MY 2: The Vow (EDITING)

By pinkyjhewelii

19.8M 263K 47.5K

│PUBLISHED│ PART 2 of MARRY YOU Copyright © Pinkyjhewelii, 2014 More

MARRY YOU 2: The Vow
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13 ∞ Bastard
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 ∞ Simbahan
Chapter 19 ∞ Moment
Chapter 20 ∞ Lucky
Chapter 21 ∞ Cookies
Chapter 22 ∞ Red Bottle
Chapter 23 ∞ Appreciated
Chapter 24 ∞ Baby Doll
Chapter 25 ∞ Get Out
Chapter 26 ∞ Not destined
Chapter 27 ∞ Let Go
Chapter 28 ∞ What?
Chapter 29 ∞ Time And Space
Chapter 30 ∞ Bakit..
Chapter 31 ∞ Speechless
Chapter 32 ∞ Leave
Chapter 33 ∞ Lesson learned
Chapter 34 ∞ Result
Chapter 35 ∞ One Minute
Chapter 36 ∞ Pervert
Chapter 37 ∞ Diamond ring
Chapter 38 ∞ Piece Of Sh*t
Chapter 39 ∞ Confidential
Chapter 40 ∞ Get Lost
Chapter 41 ∞ Fault
Chapter 42 ∞ Pain
Chapter 43 ∞ Begging
Chapter 44 ∞ Beg And Let Go
Chapter 45 ∞ Over
END
MUST READ

Chapter 14

477K 5.8K 664
By pinkyjhewelii

Yumiko POV

Andito kami sa mall ni Lance. Ewan ko ba kung anong nakain nyan. Bigla nalang nagyaya sa mall. Hindi nga pala sya masyadong pumapasok sa school kasi tini-train na sya sa company.

Ako naman, ewan. Parang 'di ko pa feel pumasok. Almost two weeks na ang nakaraan at magaling na din yung binti ko. Okay na, nakakalakad na'ko ulit.

For the past few days, wala namang kakaibang nangyari, si Lance busy na rin talaga sa kompanya nila. Sweet na sya lagi at doon pa din sya natutulog sa kwarto ko.

"Babe saan mo gustong kumain?" Tanong ni Lance.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad dito sa gitna ng mall. Ilang babae na din nagtinginan sa'min. Sa gwapo ba naman ng soon to be husband ko.

"Anywhere." Sagot ko. Di naman ako mapili eh.

"Sige. Mag-CR lang ako sandali tapos kain na tayo. Hintayin mo ako dito." Paalam ni Lance.

Tumango ako bilang sagot. Naiwan ako dito sa may labas ng papuntang CR. Nakatayo lang ako.

Maya-maya ay may lumapit na dalawang lalaki sa'kin.

"Hi Miss. Nag-iisa ka? Tara, join ka sa'min." Sabi nung isa.

"Oo nga Miss. Siguradong mag-e-enjoy ka." Segunda ng isa.

Psh. Mataray ako baka nakakalimutan nyo? "Stop talking to me." Sabi ko.

"Aba, spokening english pala 'to brad. Ayos 'to!" Sabi nung isa.

Poor people. Spokening? WTF. Inirapan ko nalang sila.

"Pakipot pa si Miss oh. Ang ganda mo pa naman."

"Go away." Mapanganib na sabi ko. Malapit na'ko mapuno sa mga 'to.

"Ano ka ba Miss. Sumama ka na kasi sa'min."

Hinawakan nya ako sa braso. Damn. Hawakan na nya ang lahat, wag lang ako.

"Do--"

Handa pa naman sana akong sipain sa 'precious one' itong lalaki na'to pero wala, naunahan nako. Sino paba?

"Hindi ko pinapadapuan sa lamok ang asawa ko tapos ikaw na kutong lupa hahawak sa kanya? Sawa ka na ba sa buhay mo!?" Sigaw ni Lance.

Syempre, mawawala ba naman ang famous line nya?

"Sorry po!" Sabi nung lalaki. Patakbo na sila.

"Tch. Duwag pala." Sabi ni Lance saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ikaw.."

Kumunot noo ko. "Ha?"

"Wag ka na nga masyadong magpapaganda 'pag lalabas tayo. Tch. Bwisit na mga yun. Lakas ng loob lumapit sa'yo. Ni wala pa sila sa kuko ko sa ka-gwapuhan."

Sige Lance. Magbuhat ng sariling bangko. "Oo nalang babe."

