Caught by a Beast [GxG]

By NyreneMorana_

382K 12.7K 1.2K

WHEN Lara's world shifts with her family's move, it unveils not just a new place, but a realm of extraordinar... More

◈ Caught By A Beast ◈
╰1st Catch╮
╰2nd Catch╮
╰3rd Catch╮
╰4th Catch╮
╰5th Catch╮
╰6th Catch╮
╰7th Catch╮
╰8th Catch╮
╰9th Catch╮
╰10th Catch╮
╰11th Catch╮
╰12th Catch╮
╰13th Catch╮
╰14th Catch╮
╰15th Catch╮
╰16th Catch╮
╰17th Catch╮
╰18th Catch╮
╰19th Catch╮
╰20th Catch╮
╰21st Catch╮
╰22nd Catch╮
╰23rd Catch╮
╰24th Catch╮
╰25th Catch╮
╰26th Catch╮
╰27th Catch╮
╰28th Catch╮
╰29th Catch╮
╰31st Catch╮
╰32nd Catch╮
╰33rd Catch╮
╰34th Catch╮
╰35th Catch╮
╰36th Catch╮
╰37th Catch╮
╰38th Catch╮
╰39th Catch╮
╰40th Catch╮
╰41st Catch╮
╰42nd Catch╮
╰43rd Catch╮
╰44th Catch╮
╰45th Catch╮
╰46th Catch╮
╰47th Catch╮
╰48th Catch╮
╰49th Catch╮
╰50th Catch╮
╰51st Catch╮
╰52nd Catch╮
╰53rd Catch╮
╰54th Catch╮
╰55th Catch╮
╰56th Catch╮
╰57th Catch╮
╰58th Catch╮
╰59th Catch╮
╰60th Catch╮
╰61st Catch╮
╰62nd Catch╮
╰63rd Catch╮
╰64th Catch╮
╰65th Catch╮
╰66th Catch╮
╰67th Catch╮
╰68th Catch╮
╰69th Catch╮
╰70th Catch╮
╰71st Catch╮
╰72nd Catch╮
╰73rd Catch╮
╰74th Catch╮
╰75th Catch╮
╰Final Catch╮

╰30th Catch╮

4.9K 166 7
By NyreneMorana_


◈ Caught By A Beast ◈

╰30th Catch╮

..LARA..

"WE'RE going out."

Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan sa gulat dahil sa biglang pahayag ni Arq matapos nitong manahimik at ituon ang atensyon sa kung anong meron sa desk nito.

Bago ito maging abala ay pinahintulutan siya nitong manood sa laptop na pag-aari nito. Ito na rin ang namili ng kanyang panonoorin na sa una ay hindi niya gusto pero habang tumatagal ay napagtanto niyang napakaganda ng istorya.

She's been so engrossed that she gets startled once Arq speaks.

Napataas siya ng tingin. "Huh?" Naguguluhan niyang tanong kahit narinig naman niya ang sinabi nito.

Arq stands up and takes a glance at her. "I said we're going out. May meeting kami, and since today's Friday, may house party kami sa Le Grandè. Subdivision 'yon dito. Malamang nandoon mamaya si Shakira kaya kailangan mong sumama." She stated further.

Hindi siya sumagot.

Ayos lang naman kung pupunta siya doon lalo pa't naroroon si Shakira. Kaya nga sila nagpapanggap sapagkat iniiwasan ni Arq si Shakira. Kung hindi siya sasama, tiyak na lalapit at lalapit ang babaeng iyon kay Arq. Tuluyan na talaga siyang mapapasubo ngayong gabi.

Pero paano siya magpapaalam sa kanyang mga magulang? Tiyak na medyo mahihirapan siya gayong parang ayaw ng kanyang daddy kay Arq.

"Don't think of a lie to tell your parents. Tell them you're going to a party with me." Arq interrupts her from pondering.

She's really good at reading people's minds.

"Pano kung hindi sila pumayag?"

Mataman siya nitong tiningnan. Hindi niya malaman kung anong klaseng emosyon ang nakaukit sa mukha nito. Dapat siya ang tumititig dito ng ganon dahil ito ang may kasalanan sa kanya. Hindi pa kaya sila nagbabati.

