Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)

By chasterrassel

82.1K 3.3K 362

Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past... More

Introduction
Fight I. "Ang Shotopyu Dojo"
Fight II. "Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips"
Fight III. "Ang Mahiwagang Shut Up Pills"
Fight IV. "Shut Up Pa More"
Fight V. "Ex-Men: Days of the Immature Past"
Fight VI. "Ang Martial Law Ng Pag-ibig Ni Alessandro Monteballe"
Fight VIII. "Tena Na Sa Daang Matuwid"
Fight IX. "Misteryo Ng Daang Matuwid"
Fight X. "Banta"
Fight XI. "Lihim Sa Kakahuyan"
Fight XII. "Pag-igting"
Fight XIII. "Journey To The Center Of The Hurt"
Fight XIV. "Eskapo"
Fight XV. "Kapag Nablock Na, Tama Na"
Fight XVI. "Nagising Ang Dormant Na Puso"
Fight XVII. "JeaLuis Of The Way You're Happy Without Me"
Fight XVIII. "State Of Devastation Address"
Fight XIX. "Shot Through The Heart"
Fight XX. "The Challenge"
Fight XXI. "Mass Distraction"
Fight XXII. "Finally Found"
Fight XXIII. "Kapit Lang!"
Fight XXIV. "Is It Really Over?"
Fight XXV. "Fault In Our Scars"
Fight XXVI. "Kunin Natin Si Powder"
Fight XXVII. "Ang Antidote"
Fight XXVIII. "War Of The Worse"
Fight XXIX. "Daang Matuwid No More"
Final Fight. "Shut Up Na Lang Tayo"

Fight VII. "Finding Nessy"

2.9K 126 6
By chasterrassel


Okay, tapos na po tayo sa flashback ng love story namin ng kumag na Ex-Men. At clarification lang; lahat ng natunghayan niyo, flashback lang po iyon sa utak ko habang nagkwekwento si Yaya Gigi kay Mayor. Hindi ko binuka ang bibig ko, ni hindi ko binanggit iyong pangalan ni alam niyo na. So I'm safe and sound.

So iyon, natapos na rin si Yaya na magkwento. Si Mayor, walang imik at nakayuko lang sa table. Naloko na, mukha atang galit siya. Mayamaya pa, nabigla na lang kami nang tumayo siya at sinuntok nang malakas iyong table!

"Ay por diyos por santo! Harinawa!"si Yaya Gigi.

Napatayo at atras si Yaya dahil sa gulat. Kami namang dalawa ng kumag, medyo napaiwas lang. Pagtapos nun, nagwalkout si Mayor. Gusto ko siyang sundan sana para kausapin, pero minabuti ko na huwag muna. Sa itsura niya kasi, obvious na di niya ko kakausapin kahit itry ko pa.

Napatingin na lang ako sa may table, at nagulat ako dahil nagkaroon pala 'to ng malaking crack!

"Di-Di ba solid narra itong lamesa na 'to?"si kumag.

Nakatingin din siya sa table, tapos nagkatinginan kami. Di ako umimik. Pero nagets ko kung ano iyong ibig niyang sabihin. Tama siya, solid at makapal na narra itong table. Kaya para magcrack 'to, ibig sabihin ganun katindi iyong suntok ni Mayor, at ganun din katindi iyong galit niya.

"Hmph! Kasalanan mo 'to eh."

Napalingon ako sa narinig ko.

"At ako pa talaga ang sinisi mo eh noh? Eh kung tutuusin, hindi mangyayari 'to kung—"

Di ko na itinuloy iyong sinasabi ko, at napatakip na lang ako ng bibig. Mahirap na, baka may masabi pa kong bawal. Pero badtrip talaga itong kumag na 'to eh! Kung tutuusin, nananahimik na ang buhay ko. At kung hindi lang siya bumalik-balik pa, eh di sana wala kami ngayon sa sitwasyon na 'to.