"Why? Totoo naman eh. Basta babe ha? Wag ka na masyado magpapaganda. Tch. Napapahamak ka eh. Ayoko ng hahawakan ka ng iba. Akin kalang. Pag-aari kita."

Possessive. Pero okay lang. Kinikilig naman ako 'pag ganyan si Lance. Kasi 'pag ganon, alam kong nagseselos sya.

Hinawakan na nya ang kamay ko saka kami naglakad na papuntang kakainan namin.

"Yumi."

Napatitig ako bigla sa nakasalubong namin. Si Trigger. Two weeks na din kaming 'di nagkikita. Ayaw kasi ni Lance na dumalaw sya sa mansyon. Ewan ko ba, ang init init ng dugo nya kay Trigger. Wala namang ginagawang masama yung tao. 

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay kay Lance. Baka kasi biglang manuntok.

"T-Trigger.."

"Let's go babe." Sabi ni Lance.

"Buti magaling kana. I missed you." Sabi ni Trigger.

"DAMN YOU! Bastos mo brad. Sasabihan mong nami-miss mo ang asawa ko sa harap ko? Naghahanap kaba ng sakit ng katawan!?" Nagbabantang tanong ni Lance.

Feeling ko mag-aaway na naman sila. Kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Lance. Si Trigger naman cool pa ding nakatingin sa'min.

"Sa pagkakaalam ko, hindi mo pa sya asawa Abellano. Wag ka munang magpaka-kampante." Makahulugang sabi ni Trigger.

"FUCK YOU!!"

Susugurin sana ni Lance si Trigger. Buti nalang nakahawak ako ng mahigpit sa kanya. Mabilis akong pumagitna sa kanina. Yung mga mata nila parang may lazer beam na tinatamaan ang isa't isa.

"Babe please.." Sabi ko kay Lance. Baka mamaya may lumapit na sa'min na guard. Yung ibang dumadaan nga napapatingin na.

"Tandaan mo Abellano, hindi mo pag-aari si Yumiko." Sabi ni Trigger saka umalis na. Pero di pa man sya nakakalayo, nagsalita ulit sya.

"Gusto kitang makasama ulit next time Yumi. I already missed you. Specially your lips. I want to kiss you again for the third time."

He winked at me bago tuluyang umalis.

"Damn it! What does it mean Yumiko!? He missed your lips? Did you two kiss twice?"

Hala. Patay. Ang alam lang ni Lance ay yung dati sa bar na hinalikan ako ni Trigger dahil may kahalikan din sya nun. Hindi nya alam yung second time na hinalikan ako ni Trigger.

"Yumiko I'm talking to you." Ulit ni Lance. Kasi napatungo ako. Galit sya. Hindi nga babe yung tawag nya sa'kin.

"B-Babe.." Slow motion pa'kong tumingin sa kanya.

"WHAT!?"

Napapitlag ako. Makasigaw naman kasi 'tong si Lance. Hello! Nandito kami sa mall. Ilang tao na ang dumaan na kakaiba ang tingin sa'min.

"B-Babe kasi ano.."

"I'm asking if you two already kissed twice!? Yes or no." Yung boses ni Lance kakaiba na. Alam kong galit sya. Waaa. Bakit kasi kelangan pang sabihin ni Trigger yun.

"Ye--"

"FUCK!"

Ayun nag-walk-out si Lance. Mabilis akong naglakad para habulin sya. "Babe.."

Hindi nya ako pinapansin. Patuloy sya sa paglalakad. Ang lalaki ng hakbang nya. Kasi naman si Trigger. Psh. Mag-aaway na naman ba kami ni Lance?

"Babe!"

Halos nababangga na'ko ng nakakasaubong ko sa paghabol kay Lance. Di nya ako pinapansin. "Babe!" Patuloy kong sigaw.

Napatigil ako. Biglang kumirot yung binti ko. Magaling na'to pero nalimutan ko, sabi nga pala ng doctor bawal pa ding pwersahin sa paglalakad. In short, di dapat ako naglalakad ng mabilis o pa-takbong lakad.

Pero si Lance..

Hindi ko na matanaw. Wala na. Iniwan na nya ako. Shit. Nakakainis. I know it's my fault. Naiintindihan ko kung nagalit si Lance. Pero diko naman ginusto yung kiss na yun nung second time. Nabigla nalang nga ako non nung hinalikan ako ni Trigger.

Napaupo muna ako dito sa may gitna, sa mga bench. Nananakit talaga binti ko. Aish.

Nanggigilid ang luha ko sa inis. Tiningnan ko phone ko. No sign of Lance. Hay. Away-bati nalang kami palagi.

