Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰30th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰36th Catch╮

4.2K 137 0
By NyreneMorana_

◈ Caught By A Beast ◈

╰36th Catch╮

"HOY, Arq!" Nababahalang sigaw niya para sawayin ito sa ginagawa.

Nilingon siya nito matapos mahubad ang pang-itaas na damit. At sa muling pagkakataon ay tumambad na naman sa kanyang harapan ang nakakainggit nitong katawan.

Tinalo ng abs nito ang abs ng mga lalaking nakilala niya. Bukod doon ay nahagip ng kanyang mga mata ang kalahating bahagi ng tatto nito sa puson.

"Every time I get here, I always dive into the water. It's cool." Arq said while smiling.

Kaagad niyang ibinalik ang mga mata sa mukha nito. Baka kung ano na lang ang maisip ni Arq at masabi pa nitong pinagsasamantalahan niya ito. Kabisado na niya kung paano ito mag-isip.

Tumikhim siya. "Hindi ako maliligo kung binabalak mo akong isali dyan sa trip mo." Tanggi niya kahit hindi naman siya tinatanong.

Sumimangot ito. "Kaya nga kita dinala dito para makisali sa trip ko."

"Arq, wala ka namang sinabi sakin na maliligo tayo. Wala akong dalang damit pamalit."

Arq crossed her arms. "Of course you have. In my car." She informed, nonchalantly.

"Paano ako nagkaroon ng damit sa sasakyan mo?" Nagtataka niyang tanong.

Naisip niyang galing ito sa kanila kanina. Hindi kaya nanghingi ito ng damit niya sa mommy niya. Pero malabong mangyari iyon dahil nakakahiya iyong gawin. Maliban na lang kung medyo matigas ang mukha ni Arq.

"Teka, kumuha ka ba ng damit ko sa'min kanina?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon? I just met your family the other night. But that doesn't mean that I could just walk into your house and take whatever I desire."

Nakahinga siya nang maluwag sa sinabi nito. Gusto lang niyang makatiyak kaya siya nagtatanong. "E, bakit nga ako may damit sa sasakyan mo?"

"Same as when I was able to provide a dress for you to wear at the party."

"Bumili ka na naman? Pwede ka naman kasing magsabi na lang para ready ako sa mga susuotin ko."

"That would rub out the element of surprise."

"Napakagastos mo." Naiiling niyang komento.

Hindi naman kasi nito kailangan pang gumastos para masurpresa siya. Dapat nga ay hindi siya nito sinasanay sa mga bagay na alam nilang pareho na hindi naman magtatagal.

"Atsaka bakit naman kasi na sa dinami-dami ng pupuntahan natin ngayon, dito pa ang napili mo? Hindi pwedeng maiiba 'yong damit ko. Malalaman nila dad na iniwan ko si Pearl sa RDGU."

"You're complaining as if you didn't like being here."

Hindi siya nakasagot. Totoo namang gusto niyang naririto sila pero mali ang timing nito. Palagi naman kasing naka-plano na ang lahat ng mga gagawin nila kaya nakahanda ito at siya ay hindi.

Ang katwiran nito ay dahil gusto siyang masurpresa. Hindi nga ito nagkamali dahil palagi talaga siyang nasu-surpresa.

Pero sa totoo lang, natutukso rin siyang lumusong sa napakalinaw na tubig.

Arq contemplates for a while. And then she strides back to her, rubbing her nape. "All right, I'll get the clothes."

Maglalakad na sana ito pabalik kung saan nakaparada ang sasakyan nito nang pigilan niya. "Teka, babalik ka doon nang nakaganyan ka? Okay ka lang?"

"Why? What's the problem with my appearance? Madalas naman akong nagjo-jogging dito na nakasuot lang ng sports bra with matching yoga shorts."

"Seryoso ka?"

Tumango ito.

Nang muli itong maglakad ay hindi na niya ito pinigilan pa. Puro man siya reklamo pero gusto rin talaga niya ang magtampisaw sa tubig. Nangangamba lang siya sapagkat hindi maaaring mapalitan ang kanyang suot. Tiyak na magtataka ang kanyang mga magulang pag-uwi niya.

Ano na lang ang ipapaliwanag niya sa mga ito? Baka magalit lang ang dad niya dahil ang alam nito ay nasa RDGU lamang siya at sinasamahan si Pearl. Hindi siya nagpaalam na gagala sila ni Arq at baka pati ito ay pagalitan din ng kanyang daddy.

She sighs upon realizing that she must have been behaving inappropriately ever since her parents allowed her to come along with Arq. They should not break that trust.

While Arq is away, she gets that chance to savor the calmness of the surrounding. Life in the city had never been this relaxing to her. The polluted, noisy and turbulent environment was part of her daily life. Despite those negative causes of lousy health she still managed to live her city life, seeing only the glamorous stuff that she knew she couldn't get rid of. But that was before.