"Oh, ano nga iyong sinasabi mo?"ngingisi-ngisi niyang hirit.

Inalis ko na iyong mga kamay ko sa bibig ko, tapos tumayo na ko.

"Hmph! Yaya, ikaw nang bahala dito; magpapahinga na ko,"inis kong sambit.

"Teka, eh paano ka pala Baste? Gusto mo bang dito na magpalipas ng gabi, ha iho?"

"Yaya naman!"

"Hehe, nagbibiro lang ako Sandro,"tatawa-tawang sagot ni Yaya.

Hmph, ginatungan pa talaga ni Yaya iyong pangbwibwiset sa akin ng isa dito.

"Thanks for the offer Yaya Gigi, pero di bale na lang po. Baka po kasi di na ko abutin ng bukas, pag nagtagal pa ko dito. Baka mamaya eh, lason na po ang ipainom sa akin,"nakangiting sagot ng kumag, with matching titig sa akin na nakakairita.

Pagtapos nun, hinatid na siya ni Yaya.

"Ang kapal!"malakas kong bulalas.

At napasuntok na lang rin ako sa table, table na nakalimutan kong may crack na. Pagtingin ko ulit dito, mas lumaki na iyong crack at lumundo na iyong gitna nito. Wew! Mukha atang magpapalit kami ng table dito nang di oras, lol.

                                                                     #

Kinaumagahan, maaga kong nagising. Gusto ko kasi na makapunta na agad sa shop ni Madam Nessy. Nang matapos na 'tong shut up fiasco na 'to.

Nasa kama pa ko, nakaupo, nakasandal sa may headboard, at balot pa ng kumot. Nang dumating si Yaya Gigi.

"Sandro iho, kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Heto po Ya, nanlalambot, nanghihina."

"Paano ka naman di manghihina, eh kagabi ka pa walang kain di ba? Gusto mo bang dalhan kita dito ng almusal?"

"Wala po kong ganang kumain, alam niyo na kung bakit. Kape na lang po Ya."

"Oh siya sige."

Lumabas na siya. Dinampot ko naman mula sa kama iyong remote control, para insindi iyong TV ko. Morning news iyong palabas.

...Para sa umagang balita: isang botika ang hinagisan ng granada, bandang alas onse kagabi...

Ililipat ko na sana ng channel, pero natigilan ako. Dahil iyong botika na pinakita sa TV, eh iyong shop ni Madam Nessy!

...Napag-alaman na ang botika ay pag-aari ng isang nagngangalang Nessy Balasi...

"Yaya! Yaya!"

Napabalik agad nang di oras si Yaya, dahil sa malakas kong pagtawag.

"Bakit?"

"Iyong shop po ni Madam Nessy!"sagot ko, sabay tingin na ulit sa TV.

Napatingin din siya.

...Ayon sa PNP, wala namang nasaktan sa naturang insidente, dahil walang tao sa botika nang maganap ito. Sa ngayon, hindi pa nila matukoy ang motibo sa pagpapasabog...

"Diyos mio! Kumusta naman kaya si Nessy?"si Yaya.

Dali-daling sinubukan ni Yaya na kontakin si Madam Nessy. Pero out of coverage area raw iyong cellphone niya. Dahil dun, minabuti ko na kumilos na at magbihis. Pupunta na ko sa shop, aalamin ko kung ano ba talaga ang nangyari.

                                                                       #

Pagdating ko sa shop, may mga pulis pa rin na nakabantay. May nakaharang na rin na police tape sa paligid nito, kaya di na ko makakalapit nang basta lang. Naisipan ko na lang na lapitan at kausapin iyong isa sa mga pulis.

"Sir, magtatanong lang ho sana ko tungkol kay Nessy Balasi."

"Kakilala mo iyong may-ari ng botika na 'to?"

"Oho, naging customer ho kasi ko dito; tsaka best friend ho kasi siya nung mayordoma namin sa bahay."

"Kung ganun, may alam ka bang mga lugar na pwede niyang puntahan ngayon?"