"Then, we can't do anything about it. At least, kahit papano hindi nila iisiping nagsisinungaling ka para lang makasama ako."

Napalunok siya. Madali lang namang intindihin ang sinabi ni Arq, kung literal na iintindihin iyon. Kaya lang minsan kasi ay may ibang kahulugan ang mga sinasabi nito. At hindi niya alam kung dapat ba siyang mainis sa kaisipang tila pinapakahulugan nitong gustong-gusto niya itong makasama.

Pero, ayaw nga ba niya itong nakakasama?

"Sige na. I-text mo na o kaya tawagan ang daddy mo habang maaga pa. You can use the other room for that matter."

Kibit-balikat na lamang siyang sumunod sa utos nito.

Nang makapasok sa silid kung saan siya nakatulog ay inisip niya kung tatawagan ba o ite-text na lang ang kanyang dad.

Either way, she's sure enough that her daddy won't allow her to go somewhere. But she has to try somehow, so she decides to take the first option.

After three rings, her dad finally picks up the call. This is the first time she feels so nervous hearing her father's voice.

"Yes, Lara? Papunta na ako dyan para sunduin kayo ni Pearl." Pahayag ng kanyang ama.

"Dad... uhmmm.. A friend is inviting me to a party tongiht. Actually, sabay na kaming pupunta doon after class. Ahh, pwede po ba akong sumama?" Nag-aalangan niyang paalam.

"Saan 'yan?" Tanong ng ginoo sa tonong alam niyang hindi ito nakangiti.

"Sa... sa may Le Grandè, dad. Subdivision daw po 'yon."

"Ah, alam ko 'yan. Teka, exclusive subdivision 'yan sa south Georgetown. Taga-roon ang mga kaibigan mo? Kasama mo ba 'yong Arq na ipinakilala mo samin?" Sunud-sunod pa nitong tanong.

Hindi niya malaman kung paano niya aaminin sa ama na kasama niya si Arq. Gustong-gusto niyang magpunta sa party kahit inis pa rin siya sa pekeng kasintahan. Ngunit nasa isip niya na hindi talaga aprubado ng kanyang ama ang pagkakaibigan nila ni Arq.

Paano pa kaya kapag nalaman nitong magkasintahan sila?

Bukod sa problemang pagpapaalam sa ama, nasa isipan din niya ang presensya ni Shakira sa naturang party. Kung hindi siya pupunta, tiyak na hindi siya papatulugin ng pag-iisip tungkol sa kung anong modus operandi nito kay Arq.

°Sus, wala pa nga pero mukhang selos na selos ka na dyan.° Pang-aalaska ng kanyang ego na ikinaikot ng kanyang mga mata.

Pero mukhang malabo talagang payagan siya ng ama.

"Don't think of a lie to tell your parents..."

Umaalingawngaw ang tinig ni Arq sa kanyang pandinig.

"Uhmm.. Y-yes, dad." Pag-amin na rin niya kinalaunan.

Lalo lang nadagdagan ang kanyang kaba nang hindi kaagad sumagot ang kanyang ama. Para tuloy ayaw na niyang marinig ang isasagot nito dahil siguradong sasama lang ang kanyang loob kung hindi siya mapapayagan.

Sa katahimikan ng ama ay naririnig niya ang ingay sa background nito. Sa tingin niya ay paalis pa lang ito ng opisina. Katatapos lang ng trabaho nito at mukhang timing pa na pagod ito at stressed out. Napakagaling talaga ng timing niya.

When she hears her dad takes a deep breath, she knows, she'll have the answer.

"Lara..."

Napapalunok na lamang siya nang malalim na para bang matinding hatulan ang mangyayari.

"You take care, hija."

Nakaramdam siya ng matinding ginahawa nang marinig ang hatol ng kanyang ama. Pinapayagan siya nitong pumunta sa party kasama si Arq. Ibig sabihin ay wala itong nakikitang problema.