When she arrived in Georgetown and started studying at RDGU everything changed. She didn't expect she would be contented in a simple way of living.

Admittedly, Arq plays a big part in it. She's the one who constantly makes her realize that Georgetown isn't just an ordinary town. She lets her see things beyond their simplicities.

Despite that she's still at the adjustment stage, it feels like she has been living in the town her whole life.

Panay man ang pagkontra niya sa mga gustong ipagawa sa kanya ni Arq, kalaunan naman ay nagiging interesado na rin siya sa mga bagong karanasan. Kailangan lang siyang pilitin para maging adventurous siya paminsan-minsan.

"Here..."

She snaps and scowls at her. Arqui tends to surprise her and would smile, pretending that she never intended to startle her.

May hawak itong paper bag atsaka inabot sa kanya.

"Hindi na talaga ako makakatanggi." Aniya.

"Bakit pa kasi tanggi ka nang tanggi?"

"San naman ako pwedeng magbihis?" Pag-iiba niya, para maiwasan ang napipintong pagka-badtrip nito.

"Siguro naman hindi mo na kailangan pang tanggalin pati undies mo? Hindi naman siguro 'yan ichi-check ng parents mo?" Pigil-tawa nitong sabi.

Tinitigan niya ito nang pailalim. "Saan nga kasi?" Pag-uulit niya at hindi na lang pinansin ang sinabi nito.

"Unfortunately, this forest doesn't have any comfort rooms."

"Huh? Paano ako magbibihis? Paano na lang pala kung habang nagbibihis ako ay may mga taong bigla na lang dumating?"

"That, I can assure you, is not going to happen. This may not look like a private area, but it is. Whenever I'm here, no one comes. Kaya okay lang naman kahit saan ka magbihis."

"S-sigurado ka ba?" Naniniguro pa rin niyang tanong.

Nang tumango ito ay nagsimula na siyang sumipat  ng pagbibihisan. Naisip niyang sa isa sa mga naglalakihang puno na lang siya magbihis at iyong hindi siya makikita ni Arq.

Nilingon niya ito. "All right. Magbibihis na 'ko. 'Wag kang maninilip, kundi yari ka sakin!" Banta niya.

Nangunot ang noo nito. "May kakaiba ba sa'yo? Meron din naman ako niyan."

Puntos nang puntos itong si Arq kaya lagi niyang nabibigyan nang masamang tingin.

Tatawa-tawa nitong itinaas ang magkabilang kamay. "All right. Maliligo na lang ako. Bahala ka ng magbihis."

Matapos nitong magsalita ay binigla na naman siya sa pagtatanggal nito ng pang-ibabang saplot. Hindi na siya nag-abala pang panoorin itong maghubad dahil tiyak na may sasabihin na naman ito kapag nahuli siyang nakatingin.

Sa halip ay naghanap na lamang siya ng mapagtataguan para makapagpalit na. Kahit medyo maingay ang agos ng bumabagsak na tubig  mula sa talon, narinig pa rin niya ang pagsisid ni Arq.

Hindi naman siya napalayo. Muli niyang nilingon si Arq para kumpirmahing abala ito sa paglalangoy. Atsaka siya nagtago sa likod ng isang malaking puno para makapagpalit. Nang makita niya ang paperbag na ibinigay sa kanya nito ay napasimangot siya dahil may undies din na naroroon. 

Paano nalaman ni Arq ang size niya? Sadyang nakakahiya sapagkat tila wala na siyang maitatago pa kay Arq. Lahat na lang yata ay kayang-kaya nitong alamin.

Ganonpaman, wala na siyang magagawa pa. Ipinagkibit-balikat na lamang niya kalaunan ang katotohanang iyon. 

Isang oversize shirt at short shorts ang kasama ng mga panloob sa paper bag. Iyon ang mga pamalit na bigay ni Arq na gagamitin na lamang niyang pangligo dahil hindi maaring mabago ang kanyang suot.

Nang matapos magpalit ay inilagay niya ang sariling damit sa paper bag atsaka na lumabas sa pinagtaguan. Lalong nadagdagan ang kanyang pananabik na maligo sa lawa.  Marunong siyang lumangoy kahit papano kaya walang magiging problema sa kanya si Arq. Wala rin naman siyang balak na lumusong sa malalim.

"C'mon! Ang sarap maligo!" Sigaw ni Arq na nasa gitnang bahagi na ng lawa.

Naaaliw siyang napangiti habang nakatingin dito. Para itong isang batang tuwang-tuwa sa paglangoy.