"Wala ho eh; sinubukan ho namin na kontakin siya kanina, nung nakita namin sa balita 'tong nangyari dito. Pero di ho namin siya nahagilap. Kaya nga nagpunta po ko dito, para alamin kung may balita kayo sa kanya."

"Blanko kami ngayon tungkol sa kanya, pero iniimbestigahan na namin kung anong nangyari sa kanya."

"Teka, nawawala ho ba siya?"

"Ganun na nga; napag-alaman namin na sa probinsya ang bahay niya, ang tanging tinutuluyan lang niya dito sa Maynila ay itong botika niya. At ayon naman dun sa lokal na pulis na pinapunta namin dun sa bahay niya, wala siya."

Shet! Malaking problema 'to! Ayaw kong maging selfish iyong dating ko pero, kung nawawala si Madam Nessy, ibig sabihin pwedeng matatagalan pa na ganito iyong kalagayan namin ni kumag!

"Sa ngayon, dalawang posibilidad ang tinitignan namin; pwedeng alam niya na may mangyayari kagabi kaya tumakas at natago na siya, o di kaya dinukot siya. At kaya pinasabugan itong lugar, para burahin ang mga ebidensya na pwedeng makapagturo sa mga may gawa nito sa kanya."

Napaisip ako sa mga sinabi niya.

"Ikaw? Sabi mo kamo naging customer ka dito, wala ka bang napansin na kakaiba o kahina-hinala nung nakaharap mo siya?"

"Actually, first time ko lang ho na nakapunta dito nung isang araw—"

Nung isang araw...Teka! Iyong dalawang ulupong na inupakan ko nun! Di kaya may kinalaman sila dito? Pero masyadong matindi iyong natamo nila mula sa akin eh, kaya di rin sila makakabalik dito nang ganun-ganun lang.

"Ah sir, nung dumating ho ko kasi dito nung isang araw, naabutan ko si Madam Nessy na ginapos ng dalawang lalakeng mukhang goons sa backroom. Buti na lang natulungan ko siya. Naisip ko lang ho kasi, baka konektado iyon sa nangyari dito kagabi."

"Naireport niyo ba sa amin iyang insidente na iyan?"

"Oho, at may nagpunta rin hong mga pulis nun dito. Kinuhanan pa nga ho nila ko ng statement eh."

"Teka, ano nga palang pangalan mo?"

"Sandro ho, Alessandro Monteballe."

Nagpaalam sandali iyong pulis, tatawag daw siya sa headquarters nila para iconfirm ang mga sinabi ko. Ilang minuto lang, binalikan na niya ko.

"Sigurado ka ba na pulis talaga iyong mga nakausap mo?"

"Oho, nakauniform sila gaya niyang suot niyo eh, at may dala rin silang police mobile. Bakit niyo ho natanong iyan?"

"Ayon kasi sa headquarters, wala kaming tao na pinadala dito nung isang araw, ni walang insidente na gaya ng mga sinabi mo ang naireport sa amin."

"Ho!"

Nabigla ako sa mga sinabi niya.

"Isa lang ibig sabihin nito; fake iyong mga pulis na nakausap mo, at marahil tama rin ang hinala mo na konetakdo ang dalawang insidente."

Kung ganun hindi lang basta-basta itong pagkawala ni Madam Nessy, may mas malalim pang dahilan. Nalintikan na! Mas lalo pang lumaki ang problema namin ngayon!

                                                                       #

Wala na kong magagawa pa, kaya umalis na ko dun sa shop. Dumiretso na lang ako ng Shotopyu. Nasa may entrance na ko, pero nag-aalangan akong pumasok. Tanong ko sa sarili ko; tanggapin pa kaya ko dito ni Mayor, ngayong alam na niya iyong totoo?

Pumasok na ko. Naabutan ko si Mayor na nagmemeditate sa gitna ng training hall. Ayaw ko sana siyang distorbohin, pero kailangan ko siyang kausapin, kaya dahan-dahan ko siyang nilapitan sa may likuran niya.