Sa totoo lang, parang pumapalakpak ang kanyang magkabilang tenga habang sobrang lawak ng ngiti sa kanyang labi.

"Thank you so much, Dad." She uttered in so much gratefulness.

"By the way could you give me her number?"

"Huh?"

"Number two rule before going out with somebody, right?"

Napatango siya na para namang nakikita siya ng ama. Nakalimutan niyang may rules pala silang dapat sundin bago magpunta sa kung saan-saan.

She has almost forgotten the rules due to the excitement that's rushing in her veins.

"Y-yes, dad. Itetext ko po sa inyo number niya."

"Alright, then. Enjoy your night, sweetheart. And please, no lovers allowed." He reminded.

°Lagot, may bagong pauso si dad! Lagot ka talaga, Lara.° Tawa ng kanyang ego.

Ego was right. She never heard of such a rule. Maybe her dad only wants her to be more careful considering that she's now entering adulthood. Another stage, another set of rules.

O baka naman nahahalata na nitong may something sa kanila ni Arq? Nagsumbong kaya si Pearl? May alam na ba ang mga magulang niya?

Paranoid na ba siya?

Ah, basta!

Ang importante ngayon ay makakasama siya kay Arq.

Matapos ang tawag ay ngiting-ngiting sinend niya sa kanyang dad ang number ni Arq. Halatang nasasabik na siya sa mga mangyayari mamaya.

Kaya lang may napansin siyang isa na namang problema. Suot pa niya ang uniporme ng kanilang departamento! Mukhang kailangan pa niyang umuwi sa kanila para makapagpalit ng damit. Nakakahiya naman kay Arq dahil paghihintayin pa niya ito.

Speaking of the devil, Arq pokes her head through the door. "Done already?"

Marahan at medyo may lungkot siyang tumango. "Oo. Kaya lang may problema."

Pumasok na nang tuluyan si Arq sa silid atsaka siya nilapitan. "Ano 'yon?" Kunot-noo nitong tanong.

She grabs each side of her skirt and stretches it out sideways to let Arq see that her problem is her uniform.

Arq nods while scrutinizing her. And then beams before saying, "That's why I asked Andy to buy you a party dress. It's over there," She points to one corner.

Doon niya napansin ang may kalakihang paperbag na nakapatong sa isang desk.

Nanlalaki ang mga matang tinitigan niya si Arq. "Seryoso ka ba? Parang alam mo na na papayag si dad, ah?" Hindi niya makapaniwalang sambit.

"Well, if in case not, you can still take that. It's for you anyway."

Pigil-kilig siyang napailing-iling habang nilalapitan ang paperbag.

Arq always seems ready. Did she plan it all along? Does it mean that she's really willing to take her to the party?

Nang mahawakan niya ang paperbag ay nahihiya pa siyang ilabas kung anoman ang naroroon dahil alam niyang nakatingin sa kanya si Arq. Ramdam niya ang pagtagos ng paningin nito sa kanyang kabuuan.

Kaya naman nagpasya siyang hindi na muna iyon titingnan. "Anong oras tayo aalis?" Pag-iiba niya para lang mawala ang kaba.

"We still have thirty minutes to prepare. Doon lang din naman sa subdivision na 'yon ang meeting namin pero ibang venue."

Nilingon niya ito. "Ayos lang bang kasama mo ako kapag nagpunta tayo sa pagme-meeting-an niyo?"

"Oo naman! Bakit naman hindi?" Nangingiti nitong sagot.

"Kasi, di ba? Hindi naman ako belong doon?"

Arq giggles as she strides towards her. Once again, her alluring scent is disintegrating her sanity. Imagining her knees weakening so she could stumble onto Arq and suffocate under her fragrance.

Ngunit alam niyang napakaimposibleng mangyari iyon. Ni hindi nga niya ito magawang hawakan kapag nasa matino siyang pag-iisip, langhapin pa kaya nang malapitan.

When she sees that Arq licks her own lips, she almost flakes out. She starts to curse herself upon realizing how it affects her. To the point that she nearly speaks out to convince Arq to repeat what she did.

