{May namimiss?}
Keitty's POV
Nanginginig akong nagdoorbell sa unit ni sir Luke para ipaalam sa kanya ang nangyari. Sobra akong nasaktan ng sabihin ni Pearl na lilipat na siya.
Gabi na rin at kailangan ko ng ipaalam 'to kay sir Luke habang maaga pa.
"Sino 'yan?" rinig ko pang tanong niya mula sa loob.
At binuksan naman niya ang pinto.
"Oh, 'di ba ikaw yung kaibigan ni Ellaine- I mean Pearl?" tanong niya.
"O-oo," sabi ko at nanginginig pa rin ang buong katawan ko pati na rin ang labi kong nagsasalita.
"Anong nangyari? Bakit ganyan itsura mo?" tanong naman niya.
At nakatingin lang siya sa'kin dahil yata sa naging kalagayan ko.
Sa palagay ko kasi ang pula ko ngayon tapos nagpapawis pa ako at nanginginig din ang katawan ko na hindi ko alam kung nahalata niya ang panginginig ko.
"M-may sasabihin lang sana ako sa'yo," sabi ko naman sa kanya.
"Pasok ka muna, ano ba yun?" tanong niya habang papasok na kami sa loob.
"About kay Pearl," sabi ko at umupo na sa sofa.
Sumeryoso bigla ang mukha niya nang marinig niya ang pangalan ni Pearl.
"What about Pearl? Alam mo ba kung nasaan siya?" tanong naman niya na naging interesado sa usapan namin.
"No pero alam ko ang dahilan kung bakit wala na siya rito" sabi ko naman.
"Anong dahilan?" tanong niya naman.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita ulit.
"Sir, iniwan ka na ni Pearl," yun na lang ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
***
Luke's POV
Guguho na yata ang mundo ko nang nalaman ko na iniwan na ako ni Pearl. Is this real? Iiwan nanaman niya ako?
At ako aasa nanaman na parang tanga gaya ng paghihintay ko sa kanya noon?
Why do I'm feeling this way? Siguro dahil takot akong iwanan niya, but why?
Bakit nga ba ako natatakot na mawala siya?
Hindi na rin yun tungkol sa necklace kasi tapos na ang issue ko dun, naintindihan ko na na hindi pwedeng mapa sa akin ang necklace pero anong dahilan? At nararamdaman ko ang mga ganito ngayon kay Pearl?
Sa normal na tao, talagang masakit kapag nagpanggap ang isang tao sa'yo.
Pero ako, wala akong naramdaman na galit o inis nang malaman ko ang totoo.
Bakit nga ba? Baka sobra lang akong nagalak sa tunay niyang pagkatao.
"Sir," sabi niya na winave pa ang palad niya sa malapit sa mukha ko. "Sir, bakit po kayo na tulala? Tinatanong ko po kung anong palagay niyo sa pag-alis niya pero 'di po kayo sumasagot," sabi niya.
Mukha yatang natulala talaga ako kanina.
"Ah may sasabihin ka pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Wala na sir, sige aalis na ako," sabi naman niya at umalis na nga siya sa unit ko.
Pagkaalis na pagkaalis niya ay tinawagan ko agad si Pearl, Ellaine.. Hindi ko alam kung ano ng itawag sa kanya.
hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Sinubukan ko ulit siyang tawagan at baka sakaling sagutin na niya. Pero wala pa ring sumasagot. Sh*t naman eh, bakit 'di niya sinasagot phone niya?
Kaya nag text na lang ako sa kanya, baka sakaling matauhan siya sa mababasa niya.
Hahaha, matalino kaya ako.. Kaya hindi mo ako maiisahan Ellaine.
***
Ellaine/Pearl's POV
Naka dalawang missed calls na si Luke pero hindi ko sinasagot.
Ayoko rin namang madulas ang bibig ko at masabi na nandito kami sa Blue sea ngayon 'di ba?
Ayoko namang mabuko, medyo successful na nga ang plano namin eh.