"M-Mayor,"kabado kong pagtawag.

Di siya kumibo o lumingon man lang.

"A-Alam ko galit kayo sa akin ngayon. Pero, sana naman mapatawad niyo ko kung itinago ko sa inyo iyong pagkatao ko. Tapos na kasi iyong chapter na iyon na buhay ko eh, ibinaon ko na iyon sa limot mula nung pumasok ako dito."

"Ibinaon sa limot? Hmph, kagaguhan! Kung talagang kinalimutan mo na ang lahat, bakit mo pa 'to tinatakasan?"

Saglit akong natigilan sa naging sagot niya.

"Hindi naman sa tinatakasan Mayor; ayaw ko lang na mag-iba iyong tingin sa akin ng mga tao dito, ayaw kong layuan niyo ko, ayaw kong mawala iyong respeto niyo sa akin."

Bigla na siyang tumayo, lumingon siya at hinila ko sa damit.

"Naririnig mo ba iyang sarili mo, ha Sandro! Alam mong isa sa mga dojo-kun natin ay ang katapatan! Kaya paano mo nasimukrang lokohin nang ilang taon di lang ang mga tao dito, kung di pati ang sarili mo! At anong pinagsasasabi mong respeto? Eh ni hindi mo nga nagawang ibigay iyon sa sarili mo, dahil mas pinili mong ikahiya ang kung ano ka! Isa kang malaking ipokrito!"

Malaman iyong mga sinabi ni Mayor. At aaminin ko, nangarag ang utak ko; namasa rin ang mga mata ko dahil dito. Kasi tama siya, naging ipokrito ko. At ni hindi ko narealize iyon sa sarili ko. Pero, hindi ako nagsisisi. Dahil sa anim na taong itinago ko ang lahat, alam kong naging tahimik ang buhay ko.

"Madali para sa inyo na sabihin iyan Mayor, palibhasa hindi naman kayo iyong mahuhusgahan ng mga tao. Bakit? Kayo ba, kaya niyong tanggapin na ganito iyong mga anak-anakan niyo nang ganun-ganung lang?"iyon na lang ang nasabi ko.

Natigilan siya; mayamaya pa, binitiwan na rin niya ko.

"Hindi madali, pero dahil anak na ang turing ko sa inyo ni Baste, wala akong pagpipilian kung di ang tanggapin kayo. Isa pa, hindi ko rin maaatim na talikuran kayo sa kundisyon niyo ngayon,"sagot niya, sabay iwas ng tingin sa akin.

Medyo napangiti naman ako sa narinig ko. Okay, kahit paano makakahinga na ko nang maayos ngayon.

"Siya nga pala Mayor, nandito na ba siya?"

"Ah, kanina pa; nandun siya sa may gym."

"Hmph, nandito ka na pala,"at biglang sumulpot iyong taong tinutukoy ko.

"Oh heto na pala siya,"si Mayor.

Nice timing sana, dahil masasabi ko na sa kanilang pareho iyong mga napag-alaman ko tungkol kay Madam Nessy; kaso nakakagago iyong ayos niya. Lumabas daw ba nang topless at nakasweat shorts lang. At naliligo pa sa pawis ang kumag! Ano naman kayang trip niya?

"Psst! Oy! Natutulala ka diyan? Don't tell me naaakit ka na naman sa akin?"ngingisi-ngisi niyang hirit.

"Hmph! Na naman? Sa pagkakaalala ko, ikaw iyong naakit sa akin da—"

Ampucha! Naisahan ako! Di ko napagilang magsalita nang tungkol sa kanya! Ayan, umatake na naman iyong pills! Diretsong banyo tuloy ako nang di oras.

                                                              #

Nang okay na iyong pakiramdam ko, bumalik na ko agad sa training hall.

"Oh ano Sandro, okay ka na?"si Mayor.