Dumaan na nga yung two weeks na hindi kami nag-away tapos ngayon, away na naman. Ang ayoko lang kay Lance kapag ganyang nagagalit sya, wala syang pakialam sa mararamdaman ko.

"A-Aw.."

Kumikirot talaga yung binti ko. Shit. Bakit kasi hindi pa'to sobrang galing. Nakakainis!

"Calling the attention of Miss Yumiko Hayashi, please proceed to information desk.."

Huh? Ako yun diba? Ako yung pangalang binaggit?

"Calling the attention of Miss Yumiko Hayashi, please proceed to information desk.."

Ako nga. Bakit naman ako pupunta dun? Ang sakit na nga ng binti ko eh. Pinilit kong tumayo. At hinanap ko yung information desk. Bakit ba kailangan pa'kong hanapin? Ano bang meron? Psh.

Natatanaw ko na yung INFORMATION. Kainis. Medyo mabagal nga ako maglakad dahil sa binti ko.

Malapit na'ko sa information nang..

Biglang may yumakap sa'kin? Huh. Sino 'to?

"Babe sorry.."

Si Lance?

Nanggilid na naman yung luha ko. Hindi na'ko makapagsalita. Diko alam ang sasabihin ko dahil bukod sa naiinis ako sa pang-iiwan ni Lance, naiinis din ako dito sa binti ko.

Kumalas na si Lance ng pagkakayakap saka ako hinarap. "Babe akala ko kasunod lang kita kanina. Damn it! Nag-alala ako. Akala ko saan ka na napunta.."

Di ako sumasagot.

"Babe sorry. Kinain na naman ako ng selos ko. Sorry. Parang iisipin ko lang na hinalikan ka nya? Tangna parang guguho ang mundo ko. Sorry na. Sorry kung nasigawan kita at bigla kitang iniwan kanina."

Di pa din ako sumasagot. Kumikirot na talaga binti ko eh.

He kised me on my forehead bago ulit niyakap. "I'm sorry.."

Ewan ko pero 'pag ganitong yakap nya ako, I feel safe. Nawawala yung pagkainis o sama ng loob ko sa kanya. 

"Babe akin kalang. Sinasabi ko sayo, makakapatay talaga ako 'pag may nagtangkang umagaw sa'yo sakin."

Bahagya akong napangiti. Harsh man sya, cold man sya o mainitin ang ulo, he can still manage to be sweet. At yung pagiging sweet nya, nakakapagpasigla ng puso ko.

Hinarap nya ako ulit habang hawak ako sa magkabilang pisngi ko.

Then the next thing I knew, magkalapat na ang mga labi namin. He's kissing me slowly. I can feel his soft lips towards mine.

"Whoaaaaa!"

Para akong napaso na agad napabitaw kay Lance. Pagtingin ko sa paligid..

Ang daming nanunuod sa'min. Anong tingin nila? Shooting 'to? Nakakahiya!

"Tara na babe.." Bulong ko. Nahiya talaga ako. Yung iba nag-alisan na. Yung iba nanunuod pa din sa'min.

"Why?" Confused na tanong nya.

"Ang daming nanunuod sa'tin.."

"I don't care about them. All I care about is you. I will kiss you whenever I want even in front of the whole world."

"Kiss pa!!"

"Oo nga! Isa pa!!"

Waaaa! Bakit hindi nahihiya si Lance? Pero wow lang yung sinabi nya. Kakaiba din talaga bumanat si Lance minsan, tagos sa puso.

"B-Babe.." Napapakubli na'ko kay Lance. Nahihiya na talaga ako.

Lance smiled at me then gave me a peck on my lips. "Okay then. Naisip kong mas okay kung sa mansyon na'tin 'to ituloy.." He grins then hinila nya ako sa kamay paalis dun.

Narinig ko pa yung palakpakan at hiyawan nung mga tao dun. Nakakahiya talaga!

At the same time, kinikilig ako. Ewan ko kung bakit, siguro dahil....ano ba?

Dahil gwapo si Lance? What a reason. Hindi. Dahil mahal na mahal ko si Lance. Lahat ng gawin nya, kahit simpleng gesture o pagtawag nya ng babe sa'kin, kinikilig ako.

Ganon nga yata ang LOVE.

***

Lance POV

Nandito na kami ni Yumiko sa mansyon. Almost two weeks din akong naging busy sa company. Si Yumiko naiiwan dito.