Nilapag niya ang bitbit sa parte ng batuhan kung saan hindi mababasa atsaka siya nagtanggal ng suot na sapatos. Humakbang siya sa naglalakihang bato hanggang sa mailublob ang kanyang mga paa sa tubig. Napakalamig sa simula pero hindi dahilan iyon para hindi siya tuluyang lumusong.

She gasped as she immersed herself in the cold water. She waddles in until the water levels up to her chest. The coldness gradually gets warmer as she swims. She stops right at the level where her feet can still reach the earth and she's certain she'll be safe.

"Langoy ka pa dito!" Utos ni Arq na medyo malayo nang konti mula sa kinalalagyan niya.

Hindi siya susugal sa mga ganitong bagay lalo pa't hindi niya kabisado ang kalaliman ng tubig. Kaya mariin siyang umiling. Nakita niyang napabuntong-hininga ito bago sumisid at nawala sa kanyang paningin. 

Napailing siya atsaka naisipang maglublob na lang sa kinatatayuan. Saktong sa kanyang pag-ahon ay umahon din si Arq sa harapan niya. Sa gulat ay napaatras siya at muntik pang malublob sa tubig dahil sa madulas na batong naapakan. Ngunit bago pa man iyon mangyari ay nayakap na siya ni Arq mula sa kanyang bewang.

Hindi kaagad niya pinansin ang pagkakadikit ng kanilang mga katawan dahil sa ginawa nito. Bagkus ay mas nabaling ang kanyang atensyon sa nakaliliyong amoy na nalalanghap niya mula kay Arq. Nababad na ito sa tubig subalit samyong-samyo pa rin niya ang amoy nitong parang kaka-spray lang na pabango. Nakadikit na yata sa balat nito ang halimuyak na nakasanayan niyang amuyin mula rito.

"Careful, may mga madudulas kasi na bato." Paalala nito habang marahan siyang binibitawan.

"Thanks." She said, carefully pulling back.

Nang muling sumisid si Arq ay parang gusto niyang sumunod sapagkat ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Noon lang kasi niya napagtanto ang itsura nila kanina at hanggang sa mawala ito sa kanyang tabi ay ramdam pa rin niya ang pagyakap nito mula sa kanyang bewang.

Parang kukulo ang lawa dahil sa init na kanyang nadarama. Sobrang nakakahiya!

ILANG sandali ang lumipas at pareho na sila ni Arq na nakatambay na lamang sa mga batuhan sa pampang. Kanina pa niya sinusubukang lumapit sa talon ngunit natatakot siyang lumusong sa malalim na bahagi ng tubig. Kaya nakontento na lamang siyang pinanonood ang talon.

Hindi gaya ni Arq, hindi niya masyadong sinulit ang paglalangoy. Akala nga niya'y hindi na ito titigil kakalangoy, pero mukhang napagod na.

"Lagi ka ba dito?" Tanong niya nang mapansin ang pananahimik nilang dalawa.

Malapit na siyang mabingi sa ingay ng tubig kaya naisip niyang kailangan na nila ng mapag-uusapan. 

"Yep. Kapag hindi busy at gusto kong mag-unwind. This is actually my sanctuary since I was young."

"Paano mo naman na-diskubre 'to?"

"Well, this is actually my aunt's property. "

Namangha siya sa nalaman. Ang swerte naman pala nila Arq sapagkat may ganitong pagmamay-ari ang kamag-anak nito. Kung sila ang magmamay-ari ng ganitong lupain, tiyak na madalas lamang siyang nakatambay doon. 

"Kaya naman pala allowed tayong pumasok kahit na private area 'to."

Arq smiles. "Anyway, how's the experience?"

"Uhmm... Napakaganda dito. Sobra. Alam mo bang first time kong makakita ng talon, personally? Mas maganda pala kesa sa mga pictures lang."

"Buti naman ay nagustuhan mo. Anyway, who would refuse such a majestic place? Noong unang beses nga naming nagpunta dito, ayoko ng umuwi." Arq laughs a little while seemingly recalling that day.

"Thank you nga pala."

Napatingin ito sa kanya. "Para saan naman?" Tanong nito habang nakangiti pa rin.

"Uhh... Dito," Nahihiya niyang sambit sabay yuko. "...sa mga new experience. Well, sa'yo hindi naman na bago pero kasi sakin bago."

"I'm just curious, were you happy in your city life?"

Tinitigan niya ang repleksyon sa napakalinaw na tubig. "Masaya naman ako. Kaya lang ibang klase ng kasiyahan. Iyong saya dahil nakukuha ko ang gusto ko—"

"Which are, expensive things?"

Tumango-tango siya. "Nakasanayan ko na kasi 'yong ganon. Hindi ko lang akalain na may mas sasaya pa pala na mararanasan ko sa mga simpleng bagay lang."