Iyong kumag na Ex-Men naman, ngingisi-ngisi pa rin sa akin. Bwiset talaga!

"Okay na ko Mayor, buhay pa naman ako so far."

Pasalamat siya dahil may malaki kaming problema ngayon na kailangang pagtuunan nang pansin. Sa ngayon palalampsin ko siya, pero I swear! Makahanap lang ako ng chance, gagantihan ko talaga siya!

"Oh siya! Ang mabuti pa siguro, puntahan na natin ngayon iyong sinasabi niyong Madam Nessy. Nang matapos na iyang problema niyo."

"Iyon na nga iyong gusto kong sabihin sa inyo eh, di ba kayo nakanood ng morning news kanina?"

"Huh? Bakit, anong nangyari?"si Mayor.

"Iyong shop ni Madam Nessy, pinasabugan ng granada kagabi!"

"Ano! Eh si Madam Nessy, ligtas ba siya?"si kumag.

"Nanggaling na ko dun kanina sa shop, it turns out na nawawala si—."

Naputol ang pagsalilita ko, dahil bigla akong nakaramdam nang kung anong matalas na bagay na dumaplis sa kanang balikat ko. Dahil din dun, napayukyok ako. Pagtingin ko, may sugat na ko. Tapos meron akong nakitang nakatusok sa sahig, bolt ng crossbow!

Base sa posisyon na pinagbagsakan nung bolt(sa may di kalayuan mula sa likuran nilang dalawa), mukhang sa likuran ko nanggaling 'to. Dahan-dahan akong tumayo at lumingon. Paglingon ko, nagulat na lang ako nang bigla akong tinulak at inakap nang maghigpit ni Baste!

The next thing I know, bumagsak kami sa sahig. At nasundan iyon ng sunod-sunod na pagbagsak ng mga bolt sa sahig. Kung di niya ko tinulak, tiyak ako iyong sapul.

Napalingon ako, may natanaw akong silhouette ng isang lalaking nakajacket at cap sa may tapat ng pinto. At may hawak nga na crossbow! Kaso tumakbo na siya, pero sinundan at hinabol naman siya ni Mayor.

"Okay ka lang ba?"

Napatingin ako sa kanya, dahil sa pagtatanong niya. At ang lapit pala ng pagmumukha ng kumag sa akin! Damang-dama ko tuloy iyong bawat paghangos niya.

Pero may isang bagay pa na ngumarag sa diwa ko, iyong titig niya sa akin. Naalala ko pa, ganito rin iyong itsura niya nung ipinagtanggol niya ko nun kay Fidel.

"Huy! Unggoy na wilab! Magsalita ka, tinatanong kita!"

Okay, bigla kong natauhan at nabwiset na naman! Dahil sa itinawag niya sa akin.

"Hmph! Hindi ako magiging okay, hangga't di ka po lumalayas diyan sa ibabaw ko!"inis kong sagot, with matching tulak nang malakas kanya.

Tuluyan na siyang napaalis sa ibabaw ko, dahil sa ginawa ko. Agad na kong bumangon at tumayo, ganun din siya.

"Style mo rin eh noh? Kunwari ka pang inililigtas ako, pero gusto mo lang namang umiskor sa akin!"

"Hmph, feeling naman nito!"napapangisi niyang reaksyon.

Di ko na siya pinatulan pa, lumakad na ko para sundan si Mayor. Sumunod din naman iyong isa sa akin. Pagdating sa labas, si Mayor na lang nadatnan namin.

"Mayor! Nasaan na iyong lalake?"

"Wala na, nakatakas ang leche! Sumakay ng motor!"

Dahil dun, bumalik na lang kami ulit sa loob ng dojo.

                                                                       #

"Ang lakas din ng loob ng gago na iyon! Huwag lang siyang magkakamaling bumalik dito, dahil babaliin ko talaga lahat ng buto sa katawan niya, at ipapalamon ko sa kanya isa-isa iyong mga palaso niya!"