But she falls bewildered when she feels the tip of her fingers touching her face, brushing off the loose strands of her hair to the back of her ear. Her amethyst-colored eyes are seemingly sending electric waves throughout her body as they stare at her.

"Lara," Arq uttered in a very low, alluring voice she has ever heard, as she leaned to her ear. "...yes, you're not. Because you only belong with me," she whispered before pulling away.

Hindi pa roon natapos ang pang-aakit nito sapagkat nagpahabol pa ito ng pagkindat.

Damang-dama niya ang malamig na pawis sa kanyang batok dahil sa ginawa nito. Hindi niya alam kung bakit nakakaya pa niyang tumayo samantalang hindi na niya nararamdaman na humihinga pa siya. Sa katunayan, gusto niyang magtititili para mailabas ang kilig na nararamdaman ngunit alam niyang magmumukhang-tanga lamang siya sa paningin nito.

"Now, get ready. Mayamaya lang ay aalis na rin tayo. I'll wait outside."

Nang tuluyan na siyang iwanan ni Arq ay  tsaka siya natauhan. Napaupo siya sa couch na animo'y pagod sa eksena nilang dalawa. Kinapa niya ang kaliwang dibdib para maramdaman kung gaano kalakas ang tibok ng kanyang puso— para siyang mangingisay.

What did Arq just say?

"...you only belong with... me."

Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang pagkawala ng tili na kanina pa niya pinipigilan. Mayamaya pa'y naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Subalit dahil masyado siyang nadala sa mga kilos at salita ni Arq, hindi siya sigurado kung kanina pa ba siya namumula.

Nakita kaya iyon ni Arq?

Nakakahiya na talaga!  Iniling-iling niya ng marahas ang kanyang ulo habang iniisip kung makakaya pa kaya niya itong harapin mamaya.

°Wala akong nakita, Lara. Ano bang nangyari?° Pang-iinis ng kanyang ego na lalo lang nakapagpaalala sa kanya kung paano siya nagmukhang-tanga kanina.

She snaps upon hearing the message alert tone of her phone. She fishes the device out of her pocket and sees a message from Arq ❤.

Napapikit muna siya saglit dahil pakiramdam niya ay tinatawanan siya nito at isang matinding pang-alaska lang ang laman ng message.

Reopening her eyes, she holds her breath before reading the message.

[ Be back after ten minutes. I just have to check my car. ]

She lets out a sigh of relief.

Ang sandaling pagkawala ni Arq ay makakapagbigay sa kanya ng kaluwagan sa dibdib, kahit papano. Subalit hindi pa rin niya maiwasang maging pilya nang maisip na baka kaya lalabas si Arq ay dahil tensyonado rin itong kagaya niya.

She's trying to think what Arq must be feeling after their ridiculous scene. She feels victorious, in a way, assuming that she might have the same effect on Arq as much as the latter on her.

Paano na lang pala mamaya kapag magkasama na sila? Paano na lang siya kikilos nang normal kung pareho nilang maiisip ang eksena sa silid? Siguradong magiging awkward ang lahat.

Kung maaari lang ay gugustuhin niyang magkaroon ng kapangyarihan na makakapagbura sa mga awkward moments para hindi siya nagkakaganito.

Nagbalik ang kanyang atensyon sa paper bag na hawak. Binilhan siya ni Arq ng damit. Masyado na yata siyang spoiled para sa isang nagpapanggap na girlfriend

Talaga kayang nakahandang gumastos ang mga mayayaman para lang makaiwas o makapang-asar sa ibang tao?

She finally decides to pull the dress out of the paper bag and sees a dark blue short dress. 

Seryoso ba si Arq na pagsusuotin siya nito ng maikli? Sa pagkakaalam niya kasi ay masyadong konserbatibo ang mga partners.

°Kayo kunwari lang. Masyado ka namang assumera!°

Hindi niya alam kung para saan pero nalungkot siya bigla sa katotohanan. Ganonpaman, ibinaling na lang niya ang atensyon sa magandang damit. Simple lang iyon pero maganda.

Parang ako. Sa isip niya sabay ngisi.