Nang may nakita akong nagpop out sa screen ng cellphone ko. Text mula kay Luke
Tinuruan din ako ni Luke kung pano magtext at makareceive ng text dito sa phone at hindi lang tawag.
Binuksan ko naman ang nagtext sa'kin.
From: Luke
Subukan mong hindi magpakita sa'kin at ipapaalam ko na sirena ka, hindi lang sa mga kaibigan natin kundi sa lahat.
Kung ayaw mong malaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao mo, bumalik ka na rito bukas na bukas din.
Parang nahulog ang puso ko sa nabasa ko.
Bakit? Kung kailan pa nakalayo-layo na kami. Dun pa darating ang problema.
Nakakainis! Pano ko na ngayon sosolusyonan 'to? Ayoko namang malaman nila na sirena ako.
No and never.
"Bakit gulat ka princess? Anong problema?" tanong niya.
Nandito kami ngayon sa kwarto na natulugan namin kagabi. Our new home for other term.
Gabi na pero bakit nagtetext si Luke ng mga ganito?
"Bhyll, basahin mo 'tong text ni Luke," sabi ko at ipinakita sa kanya ang cellphone ko.
At nang mabasa na niya ay binigay niya agad sa'kin.
"Anong karapatan niyang balaan ka?" tanong niya na naistress yata sa nabasa.
"Paano na 'yan Bhyll? Anong gagawin ko? Ayaw ko namang malaman ng lahat ang tunay kong pagkatao," parang batang pagsusumbong ko sa kanya.
"Hindi ko na rin alam kung anong dapat mong gawin," sabi niya at sinuklay ang buhok niya gamit lang ang kamay niya.
Natahimik kami saglit hanggang sa magsalita ulit siya.
"You must do what he want," mahinahong sabi niya.
"Ano? No, hindi pwede. Sabi mo kapag nagsama kami maaaring may isang mapapahamak sa aming dalawa," sabi ko naman.
"But you must do it, maniwala ka na lang sa sinasabi nilang fate. At hindi ka naman pababayaan ng nasa taas kaya manalig ka lang kaysa naman malaman nila na sirena ka nga," mahabang paliwanag niya.
Oo nga pero kasi.
"Eh paano si Luke? Mahirap nga tayong mamatay na mga sirena pero pano si Luke?" tanong ko naman na naluluha na.
At sandali pa ay muli siyang nagsalita na dahilan upang tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"Hayaan mo na siya Ellaine," maikli na sabi niya.
"No!" malakas at mabilis na sabi ko. "Ayoko siyang mapahamak, can't you see I already loved him," sabi ko naman.
"M-mahal mo na siya?" tanong niya with a curious look.
What's wrong with him? Bakit siya nauutal?
"Yes, mahal ko na siya Bhyll kaya hindi ko kayang mawala siya," sabi ko at huminahon sa pananalita sa second sentence ko.
Umupo na ako sa gilid ng bed dahil nangawit na ako sa kakatayo.
"M-matulog ka na princess masyado ng gabi, sige good night," sabi ni Bhyll at nahiga na siya sa sahig.
At parang iniwas niya yung tingin niya kanina.
Hindi naman sa nangunguha ako ng atensyon pero iba kasi siya kanina eh.
"Bhyll, may problema ka ba?" tanong ko.
"Wala naman," sabi niya na hindi pa rin lumilingon.
Nakabaliktad kasi siya na side sa'kin.
"Eh, bakit parang nagiging cold ka na sa'kin?" tanong ko naman.
"Hindi ah, bakit mo naman iniisip yun princess? Dapat natutulog ka na," sabi niya at lumingon na siya ngayon.
"Sabihin mo muna sa'kin ang dahilan," pagmamatigas ko naman.
"Oh sige, sasabihin ko bukas pero ngayon. Matulog ka na ha?" tanong niya.
"Promise sasabihin mo bukas ha?" tanong ko naman sa kanya.
"Oo," sabi niya at pumikit na ang kanyang mga mata kaya pumikit na rin ako.