Beastmode na naman si Mayor. Pero sino ba naman ang di magagalit, eh pinagtangkaan ng lokoloko na iyon ang buhay ko.

"Mautak ang isang iyon Mayor. Sa tingin ko, alam niya na hindi siya uubra sa mga tao dito sa malapitan na laban,"si kumag.

Pinulot niya iyong isa sa mga bolt.

"Kaya gumamit siya nang ganito."

"Tama siya Mayor. At mukhang hindi rin basta-basta iyong taong iyon."

"Huh?"

"Tatlo tayong nandito, pero nagawa niyang sadiyain na ako lang ang matamaan."

"May punto ka diyan Sandro, pero di ba't nangangahulugan din iyon, na ikaw talaga iyong punterya niya."

Napatingin ako sa iba pang bolt na nakatusok pa rin sa sahig. Dun ko lang napansin, may nakafold na papel palang nakatuhog sa isa sa mga 'to. Kinuha ko ito at binuklat, may nakasulat.

"Huwag mo nang subukang makialam, kung mahal mo ang buhay mo!"

"Mukhang ako nga talaga ang pakay ng taong iyon,"sambit ko, sabay pakita sa kanila nung nakasulat sa papel.

"Pero ano namang dahilan at pinagbabantaan niya nang ganyan ang buhay mo?"tanong ni Mayor.

Di ko pa nga pala nasabi sa kanila iyong nangyari, nung una kong punta sa shop. So, ipinaliwanag ko muna sa kanila ang lahat.

"Kung ganun, maaring nakikinita na nung kung sino mang utak ng lahat ng ito, na magiging balakid ka sa kanila. Dahil nga natunugan mo sila nun. Siguro, umiikot na ang mga bituka nila sa takot na maulit iyon,"si Mayor.

"For short; ayaw nila na matulungan mo ulit si Madam Nessy, kaya gusto nila na mapashut up ka,"dagdag ni kumag.

"At iyon ang gagawin ko."

"Nasisiraan ka na ba! Balak mong ilagay ang sarili mo sa panganib?"

"Look, kailangan natin si Madam Nessy para sa antidote ng pills. Besides di ko maaatim na nganganga lang ako, knowing na may pwede naman akong gawin para matulungan siya."

"Hay, meron pa rin pa lang hindi nabago sa iyo. Kasi until now, padalos-dalos ka—"

Nahinto bigla si kumag sa pagdadaldal, at napatakip ng bibig. Oh yes! Ginawa niya! Akalain mo iyon, nakaganti ako nang di ko ineexpect. Haha! Ayun, napatakbo na siya.

                                                                 #

Nilapatan ko muna sandali ng first aid iyong sugat ko. Sunod, tinawagan ko si Yaya Gigi. Ibinalita ko sa kanya na nawawala si Madam Nessy. Dama ko sa boses niya na todo siyang nag-aalala para sa kaibigan niya.

Tinanong ko rin sa kanya, iyong tungkol sa probinsya na nabanggit nung pulis kanina. Matapos ko siyang makausap, binalikan ko na si Mayor. Bumalik na rin si kumag galing ng banyo.

"Matanong nga kita nang siryoso Sandro, sigurado ka ba talaga diyan sa gusto mong gawin?"tanong ni Mayor.

"Oo Mayor; tsaka di ko lang naman 'to gagawin para sa sarili ko, gagawin ko din 'to para kay Yaya Gigi. Alam ko kasing hindi matatahimik ang loob niya, hangga't di nalalaman kung ano ba talagang nanyari sa kaibigan niya."

"Kung ganun, sasamahan kita. Hindi ako papayag na lumarga ka nang walang kasama, lalo na't may nagbabanta sa buhay mo,"si Mayor.

"Sasama rin ako."

Napatingin ako kay kumag sa sinabi niya. Ewan ko, pero parang ayaw ko ata siyang isama.

"Kailangan talaga umekstra ka pa?"iritable kong tanong.