°assumera talaga!° irap sa kanya ni ego.

Tiningnan pa niya kung ano ang nasa loob ng paper bag. Kaya naman pala mabigat iyon ay dahil may white sneakers pa roon. Partner ng dress? Sa isip-isip niya. Sa totoo lang, hindi niya bet ang ganong porma kahit pa uso. Mas bet niyang heels ang ipina-partner sa mga party dress na tulad ng isusuot niya ngayon. 

But Arq chose that OOTD for her. She has to obey.

Hindi naman siguro siya nito pagsusuotin ng pangit.

Tumayo na siya at nagpunta sa banyo para makapagpalit na ng damit. Baka makabalik na lang si Arq sa silid ay hindi pa siya bihis. Topakin pa naman ang isang iyon, baka magbago ang isip nito at iwanan na lamang siya dahil ang kupad niyang kumilos.



..Arq..

NAPATAPIK siya sa kanyang sentido matapos mapagtanto ang bagay na kanyang ginawa. 

She was being reckless. 

Hindi niya sinasadyang medyo landiin si Lara. Nadala lang talaga siya ng emosyon at hindi niya isisi ang bagay na nagawa sa dalaga. 

She knew what she was doing yet she insisted on doing it. And, did she actually say that Lara only belongs with her?

Napalingon siya sa saradong pinto ng joint-room. Ano kayang nararamdaman ni Lara ngayon? Sa isip-isip niya. 

Though she felt triumphant when she saw Lara's reaction. How her face turned red and how she tried hard to hide her gushing. And it was amusing.

Ngingiti-ngiti siya habang pailing-iling. Inilabas niya ang cellphone para i-text ang dalaga kahit pa pwede naman siyang kumatok muli at sabihin dito ang nais niyang sabihin. 

But she obviously can't. 

Kahit papano ay nakakaramdam siya ng hiya kaya sa tama lang na i-text na lamang niya ito kahit pa ang sasabihin lang naman niya ay lalabas lang siya at aayusin ang kanyang sasakyan. Pero ang totoo ay kukunin niya ang pagkakataong iyon para makahinga nang maluwag. Nakaka-tense kasi ang mga pangyayari.



..Lara..

AKALA niya ay masyadong maikli ang dress pero hindi naman pala gaano nang maisuot na niya iyon. Sanay naman siyang nagsusuot ng mga ganong klase ng party dress. Hindi niya pinroblema ang make up sapagkat palagi siyang may dala sa bag niya kaya nakapag-retouch siya kahit papano. Lagi niyang baon nag make-up kit sapagkat wala siyang tiwala sa kanyang natural na ganda. 

Ganonpaman, hindi siya makapal maglagay ng make-up gaya ng ilang nakikita niya sa RDGU. Tamang polbo, blush-on at lipbalm lamang. Simple lang din ang ayos niya ngayon dahil ayaw niyang magmukhang katawa-tawa.

Nang sa tingin niya ay ayos na siya, tsaka niya napagpasyahang lumabas na ng banyo. Naupo siyang muli sa couch para magsapatos. Nang patapos na siya ay sakto namang may kumatok sa pintuan.

"I'm done!" Sigaw niya bago tumayo.

Pagbukas ng pinto ay si Arq ang bumungad na halatang gulat na napatingin sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious lalo pa ng mapanganga ito nang bahagya.

"Arq naman, 'w-wag kang tumingin ng ganyan." Reklamo niya na nagkunwari pang nagpadyak ng mga paa. Sobrang tensyonado na siya at kung dadagdagan pa nito ang tensyong kanyang nadarama baka mamatay na siya nang maaga.

Arq clears her throat. "L-let's go?"

Lihim siyang napatawa habang nakayukong papalapit dito. Bet niya ang biglang pagkautal nito. Tensyonado rin ba ito gaya niya?

◈◈◈

Continue Reading

You'll Also Like

15.9M 780K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
49.2M 1.4M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
14.5M 776K 82
He's her human trophy. Carlyn doesn't care what anyone thinks of her, as long as she has Jordan Moises Herrera, her sensible and almost perfect boyfr...