro.

"Oo, totoo tayo Rachelle, isa ka ring dhampir tulad namin", sabi ni Abbie at nasagot na ang mga tanong niya kung bakit may mga pag babagong nangyari sakaniya.

"Sabi mo inampon ka ng papa ko? " Tanong ni Rachelle at tumango si Abbie.

"Hindi niya naman totally kaming inampon, parang kinupkop niya kami", sabi ni Abbie at napakunot ang noo ni Rachelle.

"Kami? marami kayo?" Tanong niya at napangiti si Abbie at tumango.

"Oo, kami ni Piolo, kyle, Renze, Cyrus, Nichole at Ako, kinupkop kaming lahat dahil nilagtas niya kaming lahat" Sabi ni Abbie at napangiwi si Rachelle.

"Ano bang nangyari noon at nilagtas niya kayo?" Tanong niya at nawala ang ngiti ni Abbie.

"Ayaw ko munang pag usapan yun eh", sabi niya at napa nguso si Rachelle at biglang bumangon mula sa pag kakahiga.

"Eh si Cyrus? ano nangyari noon?" Tanong niya at parang nag tataka si Abbie.

"Ang pag kakaalam ko kasi, nabuntis ng ama niyang bampira ang kaniyang ina at iniwan sila nito pero ng mag pitong taon si Cyrus at napansin ng kaniyang ina na iba ang kulay ng mata nito at may pangil ito kaya ang ginawa sakaniya ay itinali nila ito sa puno at sinunog pero bago pa siya masunog nailigtas siya ni Sir Landon, pero ang alam ng kanyang ina patay na siya bakit mo pala naitanong?" Tanong sakaniya ni Abbie pag katapos ikwento ang nakaraan ni Cyrus, ganun pala ang dahilan.

"Hindi mo kaylangan sabihin kung ayaw mo, alam naman naming inaabuso ka ng mga kumupkop sayo, kalimutan na iyon at isipin mong nandito na kami, marami nang proprotekta sayo at kasama mo pa ang papa mo ", nakangiti siyang iniwan ni Abbie para makapag Handa na ito para sa hapunan.

Napabuntong hininga siya at humiga ulit sa kama .

Kaya niya bang harapin ang panibagong pag babago sa kaniyang buhay?natatakot siya at kinakabahan na baka hindi rin siya mahal ng tunay na ama pero dapat ba talaga siyang matakot?

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 1K 49
Ayon sa alamat isang babae na galing sa ibang mundo ang itinakdang magsasalba sa bayan ng Dalya. Ilang siglo narin ang pagpadarasal ng mga tao sa pag...
74K 1.8K 34
Lukas Miguel Solomon & Sinaya Argallon (past) Lutther Monte Carlo & Selina Cabrera(present)
28.5K 1K 49
Athena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERI...
805K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...