"Syempre! Para rin kay Yaya Gigi, tsaka sa antidote."

Napakamot na lang ako ng ulo.

"Teka muna, saan mo namang balak na magsimula ng paghahanap?"si Mayor.

"Sa probinsya ni Madam Nessy, may kutob ako na may makukuha tayong kasagutan dun. Tsaka sabi ni Yaya Gigi, may kapatid daw dun si Madam Nessy; baka raw makatulong siya tungkol sa antidote."

"Iyon naman pala eh! Eh mas dapat naman pala talaga kong sumama,"ngingisi-ngising hirit ni kumag na parang nang-aasar na naman.

"Oh siya! Saan ba iyang probinsya na iyan?"

"Itetext daw sa akin ni Yaya iyong address."

Pagkasabi ko nun, bigla na ngang tumunog iyong cellphone ko. Iyon na iyong text ni Yaya.

"Ito na pala."

Sabay-sabay naming binasa iyong address ng lugar.

"Hmmm...Baryo Daang Matuwid,"si Mayor.

Hmph,ang baduy ng pangalan nung lugar ah. Napatingin ako kay Mayor; nakahawak siya sa baba niya, parang napapaisip.

"Bakit Mayor? Alam niyo ba itong baryo na 'to?"

"Hindi pa ko nakakapunta diyan sa mismong baryo na iyan; pero, may bigla lang akong naisip na ideya!"

Biglang lakas iyong boses niya, parang excited.

"Ano naman iyan Mayor?"si kumag.

"Hindi ba't may long weekend simula sa biyernes?"

"Oo nga."sagot ko.

"Iyon! Isasama natin iyong mga estudyante niyong bata, para sa isang training camp dun!"

"Mayor naman, hindi excursion itong lakad natin. Tsaka baka nakakalimutan niyo; may banta ngayon sa buhay ko, ayaw kong pati sila madamay!"

"Hmph!"

Bigla niya kaming inakbayan nang sabay ni kumag. Nasa gitna kasi namin siya.

"Eh kaya nga nandun tayong tatlo di ba? Para protektado sila! Tsaka para maiba naman iyong ambience ng pag-eensayuhan nila di ba? At tamang-tama rin, dahil sa biyernes na rin ang balik ni kumander at nung mga seniors. Kaya may tatao na dito sa Shotopyu."

Naka, hindi ko talaga gusto itong ideya na 'to. Pero mahirap nang kontrahin si Mayor. Napatakip na lang tuloy ako ng kamay sa mukha ko, facepalm ika nga. Naway patnubayan na lang kami ng mahabaging may kapal sa adventure na 'to.

                                                                  #

Dumating iyong araw ng pag-alis namin. So far, hindi pa rin naman nagpaparamdam ulit iyong nagtangka sa akin. Pero alerto pa rin ako syempre.

Nasa may garahe ako, nagsasakay ng mga gamit ko sa van na gagamitin namin; paalis na kasi ko. Si Yaya Gigi, lumabas dala iyong ilang gamit pang naiwan ako sa loob.

"Oh ito pang isang bag, baka makalimutan mo,"sambit niya, sabay abot nito sa akin.

"Salamat po Yaya,"sagot ko, sabay kuha nito.

"Iho mag-iingat ka dun ah; diyos ko, ako iyong natatakot para sa iyo dahil diyan sa gagawin mo eh. Kung pwede nga lang sana eh huwag ka nang umalis."

"Ya, mas okay na rin po na wala muna ko dito sa bahay; baka mamaya po niyan kasi dito pa sumulpot iyong taong nagtatangka sa akin, madamay pa kayong lahat."

"Sabagay, tama ka rin naman diyan."

"Huwag na po kayong mag-alala, kayang-kaya ko iyong mga ulupong na iyon. At sisiguraduhin ko rin po, na maibabalik ko nang ligtas iyong kaibigan niyo."

"Sana nga't maging ligtas kayong lahat."

Napaakap na lang ako sa kanya.