Kagagaling lang namin sa mall. At ayun nga muntik na naman kaming mag-away. Nabuwisit talaga ako sa gagong Trigger na yun. Langya. Sinadya nyang pagselosin ako kaya binanggit nya yung kiss daw. Tangna. Sarap tapyasan ng labi eh. Tch.

Oo nga pala, sa loob ng dalawang linggo nalaman ko na na-approve ang partnership na ni-request ng Montecillo Corporation sa Hayashi. Kaya nga mas lumaki galit ko sa Trigger na yun. Ganon naba sya ka-desperado na makuha sa'kin si Yumiko?

Tch. Isang beses, nagpunta akong Japan para kausapin ng personal ang Papa ni Yumiko. Walang alam si Yumiko tungkol dun. Ang alam nya lang, nasa business tour ako. Humingi ako ng tawad sa Papa nya. Isa pa, hiningi ko na ulit ang basbas nya. Sinabi ko sa kanya na pakakasalan ko si Yumiko soon. Ngayon, inaayos ko muna ang kompanya. Buti at pumayag naman. Alam daw kasi nyang ako ang gusto talaga ni Yumiko.

Ayoko nang umabot pa sa point na si Trigger ang humingi ng basbas kay Mr. Hayashi. Baka mapatay ko lang sya. Tch. Akin si Yumiko.

"Babe?"

Napatingin ako kay Yumiko. Andito sya sa tabi ko sa salas. Kumakain kami ng paborito nyang brownies na binili din namin kanina sa mall.

Nanonood kami ng movie. Pinahiram lang ni Oliver yung DVD. Hunger Games: Catching Fire. Ang astig ng movie na'to.

"Yes babe?" Sagot ko.

"Kanina pa kita kinakausap. Bakit parang tulala ka?" Tanong nya. Makikita sa mukha nya ang pagiging confused. Masyado na ba talagang malalim ang iniisip ko? Tch. Tangnang Trigger yun eh.

"A-Ah, sorry babe. Ano ba yun?"

"Sabi ko, ang ganda nung mata ni Katniss."

Ang binabanggit nya ay yung bida sa hunger games. "Oo nga." Pagsang-ayon ko nalang.

"Kapag nabuntis ako, gusto ko sya paglihiian ko." Sabi nya na ikinalaki ng mata ko.

Ngayon lang kasi sya nag-open-up ng tungkol sa ganyang bagay. "Gusto mo na bang magka-baby?" Tanong ko.

Sabihin nya lang na 'oo' pagbibigyan ko talaga sya. Ngayon agad. Dahil sigurado na'ko sa kanya. Na sya ang gusto kong makasama habang buhay.

Napansin ko yung pamumula ng pisngi nya. "Oh bakit namumula ka?"

"Sabi ko lang naman kapag nabuntis ako. Hindi ko naman sinabing ngayon na." Sabi nya na mukhang naiilang pa sa'kin. Di makatingin ng diretso eh.

Napangiti ako saka sya inakbayan. "Babe paano kung gusto ko na ng baby?" Lambing ko.

"A-Ah, eh.."

Nakakatuwa talaga ang asawa ko kapag nauutal. Alam kong nahihiya sya 'pag ganyan. Sakin naman, hindi na censored ang usapang ganito. Kaming dalawa din naman sa huli eh. Saka, asawa na turing ko sa kanya.

"Sabi pa naman ni little devil, gusto nya triplets." Totoo naman eh. Wala naman sa genes ng Abellano ang nagkakaroon ng twins o triplets pa.

"Mase-set ba yun babe para maging triplets?" Confused na tanong nya.

Natawa ako. "Araw-arawin natin babe ang paggawa ng baby para sure na triplets ang kalabasan." Biro ko.

"YAAAAAAAA!!!!! Ang pervert mo Lance!?"

Ayun nagtatakbo paakyat. Iniwan ako ng babe ko dito sa salas mag-isa. What's wrong? Masama ba yung sinabi ko? Hindi naman ah?

Tch.

Continue Reading

You'll Also Like

123K 2.8K 60
[Tagalog Story] - FALCON BOYS SERIES #1 Nathalie Perez, the innocent, simple, pretty girl na matagal ng may gusto sa isang lalaking alam niyang kahit...
564K 12.4K 63
Kung sino pa yung mga taong wagas kung magmahal, sila pa yung madalas nasasaktan, sila pa yung hindi nakukuha yung mahal nila, sila pa yung naiiwan o...
10.4M 391K 35
Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeous in-denial stalker 24/7! ...
Marry You By Pinky

Teen Fiction

21M 304K 47
│PUBLISHED│ Tigers #2 Lance Abellano