"Brat ka nga. Ang expensive siguro talaga ng buhay mo dati. Kawawa naman ang mga magulang mo."

Napasimangot siya at nilingon si Arq— na nakatingin naman nang diretso sa talon. "Grabe ka. Hindi naman ako gumagastos kapag may mga gala kami ng mga kaibigan ko."

"Sanay na sanay sa libre, huh?"

"Oy, hindi naman!" Natataranta niyang tanggi.

Natawa ito at napalingon sa kanya. "Joke lang. Buti naman hindi ka nahirapang mag-adjust paglipat niyo dito?"

Lumingon naman siya sa ibang direksyon. Hindi niya kayang makipagtitigan sa napakaganda nitong mga mata. "Medyo nahirapan. Kasi sa siyudad na ako pinanganak tapos biglang malilipat kami sa probinsya. Tapos, mukhang hindi pa typical na probinsya kasi mas maganda pa 'to sa siyudad."

"Really, huh? Well, what you said is correct. Kahit ako, hindi ko kayang mag-stay sa Manila nang matagal. Uuwi't uuwi ako dito."

"May bahay ka sa Manila?" Muli niyang nilingon si Arq.

Alam niyang hindi naman dapat nakakagulat ang sinabi nito. Mayaman ang pamilya ni Arq kaya kahit saan nito gustuhing magkabahay ay magagawa nito. Mukha lang talaga siyang tanga na ginagawang big deal ang lahat ng tungkol dito. 

"Meron. Kayo lang ba pwedeng magkabahay do'n?" Pang-aalaska nito.

Hindi talaga nito maiiwasang alaskahin siya sa tuwing nakakakuha ng pagkakataon. Nakalimutan tuloy niya ang sasabihin kaya nanahimik siya.

On the other hand, she thinks she deserves that mockery.

"Oy, joke lang!" Pagbawi nito. Umayos ito ng upo para mahawakan siya sa magkabilang braso at iharap dito. "..joke lang, huh? Madalas ka bang nao-offend sakin?"

Tumitig siya sa mga mata ni Arq. Aaminin ba niya na madalas sumasama ang loob niya sa mga banat nito?

Kunot-noo siyang binitawan ni Arq atsaka ito bumuntong-hininga. "Sorry kung nao-offend ka. Ganito kasi talaga ako. Maybe I got used to this way of talking since I'm one of the boys. Hindi ko na nafi-filter ang mga sasabihin ko."

Ohmygurd! Totoo ba 'to?! Hindi makapaniwalang naisaisip niya. 

Nakaramdam siya ng tuwa sapagkat muli na naman niyang narinig ang paghingi nito ng tawad. At hindi na niya ipapaulit iyon para hindi na ito mapikon.

Her lips curl into a smile. How she wishes that Arq can be sweet all the time.

"Okay lang 'yon. Marami rin naman sa mga kaibigan ko ang ganyan."

°Oh my God, Lara! Wala! Wala kang ganyang kaibigan!° Naiiling na sabi ng kanyang ego.

"Hmm..." Tumango-tango si Arq na tila kontento sa kanyang sagot.

Saglit na namang naputol ang kanilang pag-uusap. Nais sana niyang iwasan ang pananahimik kaya nag-iisip pa siya kung ano ba ang maaari pa nilang pag-usapan.

Pasimple niyang sinuri si Arq hanggang sa mapansin ang tattoo nito sa likuran.

"Uhmm... Pwede magtanong?" Nagdadalawang-isip niyang usal.

"Sure. Basta hindi too personal." Sagot nito.

Medyo nagdalawang-isip siya dahil sa sagot nito. Ayaw niyang panghimasukan pa ang buhay nito. Iniisip niya na baka kung anong istorya ang mahahalungkat niya kapag nagtanong siya tungkol sa tattoo nito.

Sa kabila ng pag-aalangan ay naisip din niyang sasawayin naman siya ni Arq kapag too personal na ang mga tanong niya. Kaya tinuloy pa rin niya ang pagtatanong.

"Uhh... 'yong... C-curious kasi ako sa tattoo mo." Nahihiya niyang sabi sabay yuko.

Nang hindi kaagad sumagot si Arq ay inakala niyang nagsisimula na naman itong mapikon sa kadaldalan niya. Napakabilis kasing magbago ng mood nito lalo na kapag inaakala nitong nangingialam siya.

Nakakahiya talaga. Baka too personal. Nag-aalala niyang nasaisip.

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 107K 57
Samantha Laurent, a homophobic bitch. 33 years old. She owns various business. Malaki ang galit nya sa mga babaeng pumapatol din sa kanyang kapwa. A...
1.9M 58.7K 30
~ COMPLETED ~ Side Story 2 of Sweet Surrender 🦋 Started: October 23, 2021 Ended: March 05, 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****