"Siya nga pala Ya, huwag niyo na sanang sabihin kina Mama at Papa iyong totoong dahilan ng pag-alis ko. Lalo na po iyong tungkol sa banta sa buhay ko. Ayaw ko kasi na mag-alala pa sila."

Napatango na lang siya. Pagtapos nun, umalis na ko para sunduin na sina Mayor at iyong mga bata sa dojo.

                                                                          #

Nasa labas na kami ng mga bata, pati na rin si kumag. Si Mayor na lang ang hinihintay namin, kausap pa kasi siya ni Senyora Mira. Ay mali pala, sinesermonan pala siya! Hehe. At kahit na nasa labas kami, dinig na dinig namin 'to. Ibang klase! Mayamaya pa, lumabas na si Mayor nang nakakunot ang noo.

"Hmph, Mayor, masarap po ba sa tenga iyong sermon ng asawa niyo?"tila nang-iinis na naman hirit ni Anton.

Iyo ibang mga bata, halatang nagpipigil ng tawa sa sinabi niya. Si Mayor naman, biglang idinudol iyong pagmumukha niya sa kanya.

"Gusto mong subukan ko sa iyo ngayon, nang malaman mo? Ha?"iritableng sagot ni Mayor.

"Been there, done that; di ba halos araw-araw niyo na pong ginagawa iyon sa amin?"

Lalong kumunot iyong noo ni Mayor, pero nanatili siyang pasensyoso ngayon. Sa halip, sinabihan na lang niya kami na sumakay na sa van. Pasakay na sana ko sa driver's seat.

"Oy Sandro! Saan ang punta mo?"

Pero tinawag ako bigla ni Mayor, kaya napahinto at lingon ako sa kanya.

"Sasakay, para magmaneho. Bakit?"sagot ko.

Lumapit siya sa akin.

"At sino naman ang may sabi sa iyo na ikaw ang magmamaneho? Ako ang magmamaneho, kaya lumayas ka diyan!"

"Tama si Mayor, ipaubaya mo na iyan sa kanya,"at umepal na naman ang kumag.

"Fine! Tatabi na lang ako sa mga bata,"sagot ko, sabay abot kay Mayor nung susi.

"Hindi! Dun kayong dalawa sa pinakalikuran!"

"Ano! Pagtatabihin niyo kami?"gulat, at sabay naming reakasyon ni kumag.

"Kung ayaw niyong magtabi, pwede kayong magkandungan. Ano? Mamili kayo."

At nakita ko naman iyong sarcastic niyang ngisi. Something tells me na tinotopak na naman itong si Mayor. Napakamot na lang tuloy kami ng ulo ni kumag. Tapos sinunod na lang namin iyong gusto niya, kahit na obviously eh pareho naming ayaw.

Pagsakay namin, nagkatinginan na lang kami.

"Oh, anong tinitingin-tingin mo diyan?"tanong niya.

"Wala, eh tumingin ka rin naman sa akin ah."sagot ko.

Siya na iyong naunang umiwas ng tingin. Badtrip 'to, promise! Ang haba pa naman ng biyahe namin, tapos pagmumukha ng Ex-Men na 'to ang nakabalandra sa tabi ko! Pero wala na rin naman na kong magagawa, kaya shut up na lang ako. Literal na shut up! Obvious na kung bakit.

Continue Reading

You'll Also Like

DUYAN By Deee

Short Story

23.7K 1.4K 15
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ] Synopsis: Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito r...
241K 1.9K 7
Ang ALUGURYON ay base sa pelikula at akdang "Memoirs of Geisha", kung napanood niyo na ito ay tiyak na mag eenjoy kayo at makakarelate, kung hindi pa...
926K 2.5K 6
Alexander Villanueva always being tagged as "May Itsura naman" and he always hated hearing that comment, dahil para sa kanya it's either guwapo ka o...
120K 3.3K 31
About LGBT in Philippines. About Love, Sacrifice and Happiness.